1. Note: Bago magsimula.
Start with greetings
“Good morning/afternoon (name of the learner)! How are you today?” (Be sure that the learner feels at ease and
relaxed as he/she gives his/her response).
2. Introduce the activity
“Today, we are going to play. We will do some activities. Don’t worry. These are just simple activities and the result
of these will not affect your grade. In fact, it will help you improve your performance in class. Do not be shy to ask
questions in case you do not understand my instruction. I will be here to help you.”
3. Ask the learner if she/he has some questions or concerns
“Do you have questions before we start? (Wait for the response of the learner. If the learner says “none”, proceed to
the assessment session. If the learner says “yes”, ask what the concern is and provide appropriate answers. Only if
there are no more questions to answer you can proceed with the activity.)
4. Ensure that the learner is ready to start
“Are you ready? (Do not start until the learner is ready or has shown any sign of approval.)
5. Read the instruction/s as stated in each activity.
6. Record time per activity
LET’S TALK
Name of Pupil:________________________________________Time Started: _________Ended:______
1. (Ihuhulog ang bungkos ng susi)
Kumusta, Magandang araw/hapon!
2. Ako si Mrs. Bunag. Ano ang pangalan mo?
3. (Tatapikin ng guro ang mesa) Narinig mo ba ang tunog ng pagtapik sa
mesa?
4. Ulitin mo nga.
5. Gawin mo ang sasabihin ko.
Tumayo
Umikot
Umupo
6. Observed in item no. 5
7. Sino-sino ang miyembro ng iyong pamilya?
Ano-ano ang kanilang pangalan?
8. Sabihin mo sa akin ang tungkol sa iyong pamilya.
9. Ano ang ginagawa mo bago punta sa paaralan?
Ano-ano ang mga bagay na nakikita mo sa paaralan?
Sino-sino ang mga nasa paaralan?
Ano ang ginagawa mo sa paaralan?
10. (Kukuhanin ng guro ang bola, lapis, aklat mula sa kahon isa isa)
Ano ito? Bola, lapis, aklat
11. Ilarawan ito.(bola), (lapis),(aklat)
12. (Ilalagay ng guro ang mga kards ng letra at bilang sa mesa)
Piliin ang letrang B,R,S,T,W,A
13. Ano ang tunog ng isang motorsiklo?
14. Babasahin ko ang mga salita.
Ano ang unang tunog ng mga salitang ask,act, ana)
Ano ang gitnang tunog ng pat, mat, bat?
Ano ang huling tunog ng mga salitang Ana, Aga, Eva
15. “My Teacher, My Hero” Ulitin mo
16. Basahin mo ang mga salita:
Is, are, has, for,give, his
17. Bumigkas o umawit ng kahit anong pambatang tla o awit na alam mo
18. Oobserbahan sa panahon ng pag usap
19. Oobserbahan sa panahon ng pag usap
20. Oobserbahan sa panahon ng pag usap
21. Pansinin ang pagsasalita ng bata kung siya ba ay nauutal o tuloy tuloy at
malinaw ang pagbigkas ng mga salita.
22. Pakinggan ang lakas o hina ng boses
23. Pakinggan ang tamang lakas o hina ng boses
24. Pansinin ang tamang pagbigkas ng bawat salita
25. Napagod ka ba?
Nagugutom ka ba?
Nauhaw?
Gusto mo ba magbanyo?
Ano ang gusto mong gawin?
TREASRE BOX
Name of Pupil:________________________________________Time Started: _________Ended:______
26. ( Ang guro ay magpakita ng 3 bagay mula sa treasure box at ilagay ito sa
mesa,)
Mula sa kaliwa, anong bagay ang nasa gitna?
Hulihan?Unahan?
27. Ang guro ay magpapakita ng mga larawan ng bagay mula sa treasure
box.
Pangkatin ang mga larawan ayon sa hugis.
28. Aysin mo ang tamang pagkakasunod sunod ng mga bagay ayon sa
sukat mula sa pinakamaliit hanggang sa pinakamalaki.
29. Aling larawan ang kapareho ng sukat ng aking hawak na larawan.
30. Pagsama-samahin mo ang mga larawan ng bagay kulay pula.
Pagsama-samahin mo ang mga larawan ng bagay na maliliit.
31. Kumuha ng tatlong hugis na may magkaparehong kulay.
32. Sabihin ang mga letra ng alpabeto.
33. Ang guro ay maglalagay ng mga letrang M,R,S,T,A,P, sa mesa at
itatambal ang maliliit na letra na may dalawang panggulo.
Mayroon akong anim na malalaking letra ng alpabeto. Kuhanin ang mga
maliliit na letra sa mesa at itambal sa malaking letra.
