You are on page 1of 12

Noli Me Tangere

Script:

Kabanata 54-56

Narrator: Orasyon na; at sa tugtog ng kampana [SFX: bell] ay huminto ang lahat.

(Sa bandang kanan ay ang bahay ng alperes. May ilang kambing na nakatali sa bakod nito. Sa harap ay ang karsada. Sa pagtunog ng
kampana ay yuyuko at magkukrus ang magsasaka sa kaliwa. Kasunod niya sa kanan ang isang sabungero na hinihimas-himas ang
manok sa bisig habang nagdarasal. katabi ng sabungero ang grupo ng tatlong tao na sabay na nagdarsal na siya naming dinig ng
lahat)

(Lalabas si Padre Salvi na nagmamadali mula sa dulong kaliwa ng entablado. Habang binabagtas niya ang karsada ay mapapasin siya
ng grupo ng mga relihiyosong magkakapitbahay at lalapitan siya upang magmano. Ngunit hindi sila papansinin ng pari. Walang
nagawa ang mga tao kundi ang sundan ang kura na pumunta sa bahay ng alperes)

Padre Salvi: (nag-aalala) Gi-ginoong alperes!

(Kakatok dapat si Padre Salvi sa pinto pero bigla itong bubukas. Kasama ng nakasando lang na alperes ang asawang si Donya
Consolacion na nagsisigarilyo. Hahakbang paatras ang pari sa usok nito.)

Alperes: (nakangisi) Bueno’y napadalaw ka, Padre Salvi. (nakasimangot na babaling sa mga kambing) Sobra yang mga kambing mo.

Padre Salvi: (pupunasan ang noo) Teka, teka… Hindi mga kambing ang sinadya ko rito.

Alperes: (pagalit na lalabas ng bahay habang dinuduro an gang mga kambing) Bwiset na mga hayop yan! (matatakot ang mga tao at
aatras) Sino bang nag-aalaga niyang mga kambing mo? Puro sila perwisyo! Mga hayop! Sa susunod na makita ko pa yang kambing
mo, (bubunot ng babaril) babarilin ko yan! (tatakbo paalis ang mga tao) Tandaan mo, Padre, babarilin ko!

Padre Salvi: (aayusin ang salamin na hindi man lang natakot) Sige, barilin mo. Baka mamaya lang patay ka na rin. (ngingisi si Donya
Consolacion at lalapit sa alperes ang pari) At kung patay ka na, sino ang babaril sa mga kambing ko? (duduruin ang kambing) Animal
na kambing! (duduruin ang baril) Hayop na baril!

Alperes: (sarkastikong titingin sa paligid) At sino naman ang papatay sa akin? Yung patpating Espanyol na inaanak daw ni Padre
Damaso? Isang uhuging Espanyol (ikikiskis ang daliri sa ilalim ng ilong) na parang walang pinag-aralan (ituturo ang mukha) at may
bangaw sa mukha? Siya ba, ha?

Padre Salvi: (nalito) Teka, teka, sino ba yang tinutukoy mo?

Alperes: Sino pa e di si Linares na hipan ko lang ay tutumba na! Hamunin ba naman ako ng dwelo ng isangdaang hakbang. (hindi
makapaniwala) Narinig mo ba, Padre Salvi? (ituturo ang sarili gamit ang baril) Ako raw, hahamunin?

Padre Salvi: (pangiting iiling) Magaling ka rin talagang magbuhat ng sariling bangko. (seryoso) Pero wala akong pake sa dwelo ninyo.
Magpatayan kayo, sige lang. Pumunta ako dito para sa mas importanteng bagay.

Alperes: Mas importante pa sa dalawang paslit na ipinahahanap ko?

Padre Salvi: (lalapit at titignan ng seryoso ang kausap) Nakasalalay dito ang buhay natin.

Donya Consolacion: (naiinip) Siya, sabihin mo na!

Alperes: (medyo nag-aalala) Bakit ka nga ba pumunta dito, ha Padre?

(Unti-unting lalakad pabalik ng bahay ang dalawa)


Padre Salvi: Nagmadali ako kasi importanteng-importante ang sasabihin ko. Ako na mismo ang nagpunta rito, (ilalagay ang kamay sa
dibdib) ang kura paroko. Alam mo naman siguro kung gaano kung gaano kahalaga ang isang relihiyoso. (itatabi ng alperes ang baril
habang natango) Ang isang tulad kong bagong koordenang pari ay katumbas ng isang rehimen mo rito.

(Hihinto ang dalawa sa tapat ng pinto)

Padre Salvi: At ako, ako na isang kura paroko na nagpunta rito at pumanhik sa bahay mo ay maari namang ikumpara sa—

Donya Consolacion: (nakangising bubuga ng usok) –Sa isang kambing na sumisira sa bakod ng ng kwartel ng mahal kong esposo na
isang kumandante. Isang tin—

Alperes: (maiinis) Manahimik ka, eskandalosang babae! Maupo ka riyan at hayaan mo kaming mag-usap. (babalik kay Padre Salvi)
Ikaw naman, padre, sabihin mo na ang ipinunta mo rito at baka ipakulong din kita.

Padre Salvi: (hihinga ng malalim) Pakinggan mong mabuti ang sasabihin. Halika, (aakbay palapit sa alperes) baka may makarinig.
(lalapit ni Donya Consolacion ang tenga niya) Alam mo bang may lulusob daw sa kwartel mamayang gabi?

