You are on page 1of 12

"MILENYO RIZAL"

SCENE 1: PAST (HAPON)


(JUDICIAL COURT)
Black screen- (voice over ng teacher)
Prof sa History: Noong narinig ni rizal ang hatol ng korte about his execution, tinanggap na nya sa kanyang sarili
na hindi na nya mababago ang kanyang kapalaran, at 6 oclovk in the morning ay binasa sa kanya ni captain Rafael
Dominguez ang official notice of execution.
(Flash ng scene na Nakaupo si rizal kaharap ang iba’t Ibang abugado habang nasa gilid nya si Capatin Rafael
Dominguez at binabasa sa kanya ang official Notice of execution)
Captain Dominguez: (Hawak Ang official note of execution) Rizal was found guilty beyond reasonable doubt
and to be condemned to death by a firing squad (voice over ng teacher)
(Pabirong kwento at boses ng teacher na parang sya mismo si Captain Dominguez)
(SLIDE TRANSITION TO PRESENT TIME, SA CLASSROOM) (NAKAPOKUS SA TEACHER NA
NAGTUTURO SA UNAHAN)

SCENE 2: PRESENT (HAPON)


(CLASSROOM) Class hour- History
Prof sa History: (Bumuntong hininga) Ano ba naman kayo class, parang hindi kayo interesado sa kwento ko,
para kayong patulog na.
(Focus ang cam sa mga students na mukang bagot na bagot at inaantok, then balik ulit ang focus sa
teacher, igagala ang paningin sa klase at hihinto kay Atasha)
Oh tingnan nyo, parang si Miss Cortez lang ang interesado.
Kaklase: Pano ba naman po kasi ma'am, eh fond si atasha sa mga historical chu chu keneme na yan.
(magtatawanan ang klase)
Atasha: (Nagtaas ng kamay) Ano po kayang na feel ni Rizal nung narinig nya yung official Notice of Execution
sa kanya?
Prof sa History: At yan ang itutuloy natin next meeting. Class wag nyong kalimutang basahin ang last poem na
isinulat ni Rizal, ang "Mi Ultimo Adios" dahil isa yan sa tatalakayin natin next meeting. Malay nyo magpa
recitation ako, kaya basahin nyo ha. Ok class, goodbye.
(TUNOG NG BELL)
(Magtatayuan Ang mga students at isa na doon si Atasha na inilalagay Ang gamit sa loob ng bag, lalapit sa kanya
ang kanyang bestfriend)
Tess: Uy Ash, diretso uwi ka na ba?
Atasha: Ah oo, babalik ko lang tong libro na hiniram ko sa library.
Bestfriend: Ganon ba, Hindi muna kita masasabayan ngayon ha, may importante kaming lakad ng family ko ehh.
Atasha: Ano ba okay lang, kakasawa ka din namang kasabay. Hahahaha, charrr.
Bestfriend: Hahaha sa bagay ikaw din, sige ingat ka ha.
(Lumabas sila ng room)

SCENE 3: PAST (GABI)


Ulan, kulog, at kidlat ang namamayapa sa kalangitan habang nasa loob ng isang madilim na kulungang
kinalalagyan si Rizal. Saya ay nakaupo sa isang upuan katabi ang kanyang lamesa na malapit sa may bintana
habang isinusulat ang kanyang huling tula. Sa gilid ng kanyang papel ay may gas lamp na nagsisilbing liwanag
nya sa pagsusulat. Napansin nyang kumikislap kislap ito at bahagya syang napatigil sa pagsusulat upang titigan
ito, ngunit sa pag aakalang galing lamang ang kislap na iyon sa kidlat ay ipinagpatuloy na lamang nya ang
pagsusulat ng tula. Biglang kumulog ng malakas na ikinagulat nya, dahilan kung bakit nasagi nya Ang gas lamp
na nahulog at nabasag sa sahig. Sa pagkabasag nito ay biglang lumiwanag ang buong kwarto.

