You are on page 1of 5

DETALYADONG Baitang at

Paaralan: GUINBIRAYAN ES GRADE 1 - Guava


BANGHAY Seksyon:
ARALIN SA Pangalan ng RODELEE E. ALOJADO
Araw: Lunes
GRADE 1 Guro: Teacher
Araw at 3rd
Markahan:
Petsa:
ELUN F. DELOS REYES,PhD Learning
Punongguro: Mathematics
School Principal II Area:

I. MGA LAYUNIN
A. Pagbibilang ng mga Pangkat na may Parehong Dami, gamit ang Kongkretong Bagay
at Pagsulat ng Equivalent Expression.

(Counts groups of equal quantity using concrete objects up to 50 and writes an


equivalent expression. e.g. 2 groups of 5)
II. ARALIN
A. Sanggunian K-12 Mathematics 1 Patnubay ng Guro (Q3)
B. Mga Kagamitan Laptop,powerpoint presentation monitor ng telebisyon, yeso at pisara, mga
larawan, Bluetooth speaker, activity charts, activity sheets, krayola, lapis.
III. MGA GAWAIN GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MGA MAG-AARAL
A. Panimulang Mga
Gawain Pagbati
Magandang umaga mga bata!
Magandang umaga din po, Ma’am.
Kamusta naman mga bata? Ayos lang
ba ang inyong pakiramdam ngayong
araw?
Mabuti naman po, Ma’am.
Atin ng simulan ang araw na ito sa
pamamagitan ng isang panalangin, at
pag-eehersisyo. Hinihiling ko ang lahat
na tumayo.
(Ang mga bata ay tatayo upang
gawin ang mga sumusunond na
mga gawain bilang panimula.)

a. Pagdarasal gamit ang audio


visual presentation na panimulang
Panalangin
d. Pag-eehersisyo gamit ang audio
visual presentation”

B. Pagbabalik-aral Kahapon ay napag-aralan natin ang


pagsagot sa mga word-problems.
Ating balikan at suriin kung inyo pa
itong naaalala.

Ako ay mayroong box. Sa loob ng box


ay may tatlong papel. Kada isang
papel ay mayroong word-problem.

Magsisimulang tumugtog ang musika


at ipasa sa katabi ang box. Kapag
naman ang musika ay huminto, ang
batang naghahawak ng box ay kukuha
ng isang papel upang sagutan ang
word problem.

Nakakasunod ba mga bata?


Opo, Guro.
(Ibibigay ng guro ang box)
(Pagpapasa pasahan ng mga
mag-aaral ang box)
Nilalaman ng papel:
1. Si Joni ay may isang pet shop.
Sya ay mayroong 50 ibon.
Noong nakaraang araw,
nakabenta sya ng 25 na ibon.
Ilang ibon ang natira sa
kanyang pet shop?
25
2. Si Ginang Rosie ay namili ng
regalo para sa kanyang anak
na may kaarawan. Kumuha sya
ng isang cake may halagang
P400, at isang tub ng ice cream
na may halagang P200.
Binigyan nya ng P1000 ang
tinder. Magkano ang kanyang
sukli? P400

3. Si Alex ay mamimili ng tatlong


candy. Ang bawat isa ay
nagkakahalaga ng anim na
piso. Magkano ang
kakailanganin ni Alex para
mabili ang tatlong candy? P18

Mahusay mga bata! Kayo’y marunong


na talagang magsagot ng word
problems! Mukhang handa na kayo
para sa ating susunod na aralin.
C. Paglalahad ng Sa araling ito, matututunan moa ng
Bagong Aralin pagbibilang ng mga pangkat na may
parehong dami, gamit ang mga
kongkretong bagay.

Ano ang mga kongkretong bagay?


(Iba’t ibang sagot mula sa mag-
aaral)
Tama! Ang kongretong bagay ay mga
bagay na nahahawakan, at nakikita sa
paligid.

Makikita sa larawan ang isang puno ng


bayabas. Ito’y hitik na hitik sa bunga.
Ang tatlong magkakaibigan na sina EJ,
Wendel at Jeff ay nagpasyang
mamitas.
Si EJ ay nakapitas ng tatlong bayabas.
Si Wendel naman ay tatlo rin ang
napitas, gayon din naman ang napitas
ni Jeff.

Ano ang napansin sa kanilang pinitas


na bayabas? Ang tatlong magkakaibigan ay
pumitas ng tig tatatlong bayabas.
Tama! Ang bawat isa sa kanila ay may
tig tatatlong piraso ng bayabas.

