You are on page 1of 10

K to 12 School SAN JOSE PILOT ELEM.

SCHOOL Grade Level ONE-Camia

Teacher Cristian Angelo B. Baylon Learning area Math


Teaching Dates & Time Quarter ________ Grading
May 27, 2023 (10:00am-11:00am)

I. LAYUNIN

A. Pamantayang Pangnilalaman The learner demonstrates understanding of continuous and repeating patterns and
mathematical sentences

B. Pamantayan sa Pagganap The learner is able to apply knowledge of continuous and repeating patterns and
numbers sentences in various situations.
Identifies and creates patterns to compose and decompose using addition.
C. Mga kasanayan sa Pagtuturo e.g. 7=0 + 7, 1+6, 2+5, 3+4, 4+3, 5+2, 6+1, 7+0
M1AL-IIIi-9
II. NILALAMAN

III. KAGAMITANG PANTURO

A. Sanggunian
1. Mga Pahina sa gabay ng guro Mathematics kagamitan ng Mag-aaral pp.

2. Mga Pahina sa Kagamitang Pangmag- Mathematics I pp.


aaral

3. Mga Pahinang Teksbuk

4. Karagdagang Kagamitan mula sa portal


ng Learning Resource

B. Iba pang Kagamitang Panturo


Laptop, telebisyon, Activity sheets, power point presentation, tsarts. big books
IV. PAMAMARAAN Teacher’s Activity Pupils’ Activity
A. Balik aral sa Tumayo ang lahat at tayo ay
manalangin.
nakaraang aralin o
pagsisimula ng Sangalan ng ama ng anank ng spiritu
bagong santo amen!
aralin(Review) (pagdadasal)

Magandang umaga mga bata!


Magandang umaga din po!
Bago tayo mag simula ay tayoy awit.

One and one, two


Two and two, four
Three and three, and six for me.
Four and four, eight
Five and five, ten
Little finger on my hand.

Magaling mga bata!

Natatandaan niyo paba ang ating huling


pinag aralan?
Opo!

Magaling, ang ating huling pinag aralan


ay ang mga 3D na mga hugis

May inihanda ako na Gawain.


Panuto: Mag lagay ng / kung ito ay 3D
na hugis X naman kung hindi.
Mga sagot:

1. /
2. /
3. X
4. X
5. X

Magagaling mga bata Natutukoy niyo


parin ang pag kakaiba ng 3D na hugis at
2D na hugis.
Mga bata kayo ba ay may lola?
B. Paghahabi ng Opo!
layunin ng Ang lola niyo ba ay mahilig manahi?
Opo!
aralin(Motivation Ano ang mga gamit sa pananahi na
) inyong nakikita sainyong lola?
Karayom!
Sinulid
Gunting!
Tama mga bata yan ang mga gamit sa
pananahi.

Eto ang karayom isa ito sa pangunahing


gamit sa pananahi

mga bata mag ingat sa karayom at ito ay


Matulis at maari kayo matusok at
masaktan.

Eto naman ang gunting ito ay kailangan


upang gupitan ang mga sinulid at mga
tela habang nananhi.

Mag ingat sa gunting at maari kayo


magupit dahil ito ay matalas mas Mabuti
na mag pa tulong sa nakaka tanda.

Eto naman ang mga botones, ito ay


kailangan upang punan ang mga nasira o
nawawalang botones sa mga damit.

Eto naman ang sinulid, isa rin ito sa


pangunahing gamit sa pananahi.
Mga bata ilan sa mga gamit sa pananahi
ay delikado at kailangan ng tulong ng
nakakatanda.

Maliwanag ba mga bata?

Opo!
C. Pag-uugnay ng mga Ngayon mga bata ako ay may kwento
tungkol sa ating tinalakay kanina dahil
halimbawa sa bagong ito ay konektado sa aking kwento.
aralin(Presentation)
Ang aking kwento ay “Si lola Pahi na
mahilig manahi.(big book)

Ano nga ang pamatayan natin sa


pakikinig ng kwento?

Tumahimik sir!

Tama ano pa?

Makinig po sir!

