You are on page 1of 19

KAMBAL

Akda ni: Kyla Yvonne P. Pradas

Mga Tauhan:
LISA: 18, maganda, maitim ang buhok hanggang balikat, maputi, at mabait. A 3rd year
college student at sila’y ulila na sa magulang.
TINA: 18, ulila, nakasalamin, palaging nakawayway ang makukulot nitong buhok,
palaging may dalad-alang libro, di palakaibigan at misteryoso.
Tagpuan: Sa loob ng isang kalakihang bahay ay matatambad sa iyong pagpasok ang
sala na may katamtamang laki. May isang sofa at maliit na telebisyon sa gitna. May
malaking salamin na nakasabit sa kaliwang bahagi ng sala at sa kanan nito ay isang
pinto papasok sa isang silid. Sa tabi ng pinto ay mayroong isang cabinet na malaki at
gawa sa kahoy at katapat nito ang daan patungong kusina. Maaninag mo ang kalakihan
nang bahay na bungalow na may katamtamang lawak. Medyo magulo ang bahay dahil
sa nagsikalat na babasahin at kagamitan na hindi naayos sa tamang lugar.
Eksena: Nakaupo sa sala si Tina habang nagbabasa ng libro. Habang si Lisa naman ay
naga-aply nang pulbos habang nakaharap sa salamin. Nakasuot ito ng long sleeve at
short na maong na sa iksi ay masisilayan ang mahahaba at makikinis nitong paa.
(Black out)
(Lights in)
TINA: (Ititiklop ang binabasang libro. Titingin kay Lisa).
LISA: Oh? Anong tinitingin mo diyan? (Nakataas ang kanang kilay na nagtataka)
TINA: Saan ka na naman pupunta? (Balik na tawag na parang naiinis)
LISA: As usual, sa labas kasama ang boyfriend ko.
TINA: Ah…ok. (Muling bubuklatin ang libro na kunwaring magbabasa)
LISA: (Lalapitan si Tina) Sis, di ka ba nagsasawa diyan sa librong binabasa mo?
TINA: (Hindi papansinin si Lisa)
LISA: (hahablutin ang librong binabasa ni Tina)_------- -----------------
TINA: Ano ba! Ano bang problema mo? (tingin na naiinis)
LISA: Eh hindi mo kasi ako pinapansin. Palagi ka nalang walang kibo diyan sa tabi.
TINA:Ibalik mo na iyang libro ko. (Pilit na babawiin ang librong hawak ni Lisa)
LISA: I don’t want to! (Itatago sa likuran ang librong pilit na inaabot ng kapatid)
(Tatakbo si Lisa at hahabulin naman siya ni Tina)
TINA: Wag mo nga akong pagurin Lisa! (Hinihingal habang hinahabol si Lisa) Lisa! Akin
na iyan! (Pagod na mapapaupo sa sopa) Tse! Bahala ka nga diyan, kainis! (Sisimangot
ang mukha)
LISA: (Maawa sa kapatid) Oy…ito na ang libro mo Tina oh. Sorry na… ( Iaabot ang libro
at kukunin naman ito ni Tina)
TINA: Huwag mo na kasing pakialaman ang gamit ko Lisa!
LISA: (uupo sa tabi ni Tina at yayakapin ito) Sorry na kasi…
TINA: Oo na! Huwag mo nalang ulitin.
LISA: Bakit ang dali mo yatang mapikon ngayon Sis?
TINA: (Hindi papansinin ang kapatid) Anong oras na ba? Ba-baka hinahanap kana ng
boyfriend mo.
LISA: Ay oo nga pala! (Titingin sa relo at matataranta) Gosh, late na ako. Bye Sis.
TINA: Te-teka…
LISA: (Mapapalingon sa kapatid) Bakit Sis?
TINA: Mag-iingat ka.
LISA: Ha? (Malilito) Bakit naman sis? Si Raymond lang naman kasama ko. (matitigilan,
kunwaring magiisip) Teka, sa pagkaalala ko ay hindi ka naman karaniwang nagbibilin
sa sakin sis sa tuwing aalis ako. May pr-oblema ba? akakapanibago lang kasi!
TINA: Ahhh…wa-wala lang. Basta mag-iingat ka lamang.
LISA: (Maguguluhan) Sige. Aalis na ako.
(Lalabas si Lisa)
TINA: (Tahimik na nakatingin sa libro. Mapapatulala)
(SFX: Bubukas ang pinto ng malakas)
(Papasok si Lisa na bakas ang takot sa mukha)
LISA: Sis! Sis!
TINA: Oh?
LISA: May namatay daw sa kanto. Iyong kapitbahay natin na si Aling Menda!
TINA: (Matitigilan) Ba-bakit?
LISA: (Mababakas sa mukha ang takot) Sabin g kapitbahay pinatay daw.
TINA: Ahh-
LISA: Tsaka napakabrutal naman kung sinong gumawa noon kay Aling Menda dahil
puno nang saksak ang katawan niya na para bang halimaw ang may gawa.
TINA: (Magbabasa ulit ng libro) Nagsikalat na kasi ang mga masasamang tao ngayon.
LISA: (Mapapaupo sa tabi ni Tina) Pero ang sabi nang pulis ay gumagamit raw ng
bawal na gamit si Aling Menda pero impossible naman iyon mangyari dahil napakabuti
niya.
TINA: (Seryosong titigan ang kapatid) Hindi lahat ng inaakala niyong mabuti ay mabuti.
LISA: Pe-pero…
TINA: Late kana sa date niyo diba?
LISA: Ay oo pala! (mag-iisip) Hindi na pala ako pupunta. Natatakot akong maiwan ka
ritong mag-isa.
TINA: (Mapapasimangot ang mukha) Huwag mo na akong problemahin Lisa. Kaya ko
ang sarili ko.
LISA: Hmmn…aalis ako basta kasama ka!
TINA: (Mabibigla, manlalaki ang mga mata) Bakit pa?
LISA: Para makapagbonding naman tayo kasama ang boyfriend ko.
TINA: (Mapapatayo) No! Hindi ako sasama!
