You are on page 1of 4

(Pag-uusap nila Rizal at Taviel habang nakakulong si Rizal )

(Pumasok sa selda si Taviel)


Taviel: Luis Taviel de Andrade, ang iyong mananangol.
Rizal: Ikinagagalak ko, Jose Rizal (naglahad ng kamay)
Taviel: Alam ko
Rizal: Maupo ka
Taviel: Maraming salamat (sabay upo)
Rizal: (Nakatayo) sa matuwid buhay ko sayo’y nakasalalay
Taviel: Pangungunahan na kita, kakaunti pa lamang ang nalalaman ko sa batas
Rizal: Wag kang mag-alala kakaunti na lamang ang natitirang pagtitiwala ko sa batas.
Pinapili nila ako sa napakaraming pangalan, pangalan moa ng pinili ko. (nag lakad
patalikod kay Taviel)
Taviel: Bakit? (nag babasa ng mga papeles)
Rizal: Pmilyar
Taviel: Kapatid ko si Jose Taviel
Rizal: Tama si tokayo, ang aking dating guwardiya, kung gayo’y nasa mabuti akong kamay,
kamusta na siya?
Taviel: Marami siyang naikukwento tungkol sa inyo
Rizal: Sana’y puro magaganda lahat
Taviel: Marami akong hindi mapaniwalaan
Rizal: Gaya ng?
Taviel: Hindi mahalaga ang opinion ko tumgkol sa inyo, ang isipin ninyo’y ang opinion ng ibang
tao
Rizal: Na ano?
Taviel: Na kayo’y isang irehe, Filibustero, subersibo at walang utang na loob
Rizal: Walang utang na loob?, kanino?
Taviel: Sa espanya, na pinagkakautangan mo ng lahat pati na ang iyong edukasyon
Rizal: Sa kanya mo rin ba natutunan ang iyong edukasyon?
Taviel: Kaso moa ng pinag- uusapan natin dito
Rizal: Kung sa bagay, tama ka, totoo, marami akong natutunan sa kanyang mga unibersidad lalo
na dito sa mga unibersidad sa Pilipinas na pinatatakbo ng kanyang mga prayle, natutunan kung
hindi lahat ng tao ay pantay-pantay
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Taviel: Noon paman mahilig ka nang bumangga sa pader
Rizal: Lalo na kung ang pader ay hindi nag-sasabi ng katotohanan
Taviel: Kinalaban moa ng Iglesia, ang mga prayle, sila ang nagsalita ay batas at utos dito sa
Pilipinas
Rizal: Isa akong manunulat, kalaban ko ang lahat, pati ang sarili ko
Taviel: Pero sa pag susulat mo, ang ipinapakita mo ay mga panig lamang ninyong mga Pilipino,
paano naman ang panig ng mga prayle, mga kastila?
Rizal: Edi, magsulat din sila kung gusto nilang marinig ang panig nila
Taviel: Hindi ba’t responsibilidad ng isang manunulat ang isulat ang katotohanan kanino mann
ito panig? Pero ang ginawa mo ay hindi arte kundi propaganda
Ayon sa Komisyong Konsora, ang kinakalaban ng iyong mga nobela ay ang gobyerno,
ang relihiyon, ang mga kastilang kawani ng katarungan, at ang karangalan ng espanya
Rizal: Napakarami ko namang kinalaban
Taviel: Kaya minabuti nilang ipag bawal ang pag-imprenta at pagbenta ng mga libro mo sa
buong Pilipinas
Rizal: Lahat ng bagay na isinulat ko ay naka-ugat sa katotohanan, sa mga bagay na naisulat ko,
ay matatagpuan ng mga Pilipino ang kanilang mga sarili, ang kanilang kasaysayan sa lumipas na
sampung taon.
----------------------Pagpapahukay---------------------------------------------------------------
Rizal: Ikinulong nila, pinatay nila, hinukay sa libingan, itinapon, ganyan ang ginawa ng iyong
mga kababayan sa karangalan at kasaysayan ng aking mga kalahi
Taviel: Hindi siguro ganun kasama ang lahat sinor Rizal
Rizal: Ilang taon kana ba dito sa Pilipinas Taviel?
Taviel: Bakit?
Rizal: Pareho ba tayo ng nakikita o meron kanga yaw Makita?
Taviel: Ano ang nagbibigay sayo ng karapatang magsulat ng mga sinusulat mo?
Rizal: Naranasan ko nang lahat Taviel, nawalan na ako ng asawa’t anak, ng pamilya, pati narin
ng karangalan at kalayaan, itinapon nila ako, niloko nila ako, pinagtaksilan nila ako.
Taviel: Kaya pakiramdam mo superior ka? Dahil nag daan kana sa hirap?
Rizal: Ang hinihingi lamang naming ay ang pag kakapantay-pantay, isang mapayapang
pagbabago sa pamamagitan ng edukasyon at gawaing sibiko, makilala ang Pilipinas bilang
kapantay ng mga Kastila
(Tulala)(Pag aawal ng grupo ni Rizal at Kastilang mga mag- aaral)( Leonor)
Taviel: Sinor Rizal?, Sinor Rizal?
Rizal: May sinasabi ka Taviel?
Taviel: Ang sabi ko, ni minsan ba hindi sumagai sa isip moa ng mag pakasal?
Rizal: Minsan
Taviel: Ano ang nangyari?
Rizal: Nag punta ako sa Europa, alam mo a yan
Taviel: Iniwan mo si Leonor at nagpunata ka sa Europa? Bakit? Anung layunin ang mas
matimbang pa sa pagmamahal mo sa iyong kasintahan?
Rizal: Ano sa palagay mo Taviel?
Taviel: Ikaw ang tinatanung ko sinor Rizal, nag punt aka sa iba’t ibang lugar sa buong mundo,
bakit? Anung ginagawa mo roon? Sino ang nag padala saiyo? Ang katipunan? May sapat bang
pera ang pamilya mo para tustusan ka sa ibang bansa? O may kinabibilangan kang isang lihim na
organisasyon?
Rizal: Nagsasanay k aba Taviel para sa mga sasabihin mo sa korte?
Taviel: Sinasanay lang kita sa gagawin nila sayo sa korte
(aalalahanin ni Rizal ang usapan nila ni paciano)
Hindi mo parin ako sinasagot, tinatanung kita kung bakit ka pumunta sa Europa?
Rizal: Bakit ba kailangan mong malaman ang lahat?, ano bang kailangan mo sa akin?, bakit mo
ba ako pinipilit na panindigan at ipagtanggol ang aking buhay at lahat ng aking paniniwala?
Taviel: Gusto mob a akong palitan bilang tagapagtanggol mo? May panahon pa
Rizal: Bakit mob a ginagawa ito? Dahil baa sa bayad nila sayo? O dahil talagang interesado ka sa
kaso ko? O dahil lang naiinip kana at wala kanang magawa sa napakalaki at napakainit naming
bayan?
Taviel: Babalik nalamang ako sa ibang araw kapag hindi na mainit ang ulo mo, Adyos!
Guwardya! (Binuksan ang selda upang makalabas si Taviel)
Rizal: Taviel! …Taviel! ….Taviel!....( papalapit sa rehas)

