You are on page 1of 4

NOON at NGAYON

Ni Aaron Paul Cataag


Hindi na kailangan pa ng malupet na intro

Pagkat likas na sa Pilipino ang pagiging matalino

Kung hindi ninyo maintindihan ang produksyong ito

Dalawang katotohanan lamang ang mapapatunayan ko

Una, hindi ka Pilipino Pangalawa, di ka Matalino

Teka! Teka! Teka! Anu bang feeling ng pagiging Pilipino? Masarap ba? Masaya ba? O

malungkot? Hhhhaaaayyyy. Ika nga ng ating Presidente (ching)“ sabay sabay tayo patungo
sa

daang matuwid” Oh eh nasaan na? Ayun! Liko parin! Bako…. Bako…. Bako… bako…

paaa…. Palibhasa, Alipin parin tayo ng kolonyalismo. Hindi nga natin tintangkilik ang
sariling

atin e..diba teh? Pero! May ipagmamalake rin naman ang bansang Pilipinas. Meron tayong

magagandang lugar, Sagana sa likas na yaman, mababait ang mga tao, at higit sa lahat
mura ang

edukasyon dito. (OLSA HYMN) pirma palang tuition na! May tubo

kapa! Kaya’t tara na!....

Uo nga pala! Anu bang ginagawa natin dito?

Narito tayo upang magbigay kaalaman… kasiyahan.. katatakutan.. katatawanan.. at


kagandahan..

At magpapakita sa inyo ng mga pagbabagong nagaganap sa ating paligid. Syempre! Hindi

mawawalan ng mga gaganap. Kayyaaaattt…. (heto na! heto na! heto na! aaaannnnnngg)

BIDA

-Annulment celebration? Ako papayag? Nahihibang kana ba? Simula ngayong araw
na ito mamamatay na ang ilusyon mong maging asawa ang asawa ko.

Ang KONTRABIDA.
-Mamamatay? Baka ikaw ang nahihibang? Bakit hindi mo ba matanggap na ako na.
Ako na ang mahal ng asawa mo at hindi na ikaw. Kaya’t ito ang sasabihin ko sayo! Makinig
ka! WAG KANG BITTER!

Ang KATAMBAL ng BIDA

-Tama na yan! Tama na!

Hindi man yan sapat para yan sa akin!

Hindi man yan sapat para yan sa pambababae mo!

At hindi man yan sapat para yan sa paa kong tinapakan mo!

-Teka lang! SHY TYPE AKO !

Ang BUMIBIDA

Bata1: Salbahe yang nanay mo! Salbahe siya! Salbahe! Inaaway nya si nanay.

Bata 2: Hindi salbahe mommy ko! Ang nanay mo Monster! Monster! Monster!
MONSTER!!!...

Bata 1: Ikaw ang monster!

Hindi man yan sapat para yan sa ina mong talande!

Hindi man yan sapat para yan sa nakakainis mong FACE!

At hindi man yan sapat para yan sa hairstyle mo! CHAKA!

Ang PABIDA

-AUDREY!!!...

( Anong nangyari sa ating dalawa akala ko tayo ay iisa ako ba ang siyang nagkulang o ikaw
and di lumaban sa pagsubok ng ating pagmamahal )

SO! Mahalaga nga bang malaman natin ang mga pagbabagong nagaganap sa ating paligid..

(pining ping ping ping ping ping 2x)

Halika Isa-isahin natin ang mga pagkakaiba’t pagbabago ng NOON at NGAYON.

Mula sa kababawan hanggang sa may kalaliman.

Tara ipakita sa kanila! Alin? Ito ba? YUCCCKK! Hindi yan ito!

( Hot isyu) Welcome to NOON at NGAYON

Ang susunod na programa ay either unattended or out of coverage area please try again
later. (Toooot)

NOON: Ang gwapong lalake tinitilian!

NGAYON: Ang gwapong lalake tumutili narin! ( Aaayyyy ang pogi nya!)

NOON: Pag may isinuksok may madudukot.


NGAYON: Pag may isinuksok at walang madukot. May nandukot! (OW! MAY! Ggggg!)

NOON: Ang ligawan noon SIBAK! IGIB! TANIM!

NGAYON: HANAP! USAP! DEAL! (ikaw ano hanap mo? Pili na!)

(Sa bagong ABS-CBN TV PLUS panonood mo’y mag-iiba!..) (CHING)

Bakit ganon! Sinabon ko naman! Ayaw KUMINES!..

Girl! Ang Bareta ay hindi sapat mag ES-KIKI-NOL ka!

Kinis ganda! Puting ganda! Ito ang champion! LINIS KINIS

(hot Isyu) nagbabalik ang NOON at NGAYON..

NOON: sa ilalim ng puno ng mangga nagkaklase!

NGAYON: May klasrum na! May aircon pa yung iba! (AAAaahhh Refreshing)

NOON: Lord sana po makapasa po kame sa exam.

NGAYON: Lord sana po dumaan si crush para po pumasa ako sa exam.

NOON: Sigaw doon. Sigaw dito. Takbo dito. Takbo doon. Lampungan dito. Lampungan
Doon.

NGAYON: HOY! May CCTV jan!

( Sa bagong ABS-CBN TV PLUS panonood moy mag-iiba.. ) (ching chug)

Asim kilig (ikaw na talaga)

Asim kilig ( At boom! Walang iba)

Asim kilig (kay sarap-sarap)

Knorr sabaw ng sinigang mix

(Hot Isyu) Nagbabalik ang NOON at NGAYON

NOON: Proud ang mga Pilipino sa likas at taglay na kulay kayumanggi.

NGAYON: Marami sa Pilipino ang nais pumuti kaya malakas ang benta ng glutathione kahit
ito’y mahal ( Ka Pute)

NOON: Ang anu mang uri ng panlalait sa kapwa ay itinuturing na masama

NGAYON: Ang anu mang uri ng panlalait ay isa nalang pangkaraniwang ugali ng marami

( Ang panget neto ohh)

NOON: Muntik maging mayaman ang Pilipinas.

NGAYON: Ang Pilipinas ay kabilang na sa pinakamahirap na bansa sa mundo. (Anyare!)

( Sa bagong ABS-CBN TV PLUS siguradong) Teka! Teka! Paulit-ulit na yan ha!. Wala na
bang
iba? Wag ka ngang atat! Meron syempre!

( Sa bagong SBS-CBN TV PLUS siguradong lasap na lasap, real na real, real na real,

DANDANDANDALANDAN) (ching chug aaahhh)

Sa pagdaan ng mga araw mayroon talagang nagbabago

Hindi lang sa paligid, pati narin sa mga tao

Sabi nga eh! Walang permanenteng bagay dito sa mundo.

Kung ano pa yung ayaw mong magbago, yun pa ang may malaking pagbabago.

Yung iba hindi angkop sa nais nating mangyari, kahit tutol tayo dito ay wala tayong
magagawa

Dahil kailangan nating magpatangay sa agos at daloy ng panahon.

Hindi nga maikakaila na napakalaki na nang pagbabago’t pagkakaiba ng NOON at


NGAYON.

At sa darating pang mga panahon ay marami pa ang magaganap na pagbabago.

Ang lahat ng simulain ay may kaakibat na katapusan

At ang katapusang ito ang nagsasabing mayroon tayong dapat simulan.

Ito ay ang PAGBABAGO! hindi lang sa kapaligiran pati narin sayong kalooban.

You might also like