You are on page 1of 22

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

NORTHERN NEGROS STATE COLLEGE OF SCIENCE AND TECHNOLOGY

OLD SAGAY, SAGAY CITY, NEGROS OCCIDENTAL
ISO 9001:2015 (034)722-4169/www.nonescost.edu.com
Certified

Modyul
sa

Masining
na

Pagpapahayag
Fil101

Inihanda nina:

Ins. RENA DEE J. AGUADO, LPT, MAEd

Ins. NIRMALYN D. BEIRA, LPT, MAEd

This document is a property of NONESCOST Module 2 | Page 1

Unauthorized copying and / or editing is prohibited. (For Classroom Use Only) Prepared by: Aguado,RD and Beira, N.
COURSE Fil 101 – Masining na Pagpapahayag

MODULE 2 (6HRS) Aralin 7: Pagsasalaysay

COURSE Rena Dee J. Aguado, Nirmalyn D. Beira LPT, Rolando R. Surnido,

FACILITATORS LPT, MAEd MAEd LPT, MAEd
(COEd) (CAS) (CBM)
FB
Redz Jaleco-Aguado Mrinz Diotay Surnido Rolando
Messenger
CONTACT
rolandosurnido@
DETAILS Email Ad redz.jaleco@gmail.com nirmalyn.beira@gmail.com
gmail.com

Phone No. 09638097488 09508807586 09304918583

Aralin 7: PAGSASALAYSAY

Layunin

 Mabibigyang kahulugan ang pagsasalaysay

 Matutukoy ang katangian ng isang epektibo at mahusay na pagsasalaysay
 Maiisa-isa ang mga uri ng pagsasalaysay

Motibasyon

Gawain 1: Magsalaysay ng isang kwento na galing sa inyong lugar o kwentong nagpapakilala

ng kultura ng inyong lugar.

Presentasyon

This document is a property of NONESCOST Module 2 | Page 2

Unauthorized copying and / or editing is prohibited. (For Classroom Use Only) Prepared by: Aguado,RD and Beira, N.
Ang diskursong pagsasalaysay ay nagpapaliwanag ng mga kaganapan maging sa
nakaraan o kasalukuyang pangyayari. Sa pagsasalaysay nabibigyan ng pagkakataon ang isang
tao na isalaysay ang kanyang mga karanasan mabuti man o masama upang maipabatid iton sa
ibang tao. Sa pagsasalaysay, marapat lamang na maisaalang-alang ang pagkakasunod-sunod ng
mga kaisipan. Dahil ang hindi pagsasaalang-alang sa pagkakasunod-sunod ng kaisipan ay
magdudulot ng pagkalito ng mambabasa o tagapakinig.

Pagtatalakay

ANO ANG PAGSASALAYSAY?

Ito ay isang diskurso na binubuo ng mga talatang nagpapahayag ng mga kawing-
kawing na pangyayari. Ibinibilang itong pinakamatandang uri ng pagpapahayag. Nagsimula ito
sa alamat, epiko at kuwentong bayan.
Nagiging mabisa ang pagsasalaysay kung ginagamitan ng malinaw na salita upang
maipahayag nang mainam ang nilalaman ng isip at damdamin at paggamit ng makahulugan at
malikhaing panananalita.
Layunin ng pagsasalaysay na mapagalaw ang isip ng bumabasa at nakikinig.

Ano ang maaaring isalaysay?

1. Sariling karanasan. Bawat tao ay may karanasang ikukwento. Sa buhay natin ay may
karanasang dinanas at napaglabanan. Maaaring ang mga ito'y karanasang di malimutan na
hanggang ngayon ay nagpapaalala sa isang kahapon, malungkot o masaya man ito.
2. Napakinggan at narinig mula sa bibig ng isang tao o ng iba pang tao, sinusulat natin at
isinasalaysay ang kuwento ng iba. Kung minsan ang ano mang narinig sa radyo ay ating
ginagawan ng kuwento.
3. Nabasa. Anumang nabasa ay maaari ring isalaysay.Maaaring bahagi lamang ng nabasa ang
gawan ng kuwento.
4. Likhang-isip. Lahat ng bunga ng imahinasyon ng tao ay maaari ring gawan ng kuwento.
Anumang kanyang iniisip ay hinulma at binigyan ng hugis sa pamamagitan ng pluma at bibig.

Katangian ng Isang Epektibo at Mahusay na Pagsasalaysay

This document is a property of NONESCOST Module 2 | Page 3

Unauthorized copying and / or editing is prohibited. (For Classroom Use Only) Prepared by: Aguado,RD and Beira, N.
1. Maikli, orihinal, kapana-panabik at napapanahong pamagat.
2. Mahalaga ang paksa at diwa. Maaaring gasgas ang paksa subalit binigyan ng bagong hugis,at
istilo sa pagkukuwento upang ito'y maging makabuluhan.
3. Hindi maligoy ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari. Sa pagsasalaysay ay dapat
mauuna ang A bago ang B hanggang Z. Iwasan ang kung saan-saan napupunta ang kuwento.
Alisin ang mga pangyayaring di na dapat pang isama.
4. Kaakit-akit ang simula. Sa pagsasalaysay ay dapat may "appeal" o "it" na ang dating. Dapat
magayuma sa simula pa lamang ang nakikinig o mambabasa upang ipagpatuloy ang pakikinig
o pagbabasa ng kuwento.
5. Kasiya-siya ang wakas. Ang wakas ay kailangang may maiiwang kakintalan sa isip.
Maaaring ito ay aral, mensahe o impresyon na maiiwan sa kakintalan at kamalayan. Ang wakas
ay dapat na iniisip at pinananabikan kaya hahanap-hanapin ang kuwento.

Mga Uri ng Pagsasalaysay

1. Maikling Kuwento- ang pinakapalasak sa lahat ng pagsasalaysay.

2. Tulang pasalaysay o epiko-tulang nagsasalaysay ng mga pangyayari.
3. Dulang pandulaan-nagpapakita ng galaw at kilos ng pangayayari sa tanghalan.
4. Nobela-binubuo ng mga kabanata at hitik na hitik sa mga pangyayari.
5. Anekdota- isang masayang pangyayari sa buhay ng tao.
6. Alamat- ang kuwento ng pinagmulan ng mga bagay-bagay.
7. Talambuhay-ang kuwento ng buhay ng isang tao.
8. Kasaysayan-ang historikal na kuwento ng isang mahalagang pangyayari.
9. Tala ng Paglalakbay-isang kronolohikal na pagsasalaysay ng isang paglalakbay.