[SFX: dun-dun-dun!]

Alperes: (gulat na gulat) Ha?! May lulusob?! (matataranta) Sino?! (titingin sa malayo) Anong oras?! Bakit?! (nagmamadaling titingin sa
paligid) Nasaan ang baril ko?! (nagmamadaling ilalabas ang baril) Ang espada, nasaan ang espada ko?! (galit) Mamamatay sila!
Makikita nila. (iwawasiwas ang baril) Mamamatay silang lahat!

Padre Salvi: (inis) Manahimik ka, eskadalosong lalake! (kakalma ng kaunti ang alperes at pipigilan ng donya ang tawa)Tahimik!
(bubuntong-hininga) Ang paglusob ay mamayang alas ocho. (yuyugyugin ang alepres sa balikat) Alas ocho, naiintindihan mo?

Alperes: (nanggigigil) Papatayin ko sila.Lulusob pala sila ha. Babarilin at pagtatadtarin ko sila. Ikakalaboso ko. (medyo magwawala)
Mga hayop! Mga pilibustero! (babaling sa pari) Sino nga pala ang nagsabi nito sa iyo, ha? Sino?!

Padre Salvi: Tahimik sabi! Shhh! (titingin sa paligid at hihinga ng malalim bago bumalik sa alperes) Kaninang tanghali, may isang
babaeng nagkumpisal sa akin at ang sabi ay may lulusob daw sa kwartel, alas ocho punto. Isusunod daw ang kumbento at papatayin
lahat ng Espanyol.

Alperes: (interesado pero galit) Ano pang sinabi, Padre?! Sino ng aba ang bababeng ito?!

Padre Salvi: Hindi pwedeng sabihin an gang mga sinabi sa kumpisalan.

Alperes: (inis) Anong hindi pwede?! Aarestuhin ko siya! Ikukulong! Ikakalaboso!

Padre Salvi: (galit) Trono ng Diyos ang kumpisalan, impakto! (ngingiti si Donya Consolacion)

Alperes: (galit na iiling) Walng trono-trono sa akin! Tiyak na marami siyang nalalaman kaya aarestuhin ko siya!

Padre Salvi: (hindi makapaniwala) Ulol ka na ba? Ang dapat mong gawin (hahawakan ang baril at ilalagay sa dibdib ng alperes) ay
maghanda. Magpadala ka ng apat na sundalo sa kumbento at sabihan mo ang nagpapatrulyang bangka na magmanman.

Alperes: (tatango) Wala ang Bangka ngayon. Dapat ay ireport ko ito ngayon din!

Padre Salvi: Ulol ka na talaga. (dismayadong iiling) Kung pinaalam mo e di nabulgar din ang lahat? Ang mahalaga ay mahuli sila at
mapaamin. Pari pa din ako ay di dapat ako nakikisali ditto pero dahil kaibigan kita, (aakbay sa alperes) tutulong ako na mabigyan ka ng
promosyon. (iiling si Consolacion) Hindi lamang komandante o tinyente—baka magin heneral ka pa, gunggong!

Alperes: (titingin sa itaas at mapapaisip) He…heneral? Pr-pro, promosyon? (lalaki ang mata sa tuwa) Oo nga ano?! (excited) Mga
bituin sa uniporme ko at (titngin sa pari ng may ngiti) pagpapahalaga ng Santo Papa sa iyo.

Padre Salvi: Eksakto! (ilalapit ang alperes) Basta tandaan mo lang, mamayang alas ocho. (ituturo ang alperes) Promosyonng estado
sa iyo (ituturo ang sarili) at pagpapahalaga sa akin ng Simbahan Katoliko. (tatangong nagkakaintindihan ang dalawa)

Narrator: Nang mga oras ding iyon, nagmamadaling binisita ni Elias si Ibarra at naabutan niya ito sa loob ng laboratoryo.
(Papalitan ng laboratory ni Ibarra ang tagpuan. Sa gitna ay may mahabang lamesa na may mga intrumento at kemikal. Sa tabi nito ay
may isang aparador. Naroroon si Ibarra na may suot na googles at hawak ang isang beaker na may lamang tubig at piraso kahoy.
Habang masusi itong tinitignan ni Ibarra ay darating mula sa kaliwa ang katulong kasama si Elias. Ituturo ng katulong ang daan saka
aalis. Magmamadaling papasok si Elias.)

Ibarra: (mapapansin si elias at ngingiti) Ikaw pala yan. (babalik ulit sa beaker) Nkalimutan kong tanungin kung sino ang matandang
Espanyol na naging amo ng iyong lolo.

Elias: (nag-aalalang lalapit) Hindi na po yun mahalaga.

Ibarra: (tatango habang nakatitig pa rin sa beaker) Nakikita mo ba ang kawayang ito. Hindi ito ng nagdiringas. Ano ang masasabi mo
rito?

Elias: (itataas ang boses) Hindi na po mahalaga ang mga yan. Ang dapat niyong isipin ay makaalis kaagad ditto sa bahay ninyo.

Ibarra: (magtataka at ibaba ang beaker na nakakunot ang noo) A-aalis kaagad?

Elias: (seryoso at nag-aalala) Kalat na pong may sasalakay daw sa kwartel ngayong gabi.