Tama tayo ay tumahimik, umupo ng


tuwid at making.

Ako si lola Pahi at ako ay mahilig


manahi, minsan ako nanahi ng botones
sa mga sirang damit.

Akoy nag lalagay ng dalawang asul na


botones at tatlong pulang botones sa
aking damit dahil ito ay kaaya-ayang
pag masdan

Minsan pinag tatahi ko rin ng damit ang


aking mga apo tatlong berde na damit at
minsan dalawang asul na polo.

Mahal na mahal ako ng aking apo sa


aking mga gawang damit, dahil ako ang
lola nila na si Pahi na mahilig manahi.

Ngayon mga bata sino ang lola sa aking


kwento?

Si lola pahi sir!

Tama! At ano ang hilig ni lola pahi?

Manahi po sir!

Magaling.

Ngayon sa aking kwento ilan ang asul na


botones?
Dalawa sir!
Ilan naman ang pulang botones ni lola
Tatlo sir!

Ngayon ilan naman ang berde na damit


na tinahi ni lola?
Tatlo po sir!

Tama! Ilan naman ang asul na polo?

Dalawa po sir!

Magaling!

Ang mga katanungan ko ay may


konektado sa ating pag aaralan ngayon.

Dahil jan ang ating pag aaralan natin


ngayon ay “Pag kilala at Paglikha ng
mga pattern sa pag-compose at pag-
decompose ng bilang gamit ang
pagdaragdag.”

D.Pagtatalakay sa bagong Sa kwento ko kanina mga bata ang .


konsepto at paglalahad ng pulanag botones ay tatlo at ang asul na
bagong kasanayan #1 botones ay dalawa kung pag sasamahin
natin ang pula at asul na botones ilan
lahat ito?

+
Lima po sir!

Tumpak! Lima!

Ngayon ang tatlong berde na damit at


dalawang asul na polo pag ito ay pag
sasamahin ilan lahat ito?

+
Magaling ito ay lima parin! Lima po sir!

Ngayon mga bata sa karagdagan ng


ating pag tatalakay may isa pa ako na
kwento.

Sino nga ang bata sa ating sitwasyon?

Si Ronald sir!

Tama si Ronald.

Ano ang nais niya sa anim na buhay na


Isda?

Tama nais ni Ronald ito na ilagay sa


dalawang Aquarium. Paghiwalayin ng lalagyanan.

Ngayon tignan natin kung pano inilagay


ni Ronald ang kanyang mga isda sa
dalawang Aquarium

Ito ang dalawang aquarium ni Ronald si


Ronald ay may anim na isda nais niya
itong pag hiwalayin na mananatiling
may kabuuan na anim.

Ito ang unang Solusyon 0+6=6

Ito ang pangalawang Soluson 1+5=6

Ito ang pangatlong Solusyon 2+4=6

Ito ang pang-apat na Solusyon 3+3=6

Ito ang pang-lima na Solusyon 4+2=6


Ito ang pang-anim na Solusyon 5+1=6

Lahat ng kombinasyon sa pag


decompose ng bilang ito parin ay
compose ng 6 o lahat ng sagot ay anim.

Tingnan natin kung tayo ay


makakasunod sa tularan o pattern bilang
7 pero sa pag decompose.

Ano kaya ang mga nawawalang numero


sa pattern?

Ayan mga bata magaling! Nasundan


niyo ang pattern.

E. Pagtalakay sa bagong Ngayon mga bata tayo ay mag lalaro.


konsepto at paglinang ng Papangkatin ko kayo sa tatlo.
bagong kasanayan #2
Pangkat 1
Ang laro natin ngayon ay Spin and
write.

bibiyan ko nito kaylangan niyo lang


paikutin ang arrow sa roleta at kung ano
ang dalawang bilang na lumabas ay
inyong pagsasamahin (compose) at
ililipat niyo ito agad sa pag decompose.

Halimbawa:
Compose Decompose
5+4=9 9=5+4

Pangkat 2.
Kayo naman ay bibigyan ko ng pocket
chart at tutukuyin niyo kung ilan ang
bilang ng bawat prutas an kailangan niyo
ito maicompose.

