You are on page 1of 7

Ang Pasko ay sumapit tayo ay mangagsiawit

Ng magagandang himig
Dahil sa Diyos ay pagibig
Nang si Kristo'y isilang
May tatlong haring nagsidalaw
At ang bawat isa ay nasipaghandog
Ng tanging alay.

Bagong taon ay magbagong buhay


Upang lumigaya ang ating bayan
Tayo'y magsipakap upang
Makamtan natin ang kasaganaan.

Tayo'y mangagsiawit
Habang ang Diyos ay pagibig
Ang araw ay sumapit
Sanggol na dulot ng langit
Tayo ay magmahalan
Ating sundin ang gintong aral
At magbuhat ngayon
Kahit hindi Pasko ay magbigayan.

Pasko Na Naman
Gloc-9
[Chorus]
Pasko na naman, o kay tulin ng araw
Paskong nagdaan tila bago kaylan lang
Ngayon ay pasko dapat pasalamatan
Ngayon ay pasko tayo ay mag-awitan

[Verse 1]
Nasubukan mo na bang mangarolin pag pasko sa tabi ng riles
Sa kahirapan ng buhay laging gulay noche buena mo ay dilis
Lumalamig ang simoy ng hangin pero wala ka namang jacket
Kung trabaho ko lang ay maid na wala kang pera pero teka muna ni wala ka ngang wallet!
Habang lahat ay nag shoshopping wala kang magawa kundi humimbing
At pagkagising kayod para makakain laging sinasalubong ng hangin
At ano ba sa palagay mo ang dapat na gawin ng isang tulad
Ko na sa pasko ay mas mabuti pang mabingi at mabulag
Habang inaawit ang

[Chorus 2x]
Pasko na naman, o kay tulin ng araw
Paskong nagdaan tila bago kaylan lang
Ngayon ay pasko dapat pasalamatan
Ngayon ay pasko tayo ay mag-awitan

[Verse 2]
Habang ang mga ibang bata'y puro bago at sa kapatid mo'y luma
Sabihin mo sakin kung pano ko pipigilin ang luha
Pero teka lang meron nang pambili ng bigas na hindi pwedeng pangregalo
Kahit ano gawin ay madilim parin kasi naputulan na kami ng meralco
Hindi makapagsimba ka si ko nawalan ng pamasahe
Tuwing may handaan ay laging hindi ka makasali
Pati na mga namamalimos na mga bata sa kalsada
Hanggang sa susunod na pasko ay may magbago sana, para makaawit ng
Ad

[Chorus 3x]
Pasko na naman, o kay tulin ng araw
Paskong nagdaan tila bago kaylan lang
Ngayon ay pasko dapat pasalamatan
Ngayon ay pasko tayo ay mag-awitan

Sumasampalataya ako sa Diyos Amang


makapangyarihan sa lahat
na may gawa ng langit at lupa

Sumasampalataya ako kay Hesu-Kristo


iisang Anak ng Diyos
Panginoon nating lahat
Nagkatawang tao siya
Lalang ng Espiritu Santo
Ipinanganak ni Santa Mariang Birhen
Pinagpakasakit ni Poncio Pilato
Ipinako sa Krus, namatay, inilibing
Nanaog sa kinaroroonan ng mga yumao
Nang may ikatlong araw, nabuhay na mag-uli
umakyat, umakyat sa langit
Naluklok sa kanan ng Amang
Makapangyarihan sa lahat
Doon magmumulang
paririto at huhukom
sa nangabubuhay,
at nangangamatay na tao

Sumasampalataya naman ako


sa Diyos Espiritu Santo
Sa Banal na Simbahang Katolika
Sa kasamahan ng mga Banal
kapatawaran ng mga kasalanan
sa pagkabuhay muli ng nangamatay na tao
At sa buhay na walang hanggan
sa buhay na walang hanggan
sa buhay na walang hanggan …..

Amen. Amen. Amen!

Ama namin
Ama namin sumasalangit ka,
Sambahin ang pangalan mo.
Mapasaamin ang kaharian mo.
Sundin ang loob mo dito sa lupa para nang sa langit.
Bigyan mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw araw;
At patawarin mo kami sa aming mga sala,
Para nang pagpapatawad namin sa nagkakasalaan sa amin;
At huwag mo kaming ipahintulot sa tukso,
At iadya mo kami sa lahat ng masama.
[Sapagka't sa iyo'y nagmumula ang kaharian,
ang kapangyarihan at ang kaluwalhatian magpasawalang hanggan.]
Amen.

Aba Ginoong Maria


Aba Ginoong Maria, napupuno ka ng grasiya,
Ang Panginoong Diyos ay sumasaiyo.
Bukod kang pinagpala sa babaeng lahat
At pinagpala rin naman ang anak mong si Hesus.
Santa Maria, Ina ng Diyos
Ipanalangin mo kaming makasalanan
Ngayon at kung kami’y mamamatay.
Amen.

