You are on page 1of 6

DETALYADONG ULANGO INTEGRATED Baitang at GRADE 1 -

Paaralan: Amethyst
BANGHAY SCHOOL Seksyon:
ARALIN SA Pangalan ng
JANE I. LITCHER Araw: Miyerkules
GRADE 1 Guro:
Araw at
Marso 30, 2022 Markahan: 3rd QUARTER
Petsa:
Learning
Punongguro: GLADYS R. BISCOCHO Mathematics
Area:

I. MGA LAYUNIN
A. Pagbibilang ng mga Pangkat na may Parehong Dami, gamit ang Kongkretong Bagay
at Pagsulat ng Equivalent Expression.

(Counts groups of equal quantity using concrete objects up to 50 and writes an


equivalent expression. e.g. 2 groups of 5)
II. ARALIN
A. Sanggunian K-12 Mathematics 1 Patnubay ng Guro (Q3)
B. Mga Kagamitan Laptop,powerpoint presentation monitor ng telebisyon, yeso at pisara, mga
larawan, Bluetooth speaker, activity charts, activity sheets, krayola, lapis.
III. MGA GAWAIN GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MGA MAG-AARAL
A. Panimulang Mga
Gawain Pagbati
Magandang umaga mga bata!
Magandang umaga din po.
Kamusta naman mga bata? Ayos lang
ba ang inyong pakiramdam ngayong
araw?
Mabuti naman po.
Atin ng simulan ang araw na ito sa
pamamagitan ng isang panalangin, at
pag-eehersisyo. Hinihiling ko ang lahat
na tumayo.
(Ang mga bata ay tatayo upang
gawin ang mga sumusunond na
mga gawain bilang panimula.)

a. Pagdarasal gamit ang audio


visual presentation na panimulang
Panalangin
d. Pag-eehersisyo gamit ang audio
visual presentation”

B. Pagbabalik-aral Kahapon ay napag-aralan natin ang


pagsagot sa mga word-problems.
Ating balikan at suriin kung inyo pa
itong naaalala.

Ako ay mayroong basket. Sa loob ng


basket ay may tatlong papel. Kada
isang papel ay mayroong word-
problem.

Magsisimulang tumugtog ang musika


at igagala ko ang basket. Kapag
naman ang musika ay huminto, ang
batang aking matatapatan ay kukuha
ng isang papel upang sagutan ang
word problem gamit ang nakahandang
sulatan sa iyong lamesa.
Opo.
Naunawaan ba ako mga bata?

Nilalaman ng papel:
1. Si Joni ay may isang pet shop.
Sya ay mayroong 50 ibon.
Noong nakaraang araw,
nakabenta sya ng 25 na ibon. 25
Ilang ibon ang natira sa
kanyang pet shop?

2. Si Ginang Rosie ay namili ng


regalo para sa kanyang anak
na may kaarawan. Kumuha sya
ng isang cake may halagang
P400, at isang tub ng ice cream
na may halagang P200. P400
Binigyan nya ng P1000 ang
tinder. Magkano ang kanyang
sukli?

3. Si Alex ay mamimili ng tatlong


candy. Ang bawat isa ay
nagkakahalaga ng anim na P18
piso. Magkano ang
kakailanganin ni Alex para
mabili ang tatlong candy?

Mahusay mga bata! Kayo’y marunong


na talagang magsagot ng word
problems! Mukhang handa na kayo
para sa ating susunod na aralin.
C. Paglalahad ng Sa araling ito, matututunan mo ang
Bagong Aralin pagbibilang ng mga pangkat na may
parehong dami, gamit ang mga
kongkretong bagay.

Ano ang mga kongkretong bagay?


(Iba’t ibang sagot mula sa mag-
aaral)
Tama! Ang kongretong bagay ay mga
bagay na nahahawakan, at nakikita sa
paligid.

Makikita sa larawan ang isang treasure


box na hawak ni Lola Fely. Ito ay
naglalaman ng maraming singsing.
Nais ibigay ni lola Fely ang mga
singsing sa kanyang tatlong apo.
Binigyan nya ng 3 singsing si Janine
ang apo nya na taga Pampanga, at tig
tatlong singsing din para naman sa
apo nyang si Luisa at Elsa.

Mga anak, bago tayo magpatuloy sa


ating talakayan, may kaklase kayong
lumipat dito sa atin na galing sa Bayan
ng Pampanga, kaya mapapansin nyo
minsan may iba syang salita na hindi
natin maunawaan kasi iyon ang salita
na ginagamit nila sa kanyang
pinanggalingan.

Gusto nyo bang marinig ang isang


awitin na mula sa kanilang bayan Opo!
tungkol sa isang singsing?

Roselle, maari ka bang tumayo para


awitin ang awiting “Ating Cupung
Singsing” ? Tatayo ang bata at aawit

(Video playing)

Bigyan natin si Roselle ng Batangeno (Batangeno Clap)


Clap.

