You are on page 1of 189

Aralin 1: Ang Mga

Simbolo sa Mapa
Ang mapa ay isang
larawan o
representasyon sa
papel ng
isang lugar na maaring
kabuuan man o
bahagi lamang nito,
na
nagpapakita ng pisikal
na katangian, mga
lungsod, kabisera,
mga daan at iba pa.
Ang mapa ay
gumagamit ng iba’t
ibang simbolo upang
kumatawan sa iba
pang bagay.
Ginagamit ang mga
simbolong
ito upang ipahiwatig
ang ilang mga bagay,
katangian, at iba
pang impormasyon
ukol sa mga lugar.
Nagtuturo ito ng
eksaktong
kinalalagyan ng isang
lugar o pook at ng
mga natatagpuan
dito.
Bago pa naimbento
ang mapa, ang mga
tao ay
gumagawa na ng
sariling simbolo upang
magamit nila sa
pagtunton ng lugar.
Tayo rin maaring ay
maaring mag-isip ng
mga simbolo ng mga
bagay upang ipakita
sa mapa. Ang mga
imbentong simbolo ay
hindi ginagamit sa
mga aktual na mapa
na nabibili. Ang mga
imbentong simbolo ay
pananada lamang
ng mga taong
gumagamit nito.
Gumuhit ng mapa ng
silid-aralan.
Lagyan ito ng mga
simbolo, halimbawa,
simbolo ng upuan o
mesa ng guro. Ipabasa
sa iyong kaklase ang
mapa. Matutukoy
ba niya ang
kinalalagyan ng mga
upuan at mesa ng
iyong guro?
Ang mga simbolo o
panandang ginagamit
sa aktual na
mapa ay may mga
taglay na kahulugan.
Kailangang malaman
at maintindihan ang
bawat simbolo sa
mapa upang mas
madaling makilala o
mapuntahan ang
isang lugar.
Madali lamang
kilalanin o intindihin
ang mga simbolo sa
mapa. Karaniwang
ginagamit na larawan
sa mga simbolo ng
mga bagay ay ang
mismong hugis nito.
Isang halimbawa ay
ang
hugis ng bundok na
kagaya nito . Kung
ang lugar ay
bulubundukin, nakikita
ang ganitong simbolo
sa mapa. Ibigay ang
sinisimbolo ng mga
larawang ito.
Ang mapa ay isang
representasyon sa
papel ng isang
lugar, kabuuan man o
bahagi lamang.
Ipinapakita sa
mapa ang pisikal na
katangian, lungsod,
kabisera, daan,
kalsada, at iba pa ng
isang lugar.
Ito ay karaniwang
gumagamit ng mga
pananda at
simbolo. Ang bawat
pananda o simbolo ay
may
kahulugan na dapat
alamin.
Mahalagang
maintindihan ang
kahulugan ng bawat
simbolong ginagamit
sa mapa upang mas
mapadali ang
paghahanap sa lugar
na gustong makita o
mapuntahan.
Mahalaga rin na
maunawaan ang
kahulugan ng mga
simbolo upang
madaling mahanap o
matukoy ang ibaibang
anyong- lupa at tubig
na matatagpuan dito.
Aralin 2: Kinalalagyan
ng mga Lalawigan sa
Rehiyon Batay sa
Direksyon
Ang lahat ng mapa ay
nakaayon sa hilaga.
Kung titingnan
ang mga mapa,
mapapansin sa isang
panig nito ang may
ganitong simbolo H.
Kung ito naman ay
nasusulat sa Ingles ay
N
ang makikita. Ang
kaalaman mo sa mga
direksiyon ay
makatutulong nang
malaki upang
masanay ka sa
pagbasa ng
mapa.
May mga
mapa naman na
ganito ang
ginagamit na
pananda. Compass
rose ang tawag dito.
Ipinapakita nito ang
kardinal na direksyon o
ang primaryang
direksyon, ang hilaga,
kanluran, timog at
silangan. Nakaturo ito
sa
hilaga. Ang gawing
kanan nito ay silangan
at ang dakong kaliwa
ay kanluran. Timog
naman ang katapat
ng hilaga. Ito ang mga
cardinal o
pangunahing
direksiyon.
May
mga mapa naman na
gumagamit ng
North Arrow upang
ituro kung saan ang
hilaga.
naman ang compass.
Ito
ay laging nakaturo sa
hilaga.
Nakikita mo ba ang
mga
pangunahing
direksiyon na
nakalagay rito?
Nakagamit ka na
ba nito? Ito ay isang
kagamitan
upang matukoy ang
tiyak na
lokasyon. Ginagamit
ito ng mga iskawts at
mga
manlalakbay upang
hindi sila maligaw.
