You are on page 1of 3

Gulong ng Buhay

Katulad ng gulong, ang buhay ng tao ay umiikot. Minsan nasa ibabaw, minsan
nasa ilalim. Saan mang dako maparoon, lungkot, ligaya, at pagsubok ang kasama. Sa
hirap ng buhay, mas pipiliin mo pa bang mag-aral kung sa pera kayo'y kapos ? O mas
pipiliin mo na lamang magtrabaho nang sa gayon sa araw-araw kayo’y may makain?

Ako si Boknoy at ang kapatid ko nama'y si Istoy, kami’y mga batang trabahador.
Sa murang edad iba't ibang uri ng trabaho ay aming pinapasok mapa-bakal bote,
pagtitinda ng sigarilyo at sampaguita, at kung ano ano pa.

(Isang Umaga)
Buknoy: Istoy bumangon ka na. Magtitinda ka pa at sa junkshop ako'y papasok pa.
Istoy: (magtatalukbong ng punit punit na kumot) Ang aga pa. (iidlip ulit)
Buknoy: Sigi ka, kung tatamad tamad ka, walang kang kakainin ngayong araw.
Istoy: (Babangon na)
Buknoy: Bilisan mo na, mauna na ako.
Istoy: Sigi na’t maya-maya ako'y magtitinda na rin.
(Aalis na ang magkapatid papunta sa kanikanilang trabaho)

(Habang nasa trabaho)


Buknoy: (Pawis na pawis dahil sa makasunog balat na init ng araw) Hirap ng buhay.
Kailangan talagang magsikap at magtiyaga para sikmura'y hindi tumunganga.
(Sa Pwesto ni Istoy)
Istoy: Sigarilyo, sigarilyo kayo diyan. Bili na kayo.

(Lumipas ang maghapon, Sa bahay nag-uusap si Buknoy at si Istoy habang kumakain


ng tuyo at kanin)

Istoy: Siguro kung hindi sana tayo iniwan ng nanay natin, hindi tayo naghihirap ng
ganito. Nag-aaral sana tayo ngayon at ini-enjoy ang buhay bilang isang kabataan.
Buknoy: Napaka-sama kase ng tatay natin matapos niyang anakan si nanay, iiwan
niya. Ni hindi man lang nga natin naranasan ang pagmamahal nilang dalawa.
Istoy: Kung andiyan sana sila, edi masaya tayo. Kaso iniwan lang nila tayo. Ang hirap
'pag walang magulang, walang tatay, walang nanay, ang hirap maging anak-dalita.
(Paiyak na wika ni Istoy).
Buknoy: Tama na nga 'yan Istoy baka bumaha pa ng luha rito, bilisan mo na diyan at
gabi na rin. Hayaan mo na, ang mahalaga andito ako, magkasama tayo. (Sabay
akbay sa balikat ni Istoy)
Istoy: Halika na nga kuya matulog na tayo, maaga pa tayo bukas.

(Pagkagising sa umaga, pumasok na sa trabaho si Buknoy, at nagtinda na rin si Istoy)

(Sa Trabaho ni Buknoy)


Buknoy: (Biglang nakaramdam ng kaba) Ano bang nangyayari? Bigla na lang akong
kinabahan, bumibilis ang pagtibok ng puso ko, hindi ako makahinga, hindi ko
maipaliwanag ang aking nararamdaman. (Biglang sumagi sa isip niya ang kaniyang
kapatid) Si Istoy.

(Dali-daling iniwan niya ang trabaho at pinuntahan si Istoy sa lugar kung saan ito
nagtitinda )
Buknoy: Istoy? Istoy? (Balisang naghahanap kay Istoy) Nasaan ka?

(Bigla niyang makikita si Istoy na hindi na gumagalaw sa kinauupuan nito na para bang
wala na itong malay)

Buknoy: Istoy gumising ka Istoy , 'wag mo akong iwan, wala na nga tayong mga
magulang, pati ba naman ikaw? Ano ba namang buhay ‘to? Bakit ganito ang dinaranas
ko?

(Biglang magigising si Istoy at magugulat si Buknoy)

Istoy: Oh, Kuya bat nandito ka? Bat pawis na pawis ka ang pula pa ng mata mo?
Umiyak ka ba?
Buknoy: (Yayakapin si Istoy ng mahigpit) Akala ko kung ano na nagyari sayo, akala ko
patay ka na, halos hindi ka na kase nagigising nung ginigising kita.
Istoy: Kuya naman, napahaba lang tulog ko, ih anong oras na din kase tayo natulog
kagabi tapos ang init init pa ng araw. Sino ba naman hindi makakatulog niyan?
Buknoy: Pinakaba mo tlga ako, buti nga walang kumuha sa mga paninda mo?
Istoy: Tinago ko naman ang mga iyon, bago ako natulog.
Buknoy: (Hihinga ng malalim) Basta mag-iingat ka palagi.
Istoy: Oo nmn kuya.
Buknoy: Oh sigi, babalik na ako sa trabaho ko.
Istoy: Sigi

(Bumalik na si Buknoy sa kaniyang trabaho at nagtinda na rin ulit si Istoy)

Sa paulit ulit na ikot ng buhay ng magkapatid, gigising, magtatarabaho't


magtitinda, uuwi at matutulog ay halos ganoon na talaga ang sistema ng buhay nila.
Ngunit sa kabutihang palad, isang magandang pangyyare ang bumago sa takbo ng
buhay nila, nang sila'y kinuha na ng DSWD, pinag-aral hanggang sa makapagtapos.

Buknoy: Graduate na tayo Istoy, Ang bilis ng mga pangyayari, samantalang


noon sa junkshop at pagtitinda na lang tayo nabubuhay. Hindi ko tuloy lubos maisip na
makakapagtapos tayo ng pag-aaral.
Istoy: Oo nga kuya, ang bilis lang salamat sa DSWD na nagpa-aral sa atin.
Buknoy: Ilang taon na lang at magiging isang inhenyero na ako at ikaw ay
magiging isang ganap na pulis na rin.
Istoy: (Yayakap kay Buknoy) Kunti na lang, kaya natin ito. Sabay tayong
aasinso sa buhay.

Gaano man kahirap ang buhay, piliin mo pa ring magtiyaga at magsumikap.


Nasa itaas ka man o nasa ibaba ng gulong ng buhay ang mahalaga nanatili kang
nakatayo at lumalaban saan ka man dalhin at ano mang pasanin ang ibato sa'yo ng
kapalaran.

You might also like