Pagsasanay

Gawain 2: Ipaliwanag sa loob ng 3-5 pangungusap kung ano ang diskursong pagsasalaysay at
bakit ito mahalaga.
Pamantayan sa Pagpupuntos:

10 - Higit na maayos at malinaw ang pagbuo ng ideya

8 - Maayos at malinaw ang pagbuo ng direktang ideya
5 - Maayos pero hindi gaanong malinaw ang pagbuo ng ideya
3 - Kulang sa ayos at hindi malinaw ang pagbuo ng ideya
1- Hindi maayos at malinaw ang pagbuo ng ideya

____________________________________________________________________________

This document is a property of NONESCOST Module 2 | Page 4

Unauthorized copying and / or editing is prohibited. (For Classroom Use Only) Prepared by: Aguado,RD and Beira, N.
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

Gawain 3: Magtala ng tigdadalawang halimbawa ng kwentong nasa iba’t ibang uri ng

pagsasalaysay.

1. Maikling Kuwento
a.
b.
2. Tulang pasalaysay o epiko
a.
b.
3. Dulang
a.
b.
4. Nobela
a.
b.
5. Anekdota
a.
b.
6. Alamat
a.
b.
7. Talambuhay
a.
b.
8. Kasaysayan
a.
b.
9. Tala ng Paglalakbay
a.
b.

This document is a property of NONESCOST Module 2 | Page 5

Unauthorized copying and / or editing is prohibited. (For Classroom Use Only) Prepared by: Aguado,RD and Beira, N.
COURSE Fil 101 – Masining na Pagpapahayag

MODULE 2 (6HRS) Aralin 8: Pagsasalaysay: Ang Maikling Katha o Kuwento

COURSE Rena Dee J. Aguado, Nirmalyn D. Beira LPT, Rolando R. Surnido,

FACILITATORS LPT, MAEd MAEd LPT, MAEd
(COEd) (CAS) (CBM)
FB
Redz Jaleco-Aguado Mrinz Diotay Surnido Rolando
Messenger
CONTACT
rolandosurnido@
DETAILS Email Ad redz.jaleco@gmail.com nirmalyn.beira@gmail.com
gmail.com

Phone No. 09638097488 09508807586 09304918583

Aralin 8: PAGSASALAYSAY: ANG MAIKLING KATHA O KUWENTO

Layunin

 Maiisa-isa ang mga sangkap ng maikling katha

 Matutukoy ang mga katangian at uri ng maikling katha
 Masusuri ang mga kathang nabasa

Motibasyon

Mahilig ka bang gumawa ng kwento? Ano ang karaniwang paksa ng mga kwentong ito?

Presentasyon
Gawain 1: Mag-isip ng isang maikling kwentong gustong-gusto mo. Ipaliwanag kung bakit mo
nagustuhan ang kwentong ito.

10 - Higit na maayos at malinaw ang pagbuo ng ideya

8 - Maayos at malinaw ang pagbuo ng direktang ideya
5 - Maayos pero hindi gaanong malinaw ang pagbuo ng ideya
3 - Kulang sa ayos at hindi malinaw ang pagbuo ng ideya
1- Hindi maayos at malinaw ang pagbuo ng ideya

____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
Pagtatalakay

This document is a property of NONESCOST Module 2 | Page 6

Unauthorized copying and / or editing is prohibited. (For Classroom Use Only) Prepared by: Aguado,RD and Beira, N.
Ang Maikling Katha/Kuwento
Ang maikling katha o maikling kuwento, gaya ng karaniwang tawag dito, ay sangay ng
salaysay (narration) na may isang kakintalan (single impression). Ang maikling katha ay
hindi pinaikling nobela. Hindi rin ito buod ng isang nobela o ng isang kuwento.

Katangian ng Maikling Katha/Kuwento

1. Isang madulang bahagi ng buhay na tinatalakay
2. Isang pangunahing tauhang may mahalagang suliranin, at iba pang ilang tauhan
3. Isang mahalagang tagpo
4. Mabilis na pagtaas ng kawilihan hanggang sa kasukdulang madaling sinusundan ng wakas
5. Iisang kakintalan

Mga Uri ng Maikling Katha

1. Pangkatauhan-pinakamahalagang nangingibabaw sa katha ang katauhan,
2. Makabanghay-ang mahalaga'y ang pagkakabuo ng mga pangyayari
3. Pangkapaligiran-ang paligid o isang namumukod na damdamin ang namamayani,
4. Pangkatutubong kulay- ang pamumuhay at kalakaran sa isang pook ang binibigyang-diin
5. Pangkaisipan-ang paksa, diwa o isipan ng isang katha ang pinakamahalaga.

Mahalagang Sangkap ng Maikling Katha/Kuwento:

1. Paksa - dapat higit nating nauunawaan ang buhay matapos itong matunghayan ang paksa sa
isang kuwento.
2. Banghay-ito ang nagtataglay ng pagkakabuhol-buhol ng mga pangyayari na kinakailangang
lutasin ng mga tauhan.
3. Mga Tauhan- ang mga tauhan ang nagbibigay buhay sa mga pangyayari sa kuwento.
Kailangang ang bawat tauhan ay nagpapamalas ng buong katauhan ng tauhan na gustong
ilarawan ng may-akda at kailangang sila'y larawan ng mga tunay na tao sa tunay na buhay.
4. Tagpuan-ito ang lugar at panahong pinangyayarihan ng kuwento. Sa pamamagitan ng
tagpuan ay nagiging makatotohanan ang kuwento.
5. Simbolismo- ito'y isang salita, parirala, yugto o pangyayari na tumutukoy sa isang bagay
subalit nagpapahiwatig ng isang kaisipan.
6. Ang Dayalog o Usapan- sa isang kuwento, kailangan ng dayalog o usapan sa isang kuwento
upang magkaroon ito ng buhay.
7. Tunggalian - ito ang labanan sa kuwento. Maging ito ay tao laban sa sarili, tao laban sa
kapwa tao o kaya ay tao laban sa kalikasan.
This document is a property of NONESCOST Module 2 | Page 7
Unauthorized copying and / or editing is prohibited. (For Classroom Use Only) Prepared by: Aguado,RD and Beira, N.
8. Mga Imahen-ang kuwento ay gumagamit ng mga pahiwatig sa pamamagitan ng mga imahen
na lalong nagbibigay ng kahiwagaan ng kuwento. Sa pamamagitan ng imahen ay napapaigting
ang interes sa kuwento. Halimbawa ng imahen ay bundok para sa kadakilaan, kuwintas para sa
alaala ng isang ina, o kaya naman ang buwan na nagtatakda ng kapalaran.