Paano kung ang isang
lugar ay hindi
eksaktong makikita sa
cardinal o
pangunahing lokasyon
at ito ay nasa pagitan
ng
hilaga at silangan? Ng
timog at ng kanluran?
Paano sasabihin
ang kinaroroonan
nito? Kailangan nating
gumamit ng
pangalawang
direksiyon. Ang tawag
natin dito ay ang
ordinal na
direksiyon.
Kung ang
lugar ay nasa
pagitan ng hilaga at
silangan,
sinasabing ito ay nasa
hilagang-silangan (HS).
Kung
ang lugar ay nasa
pagitan ng
timog at silangan, ang
kinaroroonan nito ay
nasa
timog-silangan (TS).
Samantala, ang
direksiyon sa
pagitan ng timog at
kanluran ay
timog-kanluran (TK).
Hilagangkanluran
(HK) naman ang nasa
pagitan ng hilaga at
kanluran.
Masdan ang compass
rose na may
pangunahin at
pangalawang
direksyon.
Kapag tumingin sa
mapa, hindi naman
maaring ilagay ang
totoong distansya ng
bawat lugar sa isa’t
isa. Ang mga
gumagawa ng mapa
ay gumagamit ng
pananda upang
ipakita
ang distansya ng mga
lugar sa isa’t isa sa
mapa. Nakikita ang
pananda sa ilalim na
bahagi ng mapa
kagaya ng nasa
larawan.
Mahalaga ang
direksiyon sa
pagsasabi ng lokasyon
ng
iba’t ibang lugar. Ang
kaalaman dito ay
nakatutulong
sa mga manlalakbay.
Ang apat na mga
pangunahing
direksiyon ay
ang hilaga, kanluran,
timog at silangan.
Sa pagitan ng mga
pangunahin na
direksiyon,
matatagpuan ang
mga pangalawang
direksiyon. Ito
ay ang hilagang-
silangan, hilagang-
kanluran,
timogsilangan
at timog kanluran.
Aralin 3: Relatibong
Lokasyon ng mga
Lalawigan sa Rehiyon
Maliban sa paggamit
ng mga pangunahin
at pangalawang
direksyon, ng distansya
sa iba’t ibang bagay,
simbolo at
pananda, ang
pagtukoy ng isang
lugar ay ibinabatay rin
sa
kinaroroonan ng mga
nasa paligid at
katabing-pook ang
lokasyon ng isang
lugar. Relatibong
lokasyon ang tawag
dito.
Halimbawa, kung
gusto mong ituro ang
kinaroroonan ng
inyong
bahay, sasabihin mo
ang mga katabi o
nakapaligid dito.
Katabi
ba ito ng paaralan?
Malapit ba ito sa
pamilihan? Malapit ba
ito
sa dagat?
Kung ang isa namang
lugar sa mapa ang
iyong ituturo,
sasabihin mo ang lugar
na malapit dito. Hindi
eksakto ang
ibinibigay na direksiyon
ng relatibong lokasyon
pero nagagamit
ito upang matuntun
ang lugar na nais
mong makita.
Gamitin nating
halimbawa ang
mapang ito.
Pagbatayan natin ang
plasa na nasa gitna ng
lahat ng mga
gusali batay sa
larawang ito. Saan
makikita ang plasa?
Anong
gusali ang nasa tapat
nito? Anong gusali ang
nasa likod nito?
Paano kung ang
gusaling
pamahalaang ang
pagbabatayan?
Paano mo tutukuyin
ang lokasyon ng
plasa? Mula sa bahay
pamahalaan at kung
ikaw ay nakaharap sa
plasa, anong gusali
ang nasa gawing
kanan mo?
Pansinin ang mapa ng
Rehiyon IV-Mimaropa.
Kung iba’t
ibang pulo ang
pagbabatayan,
mapapansin na
nagbabago ang
pagtukoy ng lokasyon
ng mga ito.
Halimbawa, kung ang
pagbabatayan ay
ang isla ng Palawan,
ang lokasyon nito ay
nasa timog ng
Occidental Mindoro.
Pero kung ang
pagbabatayan ay
ang Occidental
Mindoro, ang lokasyon
nito ay
nasa hilaga ng
Palawan. Pag-aaralan
ang pagtukoy ng mga
kinalalagyan ng isla ng
rehiyon. Suriin ito sa
tulong mapa.
1. Ang Oriental
Mindoro ay nasa
kanluran ng
Marinduque.
2. Ang Marinduque ay
nasa silangan ng
Oriental Mindoro.
3. Ang Romblon ay
nasa timog ng
Marinduque.