Ibarra: (gulat na tatanggalin ang goggles) May sasalakay?! Sino?

Elias: (iiling) Hindi ko po alam kung sino. Nakausap ko lamang ang isang kasama nila at ang sabi ay binayaran daw siya sa kanyang
magiging pagsali.

Ibarra: (hahawak sa dulo ng lamesa at saglit na mapapaisip) Sinabi niya ba kung sino ang nagbayad?

Elias: (lulunok ng malalim) Kayo raw po ang nagbayad.

Ibarra: (Sobrang gulat) Ha, ako?! (ilalagay ang kamay sa dibdib) Wala akong kinalaman diyan!

Elias: Alam ko po. (nag-aalalang titingin sa likod) Kaya nga dapat na makaalis kayo ngayon din.

Ibarra: Mapipigil pa baa ng paglusob?

Elias: (malungkot na yuyuko) Hindi nap o mapipigil ang paglusob. (babalik kay Ibarra) Hulin a ang lahat. Hindi kop o kilala ang pinuno
nila. Alang-alang sa bansa, kailangan niyo pong iligtas ang inyong sarili.

Ibarra: (ialalgay ang kamay sa batok) Sa-saan naman ako pupunta?

Elias: (nagmamadali) Pumunta kayo sa karatig-bayan o, o sa Maynila o s-sa, sa bahay ng ilang opisyal. Kahit saan. Ang mahalaga ay
malaman ng lahat na hindi kayo an glider ng pagsalakay.

Ibarra: (lalaki ang mata) Paano kung ako—ako mismo ang magsiwalat ng paglusob?

Elias: (di-makapaniwala) Kayo ang magsisiwalat? (lalapit at titingin ng seryoso) Tiyak na lilibakin kayo ng mga tao. Tatawagin nila
kayong traydor. Inuulit ko, traydor!

Ibarra: (nalilito) Ano ang dapat kong gawin?

Elias: (buo ang boses) Kailangan umalis na kayo. Dalhin niyo lang ang mga importante. Sunugin ninyo ang lahat ng maaring gamitin
nila laban sa inyokung sakali.

Ibarra: (tatango at mapapahinto) Pa-paano si Maria Clara?

Elias: (bahagyang maiinis) Wala na pong paano, paano! Magdesisyon na kayo ngayon din.

Ibarra: Siya. (tatango) Tulungan mo akong pagsamahin ang mga dokumento. (lalakad papunta sa aparador, bubuksan ito at ilalabas
ang kumpol ng mga papel) (ibibigay kay Elias ang kalahati ng mga papel) Pagsama-samahin mo ang mga sulat at hahanapin ko ang
papeles ng aming mga lupa.

(Sisumulan ng dalawa na paghiwalayin ang mga papel)


Elias: (binabalasa ang mga sulat) Marami po ito. Alin po baa ng pagsasamahin ko.

Ibarra: (seryosong naghahanap) Lahat ng sulat ng kamag-anak ko.

(Muling maghahanap si Elias at may isang sulat na makakatawag sa kanyang pansin. Ipapatong niya sa lamesa ang kumpol ng papel
at babasahin ang sulat)

Elias: (hindi makapaniwala) Ki-kilala po kaya ng, ng mga kamag-anak ninyo ang… (ibaba ang sulat at titingin kay Ibarra ng malungkot)
nakapirma sa lumang sulat na ito?

Ibarra: (nagtatakang lalapit) Ano ba ang pangalan?

Elias: (kakagatin ang labi) Eibarramendia po.

Ibarra: (liliwanag ang mukha) Ah, siya ang lolo ko.

Elias: (didilim ang mukha) Lo-lo niyo s-si Don Pedro Eibarramendia?

Ibarra: (tataas ang kilay) Bakit, kilala mo ba siya?

Elias: (tititig ng seryoso) Si Don Pedro Eibarramendia po ang walang awing nag-akusa sa lolo ko na siyang nagdala ng kalungkutan at
kapighatian sa angkan namin. (hahawakan ang sulat ng mahigpit na malulukot ito) Matagal ko na pong hinahanap ang sinumang may
pangalang Eibarramendia. (hahawak sa balikat ni Ibarra) Pinadala kayo ng Panginoon bilang apo niya. (hahawak sa isa pang balikat)
Sabihin niyo sa akin Senor Ibarra kung bakit pawang kalungkutan ang dinulot ng angkan niyo sa angkan ko. Ipaliwanag ninyo! (aalugin
si Ibarra) Ipaliwanag niyo!

Ibarra: (mabibitiwan ang mga hawak na papel) (nakokonsensya) I-ikinalulungkot ko… Wala akong alam sa mga bintang mo sa lolo ko.

Elias: (ilalayo ang mukha) Maswerte talaga kayo Senor Crisostomo. (bibitwan si Ibarra at hahakbang palayo) May nagmamahal sa
inyo, may kayamanang mapagbabalikan, (titingin sa paligid) may sariling tahanan na maipag-iimbitahan sa mga kaibigan at may
karangalang tinitingala ng mga kababayan. (yuyuko) Ako ay sinilang na mahirap, nabuhay sa kaswian ant panduduru-duru ng lipunan.
Mabuti ay may dalawang punyal dito (Makikita ang dalawang kutsilyo sa lamesa at kukunin ito) na maaaring kumitil sa ating buhay.
(tititig ng malungkot kay Ibarra) Wakasan na po natin ang lahat.

