You are on page 1of 5

DETALYADONG Baitang at

Paaralan: SILVINO G. GAJARION ES GRADE 1 -


BANGHAY Seksyon:
ARALIN SA Pangalan ng MARY JEAN F. ANDRES
Araw: Huwebes
GRADE 1 Guro: Teacher III
Araw at 1st
Markahan:
Petsa:
ELJUN F. DELOS REYES,MED Learning Araling
Punongguro:
School Principal II Area: Panlipunan

I. MGA LAYUNIN
A. Natutukoy ang mga mahahalagang pangyayari at pagbabago sa buhay simula
isilang hanggang sa kasalukuyang edad gamit ang mga larawan at timeline .
II. ARALIN PANG-URI
A. Sanggunian K-12 Araling Panlipunn I Patnubay ng Guro
(Q1-Module3)
B. Mga Kagamitan Laptop, power point presentation, monitor ng telebisyon, yeso at pisara,
mga larawan, Bluetooth speaker, activity charts, activity sheets, krayola,
lapis.
III. MGA GAWAIN GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MGA MAG-AARAL
A. Panimulang Mga
Gawain Pagbati
Magandang umaga mga bata!
Magandang umaga din po, Ma’am.
Kamusta naman mga bata? Ayos lang
ba ang inyong pakiramdam ngayong
araw?
Mabuti naman po, Ma’am.
Atin ng simulan ang araw na ito sa
pamamagitan ng isang panalangin, at
pag-eehersisyo. Hinihiling ko ang lahat
na tumayo.
(Ang mga bata ay tatayo upang
gawin ang mga sumusunond na
mga gawain bilang panimula.)

a. Pagdarasal gamit ang


audio visual presentation
na panimulang Panalangin

b. Pag-eehersisyo gamit ang


audio visual presentation”

B. Pagbabalik-aral Kahapon ay ating napag-aralan ang


tungkol sa ating sariling
pangangailangan, kasama na rito ang
ilan sa ating mga kinahihiligang
gawain.

Maaari ko bang malaman kung sino sa


inyo ang mahilig sa paglalaro? Itaas
ang inyong mga kamay.
(Ang mga mag-aaaral ay mag
tataas ng kanilang kamay.)

Nakakatuwa! Tignan ang inyong mga


kaklaseng nakataas rin ng kamay.
Kayo ay may parehong kinahihiligan!

Sino naman ang mahilig sumayaw? (Ang mga mag-aaaral ay mag


tataas ng kanilang kamay.)

Sino naman dito ang mahihilig


kumanta? (Ang mga mag-aaaral ay mag
tataas ng kanilang kamay.)

Maaari ko bang malaman ano ang


inyong paboritong awitin? (Ang mga mag-aaral ay tutugon.)

Mahuhusay! Marami pa tayong


kinahihiligan tulad ng? (Ang mga mag-aaral ay tutugon
sa tanong ng guro.)

Nakatutuwa ang inyong mga sagot.


Mukhang maaari na tayong dumako sa
susunod nating aralin para sa araw na
ito. May iba pa ba kayong katanungan
tungkol sa nakaraang aralin? Wala na po.

C. Paglalahad ng Makikita sa harapan ang ilang mga


Bagong Aralin larawan. Maaari nyo bang ilarawan
kung ano ang bawat isa?

Magsimula tayo rito.

Sanggol
Bata
Nakalampin na sanggol
Baby

Mahusay! Nakita nyo naba ang inyong


mga litrato noong kayo’y sanggol pa
lamang? (Ang mga mag-aaral ay tutugon
sa tanong ng guro.)

Ngayon naman, ilarawan ang susunod


na larawan.
Bata
Tama ang inyong sagot! Makikita sa Naglalarong bata
larawan ay isang batang naglalaro.
Ang batang ito ay 3 taong gulang pa
lamang. Anong mga pagkakaiba ang
inyong napansin mula sa unang
larawan at sa pangalawa?

Ang unang larawan ay sanggol at


ang ikalawang larawan at batang
Maaarin nyo bang ilarawan ang paraan naglalaro.
ng pakikipag usap ng isang sanggol?
Paano ito naiba sa pakikipag usap ng
isang bata?

Ang sanggol ay wala pang


kakayahang magsalita,
samantalang ang bata ay kaya
nang ipahiwatig ang kanyang
Mahusay! Tama ang inyong sagot. nasa isipan.

Ang sanggol ay wala pang kakayahang


magsalita at sabihin ang kanyang
nararamdaman kapag sya ay
nagugutom o may nararamdaman.
Ipinahihiwatig lamang nya ito sa
pamamagitan ng pag iyak.

Ngunit kapag ang bata ay tumuntong


na sa edad na isa pataas, natututo na
itong makipag usap at ipahiwatig ang
kanyang mga ayaw at gustong gawin.

Ang bata rin ay natututong maglakad,


kumain mag-isa, maglaro at pumasok
sa paaralan upang matuto ng mga
aralin.
Naiintindihan ba mga mag-aaral?

Opo, guro.
Sa inyong edad, ano ano na ang mga
kaya nyong gawin mag isa?

(Ang mga mag-aaral ay tutugon


sa tanong ng guro.)
Tama ang inyong mga sagot. Ngayong
kayo ay malalaki na, marami na
kayong kayang gawin kumpara sa mga
nagagawa nyo noong kayo’y maliliit pa
lamang.

Sa inyong harapan ay mga larawan.


IV. Paglalahat Pagtambalin ang mga larawan angkop
sa edad.

(Ipapakita ng guro ang mga larawan


sa power point presentation)

(Ang mga mag-aaral ay tutugon


sa tanong ng guro.)

Gumuhit ng 3 larawan:
Kasanayang 1) Sanggol
pagpapayama 2) Tatlong (3) taong gulang na
n bata
3) Bata sa inyong kasalukuyang
edad

Kulayan ang mga iginuhit gamit ang


krayola.

(Ang mga mag-aaral ay tutugon)

Magaling! Nakakatuwa ang inyong


mga iginuhit!
Kasanayang
Pagkabisa Mula sa inyong mga iginuhit, isulat ang
kayang gawin ng bawat isa:

2 katangian ng sanggol
2 katangian ng tatlong (3) gulang na
bata, at
2 katangian ng bata sa iyong
kasalukuyang edad

(Ang mga mag-aaral ay tutugon


sa tanong ng guro.)
V. Pagtataya Iguhit ang iyong sarili sa kasalukuyan
at ilagay ang mga kaya mong gawin sa
paligid nito. Gamitin ang lapis at
krayola.

(Ang mga mag-aaral ay tutugon.)

VI. Kasunduan Magdala ng iyong litrato noong ikaw


ay:
1. Sanggol
2. 3 years old
3. Kasalukuyang edad

Inihanda ni:

MARY JEAN F. ANDRES


Teacher III

Inobserbahan ni:

MARY JANE R. MARIANO


Master Teacher II
Approved by:

ELJUN F. DELOS REYES,MED


ES Principal II

You might also like