4. Ang Palawan ay
nasa timog ng
Occidental Mindoro.
5. Ang Occidental
Mindoro ay nasa
hilaga ng Palawan.
Ang mga direksiyon o
lokasyon ng isang
lugar
ay ibinabatay sa
kinaroroonan ng mga
nakapaligid at karatig-
pook. Ang tawag dito
ay
relatibong lokasyon.
Mas madaling
matutukoy ang
kinaroroonan
ng mga lugar kung
alam kung paano
hanapin ang
relatibong lokasyon ng
mga lugar na ito.
Aralin 4: Katangian ng
mga Lalawigan sa
Rehiyon
Ang bansa ay
biniyayayan ng
magandang lokasyon
sa
mundo. Isa itong pulo
ng mahigit sa 7,100 na
mga isla. Ang Luzon
sa hilagang bahagi ng
bansa ay siyang
pinakamalaking isla.
Sa
gitnang bahagi
naman ay ang maliliit
na isla ng Visayas at sa
pinakatimog na
bahagi naman ang
isla ng Mindanao.
Malaki ang
pagkakaiba-iba ng
katangiang pisikal ng
mga
isla ng bansa. Ang
bulubunduking bahagi
ng bansa ay nasa
hilaga-kanluran
papuntang timog-
silangan. Ngunit sa
mga
kanluraning mga isla
ng Palawan, Sulu,
Negros at Panay ang
bulubunduking bahagi
ay nasa hilaga-
silangan papuntang
timogkanluran.
Karaniwang sa mga
isla na may
bulubunduking bahagi
ngunit ang mga
bahagi nito na malapit
sa tabing dagat
at iba pang anyong
tubig ay nagiging
kapatagan. Sa
kabuuan, sa mga lugar
na kapatagan
naninirahan ang mga
tao, kung kaya’t ito
ang mga nagiging
bayan bayanan. Isang
halimbawa ay
ang migrasyon ng
mga tao sa
Pambansang Punong
Rehiyon (NCR).
Mula sa maliit na
bayan sa baybayin ng
Manila Bay lumawak
na ang sakop ng
kamaynilaan at
nagkaroon na rin ng
maraming lungsod na
nakasama sa rehiyon
dahil sa pag-usbong
ng kalakalan.
Gayunpaman ang
karamihan sa mga isla
ng bansa ay may
makitid na kapatagan
malapit sa mga
baybayin. Ang lupa
mula
dito ay unti unti
tumataas maliban na
lamang sa ilang lugar.
Ang
kaloob looban ng mga
isla ay karaniwang
may mga kagubatan
ngunit dahil na rin sa
kapabayaan, unti unti
na rin itong
nakakalbo.
Ang klima ng bansa ay
isang tropikal na
bansa. Kung kaya
katamtaman ang init
at lamig sa buong
taon. Sa kabuuan,
halos
pantay ang pag-ulan
sa buong taon.
Malakas na pagulan
ang
nararanasan ng bansa
mula Hunyo hanggang
Oktubre. Ang mga
nasa silangang isla
naman ay
nakakaranas ng mas
malakas na
pag-ulan mula
Nobyembre
hanggang Marso. Sa
mga huling
buwan ng taon mas
marami ang
nararanasang bagyo
na
nagdudulot ng mga
pagbaha sa malawak
na bahagi ng bansa.
Ano naman ang
katangiang pisikal ng
inyong lalawigan at
rehiyon? Basahin o
pakinggan ang sipi ng
pisikal na katangian ng
iyong lalawigan at
maging ang karatig
lalawigan sa iyong
rehiyon. Sagutin ang
sumusunod na tanong.
Ang mga lalawigan sa
mga rehiyon ay may
kanya
kanyang katangiang
pisikal. Ang mga
katangiang
ito ng mga lalawigan
ay maraming
pagkakapareho
at pagkakaiba ayon
sa lokasyon at
direksyon ng
mga ito at laki at
kaanyuan ng mga ito.
Sa
paghahambing ng
mga katangian ng
bawat
lalawigan, mas
maliwanag ang
paglalarawan ng
bawat lalawigan na
bumubuo ng rehiyon.
Ang mga lalawigan sa
mga rehiyon ay may
kanya
kanyang katangiang
pisikal. Ang mga
katangiang
ito ng mga lalawigan
ay maraming
pagkakapareho
at pagkakaiba ayon
sa lokasyon at
direksyon ng
mga ito at laki at
kaanyuan ng mga ito.
Sa
paghahambing ng
mga katangian ng
bawat
lalawigan, mas
maliwanag ang
paglalarawan ng
bawat lalawigan na
bumubuo ng rehiyon.

You might also like