Professional Documents
Culture Documents
Mga Tauhan
Mr. Suave- Kumpare ni Uldong na isa ring magsasaka at laging kasama ni nito sa pagbebeerhouse.
Baliw-
Mang kepweng-
Pusa-
TAGPUAN: SA ISANG MATIWASAY AT MAPAYAPANG PAMAYANAN, DOON NANINIRAHAN ANG MAG-ASAWAN SINA KA
ULDONG AT KA MALDANG.
PUSA: (Paikot-ikot sa bahay nila ka Maldang at naghahanap ng kung anu-anong tira-tira sa lamesa ng mag-asawa)
MALDANG: (Naghahain ng mga pagkain) Hay nako! Uuwi nanaman ang batugan kong asawa.
ULDONG: (Pauwi galing bukid na pagod na pagod) Mahal … mahal … anong makakain? Pagod na pagod nako galing sa bukid.
MALDANG: Heto na naghahain na!! (pasigaw)
MALDANG: (Ihahain sa lamesa ang mga pagkain) Oh hayan na! Ako na naghain niyan ha! Baka ako pa ang maghugas ng pinggan ha?!
ULDONG: ANONG IYO?? May pangalan mo ba? May baboy bang nakasulat dyan? (mabibigla sa sinabi) Akin na tong isda.
ULDONG: Hay nako mahal puro talak. Hindi ba napapagod yang bibig mo? Ako kasi pagod na pagod na kaka-araro sa bukid.
MALDANG: Jusko! Bilis bilisan mo nang kumain diyan at ikaw na ang maghugas pinggan.
ULDONG: (pasubo nan g kinakain ng nang biglang narinig ang sinabi ng asawa at parang nabulanan) HA! ANO?! AKO ANG MAGHUHUGAS
NG PINGGAN?!
MALDANG: ABA SUMASAGOT KA NA NGAYON HA! ALANGAN NAMANG AKO?! (mabunganga na pataray). AKO ANG ASAWA MO
KAYA DAPAT PAGSILBIHAN MO AKO AT AYOKO NG TATAMAD-TAMAD SA PAMAMAHAY NA’TO. (sabay tayo at hampas sa
lamesa)
MALDANG: Ha?! ANONG BABOY?! Ikaw na SUNOG ka, namumuro kana sakin ha!
ULDONG: Sunog man sa inyong paningin gwapo parin! (magpapagwapo) *lalapit sa audience* Diba ate? Gwapo ako? Kuya diba? Sunog na
gwapo ako??
MALDANG: *masama ang tingin sa asawa* Aba!!! *pipingutin sa tenga* Kumikerengkeng ka nanaamn dyan!! *hihilahin si uldong pabalik sa
hugasin* (kukuha ng walis)
ULDONG: (papasok sa lamesa) Ewn ko nalang kung makasunod kappa dit. Sa laki mong yan. (sabay tawa)
MALDANG: Nako Uldong! Tigilan mo ko. Lumabas ka nga! Lumabas ka! (hampas ng walis sa lamesa) Mahahampas kita ng walis eh.
ULDONG: Waaaaaaag! E…e…to na nga eh lalabas na. Pero mahal kong maldang, may sasabihin ako sayo! Pe..pero ibaba mo muna yung walis
mo at magkaintindihan tayo!
ULDONG: Makinig ka saken… kung sino ang UNANG magsasalita sa ating dalawa pagkatapos marinig ang tunog na to (MUSIC IN TING
*harap sa audience* ) ANG SIYANG MAGHUHUGAS NG PINGGAN, kahit anong sabihin
MALDANG: Teka, kahit anong sabihin? Ganon lang kadali? Tapos siya na ang maghuhugas ng pinggan?! Kahit mga palayok at kawali?
ULDONG: Abay oo naman yes! Kapag nagsalita ka SAKIN o KANINUMAN … Ikaw! Ikaw! Ikaw ang maghuhugas ng pinggang araw-araw,
gabi-gabi …. OOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOH YEESSSSSSSSSS!