Halimbawa:

6
Pangkat 3.
Kayo naman ay kailangan mag
decompose ng mga bagay sa loob ng
plastic na bote.

Halimbawa:

10
5 5
Tapos na bam ga bata?
Opo!
Magaling maari niyo ba ma ilagay ang
inyong mga ginawa sa harap
(pagalalagay ng mga gawain.)
F. Paglinang ng Ngayon sino ang nakakita na ng
caterpillar?
Kabihasnan Ako po sir!
(Tungo sa Formative Saan ba nakikita ang mga caterpillar?
assessment) Sa mga halaman sir!
Ano kaya ang ginagawa nila sa mga
halaman?
Kumakain ng mga dahoon sir!
Tama! Sila ay kumakain ng mga dahon
para sila ay maging paro-paro

Ngayon ang ating Gawain ay may roon


akong Malaki na caterpillar.

Ito si Pilar ang malaking caterpillar


nawawala ang kanyang mga bilang.

Kailangan natin punan ang mga


nawawalang bilang sa pamamagitan ng
pag compose ng mga bilang.

May sampung nawawala na bilang sa


bawat katawan ni Pilar ay makikita niyo
ang mga nawawalang bilang sa ilalim ng
inyong lamesa.

handa naba kayo mga bata?

Opo!

0 1
1 1

2 1

2 2

2 3

3 3

3 4

4 4

4 5
G. Paglalapat ng aralin Mga bata gusto kong making ulit kayo.
sa pang araw-araw na Isang araw habang ikaw ay
buhay. nakikipaglaro ay inutusan ka ng iyong
nanay na bumili ng 5 itlog. Sinabi niya
na 3 na puting itlog at 2 na pulang itlog
ang iyong bibilhin. Dahil sa pag
mamadali mo makapag laro ulit nag ka
palitan ang iyong binili na itlog nagging
2 na putting at itlog at nagging 3 ang
pula na itlog.

Ngayon ano ang sasabihin mo sa iyong


nanay kapag nag kamali sa iyong binili?

Hihingi po ako ng sorry sa nanay ko


Ano pa?
Babalik po ako sa tindahan para palitan ang
aking binili.
Tama!
Muli pag kayo ay bibili sa tindahan ay
parati natin tignan ang ating mga binili
bago umalis sa tindahan.

Maliwanag ba mga bata?


Opo!
H. Making Ano ang ating pinag-aralan ngayon?
Pag dagdag ng mga bilang.
generalizations and Tama! Ang tawag doon ay pag compose.
abstractions about the
lesson Dahil tayo ay nag compose at
decompose ng mga bilang.

Kayo ba may katanungan pa tungkol sa


ating aralin?

-Wala na po.
Bago yan tayo ay umawit!

Alam niyo ba ang kanta ng 10 little


indians?
Opo!
Sabayan niyo ako na umawit!
(pag awit)
I. Pagtataya ng aralin. Ngayon ang ating huling Gawain mag
kakaroon maikling pag susulit.

Panuto: Bilugan ang titik ng tamang


sagot.

Mga sagot:
1. d
2. c
3. d
4. a
5. b
6. b
7. a
8. d
9. a
10. d

Ngayon mga bata ipasa lahat ng papel sa


inyong harapan.
J. Karagdagang gawain Ang inyong takdang aralan ay:
Gumuhit ng kahit anong bagay at ito ay I
para sa takdang- aralin at compose sa bilang (6,7,8,9,10) at ito ay
remediaton. idecompose.

Naintindihan bam ga bata?

Opo!

IV. Mga Tala

IV. Pagninilay

A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng


80% sa pagtataya

B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba pang
gawain para sa remediation.
C. Nakatulong bang remediation?
Bilang ng mag-aaral na nakaunawa sa
aralin.
D. Bilang ng mag-aaral na
magpapatuloy sa remediation.
E. Alin sa mga istratehiyang
pagtuturo ang nakatulong ng
lubos? Paano ito nakatulong?

Demonstrated by:

Cristian Angelo B. Baylon

You might also like