Ilang Maikling Kathang Pangkaisipan

1. Ang Pag-uwi ni Genoveva Edroza-Matute
2. Hudhud ni Aliguyon
3. Mga Patak ng Luha ni Nilda B. Bendalan
4. Talambuhay ni Adolf Hitler
5. Ang Aking Talambuhay ni JBDG Abanie

Pagsasanay

Gawain 2: Basahin at gawanng pagsusuri ang kathang “Hudhud ni Aliguyon” at gawing gabay
sa pagsusuri ang mga sangkap ng maikling kwento.

Hudhud ni Aliguyon

Noong unang panahon, may isang sanggol na isinilang sa nayon ng Hannanga. Ito ay
si Aliguyon. Ang batang si Aliguyon ay anak nina Amtalao at Dumulao.
Kahanga hanga ang taglay na talino ni Aliguyon. Siya ay maraming kaalamang natutunan
mula sa ama. Napag-aralan nya ang kasaysayan, pakikipagdigma at kung paano umawit ng
mahiwagang gayuma o magic spells. Kaya't bata pa lamang ay itinuring nang pinuno ng
kanilang nayon si Aliguyon.
Nang magbinata si Aliguyon ay nagpasya itong pumunta sa nayon ng Daligdigan
upang sagupain ang mortal na kaaway ng kanyang ama na si Panga-iwan. Ngunit hindi ito
ang nakaharap nya kundi ang binata ding anak nito na si Pumbakhayon. Si Pumbakhayon ay
katulad din ni Aliguyon na eksperto sa iba''t ibang bagay. Bihasa rin ito sa pakikidigma.
Nang ibato ni Aliguyon ang kanyang sibat ay agad na nasalag ito ni Pumbakhayon.
Kasing bilis ng kidlat kung ito ay gumalaw at umiwas. Nagtangkang ibalik ni Pumbakhayon
ang sibat at ipinukol kay Aliguyon ngunit kung paano naibalik ni Pumbakhayon ang sibat ay
ganun din ang ginawa ni Aliguyon.
Nagpalitan ng sibat ang dalawang makisig na binata at umabot ng tatlong taon na
walang tigil ang kanilang laban.
Kapwa humahangos ay tumigil ang dalawa sa pakikipagbakbakan. Kapwa humanga
sa taglay na giting at husay ng kalaban. Pagkaraan ng tatlong taong laban ay nagpasyang
tumigil at magkasundo ang dalawa.
Nagdiwang ang dalawang nayon na pinamumunuan ni Aliguyon at Pumbakhayon.
Naging matalik silang magkaibigan.
At bukod doon, di nagtagal ay naging asawa ni Aliguyon ang nakababatang kapatid
na babae ni Pumbakhayon na si Bugan.
Ganun naman si Pumbakhayon, ang kapatid na babae ni Aliguyon na si Aginaya ang
kanyang napangasawa. Naging mayaman ang dalawang pamilya at iginalang sa lahat ng

This document is a property of NONESCOST Module 2 | Page 8

Unauthorized copying and / or editing is prohibited. (For Classroom Use Only) Prepared by: Aguado,RD and Beira, N.
Ifugao

1. Paksa (2 puntos)
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
___________________________________________________________________

2. Banghay (3 puntos)
______________________________________________________________________
____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

3. Mga tauhan (2 puntos)

______________________________________________________________________
____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

4. Tagpuan (2 puntos)
______________________________________________________________________
____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

5. Simbolismo (3 puntos)
______________________________________________________________________
____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

6. Ang Dayalog o usapan (2 puntos)

______________________________________________________________________
____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

7. Tunggalian (3 puntos)
______________________________________________________________________
____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

8. Mga Imahen (3 puntos)

______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

Gawain 3: Basahin ang Talambuhay ni Hitler at gawan siya ng character sketch.

This document is a property of NONESCOST Module 2 | Page 9

Unauthorized copying and / or editing is prohibited. (For Classroom Use Only) Prepared by: Aguado,RD and Beira, N.
Pamantayan sa Pagpupuntos:

20 – Ang sketch ay nagpapakita ng angkop at higit na mahusay na paglalarawan ng karakter.

15 - Ang sketch ay nagpapakita ng angkop at mahusay na paglalarawan ng karakter.
10 - Ang sketch ay nagpapakita ng hindi gaanong angkop at mahusay na paglalarawan ng karakter.
5 - Ang sketch ay nagpapakita ng hindi malinaw at mahusay na paglalarawan ng karakter.

Talambuhay ni Hitler

Si Adolf Hitler (Abril 20, 1889 – Abril 30, 1945) ay ang dating Kansilyer ng
Alemanya mula 1933, at ang "Führer" (Pinuno) ng Alemanya mula 1934 hanggang sa
kanyang pagkamatay. Siya ang pinuno ng Partido ng Pambansang Sosyalistang
Manggagawang Aleman (Nationalsozialistische Deutsche Arbeiterpartei o NSDAP), na mas
kilala bilang ang Partidong Nazi.