Ibarra: (hahawakan ang kamay ni Elias) Kung magtutungggali tayo, paano na ang ipinaglalaban natin? (pilit na ilalayo ni Elias ang
tingin habang tinitignan siya ni Ibarra) Paano na ang paaralan? Paano na ang mga kabataang pag-asa ng kinabukasan?

Elias: (bibitiwan niya ang mga kutsilyo at kakawala kay Ibarra bago tumalikod) Pa…paalam, Senor Crisostomo. (tatakbo paalis)

Ibarra: (susubukang abutin si Elias) Saan ka pupunta? Tulungan mo ako na tumakas! (manlulumo) Huwag kang umalis. Huwag kang
tumakbo! (yuyuko) Kailangan kita…

Narrator: Sa bahay naman ng mga Delos Santos, naghahapunan sina Kapitan Tiago, Tiya Isabel, at Linares. Nagkunwari namang
busog si Maria Clara. Naroroon din si Padre Salvi.

(Nasa magkabilang dulo ng lamesa sina Linares at Kapitan Tiago habang nasa gitna naman si Tiya Isabel. Maririnig ang mga
kalansing habang kumakain si Linares. Sa bandang kaliwa ay nag-uusap sina Maria Clara at Sinang sa tabi ng pyano, nagbubulungan.
Si Padre Salvi naman ay palakad-lakad sa kabilang dulo malapit sa bintana na parang may hinahanap o hinihintay)

Sinang: (titingin ng masama sa pari at bubulong) Siguradong magtatagal pa yang multong yan. (Babaling sa may orasan) Baka abutan
pa ni Ibarra.

Maria Clara: (susundan ang tingin ng kaibigan) Aalis din yan.

Narrator: Maya-maya pa ay alas ocho na. [SFX: bell] (Mapaphinto ang lahat. agad na tatayo ang mga kumakain at mag-aayos ang
dalawang dalaga. Mabilis na magsisindi ng kandila si Padre Salvi. Muntik na siyang mapaso. Mapaptingin ito kay maria Clara at
kapansin-pansin na kakabahan)

Padre Salvi: (yuyuko) Ma, ma, manalangin tayo… (Mag-aantanda ang lahat)
Padre Salvi: (Mag-aantanda rin) (Mahina ang boses) Sa ngalan ng, uh, Ama, Anak at Espiritu Santo… (Pupunasan ang noo) Ma,
mahal nam-naming Ama, sa, sa kagubatan (manginginig), es-este, gabayan Ninyo at, at… (Mapaptingin kay Maria Clara at lalong
manginginig) at, uh, i-ilayo, siyang ngang ilayo sa lahat…lahat ng tukso ng, ng mga binting kay kutis (mapapasinghap) es-este, ah…
(titingin ito sa lahat)

Padre Salvi: A-a-am—

(Biglang papasok si Ibarra. Mukhang may dinaramdam ito)

Kapitan Tiago at Maria Clara: Ibarra! (lalapit dapat ang dalaga pero mapapahinto)

Narrator: At ginimbal sila ng mga putukan. [SFX: gunshots]

(Magugulat ang lahat. Pinilit na maging kalmado ni Ibarra habang palihim na aakyat pataas si Padre Salvi at magtatago. Mas lalakas
ang mga putukan. Maglalabasan ang mga tao at sisigaw. Matatakot ang lahat)

Mga tao: Mga bandido! Mga bandido!

Tiya Isabel: (mapapakapit kay Linares) Oh my God! Diyos ko po! (Titingin kay Kapitan Tiago) Santiago, madali! Ang pangako mo! Your
promise! Ialay mo! Sacrifice it!

(Mamumutla si Kapitan Tiago. Sa mga salita ng pinsan ay may bigla siyang maalala at dali-dali niyang ilalabas ang isang rosary at
manginginig)

Kapitan Tiago: Limampung rumaratsadang paputok at dalawang misa ng pasasalamat, ora mismo! (Titingala at magmamakaawa)
Ipanalangin Mo po kami! Diyos ko po!

(Ilang putok pa at tumigl na ang kaluluhan. Nawala rin maging ang sigaw ng tao ng magkagulo sila palabas)

Linares: (aalisin ang takip sa tenga) Ta-tapos na? (Magtitinginan sila)

(Mula sa pinagtakbuhan ng mga tao ay darating ang alperes na nagmamadaling pumunta sa bahay)

Alperes: (papasok ng padabog) Padre! Padre Salvi! Lumabas ka, Padre Salvi! (Maglalakad sa gitna si Tiya Isabel upang hanapin ang
pari)

Sinang: Nasaan na siya?

Tiya Isabel: (magtataka) Padre Salvi? Gusto atang mangumpisal ng alperes!

Linares: (lalapitan ang alperes na nag-aalala) Ayos lang ba kayo, ginoong alperes? Na-nasugatan po ba kayo?

Alperes: Padre! (magkakamot ng ulo) Padre Salvi, lumabas ka! Huwag kayong mag-alala!

(Dudungaw mula sa itaas si Padre Salvi at titignan ang nagyayari)

Padre Salvi:Tawag ba ‘ko?