LISA: Oh? Bakit naman? Diba’t magkasundong-magkasundo naman kayo nang
boyfriend ko? Ikakasaya niyang makita ka muli.
TINA: (Tatalikuran si Lisa) Ayaw ko parin. Umalis ka na nga!
LISA: (Hahawakan si Tina sa braso) Huwag ng maarte Tina. Halika na’t bibihisan kita.
(Hahawakan ang Tina upang bihisan)
TINA: Ano ba! (Itutulak si Lisa ng malakas )
LISA: (mapapasalpak sa sahig) Aray! (hihipuin ang puwit na unang bumagsak sa sahig,
bakas sa mukha ang sakit)
TINA: Iyan ang kulit-kulit mo kasi. Kapag sinabing ayaw ko, ayaw ko!
LISA: (Nakadama ng pagtataka sa inasal ng kapatid) Nagbago ka na talaga. Simula
noong namatay ang—
TINA: (lalapitan si Lisa at kita sa mukha ang galit at pagkamuhi)
LISA: Ta-tama na Sis…Di a-ako ma-makahinga.
TINA: (Magugulat sa inasal na tila nabuhusan ng malamig na tubig at bumalik ang
katinuan, biglang aalisin ang pagkakasakal sa kapatid) So-sorry.
LISA: (Mapapaupo at hinihingal)
TINA: So-sorry ate. Di ko sinasadya. (Magiging maamo ang mukha)
LISA: Ano bang nangyayari saiyo? (Mapapaluha) Bakit ka ba ganyan?
TINA: Pa-patawad…
LISA: Simula nang namatay sina--
TINA: Stop! (tatakpan ang tenga)
LISA: Patay na sina Daddy at Mommy Tina kaya please move on. Dahil hindi lang ikaw
ang nasasaktan dahil nasasaktan rin ako. (Mapapahagulgol) Nagbago ka! Ikinulong mo
ang sarili mo rito sa bahay. Hindi kana lumalabas na parang lungga mo na ito. Ayaw
mong makipagkaibigan sa iba. Ano bang gusto mong mangyari ha? Na magiging ganito
ka habang buhay?
TINA: Ano bang pakialam mo ha? Hindi mo kasi alam ang nararamdaman ko.
(Mapapahagulgol) Hindi mo alam kung paano ako hindi makatulog araw at gabi dahil
sinisisi ko ang sarili ko sa pagkamatay nina Daddy at Mommy! It was my fault! It was my
fault! Kung hindi sana ako-
LISA: Hindi mo kasalanan ang nangyari!
TINA: Ku-kung hindi lang sana ako nagpumilit kina Daddy at Mommy na umuwi ditto ay
hindi na sana sila mamatay. Hindi n asana maaaksidente ang kotseng sinasakyan nila.
LISA: Aksidente lang iyon! Huwag ming sisihin ang sarili mo Tina.
TINA: ( tiim na titigan ang kapatid) I really hate you!
LISA:(magugulat) What?
TINA: I really hate you. Alam mo ba…(lalapitan si Lisa at hahawakan ang panga nito)
LISA: (Mapapaatras at makakaramdam ng kaba) Tina…
TINA: I hate you dahil kamukhang-kamukha kita. Alam mo bang parusa saakin ang
pagiging kamukha natin?
LISA: (Magtataka) A-ano a-ang ibig mong sabihin?
TINA: Tuwing nakikita kita ay kinasusuklaman ko ang pagmumukha mo. (Lalapit sa
kapatid at dinuduro ang mukha ni Lisa) Kaya nga after our parents died ay binago ko
ang ayos ko. Then it’s magic dahil isa na akong pathetic nerd ngayon hahaha. (Tatawa
na parang baliw)
LISA: Tina…
TINA: (manlilisik ang mga mata) Alam mo ba kung bakit?
LISA: (Iiling-iling na natatakot) Hi-hindi ko a-alam.
TINA: Did you remember Josh? Christian? Ryan? Bryle? What about Mark? Did you
remember those names?
LISA: (magugulat) E-ex ko sila. Ba-bakit?
(Itutulak ni Lisa si Lisa, napalakas ang bagsak nito)
TINA: (mapapasabunot sa buhok at manlilisik ang mga mata na parang may
kinatatakutan) Da-dahil sa kalandian mo at panloloko sa mga lalaki mo ay--
LISA: (Yuyugyugin si Tina, mapapaluha) Tell me! Anong ginawa nila saiyo?
TINA: (Tatawa na parang baliw) Dahil lang magkamukha tayo ay aakalain na nilang ako
ay ako ay ikaw? (Maiiyak) It’s your fault! It’s your fault! Ahhhhhhh…
LISA: (yayakapin si Tina, bakas ang pag-alala) Sa-sabihin mo anong ginawa nila saiyo?
TINA: Don’t touch me! (tatapikin ang mga kamay ni Lisa at lalayo sa kapatid) I hate you!
I hate you! Nang dahil saiyo… (mapapahagulgol)
LISA: Please sabihin mo Tina…
TINA: Nang dahil saiyo…nang dahil saiyo ay ginahasa nila ako parang baboy na
pinagpasa-pasahan. Paulit-ulit nila akong binaboy! (Mapapasigaw na puno ng
hinanakit) Ang dumi-dumi ko na nang dahil saiyo…
LISA: (mapapaluhod) Im sorry, Im sorry. Di ko alam.
TINA: Sorry? Tingin mo ang sorry ay sapat na? Maibabalik ba ng sorry mo ang puri ko?
Tingin mo maiwawala mo ang bangungot na ito sa buhay ko? Dapat ikaw ang nandoon
eh! Dapat ikaw ang nasa lugar ko ngayon! Dapat ikaw!
LISA: Ba-bakit di mo sinabi?
TINA: Will you believe me? Hindi diba? Dahil simula’t simula ay ikaw ang dahilan kung
bakit ako nagkaganito. Kung hindi mo lang sana ako iniwan sa Bar na iyon upang
sumama lang sa lalaki mo. Hindi sana mapag-iiwanan roon at makikita ng mga hayop
mong mga lalaki!
LISA: (Mapapayuko)
TINA: Natatandaan mo na ba?