Nakakamit si Hitler ng kapangyarihan sa isang Alemanyang nahaharap sa krisis

matapos ang Unang Digmaang Pandaigdig. Sa pamamagitan ng paggamit ng propaganda at
maaalindog na talumpati, nagawa niyang umapela sa pangangailangan ng mga mahihirap at
paigtingin ang mga ideya ng nasyonalismo, kontra-Semitismo, at kontra-Komunismo. Sa
pagtatatag ng maayos na ekonomiya, pinaigting na militar, at isang rehimeng totalitarian,
gumamit si Hitler ng isang agresibong patakarang panlabas (foreign policy) sa paghahangad
na mapalawak ang Lebensraum ("living space") ng mga Aleman, na nagpasimula ng
Ikalawang Digmaang Pandaigdig nang salakayin ng Alemanya ang Poland. Sa
pinakamalaking abot-saklaw nito, sumailalim ang kalakihan ng Europa sa kontrol ng
Alemanya, subalit kasama ang ibang Axis Powers, sa huli'y natalo pa rin ito ng mga
Kapangyarihang Magkakakampi (Allied Powers). Mula noon, natapos ang mga patakarang
panlahi ni Hitler sa pagpapapatay ng humigit-kumulang 11 milyong tao, kasama na rin ang
pagpaslang ng 6 milyong Hudyo, na ngayo'y kilala bilang ang Holocaust.

Sa mga huling araw ng digmaan, si Hitler, kasama ang kanyang bagong asawang si Eva
Braun, ay nagpakamatay sa kanyang taguan sa ilalim ng lupa sa Berlin matapos mapalibutan
ng hukbong Sobyet ang lungsod.

Kabataan at Erensiya

Ipinanganak si Adolf Hitler noong Abril 20, 1889 sa Braunau am Inn, Austria, isang
maliit na bayan sa Hilagang Austria. Siya ang ikatlong anak na lalaki at ikaapat sa anim na
anak ni Alois Hitler (ipinanganak bilang Schicklgruber) (1837–1903), isang menor na
opisyal ng adwana (customs), at Klara Pölzl (1860–1907), ang kanyang ikalawang pinsan, at
ikatlong asawa. Dahil sa malapit na relasyon ng dalawa, isang "papal dispensation" ang
kinailangang makuha bago sila maikasal. Sa anim na anak nina Alois at Klara, tanging si
Adolf at ang kanyang nakababatang kapatid na si Paula ang nakaabot sa pagka-adulto. Si

This document is a property of NONESCOST Module 2 | Page 10

Unauthorized copying and / or editing is prohibited. (For Classroom Use Only) Prepared by: Aguado,RD and Beira, N.
Alois Hitler ay mayroon ding anak na lalaki, si Alois Jr., and isang anak na babae, si Angela,
sa kanyang ikalawang asawa.

Si Alois ay ipinanganak bilang isang ilehitimong anak at sa unang tatlumpu't siyam na

taon ng kanyang buhay ay kanyang ginamot ang apelyido ng kanyang ina na
"Schicklgruber". Noong 1876, sinumulan na ni Alois gamitin ang pangalan ng kanyang ama
sa muling pagaasawa ng ina, si Johann Georg Hiedler, matapos bisitahin ang paring
humahawak sa mga rehistrong pangkapanganakan (birth certificates) at ideklara na si Hiedler
ang kanyang tunay na ama (Nagbigay si Alois ng impresyon na buhay pa si Hiedler, bagamat
siya'y matagal ng patay). Ibinaybay ang kanyang apelyido sa sari-saring baybay tulad ng
Hiedler, Huetler, Huettler and at maaaring ginawa na lamang "Hitler" ng isang eskribyente.
Mayroong dalawang teorya patungkol sa pinagmulan ng ngalang ito:

1. Galing sa wikang Aleman Hittler, "taong nakatira sa kubo", "pastol".

2. Galing sa wikang Slavic Hidlar at Hidlarcek.

Nang lumaon, inakusahan si Adolf Hitler ng kanyang mga kalaban sa pulitika ng di

pagiging tunay na Hitler, kundi pagiging isang Schicklgruber. Ito rin ay pinagsamantalahan
sa propaganda ng Kapangyarihang Magkakakampi noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig
sa pamamagitan ng pagsasaboy mula sa kalangitan ng mga pampletang naglalaman ng
pariralang "Heil Schicklgruber" sa mga lungsod ng Alemanya.

Ang pangalan ni Hitler, "Adolf", ay nagmumula sa lumang salitang Aleman na ang

katumbas sa tagalog ay "osong maharlika". Samakatwid, isa sa mga palayaw na ibinigay ni
Hitler sa sarili niya ay Wolf o Herr Wolf — sinumulan niyang gamitin ang palayaw na ito
noong 1920's at ang tumatawag lang sa kanya ng ganito ay ang mga malapit sa kanya (bilang
"Uncle Wolf" sa mga Wagners) hanggang sa pagbaksak ng Ikatlong Imperyo ng Alemanya
(Third Reich). Sa kanyang mga pinakamalapit na kamag-anak, si Hitler ay kilala lamang
bilang "Adi". Ipinakikita din ng mga pangalan ng kanyang iba't ibang punong himpilan na
nagkalat sa kontinental na Europa (Wolfsschanze sa Silangang Prussia, Wolfsschlucht sa
Pransya, Werwolf sa Ukraine, atbp.) ang ideyang ito.

Bilang bata, si Hitler ay nilalatigo halos araw araw ng kanyang ama. Makalipas ang
ilang taon sinabi niya sa kanyang sekretarya, "Nagpasya ako noon na hindi na ako iiyak
tuwing ako'y lalatiguhin ng aking ama. Makalipas ang ilang araw, nagkaroon ako ng
pagkakataon na subukin ang aking pasya. Ang aking ina, sa katakutan, ay nagtago sa harapan
ng pintuan. Ako naman, patahimik ko na binilang ang bawat palo ng patpat na sumugat sa
aking puwit. (I then resolved never again to cry when my father whipped me. A few days
later I had the opportunity of putting my will to the test. My mother, frightened, took refuge
in the front of the door. As for me, I counted silently the blows of the stick which lashed my
rear end.)"

