You are on page 1of 6

LESSON School Ulango Integrated School Grade Level GRADE 1

EXEMPLAR Teacher JANE I. LITCHER Learning Area ARALING PANLIPUNAN


Teaching Date Quarter 3RD QUARTER
Teaching Time 8:30 – 9:10 No. Of Days

I. LAYUNIN Sa araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


a. Natutukoy ang mga alituntunin sa paaralan
b. Naipapakita ang wastong pagkilos sa pagtupad sa
mga alituntunin ipinayuyupad sa paaralan sa
masining na pamamaraan
c. Nagkakaroon ng pagpapahalaga at paggalang sa
mga alituntuning ipinatutupad sa paaralan
A. Content Standard Ang mag-aaral ay…
(Pamantayang Pangnilalaman) naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng
pagkilala ng mga batayang impormasyon ng pisikal na
kapaligiran ng sariling paaralan at ng mga taong bumubuo
dito na nakakatulong sa paghubog ng kakayahan ng
bawat batang mag-aaral
B. Performance Standard Ang mag-aaral ay…
(Pamantayan sa Pagganap) buong pagmamalaking nakapagpapahayag ng pagkilala at
pagpapahalaga sa sariling paaralan
C. Most Essential Learning Competencies(MELC) Nabibigyang-katwiran ang
( Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto)(Kung pagtupad sa mga alituntunin ng paaralan
mayroon, isulat ang pinakamahalagang kasanayan sa
pagkatuto o MELC
D. Enabling Competencies
(Pagpapaganang Kasanayan)
(Kung mayroon, isulat ang pagpapaganang
kasanayan.)
II. NILALAMAN Mga Alituntunin sa Paaralan
III. KAGAMITAN PANTURO
A. Mga Sanggunian
a. Mga Pahina sa Gabay ng Guro MELC p 27, BOW P. 187-188
b. Mga Pahina sa Kagamitang Pangmag-aaral PIVOT 4A CALABARZON MODULE P 29-34
c. Mga Pahina sa Teksbuk
d. Karagdagang Kagamitan mula sa Portal ng Learning
Resource
e. Integrasyon sa ibang Aralin Math, ESP, Health, Music, MTB, Filipino
B. Listahan ng mga Kagamitang Panturo para sa mga Powerpoint presentation, activity sheet, tarpapel
Gawain sa Pagpapaunlad at Pakikipagpalihan
IV. PAMAMARAAN
A. Introduction (Panimula) Ang Napapanahong Pagpapaalala:
Tayo ngayon ay nasa ikapitong linggo ng ating aralin para
sa Ikatlong Markahan sa Araling Panlipunan.
Ano-ano ang mga dapat nating tandaan sa pagsisimula ng
ating aralin?
Kamustahan Tayo:

Kamusta ka sa araw na ito?

May nais ka bang ibahagi sa amin sa araw na ito?

Ano-ano ang mga paghahanda na inyong ginawa bago


kayo pumasok sa ating sa ating klase?

Balikan Natin:
Punan ng wastong salita ang bawat patlang upang
makumpleto ang pangungusap.

Ang aking Paaralan

Ang aking paaralan ay


______________________________________________
_____________________________________________

Awitin Natin:
Sa gabay ng guro sabay-sabay na aawit ang mga mag-
aaral habang ginagaya ang ang paggalaw at pagsayaw ng
guro.

Alituntunin sa Paaralan
(Himig ng It’s a Small World)

May alituntunin sa paaralan


Na dapat sundin at pahalagahan
Oh ! Gawing maayos, ating mga kilos
At gawi sa paaralan

Pumasok ng maaga
Makinig sa iyong guro
Katahimika’y panatilihin mo
Nang ang lahat ay sumaya

Sagutin Natin:
1. Tungkol saan ang awitin?
2. Ano-ano ang mga alituntuning nabanggit sa awitin?
3. Bukod sa mga alituntuning nabanggit sa awitin, may
alam pa ba kayong alituntunin na alam na ipinatutupad sa
inyong paaralan?