LISA: Yung-
TINA: Yes! Ilang ulit kong tinawag ang pangalan mo habang kinakaladkad ako ng mga
hayop na iyon. Umaasa ako na lilingon ka pero ano? Ayon busy ka sa kalandian mo!
LISA: Pe-pero--
TINA: Ilang ulit ko ring sinubukan na sabihin saiyo pero hindi ka nakinig. Mas inuuna mo
pa ang barkada mo at mga lalaki mo kaysa sa sarili mong kapatid!
LISA: Hindi sa ganoon Tina…
TINA: Noong time na iyon ay narealize kong wala ka talagang kuwentang kapatid. Kaya
napadesisyunan kong sabihin sa parents natin pero nang dahil doon ay namatay sila.
Kung hindi ko lang sana sinubukan na sabihin. Sana buhay pa sila ngayon.
LISA: Tina…
TINA: Tama na! Umalis kana bago pa kita mapatay!
LISA: (Namutla at patakbong papasok sa kanyang silid na takot na takot)
TINA: (May kukunin sa kanyang libro, nakaipit rito ang isang maliit na kulay puting
tableta na nakabalot. Pupunta sa kusina at iinumin ito)
(Black out)
(Lights Fade in)
Pangalawang Eksena: Gabi, Nakatulog si Lisa sa kanyang silid at siya ay biglang
naalimpungatan sa pagkakagising. Lumabas sa kanyang silid at siya ay umupo sa sofa.
(SFX: Malakas na ulan at Kumikidlat)
LISA: Ang lamig! (mapapayakap sa sarili) Asan na kaya si Tina? (Bakas sa mukha ang
pag-alala)
(Maglalakad patungo sa isang cabinet, bubuksan ito at kukunin sang isang litrato,
larawan itong kanyang pamilya)
LISA: Mommy, Daddy. Sana nandito po kayo ngayon. Hindi ko po alam ang gagawin
kay Tina. Naaawa po ako sa kanya dahil sa mga naranasan niya. Tama nga siya
Mommy, wala akong kuwenta. Hindi ko lang naman siya natulungan. Isang taon niya na
itong dinadala at isang taon narin kayong wala sa tabi namin. Mommy, Daddy,
pinoprotektahan ko naman noon si Tina bakit di ko siya nagawang protektahan noong
nasa kamay siya ng mga hayop na iyon? (Mapapaluha) Bakit? Alam ko naman po na sa
paningin niyo ay isa akong pasaway na anak at si Tina ang mabait. Palagi niyo nga po
kaming kinukompara dati diba? Sabi niyo pa po nga diba dapat maging katulad ako ni
Tina. Si Tina na mabait, matalino, magalang at ako hindi. Oo nga’t kambal po kami,
iisang mukha ngunit magkaiba po kami ni Tina. Pero alam niyo po at alam nang diyos
na hindi ako nagtanim ng sama ng loob sa kanya dahil kakambal ko siya. Mahal na
mahal ko po siya kaya ginawa ko lahat para protektahan siya. Diba daddy? Alam niyo
po kung gaano ko siya kamahal? Mommy bakit mo ba nagawa iyon? Bakit? Diba
Masaya naman tayo noon pero bakit humantong sa ganito ang lahat? Bakit kailangan
pang masira ang pamilya natin? Alam niyo po kung gaano ako nagmakaawa at
lumuhod sa harapan niyo noon na huwag ipaalam kay Tina na sira na ang pamilyang
ito. Hindi na katulad nang inaasahan niyang perfect family kaya lahat ginawa ko para
hindi niya malaman dahil ayaw ko siyang masaktan. Sapat na saakin na ako lang ang
nasasaktan, huwag lang siya. Tiniis ko lahat nang sakit at kahit pag-iyak ko ay pilit kong
pinipigilan upang hindi niya mahalataan na may problema. Okay na sana eh, patuloy
lang ang pagpapanggap natin sa harap niya pero bakit kailangan niyo pang mawala?
Bakit? Bakit? (Mapapahagulgol) Bakit sa kabila nang lahat ng ginawa ko ay dinanas
parin ni Tina ang mga karanasan ko sa piling mo Daddy? Bakit kailangan niyang
maranasan ang bangungot na iyon? Sana ako nalang, sana ako nalang ang nandoon.
Wala lang man akong magawa. Wala!
(SFX: Biglang bubukas ang pinto kasabay ng tunog ng kidlat sa kalangitan)
(Si Tina ay nakatayo sa labas ng pinto, basang-basa at may bahid ng pulang mantsa
ang kanyang damit)
LISA: (Mabibitawan ang larawan at takbong tutungo kay Tina) Oh My God! Tina anong
nangyari? Bakit ganyan ang itsura mo? Tina! (Yuyugyugin si Tina)
TINA: (Tulala at parang wala sa sarili)
LISA: (Mapapahagulgol) Tina! Tina! Tina!
TINA: ( Mahihimasmasan) Lisa?
LISA: Anong nangyari Tina?
TINA: Hahaha (tatawa na parang baliw)
LISA: Tina!
TINA: I kill-
(SFX: Kikidlat nang malakas)
LISA: A-ano?
TINA: Hahahaha
LISA: Tina! Ano ba!
TINA: I killed someone. (Walang kaemo-emosyon ang mukha)
LISA: Ha? (Mapapaatras) Ano bang sinasabi mo?
TINA: You don’t want to believe me right?
LISA: Tina… baka gutom lang iyan. Halika kaumain mo na tayo…
TINA: (Sisigaw) I KILLED SOMEONE!
LISA: (Matatakot) Si-sino?
TINA: (Ngingiti na parang baliw) Guess what my dear twin sister?
LISA: Tina…
TINA: Raymond!
LISA: No! Nagbibiro ka lang diba?
TINA: Im not!
LISA: Hindi ka mamamatay tao Tina. Hindi!
TINA: I am! I am a killer.
LISA: (Mapapailing) No! No! No!
TINA: Hahahaha
LISA: Ba-bakit mo siya pinatay?
TINA: Hindi mo talaga alam noh? (lalapitan si Lisa)
LISA: (Mapapaatras hanggang mapapaupo sa sofa)
TINA: Are you scared of me? Ha Lisa?
