You are on page 1of 1

JILLARY MAY JUBILLEA B.

TORTONA BLOCK-E

Magandang pagbati sa inyong lahat bago ako mag umpisa. Hayaan nyo aking ipakilala ang aking
sarili, kung sino ba ako? Ano ang kaya ko gawin at ano mga hilig kong gawin kung ako ba ay may
talento? Samahan nyo akong ibahagi ang aking sarili. Ako'y simple lamang simpleng estudyante,
simpleng mag-aaral, simpleng kaibigan, simpleng kapatid at simpleng anak saking mga magulang.

Isa  akong dalagang na nanggaling sa isang maliit at simpleng pamilya. Isang pamilya na kahit
mahirap ang buhay ay masayang nagkakasama. Isang dalagang pinagkalooban ng pangalan na Jillary
May Jubillea B.Tortona Pangalan na pinagkaloob ng aking mga magulang noong akoy isinilang. o mas
kilala sa palayaw na "may" ako ay dalawam put’isang taong gulang na. Ako ay ipinanganak noong ika
labing tatlo ng Mayo 2000. Ako ay nagpapasalamat sa maykapal dahil biniyayaan niya ako ng mga
mabait at mapangunawang magulang. Ang aking mga butihing magulang ay sina Lorna mendoza at si
Ramon Tortona bagamat hindi, kami ngayon magkakasama dahil sila ay hiwalay na, sa kadahilanan ng
hindi pag-kakaunawaan ng parehong pamilya. ako’y kasalukuyang nasa puder ng aking ina kasama ng
nagsilbing pangalawa kong ama. Na si papa Roy kasama ng bunso kong kapatid na si justin at masayang
namumuhay sa purok 3 San Jose Malilipot,Albay. May mga hilig ako gawin sa buhay ko tulad, ng pag
bibisikleta, kaming pamilya ay siklista, at bukod sa pag bibisikleta mahilig din akong mag motor. At kung
ako naman ay nag iisa ang pag babasa ng mga libro, pagtugtog ng gitara, kapag walang ginagawa. At
panood kung minsan ng mga anime at mga palabas sa Netflix. Simple lang naman akong tao, mahilig at
maawain sa mga hayop, tulad ng mga pusa at aso, isa rin akong mapagmahal na taga-alaga ng limang
pusa. At mahilig magluto ng kung ano-ano kapag aking itong na tripan gawin, simple lang din ang aking
pangarap yun ang matupad ko ang aking mga minimithi sa buhay at mga pangarap ko para sa aking
pamilya.hindi man ako lumaki sa piling ng aking mga magulang hindi naman. Ako pinabayaan ng aking
lolo,lola at mga tiyahin sa puder ng aking ama. Kahit na Lumaki ako malayo sa aking pamilya,nanatili
parin ang pagmamahal namin sa isat-isa.

Kasalukuyan akong nag aaral ng kolehiyo sa kursong BSED major in Filipino, bagamat hindi
talaga ito ang kursong nais ko, sa kadahilanan na mas mapapadali ang aking pagpupulis. Dahil ito talaga
ang nasa puso ko mula pag kabata.
muli ako si Jillary nahihirapan man at napapagod kailanman’y hindi sumusuko.

You might also like