You are on page 1of 2

1969- ako ay isinilang noong Oktubre 30, 1969. Ang bunso sa walong magkakapatid.

Ang aking mga


magulang ay sina Roman Albero at Simporiana Malabad. Magsasaka ang aking ama at simpleng
maybahay lang aking ina. Siya ay maalaga at mapagmahal na ina kahit siya ay sakitin. Ang ama ko naman
ay masipag at matapat na tao. Kami ay nakatira sa isang maliit na barrio na malayo sa lungsod sa
probinsiya ng Leyte . Mahirap ang aming pamumuhay. Salat kami sa maraming bagay ngunit masaya at
mayaman kami sa pagmamahal na ipinadama sa amin ng aming mga magulang

1976 – ako ay nasa ika-unang baiting. Nag-aral ako sa Buli Elementary School. Payak lamang ang aming
paaralan. Iilan lamang kaming mag-aaral. Ang aming mga guro ay pumupunta sa aming paaralan tuwing
Lunes at umuuwi sila sa kanilang pamilya tuwing Biyernes dahil wala pang magandang daan sa aming
lugar kaya lingguhan ang kanilang pag-uwi.

1978- noong Agosto 8, 1978 masaya ang aming buong pamilya dahil isinilang ang aking unang
pamangkin na babae. Sa loob ng 8 taon walang umuuha sa bahay, sa araw na ito naririnig muli ang
munting tinig ng isang sanggol. Siya ay minamahal naming lahat kayat hindi namin malilimutan ang araw
ng kanyang kapanganakan.

1981- nasa ika-anim na baitang ako noon ng akoy lumipat sa Maynila at nag-aral sa Southeastern
College, Pasay. Mahirap at malungkot ang naging karanasan ko sa panahong ito dahil hindi pa ako
marunong magsalita ng Tagalog at naninibago sa paligid na aking ginagalawan. Ako ay kanilang
pinagtatawan dahil ako ay bisaya. Kaunti lamang ang aking kaibigan. Mahirap mawalay sa piling ng mga
magulang. Pinili ko rin naming lumipat ng pag-aaral dito sa Maynila sa pag-aakala na maging masaya ang
buhay ko na kasama ang aking paboritong kapatid subalit kabaliktaran ang nangyari. Hanggang
dalawang taon lamang akong nanirihan dito. Noong akoy nasa ika-labing tatlong gulang na ay muling
nagbalik sa aking lupang sinilangan.

1983 –ang pagbalik ko sa Leyte .Nag-aral sa Anahawan Brgy. High School bilang “ 2nd year student”.
Naging kilala ako sa aming paaralan dahil sa ako ang isa sa mga nangunguna sa aming klase. May
magandang naidulot din ang pag-aaral ko sa Maynila dahil unti-unting lumago ang aking kaalaman.
Unti-unting nabigyan ng pansin ang aking pamilya dahil sa mga karangalan na natanggap ko sa paaralan.
Dati rati ay minamaliit nila kami sa kadahilan na walang pinag-aralan ang aking mga magulang.

1986- ako ay nasa kolehiyo at kumuha ng kurso sa edukasyon. Ito naman ang pinakamagandang
nangyari sa aking buhay. Dito ko natutunan ang kahalagahan ng ating pananamplataya sa Diyos. Naging
kasapi ako sa choir at araw-araw na nagsisimba.

1987- huminto ako sa pag-aaral sa kolehiyo at naglingkod sa simbahan. Marami akong masasayang
karanasan sa paglilingkod sa kanya ngunit sa kaibuturan ng aking puso may isa pa akong ninanais at iyon
ay makapagtapos ng pag-aaral.

2002- dumating ako sa Las Pinas City. Sa Mary Queen of Apostles Parish naglilingkod bilang isang
katekista. Ako ay nasa ikatatlumput dalawang gulang na. Pagkalipas ng isang taon ang pinakamimithing
pangarap ay natupad na. Bumalik muli ako sa pag-aaral kahit sa edad na 32.
2007- Ang pagtatapos ko sa kolehiyo, Bachelor of Elementary Education sa edad na tatlumput pitong
gulang. Noong Agosto 26, 2017 kumuha ako ng pagsusulit (LET) at sa tulong at awa ng Poong Maykapal
ako ay nakapasa sa pagsusulit na iyon.

2008- Noong June 2008 ako ay nagsimulang magturo sa CAA Elementary School hanggang sa
kasalukuyan bilang guro sa ikalawang baitang.

2010-Sa wakas ako ay nakatagpo ng maging katuwang sa buhay at kami ay ikinasal Noong Nobyembre
15, 2010. Ako noon ay nasa ika-apatnaput isang taong gulang na at ang aking asawa ay apatnaput
dalawang gulang . Pinagtagpo ang parehong may edad na. Masaya at mapayapa ang pagsasama kahit
wala kaming naging supling. Sa kasalukuyan, kami ay tumutulong sa aming mga pamangkin upang
makamit rin nila ang kanilang mga pinapangarap sa buhay. Sa gayun, nararamdaman ko ang kaligayahan
na makapagbahagi ng aming natanggap na biyaya at naging kasama, katuwang,kaagapay sa pag-abot ng
kanilang mga minimithi sa buhay.

You might also like