Ating igrupo ang pangkat ng mga


bayabas!
Pangkat 1- para sa bayabas na napitas
ni EJ
Pangkat 2- para sa bayabas na napitas
ni Wendel, at
Pangkat 3- para sa bayabas na napitas
ni Jeff.

Ang equivalent expression nito ay=


3 pangkat ng 3
(Tatlong pangkat ng tatlo)

Nakakasunod ba mga bata?


Opo, Guro.
Pagmasdan ang nasa harapan. Anong
bagay ang inyong nakikita?
Ito ay pangkat ng mga lapis.
Tama! Yan ay lapis. Ilang pangkat ang
inyong nakikita?
Mayroon pong apat na pangkat ng
lapis.
Mahusay! Tama ang inyong sagot. Sa
harap ay mayroong apat na pangkat
ng lapis. Sa isang pangkat ay
mayroong limang lapis.

Ang Equivalent Expression nito ay=


4 na pangkat ng 5

Malinaw ba mga bata?


Opo, Guro.
Mahusay! Tignan ang larawan. Ano
ang inyong nakikita?
Pangkat ng mansanas.
Ilang pangkat ang mayroon dito?
Limang pangkat.
Tama! Ilang mansanas naman ang
kada pangkat?
Mayroon pong tatlong mansanas
kada pangkat, Guro.
Magaling! Sa larawan ay mayroong
limang pangkat ng mansanas, at kada
isang pangkat ay may tatlong piraso
nito.
Maaari nyo bang ibigay ang Equivalent
Expression base sa larawan?

Ang Equivalent Expression po ng


nasa larawan ay limang pangkat
Magaling! Tama ang inyong mga ng tatlo.
sagot! Mukhang nasusundan nyong
lahat ang ating aralin!

Maaari nyo bang sabihin kung ano ang


equivalent expression ng mga
sumusunod na larawan?

(Ang guro ay magpapakita ng larawan


sa power point presentation)

Mahusay! Itong susunod na larawan. Anim na pangkat ng dalawa.

(Ang guro ay magpapakita ng larawan


sa power point presentation)

Tama ang inyong sagot! Tatlong pangkat ng pito.

(Ang guro ay magpapakita ng larawan


sa power point presentation)

Limang pangkat ng tatlo.


Magaling!

Ang equivalent expression ay pantay


IV. Paglalahat na pagpapangkat ng mga bagay o
larawan.

Ito’y isang paraan sa madaliang


pagbibilang.

Nauunawaan baa ng ating aralin?

Opo, Guro.

Tingnan ang pangkat ng mga larawan.


Kasanayang Isulat ang tamang equivalent
pagpapayama expression ayon sa sinasaad ng
n larawan. Isulat ang sagot sa inyong
sagutang papel.

(Ang guro ay magpapakita ng larawan


sa power point presentation)

(Iba’t ibang sagot mula sa mag-


aaral)
Basahin mabuti ang maikling kwento
at sagutin ang mga katanungan.
Kasanayang
Pagkabisa
Si Rolito ay may napitas na 50
pirasong santol sa kanilang puno sa
likod ng kanilang bahay. Nais nya
itong hatiin sa limang pangkat na may
magkakaparehong bilang upang
ipamahagi nya sa kanyang limang
kapatid.

Mga katanungan:
1) Sino ang batang tinutukoy sa
kwento?
2) Ilang pirasong santol ang
napitas ng bata?
3) Ano ang magandang katangian
ng batang nasa kwento?
4) Sa ilang pangkat hinati ni Rolito
ang santol na kaniyang pinitas?
5) Ilang pirasong santol ang
matatanggap ng bawat kapatid
ni Rolito?

(Iba’t ibang sagot mula sa mag-


aaral)
V. Pagtataya Iguhit ang mga sumusunod na
Equivalent Expressions:

1) LAPIS : 3 pangkat ng 4
2) LOBO : 2 pangkat ng 4
3) ISDA : 4 pangkat ng 3

Gumamit ng lapis at krayola sa pag


guhit.
(Iba’t ibang sagot mula sa mag-
aaral)
VI. Kasunduan Tukuyin ang Equivalent Expression ng
mga sumusunod:

(Ang guro ay magpapakita ng larawan


sa power point presentation)

Inihanda ni:

RODELEE E. ALOJADO
Teacher III

Inobserbahan ni:

RUTH C. MOLINA
Master Teacher I
Approved by:

ELJUN F. DELOS REYES,PhD


ES Principal II

You might also like