34. Bumilang ka ng isa hanggang dalawampu.
35. Kumha ka ng tatlong number sa kahon at sabihin mo sa akin kung anong
bilang ito.
36. Ang guro ay maglalagay ng nymber card na 2,5,7.
Kumuha ka ng popsicle sticks sa mahiwagang kahon. Ipakita ang bilang
ng popsicle sticks na katumbas ng bilang na nasa number cards.
37. Gamit ang popsicle sticks, pagsamahin mo ang
8 at 2=
5 at 5=
1 at 9=
38. Gamit ang popsicle sticks ipakita ang
11-1=
12-2=
12-3=
39. Kumuha ka ng dalawampung pisong papel sa kahon
Sampung piso, limang piso at isang piso
40. Ano ang nawawalang bilang sa
1,2,___,4,5
2,4,6,___10,12
3,6,___
5,____15
41. Ilalagay ng guro ang oras sa 3:00, 7:00 at 9:00
Tingnan ang orasan hawak ko, sabihin mo sa akin kung anong oras ito?
42. Kilalanin ang mga nasa larawan. Sa iyong palagay, alin ang nauuna?
nasa hulihan? Ayusin ang mga larawan.
43. Tingnan muli ang mga larawan. Sabihin sa akin kung aling kaganapan
ang nangyayari sa umaga? Sa tanghali? At sa gabi?
44. Ayusin ang mga puzzle o palaisipan para makompleto ang mga larawan.
45. Kung hindi mabuo ng mga bata ang puzzle o palaisipan, magpapakita
ang guro ng patnubay na larawan.
Tingnan ang puzzle o palaisipan na nabuo. Ituro ang ulo, leeg, balikat,
kamay, daliri, binti, tuhod at daliri sa paa.
46. Aling parte ng katawan ang ginagamit para makakita, makarinig,
makalasa, makaramdam at makaamoy?
47. Masdan ang dalawang larawan. Ano ang mga pagkakaiba ng dalawang
larawan?
48. Ano ang nawawala sa larawan?
49. Sinu-sino ang mga kasapi ng mag-anak?
50. Obserbahan ang reaksyon ng mga mag-aaral. Tanungin ang mga mag-
aaral kung alin sa dalawang libro ang kanyang nagustuhan.
Kumuha ng dalawang libro sa kahon.
MY DAILY ROUTINE
Name of Pupil:__________________________________________________Time Started: _________Ended:_________
51. Kunwari naliligo ka. Ipakita mo kung paano mo ito gagawin.
52. Ipakita mo sa akin kung paano ka magsipilyo ng ngipin.
53. Bibigyan ng guro ng polo shirt/blusa at shorts/palda/pantalon ang bata at
ipasusuot ito habang nakatayo.
Ipakita mo kung paano mo isusuot ang iyong damit.
54. (Kung hindi naibutones ng bata ang butones ng damit, maaaring
ipagawa ng guro sa bata ang panuto sa ibaba)
Ipakita mo sa akin kung paano ibutones ang iyong polo shirt/blusa.
55. Hayaan ang bata na tumayo at ipakita kung paano isara at buksan ang
siper ng pantalon/ palda/ shorts
Ipakita mo sa akin kung paano isara at buksan ang siper ng iyong
pantalon/ palda/ shorts.
56. Ipakita mo sa akin kung paano mo hubarin ang iyong damit.
57. Ipakita mo sa akin kung paano mo isuot ang iyong sapatos.
58. Ipakita mo sa akin kung paano mo itali ang sintas ng iyong sapatos.
Tapos, alisin mo ang pagkakatali ng sintas ng iyong sapatos.
(Paalala: Kung ang bata ay nakasuot na ng sapatos na may sintas, ipaalis
muna ang pagkakatali ng sintas pagkatapos, ipatali muli ito.)
59. (Paalala: Hahayaan ng guro na ipakita ng bata.)
Ipakita mo sa akin kung paano ka magsuklay ng iyong buhok.
60. Bigyan ang bata ng panyo o tisyu.
Ipakita mo sa akin kung paano magpunas ng ilong o suminga gamit ang
panyo o tisyu.
61. Paalala: Dalhin ang bata sa hugasan.
Kung wala, maghanda ng timbang may tubig, planggana, sabon at
tuwalya.
Hugasan ang kamay at patuyuin ito.
62. Paalala: Ipaghanda ang mag-aaral ng plato, kutsara, tinidor, baso at
panapin.
Ipakita mo sa akin kung paano inaayos ang mesa.
63. Paalala: Ipaghanda ang mag-aaral ng tinapay na may palaman na
nakalagay sa bote at panghiwa ng tinapay/kutsara.
Kung ang bata ay hindi pa sanay sa paghahanda ng tinapay, siya ay
maaaring tanungin sa mga pagkaing alam na niyang ihanda tulad ng
pagluluto ng itlog, kamote at iba pa.