SCENE 4: LIBRARY (HAPON)


Transition: liwanag galing scene 3
Nakaupo si Rizal sa isang upuan sa library, takang napatingin sa paligid na tila hindi makapaniwala sa
nakikita. Inilibot nya ang kanyang paningin sa loob ng library. Kumpol na libro, maraming mga tao at tahimik na
paligid. Nang walang pasubali ay bigla syang napatayo, pinagtinginan sya ng mga tao na naroon at pinagbulungan.
Rizal: Lo que está sucediendo? (Anong nangyayari?) (nalilitong bulong na wika ni Rizal)
Napatingin sya sa lamesa nya at nakitang andoon ang tula na kanyang isinusulat, agad nya itong pinulot
at tinupi at dagliang sinilid sa kanyang amerikanang kasuotan. Dahan dahan syang naglakad patungo sa labas ng
library, nakita nya ang librarian at agad na nilapitan.
Rizal: Qué lugar es este, señorita? (Anong Lugar ito, binibini?)
Librarian: Po? Ano pong sabi nyo sir? (Kunot na tanong, hindi maintindihan ang sinasabi ni Rizal)
Rizal: Pilipino (bulong nyang saad)
Pinagsawalang bahala nalang ni rizal at lumabas ng library, pagkalabas nya ay may nasagi syang babae
Atasha: Ay palakang kokak!! (Pinulot ang nalaglag na libro- El Filibusterismo)
(Pagkapulot ay napansin ni Rizal ang hawak nitong libro, tiningnan sya ni Atasha)
Atasha: Uy taray ng awrahan natin today ahh. Hulaan ko sino kino-cosplay mo HAHAHA
Rizal: Donde conseguiste ese libro? (Saan mo nakuha yang libro?) (nagtatakang sabi habang nakatingin sa
hawak na libro ni atasha)
Atasha: Luh, ganap na ganap si sis. No español senior
Rizal: Pasensya señorita (tanging sabi niya na lamang at umalis na)
(Takang hinabol sya ng tingin ni atasha)
SCENE 5: PLAZA (DAPI’T HAPON)
Maglalakad ng paunti unti si Rizal at manghang ililibot ang paningin sa paligid, mga sasakyan, mga tao
at mga gusali ang kanyang kinamamangha
(Mababangga sa likuran nya si atasha)
Atasha: Ano ba ‘yan! Pasensya na, Sir (titingin kay rizal) Uy, kayo po pala ulit.
Rizal: Lo siento de nuevo señorita…pero no se donde estoy (Paumahin muli senorita… pero di ko alam kung
nasaan ako)
Atasha: Ay putcha kanina pa to ahh. For pavor.. no Espanol, no español. Tagalog only, tagalog.
Rizal: Paumahin señorita ngunit hindi ko alam kung nasasaang lugar ako. Anong nangyari at ako’y naririto? Ano
itong lugar na ito?
Atasha: Ayown nadali mo pero lalim nan ha. At saka hello??? Nasa year 2023 ka po at nasa mundo pa naman
bakit ba? Ano ba tinira mo?
(Hindi pa sigurado si isha kung si rizal nga ba ang kaharap nya)
Atasha: Ano ba pangalan mo? Atsaka san ka nakatira baka matulungan kita?
Rizal: Salamat señorita.. Jose Rizal ang aking ngalan. Ako’y naniniharan sa Dapitan ngunit hindi ko mawari kung
anong nangyari at bigla na lamang ay nandirito ako.
Atasha: Shettttt shettt teka ha! Isisink in ko lang yan ha wait! Totoo ba??? Rizal ka dyarn?? Maygosh baka
kemerut ka dyan ano ba kasi tinira mo? Gumagamit ka ba?
Rizal: Que dices señorita? (Ano ang iyong sinasabi binibini?)
Atasha: Ohhmyyy!!!!! Halika sumama ka sakin pede kita matulungan at matutulungan mo’ko. Let’s go!
Rizal: Señorita…. Binibini saan tayo paroroon?
Atasha: Hindi ko alam kung eme mo lang to, pero sasabihin ko sayo kung nasan ka talaga.