Tagpo 2
BUNTIS: Mareng Maldang?! Kumare?! Yuhooooo… Tao po! Mare? Pare?! Andyan ba kayo?! (Punta sa audience) Teh, may tao ba dito? Umalis
po ba sila? HAY NAKO!!! Ang mag-asawa talagang iyan. MAreng MALDANG!! Manghihiram sana ako ng plantsa, oy kumare! Andyan naman
ang hagdan.. pero … walang sumasagot, parang wala namang tao!
BUNTIS: Kumare papasok na ko ha! Kukunin ko nalang yung plantsa! (papasok sa loob ng bahay – dederetso papunta sa plantsa ng hindi
namamalayan ang nagyari sa mag-asawa)
BUNTIS: (pagkakuha ng plantsa duon niya napansin angpananahimik ng mag asawa at doon na rin siya nagsimulang mataranta) Hala! Jusko!
Anong nangyari?! Kumare!! Maldang!! (Yuyugyugin ang balikat ni maldang) *Tingin sa audience*
BUNTIS: (Lalapit kay Uldong) Uldong kumpare! Anong nangyari sayo? (Hahagulgol) (matataranta) Anong gagawin ko? Hala! Para talaga silang
estatwa…
BUNTIS: (baba ng hagdan at tatawagin ang asawa) Mahal! ( pangalan ng asawa ) !! Halika dito! Tignan ano ang nangyari sa mag asawa , Hindi
sila nagsasalita!
ASAWA NG BUNTIS: ( Titignan mata mata ang mag asawa at kakawayan ng kamay sa mukha)
ASAWA NG BUNTIS: (Magsesenyas na hindi nga talaga nagsasalita ang mag asawa at mababakas na rin ang takot sa mukha)
BUNTIS: Oh diba! Hindi sila nagsasalita ( Hagulgol at matatranta ) Mga kapitbahay! Kapit bahay! Sila Ka Maldang at Ka Uldong hindi na
nagsasalita! Mga kapit bahay! Halikayo dito!
PIPOT: ( Sasayaw ng Mr.Suave) Oh buntis ang ingay ingay mo ano ba nangyari? (Titingin sa paligid at nakikita ang amg asawa) Haha! Bakit
ganyan sila?! Hindi nagsasalita?! ( Natataranta )
BUNTIS: Hi…hindi ko nga din alam eh… pagdating ko lang ganyan na sila (Natatakot ang hitsura) Ano naman kayang sakit ang dumapo sa
kanila? (Hagulgol)
PIPOT: (Sa harap – gitna) Hay naku! May pustahan pa naman sa bayan. Diba? *Tanong sa audience* Diba may sabong? *Balik kay uUldong ang
tingin* Nako pare tiyak na saying ang talisain mo pare!
BUNTIS: Hay nako , nako Pipot… *Titingin sa audience* Nako tignan niyo ‘tongPipot na’to pustahan parin ang iniisip.
TONYO: ( Isang HIPI/HIPI/PULUBI/BALIW) *Tatawa ng malakas* - Music in… Anong nangyari? Ang ingay ingay ni Aleg Maldang kanina?
Bakit bigla silang tumahimik? *Papasok sa loob ng bahay at aamuyin ang bunganga ni Ka Maldang* Siguro badbreath ka no? Umamin ka! (Sabay
ngiti sa audience na may maitim na ngipin – “Music In” At tatawa ng malakas) Mabaho hininga! BWAHAHAHAHA
BUNTIS: Magsitigil nga kayo! (Natataranta pa rin) Hindi naman kayo nakakatulong. ( Nabibwisit na sa dalawa pero taranta parin )
POKPOK: Come on Everybody! *Haharap sa audience* Let’s Dance (Lights in and Out) Awwwwww! *Lalapit kay Uldong aamuyin at uupo
dito* Hi Everyone!!!! (Tunog Bisaya) Whats Happening here? What is the matter? *Sisipatin si Uldong* O may god swethart! Tok to me! Tok to
me! Do not afred to your dambuhalang asawa… Ano ginawa sau? Baka nilason ka ng butanding nay an! Waaaaaahhhhhhh!!!! Pano na mamayang
gabi at sa mga susunod pang gabi?...Wahhhhhhhhh…
TONYO: Hi beybe.. I’m still here. Just call me and I’ll be there
*LIGHTS ON*
LUISITO: AY WALA PALANG PINTO…Oy! Oy! Oy! (mambubulabog) Im here na mga beshiiieee!! (pabaklang boses ang pagsabi) Hoy!