LISA: Hi-hindi…
TINA: Sigurado ka?
LISA: (mapapayuko) Oo.
TINA: Pero hindi iyon ang nakikita ko. Hahaha tingnan mo nga ang sarili mo ngayon.
Para kang isang pusang takot na takot.
LISA: Ba-bakit ka ba nagkakaganyan?
TINA: Alam mo kung bakit. You saw it right?
LISA; Anong sinasabi mo?
TINA: Huwag ka nang magmaang-maangan! Alam kong nakita mo kung ano ang
tinatago ko sa espesyal kong libro diba?
LISA: (Mapapaisip)
TINA: The white thing inside my book.
LISA: Iyong tableta?
TINA: Gotcha!
LISA: A-ano ba iyon?
TINA: Drugs.
LISA: (Magtataka) Gamot? May sakit ka ba Tina?
TINA; Impakta! Napakabobo mo! Drugs as in bawal na gamot.
LISA:(mapapatayo sa gulat) A-anong sinabi mo? Droga?
TINA: Sa pagkaalaala ko hindi ka bingi. Kaya huwag kang magbingi-bingihan.
LISA: (Mapapatulala)
TINA: The one I used was known as ecstacy. Ito ay isang uri ng amphitamine na mas
kilala sa mga tawag na "X", "Lovedrug", "Hugdrug", "MDA", "XTC", "E", "ECKIE",
"Lovedoves", "Adam or Eden Tablet", "Yuppy drug".
LISA: Ba-bakit ka gumagamit niyan Tina? Nababaliw kana ba?
TINA: Hahaha akala ko noon ay walang kuwenta ang mga taong gumagamit nito pero
noong panahon na binabangungot ako sa mga kahayupang naranasan ko ay dumating
siya. Niyaya niya akong gumamit nito. Sa una ay umayaw ako, hindi naman ako bobo
na di malaman na masama ito pero walang kuwenta ang katalinuhan kung galit na ang
katapat kaya sa huli sinubukan ko rin. (Mapapapikit) Alam mo ba iyong pakiramdam na
nasa langit ka? Iyong wala kang maramdaman na sakit, lungkot at pighati dahil saya
lang ang nararamdaman mo. Nabaliw ako sa sarap na binibigay nito saakin kaya paulit-
ulit ko itong ginamit. Masarap, masarap—
(Sasampalin ni Lisa si Tina) Pak!!!
TINA: (Mapapatulala, may galit na namumuo sa kanyang mga mata)
LISA: (Mapapahagulgol) Magising ka naman Tina! Sinisira mo ang buhay mo. Hindi
kana ba naaawa sa sarili mo ha? (Hihilain si Tina at ihaharap sa salamin) Tingnan mo
ang mukha mo! Nasaan na ang Tinang makulit, palangiti, matalino at may puso?
Nasaan na ang kakambal ko?
TINA: (haharapin si Lisa na bakas ang galit sa mukha) Wala na! Wala na ang Tinang
kilala mo!
LISA: Ano bang ginagawa mo sa sarili mo ha? At sino ba na “Siya” na tinutukoy mo?
TINA: (Sarkastik) Subukan mo kayang hulaan ulit?
LISA: Tina…Please.
TINA: It start with a letter R and end with letter D. Alam kong kilalang kilala mo siya.
(Katahimikan)
LISA: Ra-raymond? Si Raymond?
TINA: Raymond , ang perpekto mong boyfriend? Mabait at ginagalang ka.
LISA: (Di makapaniwala, mapailing-iling)
TINA: Ginagalang ka nga pero ang kapatid mo ba ay ginagalang din niya?
LISA: Hi-hindi ganyan si Raymond.
TINA: Paano nga kayo nagkilala ni Raymond? (mag-aaktong nag-iisip) Ahhh sa isang
coffee shop. Alam mo ba kung sino ang kasama niya bago kayo nagkita?
LISA: I-ikaw? (Naiiyak)
TINA: Yes, my beautiful twin sister. Ako nga! Alam mo ba kung ano ang ginagawa
namin?
LISA: No! Hindi iyan magagawa ni Raymond. Alam kong mahal ako ni Raymond. Mahal
niya ako!
TINA: Pwes, alam mong hindi! Hindi ka niya mahal dahil simula’t simula ako ang mahal
niya.
LISA: No…
TINA: Alam mo ba kung gaano kasarap siya sa kama? Masarap! Hahahaha lalong-lalo
na tuwing ginagamit naming iyon. Abot naming ang langit! Hahaha
LISA: (Mapapatakip sa tenga) Tama na! Tama na! Nagsisinungaling ka lamang.
TINA: Hindi mo kasi maibigay ang gusto niya kaya ayan. Humanap ng iba pero henep
rin noh? Sa kamukha mo pa talaga!
LISA: Alam kong may kakayahan siyang maghanap ng iba pero hindi siya
nagdrodroga!!
TINA: Paanong hindi? Eh siya nga ang nagyaya sa akin nito.
LISA: (Mapapahagulgol) Tina…tigilan mo na ito please! Tina please…
TINA: Hahaha alam mo ba kung bakit ko siya pinatay? Ha?
LISA: (Mapapayuko)
TINA: Hahaha engot kasi ang isang iyon. Tama bang sabihin niya na isusuplong niya
raw ako sa pulis. Putik kasi iyang Mendang iyan eh-
LISA: (Magugulat, mapapatingin sa mga mata ni Tina na may pagtataka) Menda? Si
Aling Menda ba ang tinutukoy mo?
TINA: Kung hindi lang sana mabunganga ang babaeng iyan ay hindi naman siya
mapapatay.
LISA: (mauutal-utal sa kaba) I-ikaw ba ang pu-pumatay kay Aling Menda?
TINA: Yes! Ako nga! Akalain mo iyon? Nakita niya kami ni Raymond na magkasamang
gumagamit nitong ecstacy at may milagrong ginagawa. Binataan ba naman akong
sasabihin niya raw sayo at sa mga pulis. Nabahala ako sa kanya kaya pinatay ko na
lamang. At ito namang si Raymond nakita ang ginawa ko at binantaan ako kanina kaya
I killed him too.