Alperes: Padre! Bumaba kayo rito! (Muling sisilip ito at nang masigurong wala ng gulo ay agad na baba ang pari) Sumama kayo sa
akin. (Sasama ang pari)

Ibarra: Maria—

Tiya Isabel: Maria, Sinang, pasok sa kuwarto ninyo, madali! (susunod ang dalawang dalaga) Pasok! (mag-aantanda) Kaawan Mo kami,
Panginoon! Lord, have mercy! Maawa Ka sa amin! Oh, mercy, mercy, please!
(Susundan ni Ibarra ng tingin si Maria Clara habang palabras ito ng entablado. Nakasunod din ng tingin sa dalaga si Linares habang
tahimik na nagpapasalamt sa langit si Kapitan Tiago)

Narrator: Nang makitang umalis ang pari ay sumunod na rin si Ibarra. Pagdaan niya sa may pintuan ay napansin siya ng madasaling si
Tiya Isabel.

Tiya Isabel: (nakapamewang) Aba, hoy, Ibarra! Huwag ka munang lalabas. Hindi ka pa nakangumngumpisal, baka mapahamak ka.

Narrator: Pero hindi na siya narinig ng binata.

Tiya Isabel: Ibarra! Ibarra! Ibarra!

(Magbabago ang tagpuan. Mula sa bahay ng mga Delos Santos ay magiging kuwarto ni Ibarra. Sa bandang sulok ay ang kama at
katabi nito ang isang maliit na lamesang may nakapatong na lampara, isang sako at isang litrato ni Maria Clara. Malapit sa pintuan ay
ang aparador. Sa labas ng kuwarto ay naghihintay ang isang katulong)

Narrator: Sa paglalakad ni Ibarra ay nadaanan niya ang kwartel at tila ba nagimbal ang kanyang buong katauhan. [SFX: Pinahihirapan
na mga tao] May mga sinasampal, dinadagukan at hinahagupit. [SFX: Naku po!] May mga hinihila, mga pinapalo at binubulyawan.

Guardia Sibil: [voiceover] Sa kulungan yan! Posasan-posasan! Barilin ang sinumang lalaban! Walang lalabas ngayon!

Narrator: Dahil dito ay napabilis ang mga hakbang ng binata. Ilang sandali pa ay narrating na niya ang kanyang tahanan.

(Papasok si Ibarra at huhubarin ang sombrero at tuxedo)

Ibarra: (sa katulong) Ihanda mo ang pinakamabilis kong kabayo. (Yuyuko ang katulong at agad na susunod. Agad na papasok si Ibarra
sa kuwarto)

Ibarra: Wala ng oras… (Kukunin niya mula sa aparador ang isang nakasusing bakal na taguan. Maghahanp siya sa kanyang bulsa at
ilalabas ang isang susi upang buksan ang taguan. Laman nito ang kanyang salapi at alahas. lalagay niya ang mga ito sa sako.
Kukunin niya ang larawan ng kasintahan at pagmamasdan muna ito bago isilid sa parehong sako. Sa ilalim ng unan ay kinuha niya
ang isang rebolber at panaksak. Babalik siya sa may aparador at magsisilid pa sa sako ng ilang gamit)

Ibarra: (naghahanap) Nasaan na yon…?

(Papasok ang tatlong guardi sibil at kakatok ng malakas. Magugulat si Ibarra. Agad niyang kinuha ang baril at itinutok sa pinto)

Ibarra: Si…sino yan!

Guardia Sibil 1: Sa ngalan ng mahal na hari, pakiusap, buksan mo a ng pinto. (kakatok) Kung hindi ay gigibain namin ito ngayon din!

(Tumingin si Ibarra sa may bintana at ikinasa ang rebolber. Hihinto ito. Kakatok muli ang mga guardia sibil. Dahan-dahan niyang
ibinaba ang baril sa mesa at kinuha ang sumbrero bago buksan ang pinto)

Guardia Sibil 1: Inaaresto kayo sa ngalan ng Hari!

Ibarra: Sa anong dahilan po?

Guardia Sibil 2: Malalaman mo pagdating natin.

Ibarra: (babaling ng tingin sa kuwarto at isusuot ang sumbrero) Asahan ninyong makikipagtulungan ako.

Guardia Sibil 3: (titingin sa mga kasama) Kung hindi kayo tatakas, di ko na kayo poposasan. (Magmamartsa paalis ang mga guardia
sibil kasama si Ibarra)
Narrator: Ating sundan si Elias. Matapos lisanin ang bahay ni Ibarra ay nagtatakbo siya. Hinahabol siya. Hinhabol siya ng mga bali-
baling kalansay ng kanyang mga ninuno. Nang mapadaan siya sa lawa ay lalo siyang napamulagat. [SFX: drop of water] Nakikinita
niya sa tubig ang kanyang ang kapatid na dalaga, may tarak na punyal sa dumudugong dibdib. Lumusong siya sa tubig.

Kapatid ni Elias: [voiceover] Duwag ka Elias! Duwag ka!

Elias: [voiceover] Hindi…

Kapatid ni Elias: [voiceover] Ipagtanggol mo kami, duwag!

Elias:[voiceover] Hindi…

Kapatid ni Elias: [voiceover] Ipagtanggol mo! Ipaglaban mo!

Elias: [voiceover] Aaagghh!