Ipakita sa akin ang paghahanda ng tinapay.
64. Paalala: Ang guro ay maghahanda ng mga lalagyan na maaring
mabuksan o maisara. Ito ay dapat na mapagmasdan habang
inihahanda ng bata ang pagkain.
Ipakita sa akin kung paano magbukas ng mga bote/ o iba pang sisidlang
naglalaman ng pagkain at isara ito.
65. Paalala: Ang guro ay maghahanda ng tisyu/napkin sa mga bata.
Ngayon, ikaw ay handa ng kumain ng tinapay. Tanggalin na ang balot
nito.
66. Paalala: Ang guro kasama ang magulang ay magpapatunay sa
pamamagitan ng obserbasyon.
Nauubos ba niya ang pagkain na nasa plato o pinggan?
67. Paalala: Dapat itong mapatotohanan sa pamamgitan ng
pakikipanayam sa mga magulang.
Pwede mo bang ipaghanda ng plato ang iyong sarili? Ipakita mo ito kung
paano.
68. Paalala: Ang guro ang maghahanda ng mga kagamitan na gagamitin.
Alam mo ba kung paano ganitin ang mga kagamitan sa pagkain nang
maayos? Ipakita mo sa akin.
Hayaan ang mga batang gamitin ang mga kagamitan.
69. Ipakita sa akin ang pag-inom ng tubig sa tasa/baso/bote.
(Pwede mo bang ipakita sa akin ang pag-inom ng tubig sa
tasa/baso/bote?)
70. Paalala: Dapat itong mapatotohanan sa pamamagitan ng
papakikipanayam sa magulang.
Naisasa-ayos mo ba ang mesa pagkatapos mong kumain?
71. Ikumpara ang sagot sa Gawain 1 bilang 25. Ito ay maoobserbahan sa
oras ng pagtatasa.
Nagpapaalam ka ba sa guro mo kung ikaw ay pupunta sa banyo?
72. Paalala: Ang guro kasama ang magulang ay magpapatunay sa
pamamagitan ng pagtatasa.
Binubuhusan mob a ang palikuran (bawl) pagkatapos gamitin?
73. Paalala: Dapat itong mapatotohanan sa pamamagitan ng
pakikipanayam sa magulang.
Pagkatapos gumamit ng banyo, naghuhugas ka ba ng kamay?
74. Ipakita ang anim na babala:
-nakakadulas kung basa
-mataas na boltahe
-nakalalason
-nakasusunog/umaapoy
-daang isinasaayos
-nahulog na mga nadurog na bagay
Kilala mo ba ang mga simbolong ito?
Ano ang ibig sabihin ng mga ito? Kapag nakita mo ito, ano ang gagawin
mo?
75. Ito ang larawan ng basag na salamin, matataas na mga lugar, daan o
matatalas na bagay. Ano ang gagawin mo kapag nakita mo ang mga
ito? Bakit?
WHETHER WHETHER
Name of Pupil:___________________________________________________Time Started: _________Ended:______
76. Nakikipaglaro ka ba sa mga kaibigan mo? Anong laro ito?
77. Kapanayamin ang tagapayo kung ang bata ay nakasusunod sa
alituntunin habang naglalaro.
78. Kailan ang tamang oras para makipaglaro sa kaibigan? Bakit?
79. Kapanayamin ang tagapayo.
Ano ang ginagawa mo kapag ikaw ay nananalo/natatalo? Bakit?
80. Narito ang larawan ng iba’t ibang mukha. Alin sa mga larawang ito ang
nagpapakita na ikaw ay nanalo/natalo?
81. Hayaan ang mga batang banggitin ang tatlo nilang kaibigan.
Ilan lahat ang iyong kaibigan? Sabihin ang kanilang pangalan.
82. Ano ang gingawa ng iyong nanay? tatay sa bahay? Ipakita sa akin kung
paano ito isinasagawa.
83. Mayroon ka bang pansariling kagamitan? Sabihin kung anu-ano ang
mga ito.
84. Ilan kayo sa pamilya? Iguhit mo ang bawat kasapi ng pamilya. Bilugan
moa ng iyong sarili.
85. Inoobserbahan ng guro ang mga bata habang ginagawa ang Gawain
bilang 9.
86. Magbibigay ang guro nang maayos na puna mula sa drawing.
87. Base sa reaksyon ng bata sa bilang 11.
88. Kaalaman ng guro sa mag-aaral ay dapat isulat.
89. Paalala: Ang magagalang na salita na ginagamit ng mga bata.
Paano mo babatiin ang iyong guro sa:
a. Umaga
b. Tanghali
90. Kung ikaw ay nadali/nabangga ng hindi sinasadya ng sinuman, ano ang
gagawin o sasabihin mo?