LISA: Napakasama mo…
TINA: Aba! Kasalanan ko bang mabunganga ang dalawang iyon?
LISA: (Sisigaw) Kasalanan sa Diyos ang pumatay Tina! Hindi ka dapat pumatay!
TINA: Diyos? (Sisigaw at manlilisik ang mga mata) Sa tingin mo sa kabila nang lahat
nang nangyari ay may Diyos pa akong paniniwalaan? Wake up Lisa! Matagal na tayong
kinalimutan nang Diyos. Sa mundong ito ay nawawalan na nang puwang ang mga
mabubuti. Kapag mahina ka, tatapaktapakan ka lang.
LISA: (Sasampalin ang kapatid) Ikaw ang magising Tina! (Iduduro ang dibdib ni Tina0
Nababalot na ng galit iyang puso mo.
TINA: Kung mahal tayo ng Diyos, hindi magiging ganito ang buhay natin! Hindi ko
mararanasan ang ganito! Hindi niya kukunin sina Mommy at Daddy!
LISA: Lahat may katapusan Tina! Hindi mo malalabanan ang kamatayan kapag oras
mo na. Hiram lang ang buhay natin Tina. Ngunit hindi makatarungan ang kumitil ka
nang may buhay na may buhay!
TINA: Wala akong pakialam! Matagal na akong walang pakialam!
LISA: (Hahawakan ang kamay ni Lisa) Hanggang kalian ka ba magiging ganyan?
TINA: Hanggang gusto ko pa.
LISA: Hindi mo ba ako naisip? Kung ano ang mararamdaman ko?
TINA: Paano ko naman iisipin ang dahilan nang lahat?
LISA: Hindi lang naman ikaw ang nagdusa. Nagdusa rin ako Tina!
TINA: (sarkastik) Nagdusa? Sigurado ka?
LISA: Hindi mo kasi alam ang lahat! Sarili mo lang kasi ang iniisip mo!
TINA: (Sasampalin si Lisa)
LISA: (Mahinang tono at mapapaluha) All I did is to protect you.
TINA: Protect? Hahaha Kailan?Ba’t di ko ramdam ha?
LISA: (Malumay) Ang pamilya natin ay matagal nang sira?
TINA: Sinungaling!
LISA: Hindi ko alam na magiging katulad ka ni Daddy. Akala ko sapat na ang lahat nang
ginawa ko pero hindi pala.
TINA: Nababaliw ka na ba? Bakit sinasali mo si Daddy sa usapan na ito?
LISA: Nalulong rin si Daddy sa droga noon.
TINA: No! Sinisiraan si Daddy saakin!
LISA: Nagsasabi ako nang totoo Tina. Nalulong si Daddy sa droga dahil kay Mommy.
Niloko kasi siya ni Mommy at hindi iyon matanggap ni Daddy!
TINA: (sisigaw) Hindi manloloko si Mommy! Mabait si Mommy! Ikaw ang Demonyo dahil
sinisiraan mo sila!
LISA: Nahuli ni Daddy si Mommy na nakikipagtalik sa kabit nito…
TINA: (Magugulat) Kabit?
LISA: Yes! She have an affair with Tito Bryan.
TINA: (Mangungunot ang noo na tila naguguluhan) But Tito Bryan is our mother’s
brother. It is impossible!
LISA: Oo. Kapatid nga siya ni Mommy kaya nagtataka ako kung bakit ganoon. Then I
found out na ampon lang pala si Mommy. Hindi ko alam kung bakit o kalian pa nag-
umpisa ang relasyon nila.
TINA: Hindi iyon magagawa ni Mommy!
LISA: Dahil rin sa droga, naapektuhan ang pag-iisip ni Daddy kaya nagawa niyang
patayin si Tito Bryan. Tina si Daddy totoong pumatay kay Tito!
TINA: Impossible! Ba-bakit di ko alam?Kung ganoon ang nangyari ay dapat alam ko
dahil parte rin ako nang pamailyang ito!
LISA: Dahil wala akong balak na ipaalam saiyo ang totoo. Pinakiusapan ko ang mga
magulang natin na huwag sabihin saiyo.
TINA: No! Masaya tayo noon kaya huwag mong siraan ang pamilya natin
LISA: Iyon ang totoo Tina! Maniwala ka naman saakin.
TINA: I HATE YOU! I HATE YOU LISA!
(Tatakbo si Tina palabas ng kanilang bahay, susundan ito ni Lisa)
(Black out)
(Lights Fade In)
Pangatlong e-ksena: Sa labas ng bahay’ madilim at umuulan ngunit mahina na lamang.
Nakatayo si Tina habang nakatingin sa langit. Si Lisa naman ay dalawampung metro
ang layo sa kanya.
LISA: Tina! Please! Tama na itong kasamaan na ginagawa mo.
TINA: (Titingala sa langit sa sisigaw) Bakit? Bakit kami pa? Bakit kinakailangan naming
maranasan ito? Bakit di mo kami kayang bigyan ng magandang buhay para saamin.
Naging mabuti naman ako ha? Si Daddy? Si Mommy? Oo nagkasala kami pero hindi pa
ba sapat ang naranasan naming? Napakaunfair naman! Bakit? Bakit kamipa?
LISA; (Nakatingin lamang sa kapatid, umiiyak)
TINA: Alam mo bang masakit na? Masakit dito (Ituturo ang kanang dibdib), masakit na
masakit.
LISA: (Lalapit kay Tina) Tina tama na iyan. Hindi mo kailangang sisihin ang Diyos.
TINA: Layuan mo nga ako! Sinungaling ka!
LISA: Ano ba Tina! Nasaktan rin ako at patuloy na nasasaktan.
TINA: Hindi pa nakakalahati diyan ang sakit na naramdaman mo kaysa sa
nararamdaman ko!
LISA: Oo! Hindi pa nga nakakalahati diyan ang sakit na naramdaman ko pero hindi mo
rin alam ang pinagdaanan ko. Dahil ang naranasan mo ay naranasan ko rin.
TINA: Anong ibig mong sabihin?