Si Hitler ay hindi sigurado kung sino ang kanyang lolo sa ama, subalit marahil ito ay
si Johann Georg Hiedler o ang kanyang kapatid na si Johann Nepomuk Hiedler. Nagkaroon

This document is a property of NONESCOST Module 2 | Page 11

Unauthorized copying and / or editing is prohibited. (For Classroom Use Only) Prepared by: Aguado,RD and Beira, N.
din ng mga usap-usapin na si Hitler ay isang-kapat na Hudyo at ang kanyang lola sa ama, si
Maria Schicklgruber, ay nabuntis matapos magtrabho bilang katulong sa isang Hudyong
pamamahay sa Graz. Noong mga 1920's, ang mga implikasyon ng mga bali-balitang ito
kasama na ang kasaysayan ng kanyang pamilya ay kagimbal-gimbal, lalo na para sa isang
tagataguyod ng mapanlahing (racist) ideolohiya. Sinubukang patunayan ng mga kalaban na
si Hitler, ang pinuno ng kontra-Semitang Partidong Nazi, ay may mga Hudyong ninuno.
Bagamat ang mga bali-balitang ito ay hindi napatunyan, para kay Hitler ay sapat na iyong
rason para ilihim ang kanyang pinagmulan. Ipinilit ng progpagandang Sobyet na si Hitler ay
isang Hudyo, bagamat ang ideyang ito'y unti-unting ipinapawalambisa ng mas modernong
pananaliksik. Ayon kay Robert G. L. Waite sa The Psychopathic God: Adolf Hitler,
ipinagbawal ni Hitler ang pagtatrabaho ng mga babaing Aleman sa mga Hudyong
pamamahay, at matapos ang "Anschluss" (aneksasyon) ng Austria, pinasabog ni Hitler ang
bayan ng kanyang ama sa pamamagitan ng paggawa nitong ensayuhan ng mga artilyero
(artillery range). Si Hitler ay tila takot malaman na siya ay isang Hudyo na ayon kay Waite,
ang katotohanang ito ay higit na mas mahalaga kaysa kung siya ay Hudyo talaga.

Dahil sa trabaho ni Alois Hitler, madalas lumipat ang kanyang pamilya, mula Braunau
patungong Passau, Lambach, Leonding, at Linz. Bilang bata, si Hitler ay ibinalitang
mahusay na estudyante sa iba't ibang paaralang elementaryang kanyang pinasukan; subalit,
sa ikaanim na baitang (1900–1), ang kanyang unang taon ng paaralang sekondarya
(Realschule) sa Linz, siya'y bumagsak ng tuluyan at kinailangang ulitin ang baitang. Ibinalita
ng mga guro na siya'y "wala kagustuhang magtrabaho." Isa sa mga kaklase ni Hitler sa Linz
Realschule ay si Ludwig Wittgenstein, na naging isa sa mga magaling na pilosopo ng ika-20
siglo.

Ipinaliwanag ni Hitler na ang kanyang biglang pagbaba sa pag-aaral ay isang uri ng

pagrerebelde laban sa kanyang amang si Alois, na gustong pasunurin si Hitler bilang isang
opisyal ng adwana tulad niya, bagaman ginusto ni Hitler maging pintorthis educational
slump as a kind of rebellion against his father Alois, who wanted the boy to follow him in a
career as a customs official, although Adolf wanted to become a painter. Ang paliwanag na
ito ay sinusuportaha din ng paglalarawan ni Hitler sa kanyang sarili bilang isang artistang
mali ang pagkakakilala. Subalit, matapos ang pagkamatay ni Alois noong Enero 3, 1903,
kung kailan si Adolf ay may 13 taong gulang, hindi nagbago ang estado sa pag-aaral ni
Hitler. Sa gulang na 16 taon, iniwan ni Hitler ang paaralan ng walang nakamit na
kwalipikasyon.

Pamumuhay sa Vienna at Munich

Mula 1905, Nabuhay si Hitler sa pamamaraan ng isang Bohemian na umaasa sa

pensyon ng mga batang walang ama at sustento ng kanyang ina. Tinanggihan siya ng
dalawang beses ng Akademiya ng Mahusay na Sining ng Vienna (Academy of Fine Arts
Vienna) (1907 – 1908) dahil sa kanyang "di-kabagayan sa pagpipinta”, at sinabihan na ang
kanyang kagalingan ay nasa larangan ng arkitektura. Ipinapakita ng kanyang memoryas ang

This document is a property of NONESCOST Module 2 | Page 12

Unauthorized copying and / or editing is prohibited. (For Classroom Use Only) Prepared by: Aguado,RD and Beira, N.
kanyang pagkahalina sa larangang ito:

"Ang rason ng aking paglalakbay ay para pag-aralan ang isang galera ng litrato sa
Museong Court, subalit walang akong ibang tinitingnan kundi ang Museo mismo. Mula
umaga hanggang gabi, palipat-lipat ako ng pinag-iinteresan, subalit ang mga gusali lamang
ang tanging pumukaw ng aking interes." (Mein Kampf, Kapitulo II, parapo 3).

Matapos malaman ang rekomendasyon ng rector ng akademiya, siya din ay

nakumbinsi na iyon ang tamang landas na tahakin, subalit kulang siya ng akademikong
preperasyon para sa paaralang pang-arkitektura:

Sa loob ng ilang araw naisip ko din na balang araw ako'y dapat maging isang
arkitekto. Para makapanigurado, napakahirap nitong landas; dahil ang mga araling aking di
pinansin dahil sa inis sa Realschule ay labis na kinakailangan. Ang isa'y di maaaring
pumasok sa paaralang arkitektural ng Akademiya nang hindi muna pumapasok sa paaralang
panggusali sa Technic, at kinailangan nito ng antas sa mataas na paaralan. Wala ako ng kahit
anong kailangan. Ang pagkakatotoo ng aking pangarap sa sining ay tila di na magkakatotoo.

Noong Disyembre 21, 1907, ang kanyang inang si Klara ay binawian ng buhay dahil
sa kanser sa suso sa gulang na 47. Ibinigay ni Hitler ang parte niya ng benepisyong pang-
alila sa kanyang mas batang kapatid na si Paula, ngunit nung siya'y 21 taong gulang
pinamanahan siya ng pera ng kanyang tiya. Nagtrabaho siya bilang isang naghihirap na
pintor sa Vienna, kumokopya ng mga tanawin mula sa mga postcard at ibinebenta ang
kanyang mga kuwadro sa mga mangangalakal at turista (mayroong ebidensya na siya'y
nakagawa ng higit sa 2000 na pinta bago magsimula ang Unang Digamaang Pandaigdig).

