You are on page 1of 7

DETALYADONG

Baitang at
Paaralan: GRADE 1 -
Seksyon:
BANGHAY Pangalan
Araw: Huwebes
ng Guro:
ARALIN SA Ikalawang
Petsa: Disyembre 16, 2021 Markahan:
Markahan
GRADE 1 Pang-Ulong Learning
Filipino
Guro: Area:

I. MGA LAYUNIN
A. Nagagamit nang wasto ang pangngalan sa pagbibigay ng pangalan ng tao, lugar, hayop,
bagay at pangyayari.
II. ARALIN PANGNGALAN
A. Sanggunian K-12 Filipino 1 Patnubay ng Guro (Q2)
B. Mga Kagamitan Laptop,powerpoint presentation monitor ng telebisyon, yeso at pisara, mga
larawan, Bluetooth speaker, activity charts, activity sheets, krayola, construction
paper at pandikit.
III. MGA GAWAIN GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MGA MAG-AARAL
A. Panimulang Mga
Gawain Pagbati
Magandang umaga mga bata!
Magandang umaga din po, Ma’am.
Kamusta naman mga bata? Ayos lang
ba ang inyong pakiramdam ngayong
araw?
Mabuti naman po, Ma’am.
Atin ng simulan ang araw na ito sa
pamamagitan ng isang panalangin, at
pag-eehersisyo. Hinihiling ko ang lahat
na tumayo.
(Ang mga bata ay tatayo upang gawin
ang mga sumusunond na mga gawain
bilang panimula.)

a. Pagdarasal gamit ang audio visual


presentation na panimulang
Panalangin
d. Pag-eehersisyo gamit ang audio
visual presentation”

B. Pagbabalik-aral Kahapon ay napag-aralan natin ang


pagtukoy sa kahulugan ng ugnayang
salita-larawan. Atin muling subukin
kung natatandaan pa ang mga ito.

Handa na ba mga bata?


Opo, Guro.
Sa harap ay may makikitang larawan.
Maaari nyo bang sabihin kung ano ang
ibig sabihin nito? Pumili ng letra sa
ibaba.

1.

A. Kumakaway
B. Nanghihingi
C. Nagpapaalam
Ang sagot po ay letrang B,
nanghihingi.
Tama ang inyong sagot! Ang nasa
larawan ay kamay na nanghihingi.

2.

A.
Tumatawa
B. Kumakanta
C. Umiiyak Ang sagot po ay letrang C, umiiyak.

Mahusay! Ang nasa larawan ay batang


umiiyak.

3.

A. Natutulog Ang sagot po ay letrang A, natutulog.


B. Nag eehersisyo
C. Sumasayaw

Tama! Ang bata sa larawan ay


natutulog.

Mahusay mga bata! Mukhang inyong


natutunan at naalala ang ating mga
napag-aralan kahapon.
C. Paglalahad ng Bago tayo dumako sa susunod na
Bagong Aralin aralin, inyo munang tukuyin ang mga
nasa larawan.

Sabihin lamang kung ito ay:


a. Tao
b. Bagay
c. Hayop
d. Lugar
e. Pangyayari

1)

Tukuyin ang nasa larawan.


Ang nasa larawan ay isang Pulis, ito ay
tao.
Mahusay mga bata! Ang pulis ay isang
tao. Gayon din ang guro, estudyante,
ang inyong mga magulang, at marami
pang iba.
2)

Tukuyin ang nasa larawan. Ang nasa larawan ay isang pusa, ito ay
hayop.

Tama ang inyong sagot! Ang pusa ay


isang hayop. Mayroon ba kayong
alagang pusa? (Iba’t ibang tugon mula sa mag-aaral)

(Iba’t ibang tugon mula sa mag-aaral)


Ano pa ang inyong alagang hayop?

Nakakatuwa ang inyong mga alagang


hayop, mga bata.

3)

Ang nasa larawan ay mga krayola, ito


ay bagay.
Tukuyin ang nasa larawan.

Magaling! Ang krayola ay isang bagay. (Iba’t ibang tugon mula sa mag-aaral)
Maaari ba kayong magbigay ng mga
bagay na makikita sa loob ng inyong
bag?

4)

Ang nasa larawan ay paaralan, ito ay


isang lugar.

Tukuyin ang nasa larawan.

Tama ang inyong sagot. Ang larawan


na ito ay paaralan. Dito pumapasok
ang mga mag-aaral upang matuto ng (Iba’t ibang tugon mula sa mag-aaral)
mga bagong aralin, gaya ninyo. Maaari
ba kayong magbigay ng iba pang
halimbawa ng lugar?

Mahusay mga bata. Tama ang inyong


mga sagot. Lahat ng iyon ay halimbawa
ng lugar.

At ang huling larawan..

5)

Ang nasa larawan ay birthday, ito ay


isang pangyayari.
Tukuyin ang nasa larawan.

Magaling! Ang nasa larawan ay isang


batang nagdiriwang ng kanyang
kaarawan. Ito ay isang napakasayang
pangyayari sa ating mga buhay. (Iba’t ibang tugon mula sa mag-aaral)

Maaari ko bang malaman kung kalian


ang inyong kaarawan?

Mahusay mga bata!

Ngayon, tayo’y makakapakinig ng isang


maikling pag-uusap ng isang guro at ng Opo, Guro.
kanyang estudyante.

Intindihin ito mabuti. Handa naba mga


bata?