Narrator: [SFX: gunshot] Sa putok ng baril ay nagising sa katotohanan si Elias. Umahon ito at binagtas muli ang dinadaanan.
Nakahinga siya ng maluwag ng makalabas ng kagubatan. Upang di mapansin ng mga bantay at patakbu-takbo siyang kumubli sa likod
ng mga puno at gilid ng mga hardin. Kahit na sinag ng buwan ay iniwasan niya rin.Nagningning ang kanyang mga mata ng Makita ang
bubong ng bahay ni Ibarra.

(Lalabas si Elias na pawisan. Lilingon-lingon din siya at siniguradong walang nakakita sa kanya, bago tuluyang umakyat ng bintana
papasok ng kuwarto ni Ibarra. Madadatnan niya itong magulo)

Elias: (gulat) Anong nangyari dito? (Mapapansin niya ang sako at lalapitan ito. Mabilis niyang inilagay ang lahat sa sako bago ito itali at
pasanin. Mapapansin niya ang larawan ni Maria Clara at aaninagin ito. Muli niyang bubuksan ang sako at isinilid ang larawan. Bago
ulis ay kinuha niya ang lampara at huminto)

Elias: Patawad. (sabay bitaw sa lampara at tatalon muli palabas sa bintana)

[SFX: combustion] (Unti-unting uusok ang kuwarto. Sa kabilang dako ng entablado ay darating katulong at ang mga tao kasama ang
ilang guardia sibil. Mapapansin nila ang sunog at magkakagulo)

Katulong: Sunog! Sunog!

Mga tao: (nagkakagulo) Sunog! Tumawag kayo ng bumbero! May sunog!

Narrator: Mabilis na naglaho si Elias. Nagliyab naman ang kuwarto ni Ibarra. Pati laboratory ng binata ay natupok din. Sa isang iglap ay
nawala ang ikalawang palapag ng bahay.

Katulong: (nagmamadali) Paraan! Paraan! Kailangan kong iligtas ang mga papeles ng aking amo!

Guardia Sibil 2: (haharangan ang katulong) May permiso ba kayo?

Katulong: Bakit?

Guardia Sibil 3: Kung wala, hindi kayo maaring bumalik.

Mga Tao: Lumakas na ang apoy! [SFX: burning]

(Napahinto ang katulong. Dali-daling kukuha ng mga timba at tabo ang mga tao upang apulahin ang sunog. )

Narrator: Maraming kapitbahay ang nagtulong-tulong na apulahin ang apoy. Pero huli na ang lahat. Kinain na nito ang kabuuan ng
bahay na kay tagal ding ginalang ng maraming mamamayan.
(Papalitan ang kuwarto ng tatlong maliliit na bahay na kapwa nakaharap ang mga bintana. Isa rito ay tirahan ng isang bata, at ang
dalawa naman ay bahay ng mga tsismosa. Kita rin ang lasangan ngunit wala itong laman. Sa labas ng pangalawang bahay ay may
isang mahabang bangkong kahoy. Malayo sa may kaliwa ay may isang bangkay na ang leeg ay nakatali sa isang puno. Walang
papansin dito)

Narrator: Sa pagsapit ng madaling araw ay tahimik na tahimik ang bayan ng San Diego. [SFX: silence] Bagamat may ilan ang nagising,
wala sa kanila ang nangahas na magbukas man lang ng bintana sa takot na mapatay sa karsada. lahat sila ay tunay ngang nagimbal
sa putukan ng nakaraang gabi at sa pagkatupok ng bahay ni Crisostomo Ibarra.

(Sisilip muna sa unang bintana ang isang batang lalake. Sisipatin nito ang paligid at nang makasigurado na ligtas na, nilagyan nito ng
tukod ang bintana upang manatiling bukas. Lalabas ito ng bahay na nakangiti at aalis. Ilang sandal lang ay may sisilip mula sa
pangalawa at ikatlong bintana at dali-dali ring lalagyan ng tungkod ang mga bintana.)

Narrator: Nang mapansin ng lahat ang tapang ng bata, sabay-sabay nagbukas ang mga bintana ang magkakakapit-bahay. (Lalabas
dalawang bahay sina Ermana Rufa at Ermana Pute at uupo sila sa bangko. Darating ang iba pang mga tao) Ang komunidad na
kanina’y di mahulugan ng karayom sa katahimikan ay animo palengke sa ingay. [SFX: chattering crowd] Pakinggan natin ang kanilang
mga palagay at sabi-sabi.

(Magkukumpulan ang mga tao)

E. Rufa: (hahawiin ang buhok) Santisima, Trinidad! Narinig mo ba, Kumareng Pute ang lakas ng mga putukan kagabi?

E. Pute: (papamewang) Aba,oo, beh! (Mapapahak sa dibdib) Parang putok ng mga baril ni Balat. Yun bang mandarambong na
sumalakay sa bayan ilang dekada na ang nakararaan?

E. Rufa (tatango) Sinabi mo pa! (lalapit sa kausap) Ito, isang katerbang chika ang nasagap ko kagabi. Ang sabi, grupo daw na
pinamumunuan ni Pablo ang lumusob.

(Marrininig ito ng ibang tao at lalapit)

E. Pute: Hindi ganyn ang narinig ko, beh! May nakapagbulong sa aking nagkaengkwentro raw at nagbarilan ang mga pulis municipal at
ang mga konstabularyo kaya hinuli ang Bise Alkalde.