SCENE 6: DAANAN PAUWI SA BAHAY NI ATASHA


Habang naglalakad sila pauwi, takang nililibot ni Rizal ang paningin sa kanyang mga nadadaanan.
Rizal: Kay raming mga gusali at mga kakaibang bagay na gumagalaw (nakatingin sa mga sasakyang dumadaan)
Atasha: Lalim ha, parang hindi ko kayang sisirin (pabirong sabi)
Rizal: Ano ba ang mga bagay na iyan binibini?
Atasha: May amnesia po siguro kayo, Sir ‘no?
Rizal: Binibini, tinitiyak kong ako ay walang kahit anong sakit na dinaramdam.
Atasha: Eh bakit po di po kayo pamilyar sa mga bagay na ‘yan?
Rizal: Hindi ko mawari kung ito ba ay panaginip o totoong nagaganap. Walang mga gusali at mga gantong bagay
sa reyalidad na aking kinagisnan.
Atasha: Hayss, hindi ko pa rin gets. Sama nalang po kayo sakin sa bahay naming, Sir, at nang magkalinawan po
tayo. Hirap intindihin ng mga eme mo Sir.

SCENE 7: (BAHAY) (GABI)


Atasha: Halika po, tuloy po kayo. (Diretso sya sa kusina)
Rizal: Binibini? Anong iyong sinasabi? Hindi ako maaaring pumasok sa iyong tahanan lalo at nag iisa ka pa yata
riyan.
Atasha: Ay grabe ang OA! HAHAHA wala naman po akong gagawin sayo. Halika na, pasok ka!
(Hihilain ni Atasha si Rizal papasok sa bahay)
Rizal: (Nilibot ng tingin ang buong bahay)
Binuksan ang TV at nakita ito ni Rizal. Nilapitan ni Rizal ang TV at sinuri ito, tinignan kung may mga tao
sa likod ng TV at hindi nagtagal ay narinig nya sa TV ang tungkol sa kurapsyon.
Rizal: Ano itong bagay na ito. (nagulat sa narinig) Bakit hanggang ngayon ay ganito pa rin sa bansa?
Atasha: Ano pong ginagawa mo dyan, upo po kayo. Ito po mainom po muna kayo ng tubig (Ilalapag ang baso
ng tubig sa mesa)
(Uupo si rizal sa sofa at uupo din si atasha sa kaharap nitong upuan)
Atasha: Ahm sir? Taga saan po ba talaga kayo? Ano po talagang tunay nyong pangalan? Bakit parang wala po
kayo sa sarili? Ito lang ha pansin ko lang po, mukha po kayong baguhan, ang pananamit nyo parang makaluma,
tapos nag e-Español kayo at medyo hawig nyo nga rin po si Jose Rizal ha, infairness sa inyo Sir. Kung di man po
nakaka-offend, may sakit po ba kayo? Like mental illness po?
Rizal: (Kunot noong mapapatingin kah Atasha) Binibini, ako si Joze Rizal na taga Dapitan. Hindi ko alam kung
nasaan ako at bakit ako naririto, ang huling pakiwari ko’y ako ay nasa isang silid at isinusulat ang aking huling
tula bago gawin ang hatol sa akin na kamatayan.
ATASHA: Pero paano po nangyari yon na napunta kayo sa panahon na’to, year 2023 na,
Rizal: ‘Yan din ang hindi ko lubos na maunawaan binibini. ‘Yan ang nais ko ring malaman.

SCENE 8: SCHOOL (UMAGA)


Naglalakad si Rizal at Atasha papunta sa room at ninais ni Rizal na makinig sa mga professor ng bawat
klase
Prof sa History: Goodmorning, San tayo natapos last meeting?
Atasha: Ma’am sa execution na part po.
Prof: Okay sige. Nahatulan si Rizal ng kamatayan dahil natraydor din sya ni Andres Bonifacio.
Rizal: Anong traydor binibini??
Prof: Oo, trinaydor si rizal ni Bonifacio dahil sa pagtatayo ng propaganda laban sa mga Español.
Rizal: Ano bang nangyayari sa bayang ito, Bakit maling mga impormasyon ang kumakalat? Yan ba ang tamang
pagleleksiyon?
Prof: sandali nga, Sino ka ba para sabihin yan? At saka, bakit, anong mali sa mga sinabi ko?
Rizal: Silang nakita ang aking mga librong nilikha tungkol sa mga Español at kasabayan nitong nalaman ang
aking propaganda na La Liga Filipina na syang napagkamalang laban sa mga español.
Atasha: Ahh Ma’am pag pasensyahan nyo na po, medyo makaluma na po kasi tito ko, tsaka kagagaling lang po
nya sa sakit hehe. (Lumingon kay Rizal at sinenyasan na wag ng umimik)
Prof: Sa susunod Miss Mabolis, hindi ako tatanggap ng sit in sa class ko, ayokong na iinterupt ang klase ko.
Atasha: Opo, Ma’am. Pasensya na po.
(nagpatuloy ang klase)

