You are on page 1of 9

School TWCS IV Grade Level GRADE 1

Teacher Learning ARALING


GERALDINE B. OBLEA
Area PANLIPUNAN
LESSON ND
Teaching Quarter 2 QUARTER/WEEK
EXEMPLAR FEBRUARY 8-12
Date 7-8
Teaching No. Of Days
1
Time

I. LAYUNIN Sa araling ito, ang mga mag-aaral ay


inaasahang:
a. Natutukoy ang iba’t ibang alituntunin
na dapat sundin sa tahanan
b. Naihahambing ang alituntunin ng
sariling pamilya sa alituntunin ng ibang
pamilya
c. Nagkakaroon ng pagpapahalaga sa
pagsunod sa alituntunin ng sariling
pamilya at sa ibang pamilya
A. Content Standard Ang mag-aaral ay…
(Pamantayang Pangnilalaman) naipamamalas ang pag-unawa at
pagpapahalaga sa sariling pamilya at mga
kasapi nito at bahaging ginagampanan ng
bawat isa
B. Performance Standard Ang mag-aaral ay…
(Pamantayan sa Pagganap) buong pagmamalaking nakapagsasaad ng
kwento ng sariling pamilya at bahaging
ginagampanan ng bawat kasapi nito sa
malikhaing pamamaraan
C. Most Essential Learning Nakagagawa ng wastong pagkilos sa
Competencies(MELC) pagtugon sa mga alituntunin ng pamilya
( Pinakamahalagang Kasanayan sa
Pagkatuto)(Kung mayroon, isulat ang Nakabubuo ng konklusyon tungkol sa
pinakamahalagang kasanayan sa mabuting pakikipag-ugnayan ng sariling
pagkatuto o MELC pamilya sa iba pang pamilya sa lipunang
Pilipino.
AP1PAM- IIh-23
D. Enabling Competencies
(Pagpapaganang Kasanayan)
(Kung mayroon, isulat ang
pagpapaganang kasanayan.)
II. NILALAMAN Mga Alituntunin at Pakikipag-ugnayan ng
Pamilya
III. KAGAMITAN PANTURO
A. Mga Sanggunian
a. Mga Pahina sa Gabay ng Guro MELC pahina 24-25, Budget of work 188
b. Mga Pahina sa Kagamitang
Modyul pahina 29-35
Pangmag-aaral
c. Mga Pahina sa Teksbuk
d. Karagdagang Kagamitan mula sa Youtube videos
Portal ng Learning Resource https://www.youtube.com/watch?
v=HkFfbNiybqo
B. Listahan ng mga Kagamitang Panturo
Powerpointpresentation, activity sheet,
para sa mga Gawain sa Pagpapaunlad
sagutang papel
at Pakikipagpalihan
IV. PAMAMARAAN
A. Introduction (Panimula) Ang Napapanahong Pagpapaalala:
Ipapaalala ng guro sa mga bata ang
panuntunan sa pagsisimula ng aralin gaya
ng:
1. Pag-iwas sa pagsasalita kapag
nagsasalita ang guro o sinumang
binigyan ng pagkakataon magsalita.

Kamustahan Tayo:

Kamusta mga bata?


Ano-ano ang mga paghahanda na
inyong ginawa bago magsimulang
mag aral?

Balikan Natin:
Itatanong ng guro sa mga bata kung anu-
ano ang mga mahahalagang pangyayari sa
buhay ng sariling pamilya. Tatawag ng piling
mag-aaral upang magbahagi ng
mahalagang pangyayari sa buhay ng sariling
pamilya.

Awitin Natin:
Sa gabay ng guro sabay-sabay na aawitin ng
mga mag-aaral ang:
May Alituntunin sa ating Tahanan
(sa tono ng It’s a Small World)

May alituntunin sa ating tahanan


Na dapat sundin at pahalagahan
O gawing maayos ating mga kilos
At gawi sa tahanan

Gumising ng maaga
Magligpit at maglinis
Kinainan mo’y hugasan na
Nang ang lahat ay sumaya

Isa-isahin Natin:
Mula sa awiting napakinggan at inawit, ano-
ano ang mga alituntuning dapat sundin at
pahalagahan?
Tatawag ang guro ng piling mag-aaral upang
sumagot.

B. Development (Pagpapaunlad) Imukha mo!


Sa tulong ng roleta, Ipakita at isagawa ang

☺ kung ang larawan ay gawain ng batang


katulad mo at ☹ kung hindi.

Sagutin:
1. Ano sa tingin mo ang mangyayari kapag
hindi mo ginawa o sinunod ang mga
alituntunin sa inyong tahanan?
2. Sino ang nagtatakda at nagpapatupad ng
mga alintuntunin sa tahanan?
3. Bakit itinakda ang mga alituntunin sa
inyong tahanan?
Magkwentuhan tayo!
Pakinggan ang kwentong babasahin ng guro.
Tukuyin ang mga alituntunin na dapat gawin
ng mga tauhan mula sa kwento. Isulat ang
sagot sa iyong sagutang papel.