Isa-isang isulat sa pisara ang mga alituntuning


babanggitin ng mga
E. Development (Pagpapaunlad) Magkwentuhan tayo!

Bago natin simulan ang panibago nating kwento, ano-ano


ang mga pamatayan natin sa pakikinig sa kwento?
Pakikinig sa Kwento

Si KATHERINE NA BATANG MASUNURIN

Sagutin Natin:
1. Tungkol saan ang kwentong napakinggan?
2. Anong uri ng bata si Katherine?
3. Ano ang hilig gawin ni Katherine?
4. Ano-ano ang mga alituntuning ipinatutupad sa paaralan
nila Katherine?
5. Dapat bang tularan ang batang si Katherine?

Alamin at Tukuyin Natin:


May iba’t ibang alituntunin na dapat nating sundin
sa loob at labas ng ating paaralan. Sa araling ito,
matutukoy mo ang mga alituntunin sa silid-aralan at sa
paaralan.
Tulad sa ating tahanan, may mga alituntunin tayong
kailangang sundin sa paaralan. Ang mga ito ay binuo
upang mapanatili ang kaayusan sa paaralan.

Para sa mabuting pag-aaral, karaniwang dapat sundin sa


isang silid-aralan ang sumusunod:
• Pagsunod sa mga itinakdang oras tulad ng oras ng
pagpasok at recess.
• Pakikibahagi sa mga aralin at talakayan.
• Pagtupad sa iniatas na gawain
• Pagpapanatili sa katahimikan
• Pagpapaalam kung lalabas ng klase

Sa loob o labas ng silid-aralan, karaniwang alituntunin sa


isang paaralan ang mga sumusunod:
• Pagpapakita ng kagandahang asal
• Pagsusuot ng angkop na uniporme
• Pagpapanatili ng kalinisan

Ang mga alituntunin na ito ay dapat sundin upang


mapanatili ang kaayusan sa ating paaralan.

Help is on the Way !


Tulungan natin si Katherine na Hanapin ang daan patungo sa
paaralan.

G. Engagement (Pagpapalihan) Ngayon ay nalaman at natukoy na ninyo ang iba’t-ibang


alituntunin na dapat nating sundin sa Paaralan/silid-aralan.

Magkakaroon tayo ng isang laro at ang larong ito ay


tatawagin nating “ Fun Run ( Sagot mo! Takbo mo! )

Fun Run ( Sagot mo! Takbo mo! )


Hahatiin ng guro ang mga mag-aaral sa apat (4) na
pangkat. May mga tanong na kailangang sagutin ang
bawat pangkat, sa bawat tamang sagot na ibibigay ng
bawat pangkat ay siyang takbo naman ng kanilang
kalahok. Ang unang kalahok/pangkat na makakarating sa
finish line ang siyang tatanghaling panalo.

Pamantayan sa Pagsasagawa ng pangkatang Gawain


1. Makinig sa panuto
2. Magtulungan upang mapaganda at mapabilis ang
paggawa
3. Gumawa ng tahimik

Fun Run ( Sagot mo! Takbo mo! )


Panuto :Hahatiin ng guro ang mga mag-aaral sa apat (4)
na pangkat. May mga tanong na kailangang sagutin ang
bawat pangkat, sa bawat tamang sagot na ibibigay ng
bawat pangkat ay siyang takbo naman ng kanilang
kalahok. Ang unang kalahok/pangkat na makakarating sa
finish line ang siyang tatanghaling panalo.

Pangkat 1 (Manlalaro 1)
Magtutulong-tulong ang mga mag-aaral upang masagot
ang bawat tanong upang makausad ang Manlalaro 1
hanggang sa finish Line at maideklarang panalo.
Pangkat 2 (Manlalaro 2)
Magtutulong-tulong ang mga mag-aaral upang masagot
ang bawat tanong upang makausad ang Manlalaro 2
hanggang sa finish Line at maideklarang panalo.