DISMISSAl

Inaya ni Atasha si Rizal na lumabas ng room para magpunta sa library pero pinagtitinginan sila ng mga
studyante.
Atasha: Luh anong ganap? Narealize na ba nila kung gaano ako kaganda?
(May lumapit kay Atasha at pinakita ang post- meme ni rizal)
Tess: Teh! Tignan mo oh may nagpost ng meme tungkol sa kasama mo HAHAHAHA!
Atasha: Hay nako mga tao nga naman pag walang magawa sa buhay. Pati ba naman si Rizal gagawan ng
kalokohan.
Kaibigan: Si rizal? Teh yan yung kasama mo hindi si Rizal.
Isha: Oo nga kasama ko yan, si Rizal nga.
Kaibigan: Ay nako teh, ang kill joy mo naman. As a serious girl ka dyan HAHAHA dyan ka na nga.

SCENE 9: LIBRARY (TANGHALI)


Pagpasok ni Atasha at Rizal sa library, muling humanga si Rizal sa dami ng libro dahil wala masyadong
libro ang nailimbag sa panahon niya.
Rizal: Lo siento binibini, ngunit san nanggaling ang mga librong ito? Tila nakakahanga sa rami.
Atasha: Marami po pinanggalingan nyan, yung iba nilimbag about science, literature, history. Yung iba naman
thesis na. (Nagbabasa ng history book)
Rizal: (Biglang nagutom at narinig ni Atasha ang pag kalam ng sikmura nito)
Atasha: Gutom ka na ba? Tara kain tayo, may alam akong maraming pagpipiliang pagkain.
Rizal: Ngunit marami pa akong nais itanong sayo tungkol sa mga tao at nangyayari sa panahong ito.
Atasha: alika na, mamaya ko na sasabihin sayo lahat.

SCENE 10: PALENGKE (HAPON)


(Mapapadaan sa isang street food)
Atasha: Ay yun, favorite ko to, tikman mo to, Sir. (hila ni Isha kay Rizal)
Ebarle: Tulungan nyo po ako may magnanakaw!! (sigaw na aniya, habang hindi mapakaling nakaturo sa kumuha
ng bag nya)
(May humarang na isang lalaki doon sa magnanakaw at binugbog nila ito ng mga taong naroroon)
Rizal: Di ko mawaring may gantong klaseng tao sa panahon nyo. Ang aking pag aakala ay magbabago ang lahat
mula ng akoy mahatulan ng kamatayan
Atasha: Paumanhin sir, pero mas may saltik pa ngayon ang mga tao kesa noong panahon nyo. Oh sya kainin mo
na yan marami pa dito, tikman mo po.
Rizal: Salamat.
Habang kumakain sina Rizal at Atasha, may napadaang grupo ng babae at kabastos bastos para sa kanya
ang kasuotan ngunit wala syang magawa pa rito dahil di nya pa alam ang takbo ng panahon ngayon.
Rizal: Señorita, sadya bang ang mga kasuotan ng kabataan ngayon ay pawang kinulang sa tela at retaso?
Atasha: Uso po kasi yang mga style na yan ngayon.
Rizal: Pambihira. Kabastos bastos tignan sa mata ng mga kalalakihan. Tila wala ng respeto sa sarili ang mga
kakabaihang ito.
Nagsidaanan ang mga mauusok at maiingay na sasakyan sa harapan ni Rizal at walang pagsasabing
paumanhin sa ginawang iyon.
Atasha: Ayyy grabeng bastos ha? Nakain ako rito tapos may palibreng usok.
Rizal: Ano nga pala señorita ang tawag sa bagay na iyon? Napaka bilis at mukang gawa sa makakapal sa bakal?
Atasha: Kotse po yon, nag-upgrade na po ang Pilipinas HAHAHA gas na gamit dyan sa mga ganan para hindi na
rin mabilis masira, yun nga lang mausok.

