You are on page 1of 3

(Part ng usapan nina Taviel at Rizal habang sya ay nakulong kung saan nabanggit ang hindi

pantay pantay na pagtingin ng mga Kastila sa mga Indio)

(Kausap si Taviel)
Rizal: Kung sa bagay, marami akong natutunan sa kanyang unibersidad lalo na dito sa
unibersidad sa Pilipinas na pinatatakbo ng kanyang mga prayle. Natutunan kong hindi lahat ng
tao ay pantay pantay.

(Flashback)
The University of Sto. Tomas, 1878
(During class)
Prayle: (Spanish) The Skeleton acts as an attachment for the muscles. It also protects vital
organs such as---
(pointing out to students)
Prayle: Any moron can answer the question
Rizal: Brain, heart, lungs
Prayle: Good………...Fernando, please stand here (pupunta sa una si Fernando) (ituturo ang
isang Pinoy) You, over here!!!!!!!!!!!!! Now, what can you say about the disparity in their heights?
Does this Indio have fewer bones than Fernando? (Tatawa ang mga hibuling Espanyol)
Rizal: (smirk)
Fernando: Meaning we are superior to Filipinos! (tatawa ule ang mga hibulin)
Prayle: Well, aside from that, what else?
Rizal: Professor… If height were the only reason why Spaniards are superior, then why has
Spain lost some of her colonies to the natives who are shorter? (tatawa ang mga Indiong luko)
( G na G si fernando at Prayle)
Prayle: What impertinence! Get out of this class!

(END OF FLASHBACK)

Taviel: Noon pa man ay mahilig ka ng bumangga sa pader


Rizal: lalo na kung ang pader ay hindi nagsasabi ng katotohanan
Taviel: Kinalaban mo ang Iglesia, ang mga prayle, sila at ang salita at utos na isabatas dito sa
Pilipinas.
Rizal: Isa akong manunulat, kalaban ko ang lahat pati ang aking sarili
Taviel: Pero sa pagsusulat mo ang ipinakita mo lamang ay ang panig ninyong mga Pilipino.
Papaano naman ang panig ng mga Prayle, ng mga Kastila.
Rizal: Edi magsulat din sila kung gusto nilang marinig ang panig nila
Taviel: Hindi ba responsibilidad ng isang manunulat ang isulat ang katotohanan kanino man ito
panig. Ang ginawa mo ay hindi arte kundi propaganda. Ayon sa Komisyon de Censura, ang
kinakalaban ng iyong mga nobela ay ang gobyerno, ang relihiyon, ang mga kastilang kawani ng
katarungan at ang karangalan ng Espanya
Rizal: Napakarami ko namang kinalaban
Taviel: Kaya minabuti nilang ipagbawal ang pag imprenta at pagbenta ng mga libro mo sa
buong Pilipinas.
Rizal: Lahat ng bagay na isinulat ko ay nakaugat sa katotohanan. Sa mga bagay na naisulat ko
ay matatagpuan ng mga Pilipino ang kanilang mga sarili, ang kanilang kasaysayan sa lumipas
na sampung taon.

(PAG UUSAP NI PACIANO AT RIZAL)

(Kausap ule si Taviel)


Rizal: Pumunta ako sa Europa
Taviel: Iniwan mo si Leonor at nagpunta ka sa Europa? Bakit?
Rizal: Pwet mo may raket.
Taviel: Anong layunin ang mas matimbang pa sa pagmamahal mo sa iyong kasintahan?
Rizal: Anong sa palagay mo Taviel?
Taviel: Ikaw ang tinatanong ko Senor Rizal. Nagpunta ka sa ibat ibang lugar sa buong mundo,
bakit? ANong ginagawa mo doon? Sinong nagpadala sayo? Ang Katipunan ba? May sapat
bang pera ang pamilya mo para tustusan ka sa ibang bansa, o may kinabibilangan kang isang
lihim na organisasyon (utal sa S, si lolo delfin)
Rizal: Ang dami mong tanong punyeta ka, pano ko sasagutin lahat yon. Isa isa lang, sasakalin
kita eh. (Depende sayo kung gusto mo areng isama. HAHAHAHA)
Rizal: Nagsasanay ka ba Taviel ng mga sasabihin mo sa korte? (chill motherfvker)
Taviel: Sinasanay lang kita kung anong gagawin nila sayo sa korte
Rizal: Sana all sinasanay. Pakiss nga. HAHAHAHAha

(FLASHBACK ULE)
Sa bahay nina Leonor, nag uusap sa labas ang magkapatid na Rizal.

