You are on page 1of 28

ARALING

PANLIPUNAN
Unang Markahan
Unang Linggo
ARALIN 1:
MGA SIMBOLO NA
GINAGAMIT
SA MAPA
INAASAHAN:
1. Nabibigyang kahulugan ang mga
simbolo sa mapa;
2. Naiguguhit ang mga simbolong
ginamit sa mapa;
3. Napapahalagahan ang mga simbolong
ginagamit sa mapang pisikal
at mapang pangkultura ng NCR
sa tulong ng mga pananda.
BALIK-TANAW:
CROSS-WORD PUZZLE
Panuto: Punan ng tamang sagot ang
puzzle ayon sa patnubay na
pangungusap.
B U N D O K
A
I L O G R
A I
T U L A Y
E
S
MAHUSAY MGA BATA!
MAPA
Ang mapa ay isang
representasyon o
larawan ng isang
lugar na madalas
makita sa papel o
patag na
kasangkapan.
Makikita sa mapa ang katangiang
pisikal ng isang lugar tulad ng kabundukan,
karagatan, ilog, lawa, at
iba pa. Maaari ding ipakita sa mapa ang
kapaligirang pangkultura ng isang lugar tulad
ng paliparan, tulay, gusali, at iba pang
estraktura.
Ang mapa ay gumagamit ng iba’t
ibang simbolo upang ipakita ang
katangian at iba pang impormasyon
ukol sa mga lugar. Makikita rin dito
ang eksaktong kinalalagyan ng isang lugar
at iba pang bagay na
matatagpuan dito.
Ang mga simbolo o panandang ginagamit
sa mapa ay nagtataglay ng kahulugan o impormasyon
ukol sa lugar na kinakatawan nito. Madali lamang
kilalanin at intindihin ang
kahulugan ng mga simbolo sa mapa.
Karaniwang ginagamit na larawan sa mga simbolo ng
mga bagay ay ang mismong hugis nito. Mahalagang
maintindihan ang bawat simbolo upang mas madaling
makita o mapuntahan ang isang lugar.
Pagmasdang mabuti at pag-aralan ang mapang pisikal at
mapang pangkultura ng Pambansang Punong Rehiyon o
National Capital Region (NCR).
Makikita sa
mapang pisikal
ang mga
simbolo ng
anyong lupa at
anyong tubig.
Sa mapang
pangkultura
naman ay mga
simbolo ng
estraktura tulad
ng bahay, gusali,
tulay, at iba pa.
GAWAIN A:
Panuto:
Isulat kung ang simbolo o
pananda ay anyong lupa,
anyong tubig o estraktura.
ESTRAKTURA
ANYONG LUPA
ESTRAKTURA
ANYONG TUBIG
ANYONG TUBIG
MAHUSAY MGA BATA!
GAWAIN B:
Panuto:
Iguhit sa loob ng kahon ang
simbolo o pananda ng
lugar na tinutukoy.
MAHUSAY MGA BATA!
TANDAAN:
Ang mapa ay gumagamit ng iba’t ibang
Ano ang mapa?
simbolo upang ipakita ang
katangian at iba pang impormasyon ukol sa
mga lugar.
Makikita
Ano angdito ang eksaktongsa
makikita kinalalagyan
mapa? ng
isang lugar at iba pang bagay na
matatagpuan dito.
PANGWAKAS NA
PAGSUSULIT:
Panuto:
Bilugan ang titik ng
tamang sagot.
MAHUSAY MGA BATA!
MARAMING SALAMAT
SA PAKIKINIG!

You might also like