SCENE 11: (GABI)


Nagdesisyon si Rizal na magpatuloy sa pag-oobserba sa panahon ngayon at ang pinaka napansin niya ay
ang korapsyon sa bayan.
Reporter: Muling lumobo ang utang ng pamahalaan sa pagtatapos ng buwan ng Abril ngayon taon.
Ayon sa Bureau of the Treasury (BTr), ang bagong record-high na utang ay dahil sa paghina ng piso na siyang
nagpapataas sa local currency na katumbas ng foreign obligations.
Sumampa na sa P13.911-T ang outstanding debt ng Pilipinas, na 0.4% o P52.24-B na mas mataas mula sa
P13.856-T noong buwan ng Marso.
Rizal: Talagang walang pagbabago ang ating bansa.
Atasha: Diba nagsusulat ka tungkol sa pagpapaayos ng takbo ng Pilipinas noon? Kung paano mapapalaya sa mga
mananakop? What if magpatuloy ka sa paggawa ng mga propaganda?
Rizal: Sa paanong paraan, binibini?
Atasha: Uso po ngayon ang social media kung saan pwedeng mong i-share ang mga idea mo at makikita ito ng
maraming tao.
Rizal: Hindi ko mabatid Ang iyong nais iparating. Ako ay labis na nagugulumihanan.
Atasha: Ahmm ganito po (kuha sa cp at bubuksan si fb) Ganyan po, Sir. (Ituturo ni Atasha ang pasikot sikot sa
fb)
Rizal: Ang bagay na ito ang magiging dahilan ng pagkilala sakin?
Atasha: Opo ganon nga po. Na hindi ka lang sa salita at pagsusulat magaling kundi sa gawa.
Rizal: Kung ganon binibini, kailangan ko ang iyong tulong, nais kong ipagpatuloy dito ng aking nasimulan sa
panahon ko. Gusto kong maging maayos ang bansang hanggang kamatayan ay handa akong ipaglaban.
Atasha: Pero kailangan pa po muna natin na mas mag obserba para alam natin ang mga kailangang baguhin.
Rizal: Syang tunay binibini. Dahil hindi ko na kaya pang marinig na nasa mga ulap ang gobyerno habang
nalulunod sa kahirapan ang mga nagbabayad ng buwis gayon din ang mga mahihirap na hindi nila kayang
matulungan pa.
(clips ng mga gobyernong kurakot, nakawan at patayan)
(Sa pag oobserba ni Rizal sa bayan ay hindi na niya naatim na sumulat muli gamit ang social media. Dahil sa
angking katalinuhan, bagama’t bago sa paningin niya ang bagay ay madali niya itong nabatid at natutuhan)

SCENE 12: (GABI)


Tiktok Post: Ang bayan natin ang syang inyong nilulunod sa kahirapan, samantalang kayo ay nasa alapaap.
Nagsasaya sa ninakaw ninyong yaman ng bayan. Walang pinagbago ang bayang ito, napupuno pa rin ng salot
dahil sa mga taong silaw sa yaman. Hanggang kailan magbabago ang pagpapatakbo ng gobyerno maging ang
ibang nakatataas sa bayang ito?! Hindi ba dapat pantay ang tingin natin dahil syang tayo ang dapat
nagtutulungan?!
Side comments
(tama tama!!)
Trending…
News: Trending ang isang post ng isang netizen patungkol sa gobyerno na umano’y silaw sa yaman at iba pang
mga tiwali sa gobyerno.
Side comments ng mga netizen
Sino ba kasi yan at parang may ambag sa lipunan kung makapag salita HAHAHA
Nagbabayad ba yan ng buwis baka milyon ambag nya HAHAHA
Akala mo naman alam nya lahat
Edi ikaw na, magaling ka ehh
Wow ha mas malaki ba sa utang ng Pilipinas ang buwis na binayad mo?
Gusto mo lang magpapansin para masampal ka ng pera
Pag walang alam manahimik na lang! Papansin ka e!
Pera ata inaantay neto para manahimik! HAHA
(oobserbahan nya ang mga pagbabago sa pinost nya sa tiktok)
(fading timelapse)