Paciano: Ito ang ating magiging lihim na kasunduan. Pupunta ka sa Europa para mag aral ng
medisina at upang gawin ang nararapat para sa ating bayan.
Rizal: Kuya naman
Paciano: Maiiwan ako dito para mag alaga kina Tatang at mamahala sa ating mga bukirin. Hindi
muna ako mag aasawa
Rizal: Kuya bakit hindi kayo ang pumunta roon, bakit ako ang papupuntahin nyo
Paciano: Dahil ikaw ang higit na makikinabang sa Europa. Doon ay matututo ka at malaya
mong maipamumukha ang baho ng pamahalaan ng mga Kastila dito. Doon ay marami rin
ibang mga Pilipino, malaya ninyong maisusulat ang tungkol sa kinakailangang pagbabago at
katarungang wala dito sa ating bayan
Rizal: (sad aku) Pero kuya hindi pa ako handa
Paciano: Pepe, hindi lamang ako ang may pasya nito. Pinag usapan na namin ito ng ibang
kapanalig. Padadalhan ka namin ng ibang pang gastos buwan buwan.
Rizal: Pero kuya sina Nanang hindi papayag yon
Paciano: Edi hindi muna natin sasabihin sa kanila. Malalaman lamang nila kapag nasa Europa
ka na
Rizal: (mahabang pag iisip. Mga 2hrs) Paano si Leonor?
Paciano: Pepe, bakit napakrami mong tanong? Ang sarili mo lamang ba ang iisipin mo?
(END OF FLASHBACK)

Taviel: Hindi mo pa rin ako sinasagot?


Rizal: Nanliligaw ka ba? Ehe. (HAHAHAHAHA)
Taviel: Tinatanong kita kung bakit ka pumunta sa Europ--
Rizal: Bakit ba kailangan mong malaman ang lahat. Ano bang kailangan mo sa akin? Bakit mo
ba ako pinipilit na panindigan at ipagtanggol ang aking buhay at lahat ng aking paniniwala.
Taviel: Gusto mo ba akong palitan bilang tagapagtanggol mo? May panahon pa
Rizal: Bakit mo ba ginagawa ito? Dahil ba sa bayad nila sayo? O dahil talagang interesado ka
sa kaso ko? O dahil lang naiinip ka na at wala ka nang magawa sa napakalayo at napakainit
namin bayan.
Taviel: Babalik nalang ako sa ibang araw kapag hindi na mainit ang ulo mo. Adios!
Taviel: Guardia.
Rizal: Taviel!
(Umalis na si Taviel, nagtampo ata sa moodswing ni Rizal)

Rizal: Taviel!

(FLASHBACK ULE)
Tiyo Antonio: Pepe narito ang pasaporte at ang ticket mo. Primerang klase yan
Rizal: Salamat po Tiyo Antonio. (tinignan ang passport) Jose Mercado? Akala ko ba hindi ko na
gagamitin ang pangalan na yan?
T.A: Sa ngayon lang yan, para hindi ka agad mapansin ng mga opisyales baka pigilan ka nila.
Pero pagdating mo sa Europa maaari mo na ulit gamitin ang Rizal……….Pepe, wag mo kaming
bibiguin. Marami kaming umaasa sa mga magagawa mo doon. Sobra na ang pagkaapi ng ating
bayan.
Rizal: Sisikapin ko po.
(Mahabang katahimikan)

Rizal: Kamusta na po si Leonor?


T.A: Ay pinapunta ko sa kanyang mga pinsan. Wala siyang nalalaman sa mga gagawin mo.

You might also like