pangarap na niyang makatapos ng kursong inhinyero. Bagamat ulila na siya sa mga magulang ay hindi ito naging hadlang upang ipagpatuloy niya ang kaniyang pag-aaral. Nagtatrabaho siya sa yelohan sa piyer simula dapithapon hanggang alas 8:00 ng gabi at babalik ng alas 4:00 ng madaling-araw hanggang alas 6:00 ng umaga. Hindi kaagad siya pinag-aral ng kaniyang mga magulang kaya sa gulang na labindalawa ay nasa ikatlong baitang pa siya pero hindi niya ito ikinahihiya bagkus mas lalo pa siyang nagiging pursigido sa pag-aaral.