You are on page 1of 6

DETALYADONG Baitang at

Paaralan: GUINBIRAYAN ES GRADE 1 - GUAVA


BANGHAY Seksyon:
ARALIN SA Pangalan ng RODELEE E. ALOJADO
Araw: Miyerkoles
GRADE 1 Guro: Teacher III
Araw at 4th
Markahan:
Petsa:
ELJUN F. DELOS REYES, PhD Learning Edukasyon sa
Punongguro:
School Principal II Area: Pagpapakatao

I. MGA LAYUNIN
A. Nakasusunod sa mga gawaing panrelihiyon
II. ARALIN PANG-URI
A. Sanggunian K-12 Edukasyon sa Pagpapakatao I Patnubay ng Guro
(Q4)
B. Mga Kagamitan Laptop, power point presentation, monitor ng telebisyon, yeso at pisara,
mga larawan, Bluetooth speaker, activity charts, activity sheets, krayola,
lapis.
III. MGA GAWAIN GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MGA MAG-AARAL
A. Panimulang Mga
Gawain Pagbati
Magandang umaga mga bata!
Magandang umaga din po, Ma’am.
Kamusta naman mga bata? Ayos lang
ba ang inyong pakiramdam ngayong
araw?
Mabuti naman po, Ma’am.
Atin ng simulan ang araw na ito sa
pamamagitan ng isang panalangin, at
pag-eehersisyo. Hinihiling ko ang lahat
na tumayo.
(Ang mga bata ay tatayo upang
gawin ang mga sumusunond na
mga gawain bilang panimula.)

a. Pagdarasal gamit ang


audio visual presentation
na panimulang Panalangin

b. Pag-eehersisyo gamit ang


audio visual presentation”

B. Pagbabalik-aral Kahapon ay tinalakay natin ang


pagsunod sa utos ng magulang at
nakatatanda.

Sa inyong tahanan nariyan ang inyong


mga magulang, lolo o lola, mga tito o
tita, at mga nakatatandang kapatid.
Magbigay nga kayo ng halimbawa ng
pagbibigay galang o pagsunod muna
sa kanila?
(Iba’t ibang tugon mula sa mga
mag-aaral)
Nakakatuwa ang inyong mga sagot!
Bakit mahalaga ang pagsunod sa
magulang o nakatatanda?
(Iba’t ibang tugon mula sa mga
mag-aaral)
Mahusay! Mukhang kayo’y handa na
para sa susunod na aralin.
C. Paglalahad ng Pag masdan ang mga larawan. Ano sa
Bagong Aralin tingin nyo ang kanilang ginagawa?
Ang mga ito ay nagdarasal.
Tama ang inyong sagot! Ang mga tao
sa larawan ay nagdarasal.

Pagmasdan muli ang mga larawan.


Ano ang inyong nakikita?
Simbahan
Panginoon
Mahusay! Ang mga nasa larawan ay
Simbahan at Panginoon/Diyos.

Ang mabubuting bagay na


pinagkakaloob ng Diyos ay tinatawag
na “biyaya” o “pagpapala”. Maaari ba
kayong magbigay ng ilang biyaya na
inyong natatanggap? (Iba’t ibang sagot mula sa mag-
aaral.)
Tama ang inyong mga kasagutan. Ilan
sa mga ito ay:
(Ipapakita ng guro ang mga larawan
sa power point presentation.)

Nakakasunod ba mga bata?


Opo, Guro.
Mabuti! Gusto nyo bang makapakinig
ng kwento?
Opo, Guro.
Mayroon akong babasahin kwento.
Makinig mabuti at sagutin ang aking
mga katanungan pagkatapos.

Ang Batang Palasimba.

Si Leni ay batang pala-simba. Sa


tuwing araw ng pagsimba ay laging
nandon sya kasama ang pamilya.

Lagi nyang sinusunod ang bilin ni


tatay at nanay na huwag magdala ng
laruan at pagkain sa loob ng
simbahan. Huwag din mag-ingay at
maglaro dito. At higit sa lahat,
makilahok sa mga gawain ng
simbahan.

Laging handang sumama sa


pagsisimba si Leny.

Hindi nagtagal, nagbago si Leny. Ayaw


na nyang magsimba. Mas gusto nya
nang maglaro.

Isang araw ay nagkasakit ng malubha


si Leny. Labis ang pag-aalala ng
kanyang mga magulang. Sinamahan
nila ng pagdarasal ang pag-aalaga kay
Leny.

“Inay, Itay, maraming salamat po sa


pag-aalaga nyo sakin. Salamat din po
at pinagdasal ninyo ako. Naunawaan
ko na po ang kahalagahan ng
pagdarasal. Pangako po ngayon
magsisimba napo ako ulit.”