SCENE 13: ( LABAS/PUBLIC PLACE) (UMAGA)


Sa loob ng ilang buwan diretsyo pa din si Rizal sa pagsusulat ng kaniyang mga naoobserbahan.
Sa pagtagal ng kaniyang pananatili, napag alaman niya na may lihim na plano ang partido nina M. Carlos na
magtakda ng mga batas at maghari sa bansa. Sa pag-aakalang malaya na ang bansa, natanto ni Rizal na ang mga
taong namumuno sa samahang ito ay nakokontrol sa lahat ng aspeto ng lipunan, at pati na rin sa mga tao at
kanilang kalayaan.
At dahil sa kanyang pagiging pagkamakabayan, nagpasya si Rizal na lumaban para sa kalayaan at karapatan
ng mga Pilipino sa hinaharap sa pamamagitan nga ng kaniyang pinost na video. Nagtagumpay siya na makuha
ang tiwala ng mga tao at nalaman ito ng kabilang partido. Lingid sa kaalaman ni Rizal, na sa pagtagal ng oras, ay
napagpaplanuhan na ng mga suwail ang pagpapa patay sa kaniya. Ang pinuno ng lihim na samahan na kanilang
sinasalungat ay si Mayor Carlos. Ang mga tao ay nagkamali at nagtiwala sa kanya naging lider nang hindi nila
alam ang tunay na motibo nito.
CARLOS: (Nangangampanya) (Nagbibigay ng speech) Kaya dapat hindi tayo basta basta naniniwala sa mga
napapanood lang natin. Mas karapat-dapat na magtiwala sa mga taong may nagawa na para sa bayan.
AUDIENCE 1: Nagawa sa bayan? Nasaan ang nagawa sa bayan? Ni pera ng mga tao ay ninanakaw, yan ba ang
nagawa nyo? Buti pa yung walang posisyon sa pamumuno ay syang tumutulong sa mga taong nangangailangan.
Siya ang dapat na mamuno ng bayan
AUDIENCE 2: (haharap kay audience 1) Yan ba ang basehan mo? Malay nyo sa una lang sya magaling pero ang
totoo may mga plano syang binabalak pag sya na ang nanungkulan. (Ililibot ang paningin sa mga taong naroroon
na tila nangangaral) Kaya kayo, wag kayong padadala sa mga sa una lang magaling dahil pagsisisihan natin ito
sa huli.
AUDIENCE 3: ang Governor ko ay si Carlos, sigurado ang kinabukasan natin sa kanya.
(Tatango tango ang mga tao na tila sang ayon sa mga sinabi ng audience 2 and 3)
Makikita ni Atasha at Rizal sa video ang sinabi ni Carlos)
ATASHA: ‘Wag mo na kaya balakin ituloy pa ang pagpopost tungkol sa gobyerno? Hindi natin kilala yung
kakalabanin mo kasi maimpluwensya ang pamilya nila.
RIZAL: Ngunit binibini, paano ang bayang ito? Paano ito uunlad? Kailangan kong kumilos.
SCENE 14: (HAPON)
(Nakabukas ang TV. Nakaupo sa salas si rizal habang nagsusulat, biglang dadating si atasha mula kusina at may
dalang meryenda)
ATASHA: Meryenda ka po muna, Sir (sabay patong ng meryenda sa mesa)
(Habang pinapatong nya ang meryenda ay biglang may magpapa flash na breaking news sa TV)