Magsasaka: Labing-apat daw ang namatay at marami ang nasugatan. (Magtatakip ng bibig sina E. Rufa at E, Pute sa gulat)

Mangingisda: May kuwent-kuwento pa ngang nagkarambulan naman daw si Padre Salvi at ang Alperes. Dinadtad daw ng baril ang
kuwartel at kinanyon naman ang kumbento. (Mas mapapatakip ng bibig sina E. Rufa at E. Pute at saglit na magbubulungan)

Magsasaka: Sabi pa mga Intsik daw ang lumusob.

Mangingisda: (gulat) Ha? Mga Intsik? (mapapaisip) Kaya siguro wala akong Makita ngayong kakalat-kalat sa paligid.

E. Pute: Ano ba naman yan.

E. Rufa: Nakalungkot naman, kumara, kung totoong Intsik nga ang nagbendeta. (mapapahawak sa palda) Paano nay an, baka hindi na
tayo padalhan ng mga regalo sa Pasko!

E.Pute: Oo nga beh! Pa’no na yan?

E. Rufa: Sana naman isisnagawa nila ang pagkatapos na ng Bagong Taon. (mapapailing) Patay na siguro yang mga singkit na ayn
kaya hindi mon a Makita sa karsada.

E. Pute: (tatapikin ang kumare) May nasagap din akong chika na palagay ko hindi mo pa nalalaman.

E. Rufa: Ow
E. Pute: Ang sabi tinangka raw itanan ni Crisostomo Ibarra si Maria Clara! Nagpatulong pa daw si Kapitan Tiago sa mga
konstabularyo. (titingin ng masama sa magsasaka) At hindi lang daw labintatlo ang namatay kundi tatlumpu. Nasugatan daw si Kapitan
Tiago at may sabi-sabing dadalhin daw ito sa Maynila ngayong umaga upang ipagamot.

Mamamayan 1: (gigitna ng unti) Ermana Rufa, Ermana Pute, mga kasama. Kagagaling lang naming sa korte.

E. Rufa: Sa korte?

Mamamayan 1: Opo. At marami po kaming mga balitang nakalap tungkol sa nangyari kagabi. Napag-alamn po naming ito mula sa
mga awtoridad mismo. Teka, naaalala niyo pa ba si Bruno?

Mangingisda: SI Bruno?

E. Pute: Ah, siya yung may amang pinatay sa bugbog ng guardia sibil, hindi ba?

Mamamayan 1: Siya na nga. Ang sabi ay siya raw mismo ang nagsalaysay ng tunay na mga pangyayari. Ipinagkasundo na daw ni
Kapitan Tiago si Maria Clara sa isang Espanyol.

E. Rufa at E. Sipa: (hindi makapaniwala) Pinagkasundo?

Mamamayan 1: Napahiya raw si Crisostomo Ibarra at hindi ito matanggap. Sa sobrang galit ay nagplano ito na patayin lahat ng
Espanyol.

E. Rufa at E. Sipa: (hindi talaga makapaniwala) Lahat ng Espanyol?

Mamamayan 1: Yun po ang sabi, at kasama na nga rito si Padre Salvi. Kagabi, sumalakay daw ito kasama ang mga tauhan at mabuti
na lang ay nasa bahay noon nina Kapitan Tiago si Padre Salvi kaya hindi napaghingantihan. Nakapagtago naman daw si Linares.
Bilang sagot namn sa planong pagsalakay ay sinunog ng konstabularyo ang bahay ni Crisostomo Ibarra.

Mamamayan 2: (isa pang hindi makapaniwala) Ha? Sinunog?

Mamamayan 3: (mag-uunat ng braso) Hindi mo pa ba narinig? Makikita ditto sa kinatatayuan natin ang usok. (tuturo sa malayo) Bukod
diyan ay walng awing pinaghuhuli raw ng mga konstabularyo ang mga katulong ni Don Crisostomo.

E. Rufa: (kakagatin ang labi) Kawaawang binata, hindi ba, kumare?

E. Pute: (mandidilat ang mga mata at muntik na matawa) Ikaw, naaawa ka sa ekskomunikado? Tss! Aba, alalahanin moa ng wika ng
kura: makasalan daw at hindi dapat kaawaan ang sinumang kalaban ng Diyos at ng Simbahan. Naalala mo pa ba kung paano niya
tpak-tapakan ang libingan na para bang babuyan?

(Habang nag-uusap sila ay darating ang katulong. Pipitas dapat ito ng ilang gulay nang mapansin nito ang bangkay. Magtatakip ito ng
bibig sa takot, para na rin pigilan ang isang malakas na sigaw. Iinspeksyunin nito ang bangkay)

Mamamayan 3: (nakangisi) Gaano ba kaganda ang sementeryo sa bayan para irespeto ng sandaigdigan, ha?

E. Pute: (aambahan ang lalaki ng suot na tsinelas) Tumigil ka nga, impakto! Magsabi ka nga, bakit ba pinagtatanggol mo ang isang
ekskomunikado? Sabihin mo ang rason (lalong i-aamba ang tsinelas) Sige nga, sige nga! Sasat ka ng sasat! (susuot muli ang tsinelas)
Ni hindi mo man lang maasikaso ang batalan natin na halos magiba na. Tingnan mo yang Crisostomo Ekskomunikado na
pinagtatangol mo. Matapos pagtangkaan si Padre Damaso, aba’y si Padre Salvi naman ang gusto niyang iligpit.