Matapos tanggihan ng Akademiya ng Sining sa ikalawang pagkakataon, unti-unting

naubusan si Hitler ng pananalapi. Noong 1909, naghanap siya ng matitirhan sa isang lugar
ng mga walang tahanan, at simula 1910, nanirahan na siya ng tuluyan sa lugar ng mga
nagtatrabahong mahihirap na kalalakihan.

Unang Digmaang Pandaigdig

Nagsilbi si Hitler sa Pransya at Belhika sa ilalim ng Ikalabing-anim na Reserbang

Rehimen ng Bavaria (tinawag na Rehimen ng Listahan sunod sa unang namuno sa grupo).
Isa siyang mensahero, ang pinaka-delikadong trabaho sa Kanlurang Larangan, at madalas
makasalubong ng mga kaaway sa daan.

Dalawang ulit siyang pinarangalan sa kanyang katapangan. Natanggap niya ang Krus
na Bakal, Ikalawang Uri, noong 1914 at ang Krus na Bakal, Unang Uri, noong 1918--isang
parangal na bihirang ibigay sa isang Gefreiter. Sa kabila ng lahat, dahil iniisip ng mga
namumuno sa rehimen na wala siya masyadong alam, hindi naitaas ang kanyang ranggo sa
Unteroffizer. Ang ibang mananaliksik ng kasaysayan ay nagsasabing hindi naitaaas ang
kanyang ranggo sa kadahilanang hindi siya Aleman. Ang kanyang trabaho sa kampo, sa
kabila nang pagiging delikado, ay nagbigay ng oras para sa kanya upang umpisahan ang
kanyang pagguhit. Gumawa siya ng mga larawan para sa isang diyaryong pang-militar.
This document is a property of NONESCOST Module 2 | Page 13
Unauthorized copying and / or editing is prohibited. (For Classroom Use Only) Prepared by: Aguado,RD and Beira, N.
Noong 1916, nasugatan siya sa binti, ngunit bumalik siya sa digmaan noong Marso 1917.
Nakatanggap siya ng "Wound Badge" bago lumipas ang taon. Sa pagtukoy ni Sebastian
Haffner sa mga karanasan ni Hitler sa digmaan, nasabi niyang may pagkakaintindi si Hitler
ng militar.

Gawain 4: Itala ang maalalang mahahalagang pangyayari sa iyong buhay. Magtanong sa mga
magulang sa mga detalyeng nakalimutan. Gumawa ng sariling talambuhay (autobiography) na
hindi bababa sa tatlong talata.

Pamantayan sa Pagpupuntos:

30 - Higit na maayos at malinaw ang pagbuo ng ideya

25 - Maayos at malinaw ang pagbuo ng direktang ideya
20 - Maayos pero hindi gaanong malinaw ang pagbuo ng ideya
15 - Kulang sa ayos at hindi malinaw ang pagbuo ng ideya
10- Hindi maayos at malinaw ang pagbuo ng ideya

_______________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________

This document is a property of NONESCOST Module 2 | Page 14

Unauthorized copying and / or editing is prohibited. (For Classroom Use Only) Prepared by: Aguado,RD and Beira, N.
COURSE Fil 101 – Masining na Pagpapahayag

MODULE 2 (6HRS) Aralin 9: Paglalarawan

COURSE Rena Dee J. Aguado, Nirmalyn D. Beira LPT, Rolando R. Surnido,

FACILITATORS LPT, MAEd MAEd LPT, MAEd
(COEd) (CAS) (CBM)
FB
Redz Jaleco-Aguado Mrinz Diotay Surnido Rolando
Messenger
CONTACT
rolandosurnido@
DETAILS Email Ad redz.jaleco@gmail.com nirmalyn.beira@gmail.com
gmail.com

Phone No. 09638097488 09508807586 09304918583

Aralin 9: PAGLALARAWAN

Layunin

 Makapagbibigay ng sariling pagpapakahulugan ng paglalarawan

 Maiisa-isa ang mga salik ng paglalarawan
 Makapagpapaliwanag ng kaibahan ng dalawang uri ng paglalarawan
 Masusuri ang paksa ng iba’t ibang halimbawa ng paglalarawan, pelikula at tula
 Mabibigyang-diin ang kulturang Filipino sa pamamagitan ng pagsuri ng mga katha

Motibasyon
Gawain 1: Basahin ang talata at sagutin sa loob ng 3-5 pangungusap ang mga tanong.

Pamantayan sa Pagpupuntos:

This document is a property of NONESCOST Module 2 | Page 15

Unauthorized copying and / or editing is prohibited. (For Classroom Use Only) Prepared by: Aguado,RD and Beira, N.
5 - Higit na maayos at malinaw ang pagbuo ng ideya
4 - Maayos at malinaw ang pagbuo ng direktang ideya
3 - Maayos pero hindi gaanong malinaw ang pagbuo ng ideya
2 - Kulang sa ayos at hindi malinaw ang pagbuo ng ideya
1- Hindi maayos at malinaw ang pagbuo ng ideya

Maituturing na dakila ang isang ina. Mula sa kanyang sinapupunan ay isinilang

ang karugtong ng kanyang buhay- ang kanyang mga anak. Wala nang hihigit pa sa
pag-aarugang ibinibigay niya sa kanyang anak. Hindi nagtatapos sa pagsilang ng isang
sanggol ang tungkuling ginagampanan ng isang ina, kundi kaakibat nito ang pagiging
matiisin, maunawain, matiyaga, mapagmalasakit, at mapagmahal. Iyan ang inang may
dalisay na puso ng pagpapahalaga sa kanyang mga anak.

1. Paano kayo magmahal sa inyong ina?

2. Anu-ano ang paglalarawang binanggit tungkol sa ina?

Presentasyon

Ang diskursong ito ay naglalarawan ng mga detalye tungkol sa isang tao, hayop,
bagay, lugar, pangyayari, at maging sa damdaming nararamdaman ng isang tao at hayop.
Samakatuwid ang paglalarawang diskurso ay nagbibigay-tulong sa tao upang bumuo ng
larawan sa kanyang isipan na nagbibigay-daan upang mapalawak nito ang kanyang
pagiging malikhain.

Pagtatalakay

Ano ang paglalarawan?

