You are on page 1of 4

(Nasa sala, Lola Ineng, Lolo Kisoy, and apo nilang si Jia, tinitirintas ni Lola si Jia, si Lolo nagbabasa ng

diyaryo)

JIA: (paiyak) tapos…sabi niya sa akin…may..may iba na daw…siya..kasi..kasi mataba na daw ako…(iiyak sa
palda ni lola) wala talagang…forever (iyak ulit)

LOLA INENG: Anong walang forever? Ede ano kami ni Lolo Kisoy mo?

LOLO KISOY: Magkatropa. Diba pare? (apir pero titignan lang siya ng masama ni lola)

JIA: Kapag ako pumayat who you talaga sakin yang si Jason.

LOLO KISOY: At habambuhay silang nanatiling magkakilala…

JIA: Syempre magkasama parin kayo ni lolo kasi matanda na kayo. Iba yung panahon dati sa panahon
ngayon.

LOLO KISOY: Hindi yun ganon Jia. Mainit din yung panahon nung bata pa kami ng lola mo.

LOLA INENG: Ibig sabihin ng lolo mo, hindi nag- iiba ang panahon. Ang tao ang nag- iiba. Lumaki kasi
kami ng lolo mo nang pag sinabi mong mahal mo ang isang tao, paninindigan mo yon. Habang
buhay mo siyang mamahalin.

LOLO KISOY: Tulad naming ng lola mo. Biniro ko lang siya dati, sabi ko mahal ko siya. Naniwala naman
siya. Eto kami ngayon. Kulo- kulubot ang mga mukha, puti ang buhok, nakaupo sa sala walang
ginagawa. Yan ang pag- ibig.

LOLA INENG: Kasi Jia, kapag liniligawan ka ng isang lalaki, siguraduhin mong totoo yung mga sinasabi
niya.

LOLO KISOY: Tama, at ikaw at ang mga pangangailangan mo ang iniisip niya bago ang sarili niya. Tulad
naming ng lola mo. Pinapauna ko siyang kumain palagi.

LOLA INENG: Palibhasa basta wala sa pinggan ko sisimutin mo agad. Para kang baboy kumain eh.

LOLO KISOY: Tama

JIA: Lolo Kisoy, paano mo napatunayan kay lola na mahal mo siya?


LOLO KISOY: Naku mahabang kwento yan. Pero sige…nagsimula ang lahat sa bukid sa likod ng bahay nila
Ineng…

(pianist plays dreamlike music)

(exit lahat, to the side uupo. Di pa nakakaalis sa stage si Lola tumigil ang pianist)

LOLA: Oh? Bakit? Minamadali mo ako? Bastos ka ba? Flashback naming to eh.

PIANIST: Opo, eto na po.

(Pianist sobrang tagal naman tumugtog)

LOLA: Ano na? Sisimulan na naming yun eksena para kang may sariling mundo diyan!

(pianist stops)

LOLO: Nagkakailala kami ng lola mo, siya 17 years old, ako 19 years old.

(enter 2 actors, naka traditional costume)

LOLA: Saglit…saglit..Direk! Ano? Kabatch ba naming si Jose Rizal? Bakit naka ganyan sila?

DIRECTOR: (From back) pasensya po nay, yan lang po nahanap naming costume.

LOLA: Iinit talga ulo ko…sige pagpatuloy niyo lang! …flashback naming to eh

LOLO: Ayan…ah…ah..Nasan na tayo sa kwento nak?..nagkamental block ako.

JIA: Nagkakilala kayo ni Lola.

LOLO: Ayan nagkakilala kami ng lola mo…saglit lang. Direk!

DIRECTOR: Ano po yun, tay?

LOLO: Wala bang mas pogi na gaganap ng character ko. Gwapo ako nung kabataan ko, eh tignan mo
yung actor…

DIRECTOR: Pasensya na po tay, next time po gayahin naming yung picture niyo po.
LOLO: Next time next pa kayo, eh flashback naman to…

LOLA: Ayan kunwari matino yung suot naming pati itsura namin…nagkakilala kami ng lolo mo

(dream music)

(young ineng nakaupo sa bangko, nag “he loves me not” gamit bulaklak)

KISOY: Ineng?

INENG: Ay! Kisoy nandiyan ka pala (nervous laugh)

KISOY: Anong ginagawa mo?

INENG: Ah..ah..namimitas ng bulaklak.

(ipapakita ang bulaklak na walang petals dahil naglaro ng he loves me not)

KISOY: Ang ganda naman ng bulaklak na yan.

INENG: (nervous laugh) Ay! Kisoy. Pinapahanap ka ng apala ni Aling Hulya. May ipapagawa daw sana siya
sayo. At ako’y aalis narin at mamamalengke…

KISOY: Ineng..(stops her, tugs on her arm) bakit sa tuwing nakikita kita ay tila lagi kang nagmamadali,
samantalang sa tuwing napaparito ako sa bukid ay sobrang natutuwa ako.

INENG: (Nervous laugh) natutuwa?

KISOY: Oo. Lalong sumisigaw ang aking…pag- ibig!

INENG: Pag- ibig?

KISOY: Sa kalikasan!

INENG: ..ay

KISOY: (a la “tula” ang galaw at pagbigkas) Dahil gusting- gusto kong makakita ng mga puno (points to
right)
INENG: Mga puno!

KISOY: Mga halaman! (to left)

INENG: Mga halaman!

KISOY: Mga hayop! (to audience)

INENG: Ang dami nila!

KISOY: Gustong- gusto kong makakita nga mga nagliliparang paru- paro (titingin kay ineng) sa ibabaw ng
mga bulaklak na walang kasing ganda.

INENG: (kinikilig)

KISOY: Alam mo kung bakit?

INENG: Dahil mahal mo ang kalikasan?

KISOY: Oo!

INENG: Mamamalengke na nga ako.

(dream music)

LOLA: Ganyan ang ginawang kalokohan ng lolo mo.

LOLO: Syempre nahihiya pa ako sayo noon. Ngayon kaya ko nang umutot sa tabi mo ng walang paalam.

LOLA: Pero syempre, paulit- ulit rin siyang bumalik sa bukid para makita ako.

LOLO: At ang mga bulaklak.

You might also like