You are on page 1of 9

I.

LAYUNIN

A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ang pang-unawa sa kaalaman at


kasanayan sa mga "gawaing pantahanan" at tungkulin
at pangangalaga sa sarili

B. Pamantayang Pagganap Naisasagawa ang kasanayan sa pangangalaga sa sarili


at gawaing pantahanan na nakatutulong sa pagsasaayos
ng tahanan

C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto (Isulat ang code sa Nakalilikha ng isang malikhaing proyekto
bawat kasanayan) (EPP5HE Og-18)

 Naipapaliwanag ang proseso ng paggawa


ng kagamitang pang-bahay

 Nakakagawa ng kagamitan gamit ang


recycled materials

 Nabibigyan ng importansya ang


pagrerecycle ng mga kagamitan
II. NILALAMAN
Paglikha ng mga Kagamitang Pambahay

III. KAGAMITANG PANTURO

A. Sanggunian

1. Mga Pahina sa Gabay sa Pagtuturo

2. Mga Pahina sa Kagamitang Pang Mag-aaral

3. Mga Pahina sa Teksbuk

4. Karagdagang Kagamitan Mula sa LRMDS

B. Iba Pang Kagamitang Panturo Manila paper,Cartolina,Marker,Pictures


IV. PAMAMARAAN
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
A. Balik-Aral sa nakaraang Aralin o pasimula sa bagong Balik-aral:
aralin (Drill/Review/Unlocking of Difficulties)

Magandang umaga mga bata ! Magandang umaga rin po guro!

Bago tayo magsimula tayo muna ay manalangin.


Maria, pwede ka bang pumunta sa harapan at mamuno sa
panalangin . Opo, guro!

Magsitayo ang lahat para sa panalangin . (Ang mga bata ay nagsitayo)

(Nanalangin si Maria) (Nanalangin si Maria)


Angel of God, my guardian dear, to whom God's love Angel of God, my guardian dear, to whom God's love
commits me here, ever this day be at my side, to light and commits me here, ever this day be at my side, to light and
guard, to rule and guide. Amen. guard, to rule and guide. Amen.

Maraming salamat Maria,, magsi upo na ang lahat. (Nagsi upo na ang lahat)

Meron bang lumiban sa ating klase ngayon? Wala po guro.

Magaling! Tayo ay kumpleto sa araw na ito dahil


malilibang kayo sa ating tatalakayin ngayon , ngunit bago
tayo dumako sa ating bagong leksyon balikan mo na natin
ang ating nakaraan ng tinalakay.

Naalala niyo pa ba ang nakaraang leksyon na ating Opo guro


tinalakay ?

Kung gayon, maaari niyo bang sabihin kung ano iyon? (Ang lahat ng bata ay nagsitaas ng kamay)

Sige Mae, Ano iyon? Mga kagamitang pangbahay na ginagamit pang


linis guro.

Mahusay! Bigyan natin ng tatlong sigaw na Mahusay si


Mae,na may kasamang palakpak.

Mahusay!Mahusay!Mahusay! Mahusay!Mahusay!Mahusay!

Ano-anu naman ang mga kagamitang iyon? ( Ang lahat ng bata ay nagsitaas ng kamay)

Sige Ace ,magbigay ka ng halimbawa ng kagamitang Walis tingting at walis tambo po Guro!
panglinis sa tahanan ?

Magaling! Bigyan naman natin ng tatlong sigaw na


Magaling si Ace ,na may kasamanv palakpak.

Magaling!Magaling!Magaling! Magaling!Magaling!Magaling!

Meron pa ba ? Sino pa ang pwedeng magbigay ng


halimbawa ng kagamitang pambahay ? (Ang lahat ng bata ay nagsisitaas ng kamay)

Sige ikaw naman Prince. Ano iyon? Basahan at daspan po Guro.!

Mahusay ! Bigyan din natin si Prince ng tatlong sigaw na


Mahusay !na may kasamang palakpak.

Mahusay!Mahusay!Mahusay! Mahusay!Mahusay!Mahusay!

Kahanga-hanga mga bata dahil natatandaan niyo pa rin


ang ating mga nakaraang tinalakay .

Handa na ba kayo sa ating bagong aralin? Opo Guro!

Magaling!
B. Paghahabi sa layunin ng aralin (Motivation)

Ngunit bago tayo magsimula sa ating bagong aralin ,may


inihanda ako ng mga litrato at subukin ninyong hulaan
kung ano ang mga bagay na iyon.

Maaari niyo bang sabihin saakim kung anong bagay ang Apron po Guro!
nasa larawan ? (ang lahat ng bata ay sumasagot)

Tama ,ito ay isang apron .

Ito naman ang pangalawang larawan .

Ano naman ang bagay na ito ? Pandilig po guro!


(ang lahat ng bata ay sumasagot)

Mahusay mga bata! . Ito ay pandilig.

Ito naman ang huling larawan .

Anong bagay naman ito? Plorera po guro!