Upang ating lubos na maintindihan ang


inawit ni roselle, awitin naman natin
iyo sa Tagalog.

Handan naba kayo mga bata?


Maari kang sumabay sa kanila Roselle.
Ang mga bata ay sabay sabay na
(Video playing) aawit.

Magaling! Bigyan ninyo ang inyong


mga sarili ng Fireworks clap. (Fireworks clap)

Ating balikan ang kwento nin Lola Fely.

Ang tatlong apo po ay may tig


Ano ang napansin nyo sa binigay ni tatatlong singsing.
lola Fely?

Tama! Ang bawat isa sa kanila ay may


tig tatatlong singsing.

Ating igrupo ang pangkat ng mga


singsing!
Pangkat 1- para sa singsing ni Janine
Pangkat 2- para sa singsing ni Elsa at
Pangkat 3- para sa singsing ni Luisa

Ang equivalent expression nito ay=


3 pangkat ng 3
(Tatlong pangkat ng tatlo)
Nakakasunod ba mga bata? Opo.

Pagmasdan ang nasa harapan. Anong


bagay ang inyong nakikita? Ito ay pangkat ng mga lapis.

Tama! Yan ay lapis. Ilang pangkat ang


inyong nakikita? Mayroon pong apat na pangkat ng
lapis.

Mahusay! Tama ang inyong sagot. Sa


harap ay mayroong apat na pangkat
ng lapis. Sa isang pangkat ay
mayroong limang lapis.

Ang Equivalent Expression nito ay=


4 na pangkat ng 5

Malinaw ba mga bata? Opo.

Mahusay! Tignan ang larawan. Ano


ang inyong nakikita? Pangkat ng mansanas.

Ilang pangkat ang mayroon dito? Limang pangkat.

Tama! Ilang mansanas naman ang


kada pangkat? Mayroon pong tatlong mansanas
kada pangkat.

Magaling! Sa larawan ay mayroong


limang pangkat ng mansanas, at kada
isang pangkat ay may tatlong piraso
nito.

Maaari nyo bang ibigay ang Equivalent


Expression base sa larawan?
Ang Equivalent Expression po ng
nasa larawan ay limang pangkat
ng tatlo.
Magaling! Tama ang inyong mga
sagot! Mukhang nasusundan nyong
lahat ang ating aralin!

Maaari nyo bang sabihin kung ano ang


equivalent expression ng mga
sumusunod na larawan?

(Ang guro ay magpapakita ng larawan


sa power point presentation)
Anim na pangkat ng dalawa.
Mahusay! Itong susunod na larawan.

(Ang guro ay magpapakita ng larawan


sa power point presentation)
Tatlong pangkat ng pito.
Tama ang inyong sagot!
(Ang guro ay magpapakita ng larawan
sa power point presentation)
Limang pangkat ng tatlo.

Magaling!

IV. Paglalahat Ang equivalent expression ay pantay


na pagpapangkat ng mga bagay o
larawan.

Ito’y isang paraan sa madaliang


pagbibilang.

Nauunawaan baa ng ating aralin?


Opo.

Kasanayang Tingnan ang pangkat ng mga larawan.


pagpapayama Isulat ang tamang equivalent
n expression ayon sa sinasaad ng
larawan. Isulat ang sagot sa inyong
sagutang papel.

(Ang guro ay magpapakita ng larawan


sa power point presentation)
(Iba’t ibang sagot mula sa mag-
aaral)

Basahin mabuti ang maikling kwento


Kasanayang at sagutin ang mga katanungan.
Pagkabisa

Si Rolito ay may napitas na 50


pirasong santol sa kanilang puno sa
likod ng kanilang bahay. Nais nya
itong hatiin sa limang pangkat na may
magkakaparehong bilang upang
ipamahagi nya sa kanyang limang
kapatid.

Mga katanungan:
1) Sino ang batang tinutukoy sa
kwento?
2) Ilang pirasong santol ang
napitas ng bata?
3) Ano ang magandang katangian
ng batang nasa kwento?
4) Sa ilang pangkat hinati ni Rolito
ang santol na kaniyang pinitas?
5) Ilang pirasong santol ang
matatanggap ng bawat kapatid
ni Rolito?
(Iba’t ibang sagot mula sa mag-
aaral)
V. Pagtataya Iguhit ang mga sumusunod na
Equivalent Expressions:

1) LAPIS : 3 pangkat ng 4
2) LOBO : 2 pangkat ng 4
3) ISDA : 4 pangkat ng 3

Gumamit ng lapis at krayola sa pag


guhit.
(Iba’t ibang sagot mula sa mag-
aaral)
VI. Kasunduan Tukuyin ang Equivalent Expression ng
mga sumusunod:

(Ang guro ay magpapakita ng larawan


sa power point presentation)

Inihanda ni:

JANE I. LITCHER
Teacher I

Inobserbahan ni:

GLADYS R. BISCOCHO
Principal II

BELLA L. MACAUBA
Master Teacher II

You might also like