Usapan ni Paciano at Rizal ng pagpunta sa Europa


Paciano: Ito ang ating magiging lihim na kasunduan, pupunta ka sa Europa upang mag-aral ng
medisina. At upang gawin ang nararapat para sa ating bayan
Rizal: Kuya naman,
Paciano: Paiiwan ako dito para mag- alaga kina tatang at mamahala sa ating mga bukirin, hindi
muna ako mag-aasawa
Rizal: Eh kuya bakit hindi kayo ang pumunta roon, bakit ako ang papupuntahin nyo?
Paciano: Dahil ikaw ang higit na makikinabang sa Europa, doon ay matututo ka at Malaya mong
ipamumukha ang baho ng pamahalaan ng mga kastila dito, doon ay marami ring mga Pilipino,
Malaya ninyong maisusulat ang tungkol sa mga kailangang pagbabago at katarungang wala dito
sa ating bayan.
Rizal: Pero kuya, hindi pa ako handa.
Paciano: Pepe, hindi lamang ako ang may pasya nito, pinag usapan na naming ito ng ilang
kapanalig, padadalhan ka naming ng panggastos buwan buwan
Rizal: Pero kuya, sila nanang eh hindi papaya yun
Paciano: Hindi muna natin sasabihin sa kanila, malalaman lang nila kapag nasa Europa kana
Rizal: Paano si Leonor?
Paciano: Pepe, bakit napakarami mong tanung? Ang sarili mo lamang baa ng iisipin mo?
(Usapan sa Bangka sa pag alis ni Rizal)
Antonio: Pepe narito ang pasaporte at tiket mo, primirang klase yan
Rizal: salamat po tiyo Antonio, Jose Mercado? Akala ko ba hindi kona gagamitin ang pangalang
yun?
Antonio: Sa ngayun lng yan, para hindi kaagad mapansin ng mga opesyales, baka pigilan ka
nila , pero pag dating mo sa Europa, maaari mon a ulit gamitin ang Rizal. Pepe, wag mo kaming
bibiguin, marami kaming umaasa sa mga magagawa mo doon, sobra na ang pagka-api ng ating
bayan ( ibibigay ni Paciano ang Pasaporte)
Rizal: Sisikapin ko po, Kamusta na po si Leonor?
Antonio: Ay pinapunta ko sa kanyang mga pinsan, wala siyang nalalaman sa mga gagawin mo.

You might also like