(ang lahat ng bata ay sumasagot)

Napakahusay mga bata . Tama ,ito ay isang Plorera

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin


(Presentation)

Ang mga bagay na ito ay ilan lamang na halimbawa ng


mga kagamitang pambahay dahil sa panahon ngayon ay
marami ng mga kagamitang ginagamit .

Gusto niyo bang malaman kung paano ito ginagamit sa


tahanan ? Opo guro!
Sige mga bata sisimulan natin sa Apron .

Pwede bang pakibasa Maria kung ano ang ibig sabihin ng Opo guro!
apron?

Ang Apron ay isang piraso ng


kasuotan na isinusuot sa Ang Apron ay isang piraso ng kasuotan na isinusuot sa
harap ng iyong karaniwang harap ng iyong karaniwang damit at ito ay tinatali sa
damit at ito ay tinatali sa baywang,lalo na kapag nagluluto, upang maiwasang
baywang,lalo na kapag madumihan ang iyong mga damit.
nagluluto, upang maiwasang
madumihan ang iyong mga
damit.
Tama ! Ano naman ang ibig sabihin ng pandilig ? Sige nga
ikaw naman Ann.
Opo guro!
Ang pandilig ay isang
bagay na nilalagyan Ang Plorera ay isang uri ng sisidlan, kung saan nilalagyan
ng tubig pandilig ng ng mga bulaklak,tunay man o yari sa palstic.
mga halaman.

Magaling Ann! Ang paghuli


naman pakibasa Ace .
Opo guro!

Ang Plorera ay isang uri


ng sisidlan, kung saan
nilalagyan ng mga Ang Plorera ay isang uri ng sisidlan, kung saan nilalagyan
bulaklak,tunay man o ng mga bulaklak,tunay man o yari sa palstic.
yari sa palstic.

Napakahusay mga bata !

Alam niyo ba mga bata na makakagawa tayo ng mga


bagay na yan mula lamang sa recycled
materials ,halimbawa nalang ay sa mga lumang damit,
mga plastic na bote at iba pang bagay na pwedeng
irecycled na makikita lamang sainyong tahanan o paligid.

Katulad na lamang ng Plorera na pwede nating gawin


gamit lamang ang plastic na bote .

Ito ang proseso sa paggawa ng Recycled Plorera

Mga materyales na gagamitin


Mga lumang plastic na bote
Gunting
Glue
Stick glue
Glue gun
Marker
Paint brush

Mga proseso ng Paggawa


 Una ihanda ang mga materyales na gagamitin
 Pangalawa gamit ang marker lagyan ng
palatandaan ang mag-kabilang gilid ng bote na
magsisilbing gabay sa paggupit.

 Pangatlo gamit ang glue stick at glue gun


pagdikitin ito

 Pang-apat ang natirang plastic na bote na ating


ginupit , lagyan ng decorasyon na ayon sa gusto
niyong desinyo katulad na lang nito

 Pang lima ay idikit ito sa unang nating ginawa

 Pang anim gumawa ng sariling pang desinyo


gamit ang colored paper at iba pang pwedeng
gamitin pangdesinyo.

 Pang huli lagyan ng glue ang buong katawan ng


plastic na bote gamit ang paint brush at idikit ang
nagawang pang desinyo.

Sa paggawa ng isang bagay dapat ito’y pinapahalagahan


katulad na lamang sa pagsunod sa mga proseso upang
maiwasang magkamali sa iyong ginawa ,dapat ay
marunong kang tumulong saiyong kasama sa paggawa
lalo na kung ito’y pangkatang gawain at dapat may
disiplina ka sa sarili na pagkatapos ng inyong gawain ay
dapat ayusin ang mga kagamutan at linisan ang mga
pinaggamitan .

Nasundan niyo ba mga bata?

Tignan natin kung ito ba ay nasundan niyo ng mabuti.


Opo guro!

D. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng


bagong kasanayan No.1
(Modelling)

Mayroon akong inihandang gawain tungkol sa proseso ng


paggawa ng plorera.

Panuto: Maglabas ng malinis na papel.Pagsunod-sunorin


ang mga proseso gamit ang bilang 1-7.Mabibigay lang ako
ng limang (5) minuto upang gawin ito
___ang natirang plastic na
bote na ating ginupit , Pakipasa na sa harapan
lagyan ng decorasyon na kung kayo’y tapos na at
ayon sa gusto niyong ating ng sagutan.
desinyo katulad na lang
nito. Sinong gustong
sumagot?
___ ihanda ang mga
materyales na gagamitin. Sige Prince pumunta ka
sa harapan at ibahagi
___ lagyan ng glue ang mo ang iyong sagot.
buong katawan ng plastic
na bote gamit ang paint Tama ba ang mga sagot
brush at idikit ang ni Prince?
nagawang pang desinyo.

___ gamit ang glue stick at Napaka husay mga


glue gun pagdikitin ito. bata!,talagang nakikinig
kayo at nasusundan
___ gamit ang marker ninyo ang ating aralin.
lagyan ng palatandaan ang
mag-kabilang gilid ng bote
na magsisilbing gabay sa
paggupit.