Titser Lisa:
“Jessa, halika magpunta tayo sa Orion
Plasa. Maghanda ka ng isang awit at
sasali ka sa patimpalak.”

Jessa:
“Sige po, titser Lisa. Pupunta po tayo
sa bayan ng Orion. Isasama natin ang
aso kong si Aki. Ang aking aawitin ay Ang guro ay si titser Lisa, at ang mag-
“Sa Ugoy ng Duyan”. aaral ay si Jessa.

Sa maikling pag-uusap na ito, sino ang


guro at mag-aaral na nag-usap?

Sila ay pupunta sa Orion Plasa.

Tama. Ito ay si titser Lisa at si Jessa.

Saang bayan at plasa sila pupunta? Ang pangalan ng aso ni Jessa ay Aki.

Mahusay!

Ano ang pangalan ng aso ni Jessa?


Ang kanyang kakantahin ay “Sa Ugoy
ng Duyan”.
Tama! Ang pangalan ng aso ay si Aki.

Anong awit ang kanyang kakantahin sa


patimpalak?

Tama ang inyong sagot!


Sa inyong harapan ay makikita ang
dalawang hanay.

Hanay A Hanay B
guro Titser Lisa
mag-aaral Jessa
aso Aki
plasa Orion Plasa
bayan Orion
awit Sa Ugoy ng
Duyan

Ang mga salita sa kahon ay


pangngalan. Ang nasa unang hanay ay Ang nasa unang hanay ay mga
pambalana at nasa kaliwang hanay pangngalang nagsisimula sa maliit na
naman ang pantangi. titik, habang ang nasa kaliwa naman
ay pangngalang nagsisimula sa
Ano ang inyong napansing pagkakaiba malaking titik.
ng dalawang hanay?

Titser Lisa.
Mahusay mga bata!
Ang mga pangngalan sa kanan ay tiyak
na ngalan.

Ano ang tiyak na ngalan ng guro? (Iba’t ibang tugon mula sa mga mag-
aaral)
Tama. At ito ay isang halimbawa ng
pangngalang pantangi. Maaari ba
kayong magbigay ng ilang pangngalang
pantangi ng isang tao?

Mahusay. Ang iba pang halimbawa ng Aki.


pangngalang pambalana ay pulis,
estudyante, babae, doktor at marami
pang iba.
(Iba’t ibang tugon mula sa mga mag-
Ano ang tiyak na ngalan ng aso sa aaral)
kahon?

Tama ang inyong sagot. Maaari ba Orion.


kayong magbigay ng ilang pangngalang
pantangi ng hayop?

(Iba’t ibang tugon mula sa mga mag-


Magaling! Ano ang tiyak na ngalan ng aaral)
bayan sa kahon?

Tama! Maaari ba kayong magbigay ng


ilang pangngalang pantangi ng isang
lugar? Saan ka nakatira?
Sa Ugoy ng Duyan.

Ang lahat ng nabanggit na lugar ay


pangngalang pantangi.
(Iba’t ibang tugon mula sa mga mag-
Ano ang tiyak na ngalan ng awitin sa aaral)
kahon?

Mahusay! Magbigay ng paborito mong


awitin.

IV. Paglalahat Nakakatuwa ang inyong mga sagot!

Tandaan!
Ang Pangngalan ay nagsasaad sa
ngalan ng tao, hayop, bagay, lugar at
mga pangyayari.

Ito ay may dalawang uri.


1) Pambalana- tumutukoy sa
karaniwan, o di-tiyak na ngalan
ng tao, hayop, bagay, lugar at
mga pangyayari. (Iba’t ibang tugon mula sa mga mag-
Ito ay nagsisimula sa maliit na aaral)
letra, maliban na lamang kung
ito ay nasa unahan ng
pangungusap.
Magbigay ng halimbawa.

2) Pantangi- tumutukoy sa tiyak o


tanging ngalan ng tao, hayop, (Iba’t ibang tugon mula sa mga mag-
bagay, lugar at mga pangyayari. aaral)
Ito ay nagsisimula sa malaking
titik.

Magbigay ng halimbawa.

Gumuhit ng tig iisang larawan sa mga


Kasanayang sumusunod:
pagpapayama 1. Tao
n 2. Bagay (Iba’t ibang tugon mula sa mga mag-
3. Hayop aaral)
4. Lugar
5. Pangyayari

Gumamit ng krayola at lapis sa pag


guhit.

Gumawa ng tsart base sa iyong mga


iginuhit. Gayahin ang nasa larawan.
Kasanayang
PAMBALANA PANTANGI
Pagkabisa
TAO
(Iba’t ibang tugon mula sa mga mag-
BAGAY aaral)
HAYOP
LUGAR
PANG-
YAYARI

V. Pagtataya Sabihin ang PT kung ang salitang may


salungguhit ay Pantangi, at PM kung
Pambalana.

1. Bumili kami ng radyo.


2. Ang ganda ng aso nyang si Aki.
3. Mayroon kaming kapitbahay na
pulis.
4. Malapit na ang pista sa aming
bayan!
5. Mamamasyal kami sa Mall of (Iba’t ibang tugon mula sa mga mag-
Asia bukas. aaral)

VI. Kasunduan Kumuha at gumupit ng larawan sa


magasin o dyaryo ng tig limang
halimbawa ng pangngalang pantangi at
pambalana. Idikit ang larawan sa isang
malinis na papel at pangalanan ang
bawat isa.

Inihanda ni:

Teacher I
Inobserbahan ni:

Master Teacher I

You might also like