Ano ng balita Kelan niyo balak bayaran ang utang niyo? (pataray)
PIPOT: HAY NAKU! SA AKING PAKIWARI, SINASANIBAN NA NG MASAMANG NILALANG… SA INGAY BA NAMAN NI
MALDANG
(SABAY SABAY NA ILALAGAY ANG MGA DALIRI SA SINTIDO NG BAWAT ISA…. MUSIC IN-TING)
PIPOT: TAWAGIN NATIN SI MANG KEPWENG… UNG MAY-ARI NG VIDEO KARERA NA ASAWA NG KAPITBAHAY NG LOLA NI
TAGPO 3
MUSIC IN (ENGKANTADIA)- GRAND ENTRANCE NG ALBULARYO NA MAY KASAMANG PUSA… 11. ENCANTADIA
BUNTIS:PINAPAYPAYAN SI MALDANG
MANG KEPWENG: (TITIRIK ANG MATA IIKO IKOT ITO AT BIGLANG SISIGAW NA NANGGUGULAT)
POKPOK: (HAHAWAKAN SA MUKHA SI ULDONG) SWETHART, DON’T WORI DON’T BE AFRED AM HIR AT YOUR SIT BEHIND
YOU
TONYO: O!!!! IKAW TALANDI LANDI …. PWEDE AKO NAMAN ANG IKISS MO. (-MUSIC IN-KINIKILIG) HANEY!!! COME TO
PAPA!! (HABULAN NA SLOWMOTION)
MANG KEPWENG: HWAHHHH GRRRRRRRRRRRRR…. AKMANG DUDURA… ILALABAS ANG DILA NA PANG BAYAWAK)
AHHHHHHH! KAILANGAN KO NG TULONG NINYO DAHIL MAS MALAKAS DI KO MAINTINDIHAN KUNG ANONG MERON SA
INYO…
(HAHAWAKAN SI ULDONG SA MUKHA ILALAPIT ITO AT BUBUGAHAN NG HNINGA)
MANG KEPWENG: GANTO ANG GAGAWIN NATIN… SASABAY KAYO SASASABIHIN KO…. KAILANGAN NATING MAGSAMA-
SAMA… MAGKAPIT KAPIT KAYO NG KAMAY. GANTO LANG….(GAGAWA NG SOUNDS NA NAKAKTAWA, 5 BESES) O AYAN
TAPOS NA… (AKMANG AALISNG BAHAY)
MANG KEPWENG: HUWAG KAYONG MABABAHALA! DAHIL ITONG GAMOT NA GAGAWIN NATIN AY SIGURADONG
MAGPAPABALIK SAKANILA HINDI AKO PADADAIG SA MASAMANG ESPIRITU NA YAN (KUKUNIN ANG PALANGGANA,ANG
PANYO SA DIBDIB NG POKPOK, KUKUHA NG KULANGOT NI PIPOT, BUBUNOT NG BUHOK SA KILIKILI NG BUNTIS,
KAKASKASIN ANG LIBAG NI TONYO, PAPADURAAN ANG PALANGGANA SA BAKLA AT UUTUTAN) BWAHAHAHAHA AYAN
ITO NA ANG MAGPAPABALIK SAKANILA…
MANG KEPWENG: AY! TEKA…TEKA ANO TONG NASA BULSA KO? (NAGTATAKA AT PAKAPA-KAPA SA KANYANG
PANTALON)
MANG KEPWENG: AHA! ANG MAHIWAGA KONG NGANGA (SABAY KAIN AT NGINUYA-NGUYA)
MANG KEPWENG: OH MGA KAIBIGAN! HETO TIGNAN NIYO ANG GAGAWIN KO (IDUDURA NIYA ANG KANIYANG NGINUYA
SA PAAD NIYA AT IHAHAMPAS SA BAWAT NOO NG MGA CHARACTERS PANG HULI SA MAGASAWA)
POKPOK: ANO BA NAMAN YAN MAG KEPWENG HINDI TUMALAB (MALANDING BOSES NA NAIINIS NA)
POKPOK: MANG KEPWENG… (HUMAHAGULGOL) GUMAWA KA NG PARAAN PARA BUMALIK SA DATI SWETHART KO
(LALANDIIN PA SI ULDONG)(HAHAGULGOL)
MANG KEPWENG: OO NA OO NA ANG LANDI KASI! OH SUBUKAN NATIN ANG KANINA NATING GINAWA.