Luwalhati sa Ama,
Sa Anak,
At sa Diyos Espiritu Santo.
Kapara noong unang-una,
Ngayon at magpakailanman
Sa
walang hanggan.
Amen.

MARIA BELEN J. MANOCDOC


AREA III
PINAGPAPALA ANG BATANG MATULUNGIN
Si Toto ay isang matalinong bata. Siya ay walong taong gulang at nasa ikalawang
baitang. Sa katunayan, isa siya sa pinakamahuhusay sa kanilang klase. Masikap at matiyaga sa
pag-aaral si Toto kahit mahirap lang ang kanilang buhay. Tinutulungan niya ang kaniyang
magulang sa mga gawaing bahay at nagtitinda siya ng gulay tuwing araw ng Sabado at Linggo.
Mabuti at masunuring bata si Toto. Sinusunod niya ang mga utos ng mga nakatatanda sakanya
lalo na ang kanyang magulang.
Isang araw, habang naglalakad pauwi si Toto ay nakita niya ang isang matandang lalaki
na nabuwal habang nag-aabang ng masasakyan. Hindi siya nagdalawang isip at agad niya itong
nilapitan at tinulungan na makatayo.
“Bakit po kayo nag-iisa, Lolo? Wala po ba kayong kasama”? tanong ni Toto habang
tinutulungan niya ang matanda na makatayo.
Namamasyal lang ako, iho. Naiinip ako sa aking bahay. Salamat sa iyong kabutihan,
napakabait mong bata. Maaari ko bang malaman ang iyong pangalan? tanong ni Lolo Piyo.
“Ako po si Toto, kayo po, ano po ba ang inyong pangalan, Lolo”? sagot ni Toto. “Piyo, iho ang
aking pangalan”. saad ni Lolo Piyo.”Lolo Piyo, ihahatid ko napo kayo sainyo baka po kung ano
ang mangyari sainyo lalo na wala ho kayong kasama”. alok ni Toto. “ Baka ikaw ay hanapin ng
iyong magulang at mapagalitan ka, Toto”. saad ni Lolo Piyo. “Huwag po kayong mag-alala Lolo,
mauunawaan po ako ng aking magulang at panigurado sila ay matutuwa saakin”. sagot ni Toto.
“Sige, Toto, samahan mo ako sa aking pag-uwi”. saad ni Lolo Piyo.
Habang naglalakad sina Toto at Lolo Piyo ay masaya silang nagkukwentuhan. Naibahagi
na ni Toto ang sitwasyon ng kanilang buhay. Sinabi niya kay Lolo Piyo na gusto niyang
makapagtapos ng kanyang pag-aaral upang matulungan niya ang kanyang pamilya.
“Malapit na po ba tayo, Lo?”, habang nakangiting nakatingin sa matanda.
“Oo, Toto, narito na tayo”. sagot ni Lolo Piyo.
Biglang umaliwalas ang mukha ni Toto nang makita niya ang isang bahay na tila isang
palasyo. Napangiti ang matandang lalaki ramdam niya ang kasiyahan ni Toto.
“Lolo, napakaganda naman po ng bahay ninyo, hinahangaan ko po kayo sa pagiging
simple at mapagpakumbaba niyo”,sabi ni Toto.
“Halika muna, apo, maupo ka at ikaw ay kumain muna. Ipahahatid nalang kita sa inyong
bahay dahil madilim na sa daan”, saad ni Lolo Piyo.
“ Salamat po, Lolo”, sagot ni Toto sa alok ng matanda.
Nang makarating si Toto sa kanilang bahay agad nitong ikinuwento ang mga nangyari sa
kanyang magulang, tuwang tuwa ang mga ito.
Kinabukasan, habang naglalakad pauwi galing ng paaralan si Toto ay natanaw niya si
Lolo Piyo sa harap ng kanilang bahay. Agad niya itong nilapitan at nagmano sa matanda.
“Lolo Piyo, bakit po kayo naparito?”, saad ni Toto.
“Gusto kang pag-aralin ng iyong Lolo Piyo, dahil natuwa siya sa kabutihan mo, anak”,
wika ng kanyang Ina.
Napayakap si Toto kay Lolo Piyo. “ Sisikapin ko pong makatapos ng aking pag-aaral
upang maabot ko ang aking pangarap at matulungan ko ang aking pamilya”.

MGA TANONG
1. Ano ang pamagat ng kuwento?
2. Sino ang tauhan sa kuwento?
3. Kung ikaw si Toto, gagawin mo din ba ang pagtulong na ginawa niya kay Lolo Piyo?
Bakit?
4. Bakit mahalaga ang pagtulong sa kapwa?

You might also like