Ang paglalarawan ay isang diskurso na ang layunin ay ipamalas sa nakikinig
o bumabasa ang nakikita ng mata, ang naaamoy ng ilong, ang nararamdaman ng balat o
ng katawan, ang nalalasahan ng dila, o kaya naman naririnig ng tainga.
Sa pamamagitan ng paglalarawan, napakikislot ang ating guniguni at
imahinasyon. Nararapat kung gayon na ang naglalarawan ay may sapat na kaalaman sa
bagay na kanyang inilalarawan. Hindi niya mailalarawan ang isang bagay kung ito'y
hindi niya nakita, nadama o napag-aralan man lang. Dahil dito, malimit gumamit ng
pagtutulad at halimbawa sa isang bagay na kilalang-kilala na ng naglalarawan.
Sa paglalarawan, nakabubuti na maging mapagmasid at isaalang-alang ang
kakintalang naiwan sa iyo ng ilalarawan mo, gayundin ang panahon at pook, at ang mga

This document is a property of NONESCOST Module 2 | Page 16

Unauthorized copying and / or editing is prohibited. (For Classroom Use Only) Prepared by: Aguado,RD and Beira, N.
pandamdam o senso, paningin, pandinig, pang-amoy, panlasa at panalat. Kailangan
kung gayon ang pagpili ng mga salita at wastong pagsasama- sama ng mga ito upang
maging mabisa ang paglalarawan.

Mga Salik ng Paglalarawan

1. Paksa -piliin ang paksang may sapat na kaalaman hinggil dito. Walang bago o gasgas
na paksa subalit hindi magiging mabisa ang paglalarawan kung hindi pamilyar sa
naglalarawan ang paksa.
2. Pagbuo ng pangunahing larawan-layunin sa gawaing paglalarawan ay makabuo ng
isang larawan sa isipan ng mambabasa o tagapakinig. Mahalaga kung gayun ang pagpili
ng mga salitang bubuo sa larawang nais ikintal sa mambabasa o tagapakinig.
3. Pagpili ng sariling pananaw- ibinabatay ng may-akda ang paglalarawan sa kanyang
sariling pananaw. Dahil dito tutulungan ng may-akda ang mambabasa na mabuo ang
larawang diwa sa pamamagitan ng pagbibigay ng panuto kung saan at paano
magsisimula sa paglalarawan.
4. Pagpili ng sangkap-piliin ang mga angkop na detalye na isasama upang mabuo ang
larawan. Maaaring magsimula sa malaking larawan at saka isa-isahin ang mga detalye
nito o maaaring simulan muna sa pagtatagni-tagni ng mga detalye para mabuo ang
larawan.
5. Angkop na Pananalita- makatutulong ang pagpili ng mga angkop na pananalita sa
pagbuo ng pangunahing larawan at pagpapalutang ng kalikasan at katangian ng
inilalarawan. Lalong nakakapagbigay buhay rin ang paggamit ng angkop na tayutay at
matatalinghagang pahayag sa pagkakataong ito. Iwasan ang pagbanggit ng mga bagay
na makakapag-iba ng pokus ng nabubuong larawan o damdamin ng mambabasa o
tagapakinig.

Dalawang Uri ng Paglalarawan

1. Karaniwan o Kongkretong Uri ng Paglalarawan
Tinatawag din itong teknikal na paglalarawan. Ito ay ang pagbibigay ng malinaw na
larawan sa pamamagitan ng mga karaniwan o palasak na katangian ng bagay na
inilalarawan. Nagbibigay lamang ito ng mga impormasyong batay sa pisikal o
kongkretong katangian. Dahil dito'y madalas na hindi nababago ang paglalarawan sa
parehong bagay, marami man ang maglalarawan nito.

This document is a property of NONESCOST Module 2 | Page 17

Unauthorized copying and / or editing is prohibited. (For Classroom Use Only) Prepared by: Aguado,RD and Beira, N.
Halimbawa:
Sa dakong itaas, sa libis ng isang bundok sa tabi ng isang batisan ay may
nagkakanlong sa mga punong-kahoy na isang kubo, na balubaluktot na sanga ang
gamit na kahoy. Sa ibabaw ang kanyang bubungang kugon ay malagong
gumagapang ang kalabasang maraming bunga at bulaklak; ang palamuti ng bahay-
bukid na yaon ay mga sungay ng usa, mga bungo ng baboy-ramo na ilan ay mga
mahahabang pangil. Doon tumira ang isang mag-anak na Tagalog na ang
ikinabubuhay ay ang pangangaso at pangangahoy.
-Hango sa "Noche Buena" ni Dr. Jose
Rizal

2. Masining o Abstraktong Uri ng Paglalarawan

Sa uri ng paglalarawang ito ay nakasama ang sariling palagay o damdamin
ng may akda sa paksa. Nagiging personal o relative ang paglalarawan sa paraang ito at
kababanaagan ng mas malalim na pagtalakay sa paksa.
Kaiba sa karaniwang paglalarawan, ginagamitan ito ng matalinghagang salita
o may tayutay upang higit na makapag-iwan ng kakintalan sa bumabasa o nakikinig.

Halimbawa:
Sa sinag ng bukang-liwayway ay tila nga naman nag-aanyayang kung paano ang
bahay na malaki. Tisang balot ng lumot sa bubong ay tila nagliliwanag. Pati ang
kurtinang gagalaw-galaw sa marahang simoy ng hangin ay tila kumakaway.
- (Kasalan sa Malaking Bayan-Pineda)

Paksa ng Paglalarawan at mga Halimbawa

A. Paglalarawan ng Lugar

Ang buong sala'y makikita. Ito'y malaking kuwarto, malinis, makintab, ngunit
tulad ng kasangkapan-nagpapakita ng katandaan. Ang pintura sa mga pader ay
nangitim na at nababakbak. Ang mga salamin ng bintana ay basag-basag. Sa
pagitan ng balkonahe na katabi ng pader ay isang malaking sofa. Sa paligid ng sofa
ay dalawang upuang gumigiwang, isang bilog na mesa at dalawang tuwid na silya.
-Halaw sa dulang "Larawan", Salin sa Filipino nina Yuson at Osorio mula sa "Portrait of the
Arts as a Filipino" ni Nick Joaquin