Pangkat 3 (Manlalaro 3)
Magtutulong-tulong ang mga mag-aaral upang masagot
ang bawat tanong upang makausad ang Manlalaro 3
hanggang sa Finish Line at maideklarang panalo.

Pangkat 4 (Manlalaro 4)
Magtutulong-tulong ang mga mag-aaral upang masagot
ang bawat tanong upang makausad ang Manlalaro 4
hanggang sa finish Line at maideklarang panalo.

Mga tanong
Panuto: Pumalakpak ng dalawang (2) ulit kung ang
sitwasyon ay nagpapakita ng pagsunod sa alituntunin at
kumembot naman kung hindi.

_____ 1. Kumakain si Jeff sa itinakdang oras ng recess.


_____ 2. Nakikipagkwentuhan si Nena habang nagtuturo
ang kanilang guro.
_____ 3. Lumabas si Erica sa silid-aralan nang walang
pahintulot ng kanilang guro.
_____ 4. Hindi ginawa ni Andrei ang kanilang takdang
aralin.
_____ 5. Nakikilahok si Marie tuwing oras ng talakayan.
_____6. Maghapong naglalaro si Jhun at hindi nag-aaral
ng kanyang leksyon.
_____7. Maagang gumigising si Ana upang hindi mahuli
sa pagpasok sa paaralan
______8. Sumisigaw si Lito habang nagsusulat.

Paglalapat

Fact or Bluff
Panuto: Sabihin ang Fact kung ang alituntunin ay
ipinatutupad sa inyong paaralan at Bluff kung hindi..

___1. Pagsusuot ng malinis na uniprme.


___2. Pagpasok sa tamang oras
___3. Pagpapaalam sa guro tuwing lalabas ng silid-aralan
___4. Paghuhugas ng pinagkainan.
___5. Pakikinig ng Mabuti sa itinuturo ng guro.

I. Assimilation (Paglalapat) Generalization/Paglalahat


1 Ano ano ang mga alituntunin na ipinatutupad sa
paaralan?
2. Bakit mahalaga na sundin natin ang mga ito?

May iba’t-ibang alituntuning ipinatutupad sa paaralan.


Mahalagang sumunod sa mga alituntunin upang
mapanatili ang kaayusan at kaligtasan sa paaralan.
Makakabuti rin ang mga ito sa pagpapanatili ng mabuting
samahan sa pagitan ng mga mag-aaral.

Pagtataya
Lagyan ng  kung ang sitwasyon ay nagpapakita ng
pagsunod sa alituntuning ipinatutupad sa paaralan at 
kung hindi.

___1. Si Karen ay natutulog sa tamang oras upang hindi


siya mahuli sa pagpasok sa paaralan.
___2. Nagsusuot si Patchi ng malinis na uniporme sa
pagpasok sa paaralan
___3. Nagpapaalam si Jhun sa kanyang guro kapag siya
ay lalabas ng silid aralan upang umihi.
___4. Nakikipag-usap si Sabrina sa kanyang katabi
habang nagtuturo ang kanyang guro.
___5. Itinataas ni Seren ang kanyang kamay kapag nais
niyang sumagot sa itinatanong ng kanyang guro.

Takdang Aralin

RUBRIK SA PAGGUHIT

E. Reflection/Pagninilay Magsusulat ang mga bata sa kanilang kwaderno, journal


o portfolio ng kanilang nararamdaman o realisasyon gamit
ang mga sumusunod na prompt:

Naunawaan ko na ____________________
Nabatid ko na _____________________

Inihanda ni: Binigyang pansin nina:

JANE I. LITCHER BELLA L. MACAUBA


Grade 1 Gold Adviser Master Teacher I

NANCY B. MARALIT
Principal III

You might also like