You are on page 1of 2

1. Ako nga pala si Maria Elisa Cornico. Ako ay ipinanganak noong _______.

Noon palang ay nasilayan ko na ang kagandahan at ang


kaaya-ayang mundo.

2. Ayon kay Mama, ako daw ay pinangalanang Maria Elisa dahil ang Maria ay pangalan ng ate ko at ang Elisa ay pangalan naman ng
lola ko.

3. Nung ako'y nagsimula sa Elementarya, napagtanto ko na ako ay mahilig magsulat at magbasa kahit na hindi gaanong kaganda
ang aking sulat.

4. Nagsimula akong pumasok sa kinder noong ako ay limang taong gulang. Dahil sa pagiging palakaibigan ko, maraming mga
kaibigan ang aking nakilala.

5. Mahilig din ako sa kantahan pati sa sayawan kaya lagi akong masaya sa mga dinadaluhan kong mga kaarawan.

6. Noong ako ay nasa ika-anim na baitang, kaming mga magkakaklase ay nasasabik sa aming Graduation ngunit hindi ito natuloy
dahil sa Covid 19 at sa pandemya.

7. Hindi ako maka labas ng aming bahay, puro selpon nalang. Hindi na rin ako gaanong kalapit sa aking mga dating kaibigan kaya
ito ay nagdulot ng kalungkutan

8. Doon na rin nag simula ang pagkakaroon ng Online Classes at Module Learning. Ito ay masaya ngunit hindi katulad nung Face to
Face pa. 2 years kong naranasan ang gantong sistema sa pag aaral, noong ika-pito at ika-walong baitang.

9. At nung taong 2022, nagkaroon na ng Face to Face Classes. Ngayon ay nasa ika-siyam na baitang na ako. Marami na rin akong 8.
naging kaibigan at napunta ako sa magaling na seksyon at may magagaling na mga guro.
0

You might also like