Hindi inaasahan ng marami, lalo na sa


Bayan ng Rodriguez ang pagdating ng COVID-
19. Tinawag na itong pandemya sapagkat
naapektuhan nito ang halos lahat ng mga bansa
sa buong mundo. Sa Pilipinas, libo-libong tao na
ang nagkakasakit dahil dito.
Isang araw, kinausap ni Aleng Elvira ang
kaniyang buong pamilya. Ipinaliwanag niya ang
ilang mga pagbabago sa nakagawian sa kanila.
Hindi na sila pinapayagang lumabas. Hindi na
muna sila maaring mamasyal sa Robinson at
kumain sa Mcdo o Jollibee tuwing lingo. Sa loob
na lamang ng bahay puwedeng maglaro. Bago
ito, dapat ay tapos na silang maligo.
Nakapagsuot na rin ng malinis na damit.
Kailangang tapos na rin basahin ang mga aralin.
Pinaghuhugas sila ng kamay at pinagagamit ng
alcohol nang mas madalas kaysa dati.
Tinitingnan ng nanay nila kung tama nila itong
ginagawa Tumutulong si Ana sa Ate Mara niya sa
pagliligpit ng mga pinagkainan. Pinupunasan din
nila ang mesa ng basahang may sabon upang
hindi dapuan ng langaw. Pinaghihiwalay din nila
ang basurang nabubulok at di-nabubulok.

Sagutin:
1. Ano-ano ang alituntuning nabanggit
mula sa kwento?
2. Sino ang nagtakda ng mga alituntunin
sa bahay nina Ana?
3. Alin sa mga alituntunin sa bahay nila
Ana ang katulad na alituntunin
ginagawa at sinusunod mo sa inyong
tahanan?

Alamin at Tukuyin Natin:


Natukoy na ninyo ang iba’t-ibang alituntunin sa
dapat nating sundin sa loob ng ating tahanan.

Bakit kailangan nating sundin ang mga


alituntuning ito ?
C. Engagement (Pagpapalihan) Iguhit natin !
Sa tulong at gabay ng tagapag-alaga.
Gumuhit ng isang alituntunin na ipinatutupad
sa inyong bahay. Kulayan ang iginuhit. Gawin
ito sa iyong kuwaderno

RUBRIK SA PAGGUHIT

Suriin At Paghambingin Natin !


Suriin at paghambingin ang dalawang
larawan

May mga alituntuning ipinatutupad sa inyong


pamilya. Ang mga alituntuning ito ay maaring
katulad din ng alituntunin ng ibang pamilya.
Mayroon din nman itong pagkakaiba.
Ang mga pagkakaibang ito ay dapat na
igalang at pahalagahan.

Close – Open

Ibuka ang mga daliri kung ang larawan ay


nagpapakita ng pagsunod sa alituntunin sa
tahanan at isara kung hindi.
Larawan ko ! Iugnay mo !

Tukuyin ang mga alituntuning ipinatutupad sa


tahanan na sumisimbolo sa mga bagay sa
larawan. Pag-ugnayan ang larawan at
alituntuning isinisimbulo nito
D. Assimilation (Paglalapat) Tsek or Ekis
Basahin ang bawat pangungusap. Lagyan ✓
ng kung Tama at 🗴 kung Mali ang nakasaad.
Isulat ang iyong sagot sa iyong kuwaderno.

______1. Ang alituntunin ay itinatakda ng mga


magulang o ng mga nakatatanda.
______2. Ang alituntunin ay HINDI pinag-
usapan at pinagkasunduan ng mga kasapi
ng pamilya.
______3. Ang alituntunin ay ipinatutupad
bilang tugon sa sitwasyon na mayroon ang
pamilya.
______4. Napakahalaga na sumunod sa
alituntunin ng pamilya dahil ito ay
nagpapakita ng respeto.
______5. Ang pagsunod sa alituntunin ng
ibang pamilya ay magbubunga ng
magandang ugnayan ng sariling pamilya at
iba pang pamilya.

Pahalagahan Natin !

Lagyan ng 👍 ang nagpapahalaga sa


alituntunin at 👎 ang hindi.
_____1. Batang nagpupuyat sa panonood ng
TV.
_____2. Batang kumakain ng chichiria.
_____3. Batang nagbabasa ng aklat
_____4. Batang nagmamano
_____5. Batang naglilinis ng bahay.

V. PAGNINILAY Magsusulat ang mga bata sa kanilang


kwaderno, journal o portfolio ng kanilang
nararamdaman o realisasyon gamit ang mga
sumusunod na prompt:

Naunawaan ko na_______________________
Nabatid ko na ________________________

Inihanda ni:

GERALDINE B. OBLEA
Teacher I

You might also like