MANG KEPWENG: TIGNAN NATIN KUNG TAMA ANG MGA INGRIDIENTS (ILALABAS ANG KAPIRASONG PAPEL MULA SA
KANYAN SHORT AT DALI-DALING TITIGNAN NG MGA KASAMA)
PIPOT: (UNANG MAKAKAKUHA SA PAPEL) (PAGKAKUHA NG PAPEL AKMANG MAGIISIP) BIGLANG SASABIHIN HAYS
MASYADONG MADAMI. HINDI AKO MARUNONG MAGBASA (HAHAMPASIN NG PAMAYPAY NG BUNTIS)
TONYO: (TITIGNAN ANG PAPEL AT BIGLAN MAGSASALITA NG! --- SCIENTIFIC NAME)
LUISITO: AKO NA NGA (PAPALIITIN ANG MATA) HMMM ALAM KO NA… BUHOK SA ILONG NI MANG KEPWENG
POKPOK: AHHH AYUN NA NALANG PALA (AKMANG KUKUHA NG BUHOK SA ILONG NI MANG KEPWENG NGUNIT
NAHIHIRAPAN SA HULI AY MAKAKAKUHA DIN)
MANG KEPWENG: (TATAWA NG MALAKAS.) KAILANGAN ITONG BIGUAN NG BASBAS! (SUSUNOD ANG LAHAT KAY MANG
KEPWENG) AYAN KUMPLETO NA (PAPAINUMIN SI KA ULDONG UMINOM SI KA ULDONG NGUNIT NG AKMANG
PAPAPAINOM KAY MALDANG) SLOW MOTION NGUNIT DI PARIN NAGSASALITA ANG DALAWA.
MANG KEPWENG: HALA! SIGE KUMUHA KAYO NGKABAONG AT ILAGAY SILA DITO.
LUISITO: (HUMAHAGULGOL) PAANO? PAANO? PAANO ANG MGA UTAAAAAANG NIYOOOOOOOO?!! KALERKIIII YUNG
UTANG NIYOOOOO?!! (MAG WA-WALLING)
*KAPIT NA KAPIT SA KINAUUPUAN DAHIL TAKOT SI MALDANG SA KABAONG PERO PILIT NA BINUHAT SI MALDANG*
MANG KEPWENG: KAYA NIYO YAN. SIGE PAGTULUNGAN NIYO YAN SI MALDANG.
MALDANG: (SISIGAW) ABAY! TEKA… TEKA… TEKA IBABA NIYO NGA AKO!
ULDONG: PANALO AKOOOOO!!! IKAW ANG MAGHUHUGAS NG PLATO NGAYON MALDANG! PANALO AKO, PANALO AKO.
*HAHABULIN NG MGA KAPITBAHAY ANG MAGASAWA BIT BIT ANG KUNG ANO-ANONG GAMIT NA PWEDENG IBATO SA
MAGASAWA*
THE END
BAKIT BABAE ANG NAGHUHUGAS NG PINGGAN