Naunawaan baa ng kwento, mga Opo, Guro.


bata?

Sagutan natin ang ilang katanungan


mula sa kwento ni Leny.
Ang bata sa kwento ay si Leny.
1. Sino ang bata sa kwento?

Mahusay! Tama ang inyong sagot.

2. Anong ugali mayroon si Leny Si Leny ay pala-simba. Sya ay


sa unang parte ng kwento? laging pumupunta sa simbahan at
sumusunod sa kanyang mga
magulang.

Tama ang inyong kasagutan mga


bata. Maaari na tayong dumako sa
ikatlong katanungan.
Si Leny ay nagbago. Mas gusto
3. Ano ang nangyari kay Leny? nya nang maglaro kaysa sa may
simba. Sya ay nagkasakit.

Inalagaan sya ng kanyang mga


magulang na may kaakibat na
pagdarasal.

Mahusay mga bata.

4. Ano ang ipinangako ni Leny sa


kanyang mga magulang? Ipinangako ni Leny sa kanyang
mga magulang na sya ay
magsisimba ulit.

Tama ang inyong mga sagot. At ang


huling tanong:

5. Ano ang kahalagahan ng (Iba’t ibang tugon mula sa mag-


pagdarasal? aaral.)

Tama! Mahalaga ang pagdarasal. Ito


ay paraan ng pakikipag usap sa Diyos.
Sa pamamagitan nito, nasasabi natin
ang ating papuri, paghingi ng tawad,
pasasalamat, paghingi ng biyaya at
gabay mula sa kanya.
Opo, Guro.
Nauunawaan ba mga bata?
IV. Paglalahat

Narito ang ilan sa mga gawaing


nagpapakita ng pananampalataya sa
Diyos.

1. Pagdarasal bago kumain.


2. Pagdarasal bago matulog at
pagkagising sa umaga.
3. Regular na pagpunta sa
simbahan.
4. Pagbabasa ng bibliya.
5. Paggawa ng mabuti sa kapwa.
6. Pangangalaga sa kanyang
nilikha.

Ito ay ilan lamang sa mga gawaing


nagpapakita ng pananampalataya sa (Iba’t ibang tugon mula sa mag-
Diyos. Maaari kabang magbigay ng iba aaral.)
pang halimbawa?

Mahusay mga bata!


Kasanayang
pagpapayama
n Dala ba ninyo ang inyong kagamitan Opo, Guro.
sa pag guhit?

Ilabas ang mga ito at iguhit ang


treasure box sa larawan. Iguhit sa loob
nito ang mga bagay na mahalaga sa
iyo at nais mong ipagpasalamat sa (Iba’t ibang sagot mula sa mag-
Panginoon. aaral.)

Kasanayang
Pagkabisa Pakinggan ang mga sumusunod na
sitwasyon.
Iguhit ang puso sa inyong papel kung
ito ay nagpapakita ng
pananampalataya sa Diyos, at ekis
naman kung hindi.

1. Pagkagising ni Jessa tuwing


umaga, sya ay nagdarasal at
nagpapasalamat sa Diyos.
2. Si Jeff ay sumusunod sa
kanyang mga magulang at
sumasama sa pagsisimba.
3. Mas gusto ni Yara ang
paglalaro kasya magpunta sa
simbahan.
4. Nagbabasa ng Bibliya si Aling
Rosa bago siya matulog.
5. Si Dino ay madalas makipag
away sa kanyang mga kaklase.

V. Pagtataya Ang mga Pilipino ay may iba’t ibang


paniniwala tungkol sa Dakilang
Lumikha. Marami sa mga Pilipino ay
naniniwala sa Kristyanismo. Kabilang
dito ang relihiyong Katoliko, Iglesia ni
Cristo, at Protestante. Mayroon ding
naniniwala sa Islam.

Bagamat iba’t iba ang paniniwala ng


mga Pilipino, mahalagang igalang ang
mga ito. Ilan sa mga ito ay ang mga
sumusunod:

1. Pakikipag kaibigan sa may


ibang paniniwala.
2. Paggalang sa lugar sambahan
ng iba.
3. Pagkakaroon ng bukas na
isipan at pagrespeto sa
kanilang paniniwala.
4. Paggalang sa kanilang paraan
ng pakikipag ugnayan o
pagsamba.

VI. Kasunduan Gumuhit at kulayan sa isang malinis na


papel ang inyong simbahan.

Tukuyin sa baba ang ilang paggalang


na natutunan mo sa ating aralin.

Inihanda ni:

RODELEE E. ALOJADO
Teacher III

Inobserbahan ni:

RUTH C. MOLINA
Master Teacher I
Approved by:

ELJUN F. DELOS REYES,PhD


ES Principal II

You might also like