News: Viral ngayon ang litrato ni Governor candidate na si Mayor Dela Cruz na nakikipag transaksyon sa ilegal
na gawain.Tumangging magbigay ng kumento ang panig ni Mayor Dela Cruz. Sa ngayon ay maraming mga
kababayan nya ang naghihintay ng kaniyang paliwanag lalo na at nalalapit na ang eleksyon.
(Dali daling kinuha ni Atasha ang kaniyang cellphone upang magbukas ng social media. Makikita nya ang pag
kalat ng balita, at ang mga negatibong komento ng mga netizens).
(Mula sa kinatatayuan ay lalapit sya kay rizal at ipapakita ang kaniyang cellphone)
Atasha: Sir, kalat na sya sa FaceNet. Mukhang mauudlot ang pagtakbo ni Mayor dahil dito.
Rizal: Mukhang ganun na nga. Pero hindi dapat tayo makampante. Ikaw na mismo ang nagsabi na malakas ang
impluwensya ng grupo na yan. Sigurado akong hindi nila hahayaang mangyari yon.
Atasha: Ano na pong plano nyo?
Rizal: Kailangan ko muling balaan ang mga tao na huwag na silang padadala at magpapaniwala sa anumang
gawin at sabibin ni Mayor Dela Cruz dahil panigurado akong pawang kasinungalingan na naman ang kaniyang
imumungkahi.

SCENE 15: (OPISINA & BAHAY) (UMAGA)


(Nakita ng secretary ni Gov ang bagong pinost ni Rizal. Wala mang kasiguraduhan na anb pinatatamaan ni ay
ang kaniyanb boss ngunit kanya pa din itong sinabi).
(Ipapakita ang cellphone kay Gov)
Secretary: Sir. (Habang pinapanood ni Gov ang video) Mukhag sinasadya ka na talagang siraan ng tao na to.
Carlos: Bakit ba may mga taong ang hilig makisawsaw? Mga bwiset!! (Padagbog na ibabagsak ang cellphone sa
lamesa) Hayaan nyo sila. Mga walang magawa.
----- BAHAY (GABI)
(Sinisimulan na ni Rizal na isulat ang naudlot niyang sulatin na Mi Ultimo Adios noong siya ay nasa panahon pa
niya)
(Clip na nagsusulat)
Atasha: Ano po ang inyong ginagawa? Serious na serious ka naman dyan, Sir. (May lalapag ng meryenda sa tabi
ng ginagawa ni Rizal)
Rizal: Wala ito binibini. Salamat sa pagkain. Sya nga pala, ano ang naging reaksyon ng mga tao patungkol sa
aking nilathalang opinyon?
Atsha: Ayun po, marami pa rin ang uma-agree sa inyo, pero hindi rin maiiwasan na may mga negative comments
patungkol dito lalo pa at labis nilang sinusuportahan nsi Mayor Dela Cruz.
Rizal: Mukhang wala na tayong ibang magagawa kundi ang maghintay na kusa nilang malaman ang katotohanan
tungkol sa taong iyon.
(Sasang ayon si Atasha)

SCENE 16: PUBLIC PLACE/PLAZA (TANGHALI)


(Patuloy ang pagkalat ng balita patungkol sa issue kay Mayor Dela Cruz na syang hindi nila ikinatuwa, nadagdag
pa anbg post ni rizal patungkol sa kandidato na nagpadagdag ng galit nito)
---
(Maiisipan ni rizal na ipagpatuloy ang huling parte ng kaniyang tula sa isang pampublikong lugar dahil nais
niyang masilip muli ang mga hindi makatotohanang pangyayari sa oras na iyon)
(Uupo sa isang lugar at muling ililibot ang paningin) (Ilalabas ang papel at magsusulat ng huling sentence tungkol
sa mga filipino sa panahon ngayon )
-----POV NI GOV
(Magpapakita ng mga tauhan na mukhang naghahanda sa isang pangyayari)
Magsisilbing namumuno: Bilisan nyo na yan. Dali!
Mga boses: Opo boss
(Ipapakita ang pag alis nila sa isang silid)