LISA: Si Daddy (Mapapahinto at mahinang mapapabuntong hininga) Maliban sa
pagdrodroga ay alam mo bang may ginawa pa siyang iba?
TINA: Ha?
LISA: Ginahasa ako ni DADDY! Sariling dugo at laman ang lumapastangan sa
pagkatao ko. Alam mo ba kung gaano kasakit iyon? Na ang sarili mong ama ang siya
pa ang gagawa ng masama saiyo? Tiniis ko iyon Tina! Tiniis ko dahil sapat na ako lang
ang mahirapan kaysa ikaw. Mas mabuti pang ako ang maging madumi kaysa ikaw. Sa
mura kong edad ay naranasan kong babuyin ni Daddy. Pero hindi rin pala sapat ang
sakripisyo o dahil nangyari rin saiyo iyon. Patawad! Patawad Tina…
TINA: (Mapapaluhod at mapapahagulgol)
LISA: Pero sa lahat nang naranasan ko ay kahit kalian man ay hindi ko sinisi ang Diyos.
Hindi ko siya kinamuhian. Nagpakatatag ako dahil andiyan ka! Nagiging malakas ako
nang dahil saiyo! Pinapasalamatan ko ang Diyos dahil ibinigay ka niya saakin. At di ko
rin naisipang gumamit ng droga at magpakabaliw. Para lang malimutan ko ang dinanas
ko sa kamay ni Daddy.
TINA: Di ko alam…di ko alam.
LISA:(Mahinang tono) Hindi ko rin sinisisi ang Diyos kung mamamatay man ako nang
maaga. -
TINA: Mamatay?
LISA: (Malumay) May sakit ako Tina. I’m weak and fragile.
TINA: Ma-may sa-sakit ka?
LISA: Oo, Brain tumor Stage 3. Matagal ko na itong tinitiis. Bago pa man mamatay ang
parents natin ay nadiskobre ko na ito.
TINA: (Naiiyak) Lisa…
LISA: Naaalala mo pa ba noon noong araw na gawan ka nila ng masama ay iyon rin
siguro ang araw na nakaramdam ako nang pagkahilo. May isang lalaking tumulong
saakin at dinala ako sa hospital. Hindi naman ako lumalandi noon. Iyong lalaki na
tumulong saakin ay isa palang doctor at sinabi niyang may Brain Tumor ako.
TINA: Lisa…sorry. Patawarin mo ako! Hindi ko lang man inalam na may pinagdadaanan
ka ring problema.
LISA: Tina…hindi rin totoo na barkada lamang ang inuuna ko dahil sinasabi ko lamang
saiyo at sa mga magulang natin na gumagala kami dahil iyon lamang ang tanging
paraan upang hindi mapaghinalaan. Nang mga oras na iyon ay lihim akong
kumokonsulta sa doctor at dumaan sa iba’t ibang treatment. Alam mong takot ako sa
mga matutulis na injection ngunit ailangan kong tiisin para sa inyo, ay Mommy, Dady at
saiyo. Ngunit alam kong hindi mo napapansin na nangangayayat ako at maputla lalong
lalo na noong nawala sina Mommy at Daddy dahil ikinulong mo ang sarili mo.
TINA: Pero ngayon ay malusog ka na. (susuriin ang kabuuan ni Lisa) Hindi ka na
nangangayayat at hindi narin naglalagas ang mga buhok mo.
(Ngumiti ng malungkot si Lisa)
LISA: Ito ba? (Hahawakan ang buhok at aalisin ang wig na suot)
TINA: (Mapapaatras) Ka-kalbo ka?
LISA: Oo, wig lamang ito.
TINA: Sorry! Sorry! (Lalapitan ang kapatid at maiyak-iyak na yayakapan ito)
LISA: Tina…
TINA: Sorry kung nagpadala ako sa emosyon. Sorry kung hindi lang naman kita naisip.
Patawarin mo ako…
LISA: Please…Tina. Magbago ka dahil hindi pa huli ang lahat Please Sis!
TINA: Oo, pangako! Basta huwag mo lamang akong iwan. Magpagamot tayo!
Malulunasan pa iyang sakit mo ate.
LISA: Huwag ka nang gumamit nang droga ha? (Hahaplusin ang pisngi ni Tina) Huwag
ka nang papatay dahil masama iyon. Mahal na mahal ka ni ate…
TINA: Oo ate. Mahal na mahal rin kita…
LISA: Pa-paniwalaan mo u-ulit ang Diyos. Hu-huwag mo siyang sisihin. Ngingiti ka tulad
nang dati… (Mahinang sambit nito na tila pagod na pagod. Mahihimatay at takbong
sasaluhin ng kapatid bago bumagsak sa lupa)
TINA: Ate! Ate! Huwag mo naman akong iwan oh! (yuyugyugin si Lisa) Ate! Ate
gumising ka! AAAAAATTTTTEEEEEEE!!!
(Black out)
MALA-ADAN KONG PAG-IBIG
Akda ni Kyla Yvonne Paris Pradas

Madilim na kwarto, magulong mundo, iyan ang buhay ni Miraya na nais na


niyang makawala. Lahat ay ay tila parang sakuna subalit nang isang araw may may
nakilala siyang isang dalaga na may kumikinang na parang perlas na mga mata at kay
gandang ngiti na nakapukaw sa taglay niyang saya. Mahirap magmahal ng mas
maangat estado ng buhay, mundo at parehong kasarian ngunit ano mang sabihin ng
iba'y pagmamahalan niyo'y ipaglalaban. Iyan ay napatunayan ng dalawang babaeng
nag iibigan na kahit anong pagsubok ang dumaan, lagi nilang tinatandaan na sa
relasyon nila'y isa't isa lamang ang nakakaintindi't nakakaalam. Hinding hindi papadala
sa agos na paninira ng lipunan.
