You are on page 1of 6

School Amparo Elementary School Grade Level Grade 3

GRADE 3 Teacher May V. Rellermo Learning Area Mathematics


DAILY LESSON Date and Time: February 16, 2022 (Wednesday)
LOG 3:00pm-4:30pm
(Synchronous Class Schedule)

3rd QUARTER-WEEK 1
I. Objective/s Natutukoy ang mga bilang na odd at even.
(M3NS-IIIa-63)
II. Content MGA BILANG NA ODD AT EVEN
III. Learning Resources
A. References
1. Teacher’s Guide pages Mathematics 3 Teachers Guide pp. 256-259
2. Learner’s Materials pages Modyul sa Mathematics 3 (Q3Wk1) pp. 1-10
3. Textbooks pages Mathematics 3 pp. 215-217
4. Additional Materials from Deped Commons, Deped LMS
Learning Resource Portal
B. Other Materials Laptop, powerpoint presentation, mga larawan mula sa internet
IV. Procedures
A. Reviewing previous lessons or Panimulang Gawain:
presenting the new lesson ● Panalangin
● Pamantayan
● Pagtatala

Balik-tanaw:
Ibigay ang sagot sa mga sumusunod na pamilang na pangungusap.

B. Establishing a purpose for the Ipakita ang larawan:


lesson

Itanong: Ano ang iyong nakikita sa larawan?


Dapat ba tayong kumain nito?
Bakit kailangan nating kumain ng gulay?
C. Presenting examples/ Basahin at unawain ang kwento:
instances of the new lesson
Ang Mga Prutas ni Mang Kulas

Siya si Mang Kulas (ipakita ang larawan), kilala siya bilang isang
mapagbigay na mamamayan sa kanilang barangay. Likas sakanya ang
ganitong pag-uugali dahil masaya siya sa kanyang ginagawa. Isang
araw ay madami siyang dalang mga prutas, nais niyang ibigay ito sa
iba’t ibang pamilya na malapit sa kanilang bahay. Naghanda siya ng
anim na basket, nais niyang malagyan ng tag-dadalawang prutas ang
bawat basket. Siya ay may apat na uri ng prutas. Ito ay ang 12
mangga, 9 na mansanas, 10 ponkan, at 13 pinya.
Una niyang inilagay ang 12 mansanas sa anim na basket, hinati
nya ito sa tig-dalawang piraso. Isununod niya ang tig-dadalawang
piraso ng mansanas sa apat na basket ngunit may isang natira sa
lalagyan. Ang ikatlong prutas na inilagay niya sa limang basket ay ang
10 ponkan, hinati niya ito sa tig-dadalawa. At ang huling prutas na
inilagay niya sa anim na basket ay ang 13 pinya, hinati niya muli ito sa
tig-dadalawa at mayroong natirang isang piraso sa lalagyan at ito ay
kaniyang itinabi.
Tuwang-tuwa at nagpasalamat ang anim na pamilya sa kabaitan at
pagiging mapagbigay ni Mang Kulas. Dahil sa ganitong pag-uugali ay
nirerespeto at minamahal nila si Mang Kulas sa pamamagitan ng
pagtulong dito.

Itanong sa mga bata:


-Nagustuhan nyo ba ang kwento mga bata?
-Paano mo mailalarawan si Mang Kulas sa kanilang lugar?
-Mayroon ka bang kakilala sa inyong lugar na may katulad ng pag-
uugali ni Mang Kulas?
- Kung ikaw ang isa sa mga kapit-bahay ni Mang Kulas ano ang iyong
mararamdaman sa kaniyang ipinakitang kabutihan?

D. Discussing new concepts Balikan natin ang ginawang pagbabahagi ni Mang Kulas ng mga
and practicing new skills #1 prutas sa anim na pamilya.
Tingnan ang mga bilang na 12, 9, 10, at 13. Ang 12 at 10 ay
maaaring mahati sa dalawa. Samantalang ang 9 at 13 ay hindi
maaaring hatiin sa dalawa dahil mayroong natirang isa sa bawat
lalagyan.

-Ano nga ba ang tawag sa mga bilang na maaaring hatiin sa


dalawa na walang labis o natitira?
Ang mga bilang na maaaring hatiin sa dalawa na walang labis o natitira
ay tinatawag na EVEN NUMBERS.
Ito ay ang mga bilang na nagtatapos sa 0, 2, 4, 6, at 8.

Halimbawa:
8, 12, 34, 70, 156

-Maaari ka bang magbigay ng iba pang halimbawa ng even


numbers?