___ gumawa ng sariling


pang desinyo gamit ang
colored paper at iba pang
pwedeng gamitin ( ang lahat ng bata ay nagsitaas ng kamay)
pangdesinyo.

___idikit ito sa unang nating


ginawa.
Opo guro!
Sagot:
4,1,7,3,2,6,5

E. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng


bagong ksanayan No. 2
(Guided Practice)

Ngayon naman ay magkakaroon tayo ng pangkatang


gawain.

Hahatiin ko kayo sa tatlong grupo .Magsisilbing unang


pangkat ang hanay una ,pangalawang pankat ang hanay
pangalawa at ang huli ay ang hanay pangatlo ang
pangatlong pangkat.
Panuto:Gagawa kayo ng Plorers base sa inyong gustong
desinyo.Gawin lamang ito ng 15 minuto.

Ito ang pamantayan sa panggawa ng Plorera.

Pamantayan Puntos

Nasasalamin ang 5
desinyo
Pagkamalikhain sa 5
paggamit ng recycled
materials

Malinis at organisado 5
sa paggawa

Naipapakita ang 5
pagkakaisa sa
panggawa

Kabuuan 20 puntos

Tapos na po ang inyong oras pakipasa na sa harapan .


F. Paglilinang sa kabihasan (Tungo sa Formative
Assessment) (Independent Practice)

Ngayon naman ay magkakaroon tayo ng indibidwal na


gawain .Maglabas ng malinis na papel.
Panuto : Iguhit ang masayang mukha 🙂 kung ito ay
nagpapakita ng pagpahalaga sa paggawa ng kagamitang
pambahay,isulat naman ang Mali kung ito ay hindi.

___1.Niligpit ni Anna ang mga ginamit na kagamitan


pagkatpos gumawa.
___2.Si Joel ay sumusunod sa tamang proseso ng
paggawa.
___3.Hinahayaan na lamang ni Juswa ang ibang kasama
na gumawa dahil hindi siya interesado sa mga bagay na
iyon.
___4.Inuutusan ang batang kapatid sa paglinis ng mga
kagamitan.
___5.Masaya akong nakikibahagi sa mga gawain .

Kung kayo’y tapos na.Makipagpalit na ng papel sa inyong


katabi at ating ng sagutan .

Sagot :
1.🙂
2.🙂
3. Mali
4.Mali
5 .🙂

Pakibalik na inyong mga katabi kung tapos niyo ng itsek.

Sino ang nakakuha ng mataas na bilang?


(Lahat ng bata ay nagsitaas ng kamay)
Mahusay mga bata ! Palapakan niyo ang inyong mga
sarili.

Maraming bagay ang naitutulong ng paggawa ng


kagamitang pambahayng sarili mo lamang dahil hindi
lamang sa nakakatipid ka,nabibigyan mo pa ng halaga ang
mga bagay na patapon na dahil ito ay narerecycled pa at
napapalawak pa nito ang ating kaisipan sa pagiging
malikhain sa paggawa ng mga kagamitan .
G. Paglalapat ng aralin sa pang araw-araw na buhay
(Application/ Valuing)

Panuto:Ilabas ang inyong kwaderno .Magisip ng limang


kagamitan pambahay na pwedeng gawin gamit lamang
ang mga recycled na materyales at gumawa ng sariling
proseso ng paggawa nito .

H. Paglalahat ng Aralin
(Generalization)

Ano-ano ang iba’t ibang mga kagamitang pambahay na


ating natalakay? Apron,Pandilig at Plorera Guro !

Paano mo maipapakita ang pagpapahalaga sa paggawa Sumunod sa tamang proseso ,tatumulong sa paggawa
ng isang bagay katulad ng kagamitang pambahay? kung ito ay pangkatang gawain at magkaroon ng
disiplina sa sarili po Guro!

Bakit mahalaga na makagawa ng mga malikhaing Napapalawak nito ang ating isip upang maging
kagamitan gamit ang recycled na materyales? malikhain,nakakabawas sa gastusin at nabibigyan natin
ng halaga ang mga bagay na patapon na Guro!
I. Pagtataya ng Aralin

Sainyong isinulat sa kwaderno ,pumili ng isang bagay na


gusto niyong gawin , ilapat ang inyong prosesong ginawa
at ilagay ang mga pagpapahalaga na iyong ginawa.

Kung kayo’y tapos na ,pakipasa na sa harapan at isulat Opo guro!


na ninyo ang inyong takdang aralin .

J. Karagdagang Aralin para sa Takdang Aralin at


Remediation

Takdang-aralin:
Magsaliksik pa ng iba pang kagamitang pambahay at
ilagay kung anong materyales ang kanilang ginamit.
Opo guro!
Naisulat na ba ang takdang aralin ?

Maigi kung ganun , tayo ay magsitayo at magpaalam na


sa isa’t-isa.
Paalam po guro!
Paalam mga bata !

Prepared by: Abegania, Charnes Mae V. Checked by: Ms. Maria Nica Dumulot

You might also like