B. Paglalarawan ng Damdamin

This document is a property of NONESCOST Module 2 | Page 18

Unauthorized copying and / or editing is prohibited. (For Classroom Use Only) Prepared by: Aguado,RD and Beira, N.
"Panghihinayang"
Muling napabuntunghininga si Leandro nang magmulat ng mga mata.
Nagulat pa siya ng malamang madilim na pala. Tumindig siya at nagtungo sa susian
ng ilaw. Kinalabit iyon at sumabog ang liwanag ng ilaw sa buong silid. Pinalibot ni
Leandro ang kanyang tingin sa kabuuan ng silid. Maayos ang lahat ng bagay.
Naroon ang tatak ng masisipag na kamay ni Lina.
"Kakain na hu, senyorito," tinig ni Sabina ang narinig ni Leandro sa labas ng silid.
"Oo. Lalabas na ako." Sa harap ng hapag-kainan ay hindi makakain si Leandro.
Wala siyang gana. Hindi maiwasan ni Leandro ang mapatingin sa silyang kaibayo
ng kanyang inuupuan. Doon nauupo si Lina kung sila ay kumakain. Madalas na sa
harap lamang ng hapag-kainan sila nakapag-uusap noon ni Lina. At ngayon ay
parang hinahanap ng pandinig ni Leandro ang mga pagbibida ni Lina sa mga
ginagawa nito sa buong maghapon. Napapikit si Leandro nang maramdamang may
luhang ibig tumakas sa kanyang mga mata. Matindi ang pangungulilang
nararamdaman ng kanyang puso. Maging sa pagtulog ay tinaglay ni Leandro ang
malungkot na damdamin. Pumikit siya't dumilat ay nakikita niya ang larawan ni
Lina at bago nakalimot si Leandro, natagpuan niya ang sariling nagsisisi.
-Mula sa Maikling Nobelang:Hinahabol na Ligaya" ni A.P. Tumangan

C. Paglalarawan ng Tao

"Si Totoy"
Pitong taong gulang si Totoy. Sa kanyang murang gulang ay mabababnaag
sa kanyangn katawan ang kasanayan sa mga gawain. Bagama't yayat ang kanyang
katawan, nakikitang banat na banat ito sa mga gawaing siguro ay di pa natitikman
ng iabng kasinggulang niya. Maamo ang kanyang mga mata subalit hindi nalilingid
dito ang kanyang sunod-sunod na puyat noong nagdaang gabi nang siya ay
magsalok ng tubig para sa kanila. Ang kanyang mukha na bagama't masasabing
maaaring ihanay sa mga baguhang artistang lumubog-lumitaw ay kababanaagan
naman ng lungkot- isang walang katapusang kalungkutan para sa mukha ng isang
batang tulad niya.
- (Halaw mula sa "Mapalad si Totoy" ni Edna Antivo,
S.O.H.S.)

D. Paglalarawan ng Isang Pangyayari

This document is a property of NONESCOST Module 2 | Page 19

Unauthorized copying and / or editing is prohibited. (For Classroom Use Only) Prepared by: Aguado,RD and Beira, N.
"Bukangliwayway"
JM LOBO
Ang liwanag at dilim ay naglalaban. Ngunit, sa huli ang mabuti ang
nagwawagi-ang liwanag ay sumasapit. Ang bagong araw ay dumarating, bagong
pag-asa. Ang lamig at sarap ng panahon ang hatid nitong bukangliwayway.
Sa madlaing araw, ang pagsabog ng liwanag sa likod ng mga bundok ang
ating makikita. Tila may pilit na lumalabas mula sa pagkakakulong. Kay ganda kung
ito'y ating pinagmamasdan. Naghahalo-halo ang mga kulay sa kalangitan. Bagong
umaga at bagong lakas, tayo ay nagpapasalamat at bagong araw na naman.
Kay hirap gumising, ngunit pagbukas ng bintana ay liwanag na
malambing ang hahalik sa iyong mukha. Bagong pagsubok at bagong pag-asa. Ang
ganda ng damdaming hatid ng bukangliwayway. Nagpapaalala ng kagandahan ng
kalikasan at ng buhay.

Pagsasanay

Gawain 2: Pumili ng isang paksa mula sa tala sa ibaba at gawan ng karaniwang paglalarawan.
1. cellphone
2. ang iyong silid-tulugan
3. ang paborito mong ulam
4. ang lugar na iyong taguan noong bata ka
6. isang tanawin sa inyong lugar
7. isang pinakaiingatan mong bagay
8. isang nakatatakot na pangyayari

Gawain 3: Gumawa ng isang masining na paglalarawan. Maaaring pumili sa tala na nasa

gawain 2.

Pamantayan sa Pagpupuntos:

This document is a property of NONESCOST Module 2 | Page 20

Unauthorized copying and / or editing is prohibited. (For Classroom Use Only) Prepared by: Aguado,RD and Beira, N.
10 - Higit na maayos at malinaw ang pagbuo ng ideya
8 - Maayos at malinaw ang pagbuo ng direktang ideya
5 - Maayos pero hindi gaanong malinaw ang pagbuo ng ideya
3 - Kulang sa ayos at hindi malinaw ang pagbuo ng ideya
1- Hindi maayos at malinaw ang pagbuo ng ideya

Gawain 4: Paghambingin ang dalawang uri ng paglalarawan gamit ang venn diagram.

Talasanggunian

1. Ang Rhetorika Tungo sa Masining na Pagpapahayag. Retrieved from www.

slideshare.net

2. Badayos, Paquito B. (2001). Retorika Susi sa Masining na Pagpapahayag,

Grandwater Publications and Research Corporation, Makati City.

This document is a property of NONESCOST Module 2 | Page 21

Unauthorized copying and / or editing is prohibited. (For Classroom Use Only) Prepared by: Aguado,RD and Beira, N.
3. Bendalan, Nilda B. (2013). Retorika: Susi sa Mabisa at Masining na Pagpapahayag.
Wiseman’s Books Trading, Inc., Quezon City.

4. Matienzo, Narciso, et.al.(2011). Masining na Pagpapahayag. National Book Store,

Mandaluyong City.

This document is a property of NONESCOST Module 2 | Page 22

Unauthorized copying and / or editing is prohibited. (For Classroom Use Only) Prepared by: Aguado,RD and Beira, N.

You might also like