MIRAYAS POV
I met her during my high school days nga, in the month of May, year 1989. I am
still 16 that time. She was friendly, cute, charming, importunate, everything. Walang
salita ang makakatumbas sa kagandahang mayroon siya. I had this chance to know her
because after ng school trip ay inadd siya ng friend ko in the group chat that I created
and unexpectedly lumipat siya sa school namiin. After talking with my friends, I didn't
expect na ishiship nila kami. She's literally not my type but i didn’t know why but I just
found myself always looking for her existence, yung tipong hindi siya lumalapag sa
group chat ay hahanap pa ako ng paraan para siya ay makausap. Kakausapin ko pa
iyong mga kaibigan niya para ako’y kanyang mapansin. Later on, narealized ko sa
aking sarili na unti-unti ko na pala siyang nagugustuhan. My friend convinced me na
siya’y ligawan ngunit ako’y naguguluhan sapagkat ano naman ang alam ko sa
panliligaw? Nagkaroon naman ako ng mga kasintahan noon pero iyon ay mga lalaki at
iisa lang ang aking naging kasintahan na babae pero 'di iyon nagtagal dahil pawang
cellphone lamang ang aming komunikasyon. Nagkaroon din ako ng babaeng aking
nagustuhan for almost 7 months sapagkat siya’y maganda, mahinhin ngunit may
kasupladahan kaso noong inamin ko na ako’y may lihim na pagtingin sa kaniya,
tinanggihan niya ang puso kong umiibig sa kaniya sa kadahilanang ako’y babae raw.
Napakatorpe ko pagdating sa mga taong aking nagugustuhan kaya natatakot akong
sumubok na ligawaan ang babaeng ngayo’y aking tinatangi ngunit ako’y biglang
napaisip “ why not give it a shot? ” baka payagan niya ako dahil sabi naman ng
kaniyang kaibigan siya ay may paghanga rin daw sa akin pero kung tutuusin ‘di naman
iyon sapat na dahilan pero sa huli sumubok din ako, hindi dahil crush niya ako kundi ito
ang sinisigaw ng aking puso. Nang araw na ako ay nagpaalam sa kaniya na manligaw
ay tagaktak ang aking pawis at namumula ang aking mukha kung tutuusin ay totally turn
off iyon pero kasalanan bang kabahan pagdating sa kaniya? Pero ang hindi ko
inaasahan ang kanyang sagot dahil OMG pumayag siya. Syempre ako naman itong
loka-loka eh ang sayang saya pero at the same time medyo kinakabahan dahil una
talagang tumatak sa aking isipan kung paano ko siya liligawan? Kaya nagtanong-
tanong ako at ginaya na lamang 'yung mga sweet gestures ng mga lalaking bida sa
teleseryeng aking napapanood at mga librong nababasa. I can still clearly remember
when I started courting her by sending her flowers, foods and so many gifts that I
ordered form shopee, McDo and Jollibee and even sa tabi-tabi, for short changgi. Sino
ba namang makakalimot ng eksenang iyon kung paano ako tarantang humingi ng
pampabango sa aking kaklase upang ilagay sa bulaklak na aking ibibigay sa kaniya, tila
pinaliguan ako ng pabango ang rosas na iyon para kaniya lamang ay maibigan. Minsan
hinahatid ko rin siya tuwing uwian tanda ng isang magiliw na manliligaw. Hanggang
dumating ang araw na aking pinakahihintay, it was the 12th day of March when she said
“ yes ” and I was really overwhelmed with joy that I felt because she’s officially mine.
Every second, minute, hour, day and week had passed, I finally learn to love this
girl (from crush to love) because she deserved to be loved, honestly it was worth it.
When I am with her I felt like she’s my world and we always enjoy each other’s
company but life is so cruel. We can’t ignore the facts that our love was forbidden.
Pagmamahal na nabuo ng dalawang babaeng nagmamahalan ay isa palang malaking
kasalanan sa paningin ng iba. People might judge us and it really hurts to know that
other people believe that it was a such sinful acts but the question is, is it bad to follow
your heart? Some people think that we should follow or do the right things but kung
iisipin mo naman “ paano ba magiging tama ang isang bagay kung sa tamang ito ay
hindi ka masaya? ” kaya nga maraming nagiging tanga when it comes to love kasi
palagi nating sinusunod kung ano ang dinidikta ng ating puso kaysa sa ating isipan so
we became deaf and blind in reality as long as our parents accepted us and we are still
happy and loves each other. Noong una ay hindi pa akmi tnggap ng aking mga
magulang sa kadahilananang bawal ganito, bawal ganoon, bawal lahat lahat. Kahit
noong bata pa lamang ako ay tinatanong ko ang aking sarili bakit nagagawa ng iba at
bakit ako hindi. Maraming katanungan sa aking isipan habang nakasilip sa bintanan ng
aming kwarto at tamang tingin sa mga batang naglalaro sa ulan, nagsisisyahan habang
ako ito kinakain na ng kalungkutan. Datapwa’t tanggap niya ako bilang ako, ni hindi niya
hinusgahan ang aking pagkatao at ang pagkaroon ko ng karelasyon noon sa lalaki
sapagkat ayon sa kaniya pareho lang daw kami. Pero minsan ‘di ko maiwasang
ikumpara ang aking sarili sa mga dati niyang kasintahan dahil ano nga ba ang laban ng
isang simpleng bisexual sa tunay na lalaki at pure na lesbian? ni wala akong
maipagmamalaki sa kaniya kahit katalinuhan lang naman subalit ni isang salita ay wala
akong narinig mula sa maliliit niyang labi kaya napagtanto kong bakit ko naman
inaaksaya ang aking oras sa pagkokompara kung ako naman ang kaniyang pinili at
minahal. Masaya kong pinagpatuloy na lamang ang aming relasyon. However, as a
couple we do what couples do like saying I love you, dating, holding hands, giving
cheesy pick-up lines and sometimes we watch the stars even we are apart but still, we
also prioritized our study. I made a lot of promises with her that I will do anything to
make her happy and I will never hurt her but like other people said “ promises are meant
to be broken ” because our relationship became abruce. We always fight because of a
girl in my class and it caused our first broke up. Dahil lang sa hindi pagkakaunawaan at
selos ay nauwi sa hiwalayan, sa isang iglap lamang ay nawala siya saakin kaya hindi ito
matanggap ng aking puso na ngayo’y nangungulila sa kaniyang pagmamahal and I
can’t also endure losing my life and that’s her. So, I decide na ayusin ang aming
relasyon kahit na anong mangyari. Gladly, she accepted me again but the sadly thing is
she changed a lot, from the sweet girl I know turned into a cold curmudgeonly person.