91. Ano ang iyong ginagawa kung may taong nagsasalita?
(Maaaring obserbahan habang isinasagawa ang pagsusulit)
92. Kung nahihirapan ka sa ibinigay na takdang aralin, ano ang ginagawa
mo?
93. *Nakapaghihintay ng pagkakataon
94. *Nakapagpapakita ng ugalingmapagpatawa
95. *Nakapapamuno sa mga pangkatang gawain.
Ang pagkakaalam ng guro (prior knowledge) sa mag-aaral ay dapat
isaalang-alang.
96. *Nakahihingi ng permiso sa paggamit ng mga hindi pagmamay-aring
bagay
Ang pagkakaalam ng guro (prior knowledge) sa mag-aaral ay dapat
isaalang-alang.
97. *Nahahanap ang mga dating kaibigan.
Ang pagkakaalam ng guro (prior knowledge) sa mag-aaral ay dapat
isaalang-alang.
98. *Nakagagawa ng mag-isa.
Ang pagkakaalam ng guro (prior knowledge) sa mag-aaral ay dapat
isaalang-alang.
99. Nakikilahok sa dula-dulaan. (Paalala: Ang guro ay maaring gumanap na
isa sa mga tauhan.)
Sabihin: Mayroon akong mga larawan, pumili ka ng isa at tayo ay
magrorole-play.
Mga Larawan:
a. Sa bahay – nanay na nagluluto
b. Sa paaralan – guro na nagsusulat sa pisara
c. Palaruan – batang lalaki na nagpapatalbog ng bola
d. Palengke – nanay na namimili ng gulay
100. Kung ang isa sa kaklase mo ay walang baon, ano ang gagawin
mo?
WORK OF HANDS
Name of Pupil:___________________________________________________Time Started: _________Ended:______
101. Mayroon ako ditong isang buong papel. Itupi mo ito ng isang beses
kahit anong direksyon.
102. Punitin ang papel ayon sa pagkakatupi.
103. Ito ang mga larawan ng isang bola at isang baso. Bakatin ang mga
putol putol, derecho at pakurbang linya.
104. *Nababakat ng tuloy-tuloy ang mga derecho at pakrbang linya.
105. Narito ang larawan ng bola at baso. Kulayan moa ng mga ito.
106. Ngayon, gupitin ang mga linya ng basong iyong binakat at
larawang kinulayan.
107. *Nagugupit ang papel ayon sa pakurbang direksyon.
108. *Nagugupit ang mga larawan ayon sa ibinigay na guhit.
109. Gumuhit ng bahay gamit ang iba’t ibang hugis.
110. Magmasid/obserbahan kung mahahawakan ba ng bata ang lapis
o ang kagamitang pangguhit gamit ang tripod grip habang naguhit.
111. Sipiin/Kopyahin ang mga sumusunod na titik (B, G, at R) sa iyong
papel.
LET’S GET PHYSICAL
Name of Pupil:___________________________________________________Time Started: _________Ended:______
112. Tumayo ng maayos sa loob ng limang Segundo.
113. Tumayo gamit ang isang paa habang nakapikit ang mga mata sa
loob ng sampung Segundo.
114. Tumayo gamit ang isang paa at nakatingkayad.
115. Ngayon, magmartsa sa iyong puwesto sa loob ng limang Segundo.
116. Lumakad sa tuwid na linya na may tamang kaayusan sa
paghakbang.
Dalhin ang bata sa lugar kung saan may tuwid na linya.
117. Hakbang patalikod tapos hakbang ng tatlong beses patabihan.
118. Lumukso sa iyong lugar na kinatatayuan ng tatlong beses.
119. Lumaktaw ng tatlong beses sa sinundang guhit.
120. Tumakbong palukso ng limang beses pakanan/pakaliwa.
121. Ipakita mo sa akin ang pinakamataas mong talon.
At paano naman ang iyong pinakamalayong talon?
122. Tumakbo ka ng pazigzag at lagpasan mo ang tatlong silyang iyan,
kunin moa ng bola at muli kang tumakbo pabalik sa iyong dinadaanan.
Mag-ingat ka.
123. Saluhin moa ng bola at pagkatapos ibato mo pabalik sa akin.
Tandaan: 3 metro ang layo sa bata.
124. Sipain moa ng bola papuntang unahan/paunahan.
Ngayon, sipain mo naman ang bola papuntang gilid o patabihan
(pakanan/pakaliwa)
125. Umakyat ka sa hagdan nang nakahawak ang isa mong kamay sa
barandilya (hawakan).
Pagkatapos bumaba ka nang hindi na humahawak sa barandilya
(hawakan).