-Ano naman kaya ang tawag sa mga bilang na hindi maaaring


hatiin sa dalawa na may parehong bilang?
Ang mga bilang na hindi maaaring hatiin sa dalawa na may parehong
bilang ay tinatawag na ODD NUMBERS.
Ito ay ang mga bilang na nagtatapos sa 1, 3, 5, 7, at 9.

Halimbawa:
7, 19, 23, 81, 145

-Maaari ka bang magbigay ng iba pang halimbawa ng odd


numbers?

Ipakita ang “ROLETA MATEMATIKA” at sagutin kung ang bilang na


hihintuan ng roleta ay ODD o EVEN.

E. Discussing new concepts


“CLEAN-UP”
and practicing new skills #2
Bawat virus na malilinis ay may kalakip na numero. Tukuyin kung ang
bilang ay EVEN o ODD. Itaas ang larawan ng masayang mukha ( )
kung ang numero ay EVEN at malungkot na mukha ( ) naman kung
ODD.
1. 3. 5.

2. 4.

F. Developing mastery (Leads to Hatiin ang klase sa 3 grupo at ibigay ang gawain na nakaatang sa
formative Assessment 3) bawat grupo. (5 minuto)

MATH-TINIK GROUP: “I-KAHON MO”- Ilagay ang bawat numero sa


tamang kahon (even box at odd box).

MATH-TALINO GROUP: “I-TULA MO”- Gumawa ng isang tula tungkol


sa ODD at EVEN na bilang.

MATH-TIYAGA GROUP: “AWITIN MO”- Gumawa ng isang jingle/awit


tungkol sa ODD at EVEN na bilang.

-Ang lider ng bawat grupo ay mag-uulat ng kanilang ginawa.


G. Finding practical applications of Ipakita ang Covid-19 updates ng Brgy. 179, tukuyin kung ang bilang ng
concepts and skills in daily living. active, confirmed, recovered, at died cases ay odd o even number.

-Ilan ang bilang ng confirmed cases ng Covid-19 sa Brgy. 179?


-Ang bilang ba ng confirmed cases ng Covid-19 sa Brgy. 179 ay odd
number o even number?
-Ilan naman ang bilang ng active cases ng Covid-19 sa Brgy. 179?
-Ang bilang ba ng active cases ng Covid-19 sa Brgy. 179 ay odd
number o even number?
-Ilan naman ang bilang ng recovered cases ng Covid-19 sa Brgy. 179?
-Ang bilang ba ng recovered cases ng Covid-19 sa Brgy. 179 ay odd
number o even number?
-Ilan naman ang bilang ng mga namatay sa Covid-19 sa Brgy. 179?
-Ang bilang ba ng mga namatay sa Covid-19 sa Brgy. 179 ay odd
number o even number?
-Bilang isang bata, ano ang magagawa mo upang makatulong na
maiwasan ang pagtaas ng bilang ng may covid-19 sa iyong lugar?

H. Generalization and abstractions


● Ano ang Odd numbers?
about the lesson
- Ang ODD NUMBERS ay mga bilang na hindi maaaring hatiin sa
dalawa na may parehong bilang.
● Sa anong bilang nagtatapos ang odd numbers?
-Ang mga odd numbers ay nagtatapos sa 1, 3, 5, 7, at 9.

● Ano ang even numbers?


- Ang EVEN NUMBERS ay mga bilang na maaaring hatiin sa dalawa
na walang labis o natitira.

● Sa anong bilang nagtatapos ang even numbers?


-Ang mga even numbers ay nagtatapos sa 0, 2, 4, 6, at 8.

I. Evaluating learning Tukuyin kung ang mga sumusunod na bilang ay odd o even number.
(Gamit ang link ng quizizz na ibibigay ng guro)

______1. ______4.

______2. ______5.

______3.

J. Additional activities for Gawin ang “Pag-alam sa Natutuhan- Gawain A” sa pahina 8 at


application or remediation “Pangwakas na Pagsusulit-Gawain A” sa pahina 9 ng Modyul.
V. Remarks

VI. Reflection
A. No. of learners who earned 80%
on the formative assessment
B. No. of learners who require
additional activities for remediation
C. Did the remedial lessons work?
No. of learners who have caught
up with the lesson.
D. No. of learners who continue to
require remediation
E. Which of my teaching strategies ___Experiment ___Role Play ___Collaborative Learning
worked well? Why did this work? ___Lecture ___Discovery
F. What difficulties did I encounter ___Bullying among pupils.
which my principal or supervisor ___Pupils’ behavior/attitude
can help me solve? ___Colorful/Ms
___Unavailable technology equipment (AVR/LCD)
___Science/Computer/Internet lab

G. What innovation or localized ___Localized videos


materials did I use/ discover which ___Making big books from views of the locality.
I wish to share with other teachers? ___Recycling of plastics for contemporary arts
___Local music composition

You might also like