Pero nagbago man siya ay mahal ko parin siya kaya titisin ko ang malamig niyang
pakikitungo at papakita sa kaniya na kahit anong mangyari o di kaya’y kahit na
magsawa siya sa aking pagmumukha ay hinding-hindi ko siya iiwan.
Nang aming ipinagpatuloy ang aming relasyon ay ‘di maiiwasang kami ay mag-
away dahil sa selos but did you know that her jelousy made me happy? jealousy of her
is a proof that she really loves me at alam niyo bang napakacute niya pa namang
magselos? 'yung tipong magsasalubong ang dalawa niyang kilay, lalaki ang malilit na
butas ng kanyang ilong pero sa totoo lang paborito kong yung kurutin at ‘di rin siya
mamansin pero dahil mahal ko ‘di ko kayang tiisin. We made a lot of memories that we
will treasure forever, ito’y alaala ng mga masasayang sandali na siya’y aking kapiling. I
thought we are really meant to be destined to each other but I was wrong because she
meet a new friend and that time I was busy in my study and responsibilities at school.
Ang time na dapat nilalaan ko sa aking girlfriend ay nauuwi sa paghawak ng papel at
ballpen pero ang masakit lang na part ay ‘yung oras na wala ako sa tabi niya ay
napupunan ng kaniyang bagong kaibigan. Si new friend na ang kaniyang kasa-kasama
tuwing umaga at hapon para na nga siya yung boyfriend kaya mas naging malapit pa
sila sa isa’t isa. Hindi ko namamalayan na unti-unti na siyang nawawala sa akin, lalong-
lalo na ng sinabi ng aking bestfriend na baka hindi na ako mahal ng gf ko. Nong time na
narinig ko iyon ay parang gumuho ang mundo ko na parang sinasaksak ang aking puso
ng libo-libong karayom. Napakasakit; mahal ko ang gf ko at hindi ko kayang mawala
siya saking piling. Kaya nagdesisyon akong subukin ang kanyang pagmamahal saakin
upang malaman ko kung ako pa ba o iba na? Nagkataon na ako’y nagkasakit ng ilang
araw at hindi nakapagreply sa bawat text niya. Hindi man nakapagreply, siya naman
ang palaging naisip ko pero ansakit lang ng ako’y nakatanggap ng gm or group
message kung saan sinasabi rito na naghahanap siya ng boyfriend. Kaya dahil sa
tampo at sakit na aking naramdaman ay nagawa ko siyang iwasan for almost a month
subalit ito’y mahirap sapagkat namimiss ko ang bawat ngiti at lambing niya. Pero di ko
aakalaing isusuko niya agad ang aming relasyon because she broke up with me the day
before our monthsary. Pero alam niyo ba kung ano ang aking ginawa? Siguro
maituturing na talaga akong tanga at manhid kasi I just smiled and let her go kahit na
mahal na mahal ko siya. Because sometimes it’s better to let go than to hold on lalong-
lalo na kapag alam mong di na maayos ang relasyon nyo at ika’y di na niya mahal. After
a month, nabalitaan ko na lamang na bf niya na pala si new friend kaya napagtanto
kong tama lang pala na niletgo ko siya sapagkat hindi na ako ang kanyang kaligayahan.
Move on? Dalawang salita pero mahirap gawin lalong-lalo na kapag mahal na mahal
mo ang taong iyon. Oo, minsan siya’y naging sa iyo pero ngayon siya’y pagmamay-ari
na ng iba at siya’y masaya na pero heto ka, patuloy na nagdudurusa. And from lovers
we became stranger to each other, yung tipong walang pansinan parang walang
pinagsamahan. Minsan pa nga kung uwian, sila’y nasa harap ko habang
naglalambingan at magkahawak pa ang kamay. Pero heto ka na naman
nagpapangggap na hindi affected kahit na deep inside ay ang sakit-sakit na. Alam mo
ba yung pakiramdam na gusto mong isigaw na “ ako dapat ang kasama niya, hindi
ikaw! ” “ nasasaktan na ako dahil mahal na mahal pa kita! ” pero wala kang lakas ng
loob na sabihin iyon dahil ayaw mong gumawa ng gulo. Minsan tinanong ko ang
tadhana, bakit siya nakaroon na at ako hindi pa? Bakit napakaunfair? Bakit ‘di ko siya
magawang limutin? Maraming katanungan ngunit ni isa ay walang kasagutan. Kaya
mas minabuti ko na lamang ma ituon ang aking atensyon sa pag-aaral at makuntento
na lamang sa mga taong importante at patuloy nagmamahal saakin. Then years had
passed since we broke up, nagkaroon na kami ng komunikasyon pero syempre
nakamove on na rin ako sa kaniya. Tama nga ang sabi ng iba “ time will heal your
wounds ” pero hindi ko naman maitatanggi na ako’y makaramdam ng kunting kirot sa
aking puso kapag siya’y nagkukuwento tungkol sa mga plano niya in the future kasama
ang boyfriend niya. Hindi kasi siya gan’yan kasaya noong kami pa but I need to accept
the fact that we are not destined to be a lovers but destined to be friends. Hindi ko
naman makakalimutan na minsan siya’y naging parte ng aking buhay and this is how
our forbidden love story ended. Sabihin mo mang mahal na mahal mo yung tao pero
kung tadhana na ang nagtakda, wala na tayong magagawa. Ngunit kung papipiliin
akong muli o babalik man ako sa panahong di pa nagtatagpo ang aming mga landas,
siya at siya parin ang pipiliin ko. Sa ngayon ay lilisanin ko na ang mundong ito na dala
dala ang masasayang alaala na kasama siya. Yes, I was diagnosed in stage 4 cancer
and unfortunately ito na ang huling yugto ng aking buhay. Huling kwento na aking
maisusulat at maipapaihawatig.
“Maybe in the next life time, baka pwede na nating ipagpatuloy ang ating
pagamamahalan na ipinagkait satin ng panahon aking binibini…Paalam”

-WAKAS

You might also like