ENDING…
Scene 17 BAHAY (Hapunan)
Habang tahimik silang kumakain ng hapunan, bigla na lamang tutunog ang cellphone ni Atasha na agad din itong
tinignan at binasa)
Atasha: (Habang nakatingin sa cellphone) Sir, inaanyayahan po kayo sa isang TV talk show para interviewin
since sumikat po ang mga post at videos mo sa social media tungkol sa gobyerno.
Rizal: Talkshow? Ano ang talkshow, binibini?
Atasha: Yun po ay tatanungin lang kayo tungkol sa mga pinost nyo about sa gobyerno. Maraming tao po ang
makakapanood sa inyo.
Rizal: Kung gayon ay malugod kong tatanggapin ang anyayang iyan upang mabigyan ko rin ng paalala ang mga
Filipino tungkol sa pagpili ng tamang mamumuno sa kanila. (Nagpatuloy sila sa pagkain)

SCENE 18: (UMAGA)


Kinaumagahan ay naghanda na si rizal sa kanyang pag alis, sinuot nya ang kasuotang suot nya nung una
syang nakatuntong sa present time.
Atasha: (Lalapit kay rizal para ayusin ang damit) (biglang SLOWMOTION) (voiceover ni Atasha- Shet, in
fairness may kapogiang taglay din nga naman tong si Rizal. No wonder dami nitong naging chicks.)
(Mapapatulala si Atasha at mapapnsin iyon ni Rizal)
Rizal: Binibini, ayos ka ba lamang? Tila napakalim ng iyong iniisip.
Atasha: (Mapapabalik sa sarili) Ayy! Ahh opo, Sir. Ayos na ayos lang ako hehe. Nga pala, ingat po kayo sir ha,
galingan nyo ang pag sagot para maraming maniwala sa inyo.
Rizal: Maraming salamat, binibini.
Atasha: Pasensya na po, hindi ko kayo masasamahan doon ha? May meeting po kasi kami sa school ngayon, pero
susunduin naman po kayo dito ng van ng production team ng talk show kaya hindi kayo maliligaw, at wag po
kayong mag alala nakasuporta pa din po ako sa inyo.
Rizal: (Haharap kay Atasha) Maraming salamat sa iyo, binibini. Masaya akong nakapaglakbay sa panahon na ito
kahit may kasamaang nagaganap. Maraming salamat sa suporta.
Atasha: Wow, nakakabtouch naman, Sir. Para namang hindi na kayo babalik ah HAHAHA, ihahatid naman po
ulit kayo dito pagtapos ng interview, ingat po kayo ha (nakangiting sabi)

SCENE 19:
Pagkalabas ni Rizal ng van ay huminga sya nang malalim at naglakad. Nang akmang kukunin nya sa loob ng
amerikanang kasuotan nya ang isang sulat, biglang may bumarik sa kanya sa likod.
Rizal: (Humarap sya kung saan nanggaling ang pagkakabaril sa kanya) Este es mi destino (huling sabi bago sya
natumba at nabitawan ang sulat) Nagsitakbuhan kay rizal para tignan at picture'an.
Nakapokus ang cam sa sulat
Laman ng letter: KASALUKUYAN (tula na kanyang sinusulat)
( LIGHTS OFF)
END.
CHARACTERS:

JOSE RIZAL MAGKAKALAT NG MEME


Simon Rodulfa Mark Andrie Obispo

ATASHA CORTEZ SECRETARY


Isha Mabolis Daniela Grace Gutierrez

CARLOS AUDIENCE 1
Gab Tabladillo Chelsey Pupa

TESS (BEST FRIEND NI ATASHA) AUDIENCE 2


Jonalyn Titular Diana Boyles

CAPTAIN DOMINGUEZ AUDIENCE 3


Jhon Lenard Abawag Gladys Arasola

PROF SA HISTORY KAKLASE NA MAGSASALITA


Antonette Magsino Emmanuel Ombina

MS. LIBRARIAN BABARIL KAY RIZAL


Johna Sarmiento Ronel Vergara

REPORTER
Joyce Nuestro
SISIGAW SA PALENGKE
Maria Ebarle
MGA GWARDIYA SIBIL
Reynaldo Garcia,
Kian De Mesa
MGA MAGNANAKAW
Kian Quinto
Jerric Ricafrente
MAGSUSUOT NG MAIIKSING DAMIT
Ely Harris L. Katigbak
Mariane Espinosa
Czyrelle Esguerra
MGA MAMAMAYAN SA ELEKSYON AT SAKA ESTUDYANTE
Lahat ng free

You might also like