E. Rufa: (kikibit-balikat) Pe…pero mabuti naman siyang bata.

E. Pute: (hahampasin ang noo) Mabuti nga siyang bata, per nagpunta siyang Espanya, beh. At alam mo namn yung nangayayri kapag
napupunta sa Espanya, di ba, beh? Beh, nagiging erehe sila. Sinasabi yan ng mga pari.
E. Rufa: E di erehe din pala ang mga kura paroko, ang mga pari, ang mga arsobispo at ang Santo Papa kasi sa Espanya sila galling
lahat? (tatakbo papunta sa grupo ang katulong)

E. Pute: (ihahanda ang tsinelas) Impakta!

E. Rufa: (itataas ang mga kamay) Teka, teka, kumare. Kalma! (ituturo ang katulong) May tumatakbong katulong. Mukhang takot siya.

(Titingin ang lahat sa katulong hanngang marating nito ang kumpol. Pagod na pagod ito at mukhang takot)

Katulong: (hihinga muna) Naku po mga kapitbahay! Tulungan niyo kami! Ma-may… may nakabiting mama sa likod bahay! Patay na
yata! Hindi na siya humihinga! (magigimbal ang lahat)

Magsasaka: Ha? Nakabitin?

Katulong: Opo, doon sa likod bahay, sa may hardin. (pupunasan ang pawis) Mamimitas lang sana ako ng bataw at pagtingala ko,
nakabitin na nga po yung mama! Baka po patay na! Baka patay na siya!

Magsasaka: (lalapit) Halika, ituro mo sa amin. (titingin sa mga tao) Isama na natin ang lahat ng nandito. Mga kasama, puntahan natin
ang sinasabi niyang nakabitin. (titingin sa mangingisda) Ikaw Juan, pumunta ka sa munisipyo at tumawag ka na rin ng guardia sibil.

(Sama-sama silang nagpunta sa bangkay)

Narrator: Sa pangunguna ng katulong ay pinuntahan nila ang kinaroronan ng bangkay.

Katulong: (tuturo) Ayun po.

(Magkakagulo ang mga tao habang titignan ang patay. Lalapit ang mga lalaki at iinspeksyunin ito. May ilang mga bulungan)

E. Pute: (tatakpan ang ilong sa ngiwi) Santisima!

Magsasaka: Huwag muna anting galawin. (hahakbang patalikod) Parating na ang mga guardia sibil.

Mamamayan 1: (nakatukod katabi ng bangkay) Mukhang matigas na ang mga kamay at paa. (hahawakan ang bangkay) Mukhang bali
ang likod at may bahid ng amorseko sa laylayan ng pantalon niya.

E. Pute: Impakto, huwag mong galawin! Baka gumalaw yan!

E. Sipa: (titignan ng mabuti ang bangkay) Kumare… (tatapik)

E. Rufa: Oh?

E. Sipa: (ilalagay ang kamay sa baba) Tignan mo ng mabuti. Hindi ba yon yung mamang dumating sa maliit na dampa dalawang linggo
na ang nakaraan? Ayun, oh. Siya yung may pilat sa mukha. Siya…siya si Lucas!

E. Rufa: (tititig at manlalaki ang mata sabay turo) Aba oo nga! Si Lucas! Siya yung kausap ng sacristan mayor!

(Darating si Elias na suot ang isang sombrero na kumukubli sa kanyang mukha. Makikipagsiksikan siya patungo sa patay)

E. Pute: Siya nga! Si Lucas nga! (iiling) Hindi siguro nagsisimba. Tsk,tsk,stsk. Yan na nga b— (Masasanggi ni Elias) Loko ‘to ah!
(iirapan si Elias habang tinatanaw ng lalaki ang bangkay)

(Dadating ang dalawang guardia sibil kasama ang sekretaryo ng munisipyo)

Guardia Sibil 2: Tabi dyan! Kami na ang bahala sa bangkay!

(Magbibigay daana ng mga tao at muling bubulong. Dahan-dahang ibaba ng mga guardi sibil ang bangkay at malapitan itong titignan ni
Elias habang tinatakpan ang mukha ng sunbrero)
E. Rufa: Nandito nap ala ang mga guardia sibil. (tuturo kay Elias) Mukhang kilala yata ng mamang nakasumbrero yung patay. (sisipat)
Teka, titinatakpan niya ata ang kanyang mukha.

Guardia Sibil 1: (ilalatag ang bangkay) Tabi dyan! (uusog ang mga tao habang hihilain ng mga guardi sibil ang bangkay)

Sekretaryo: (mapapansin si Elias) Kanina ka pa. Ako ang kalihim ng Munisipyo. May kailangan ka ba sa namatay? (ilalapit ng mga
ermana ang tenga nila)

Elias: (bahagyang yuyuko) Ah, gu-gusto ko lang pong Makita kung sino ang namatay. Ma…may hinahanap kasi along kaibigan.

Sekretaryo: Hindi mob a narorinig kanina pa na Lucas ang pangalan niya? (ituturo ang bangkay)

Elias: (ibababa ang sumbrero) Lu-lu…lucas? (tatango) Si-sige po.

Sekretaryo: Sige.

(Tutulong ang sekretaryo sa paghila sa bangkay habang mabilis na aalis si Elias patungo sa direksyon ng mga bahay. Isa-isang
mawawala ang mga tao. Pagdating sa gitna ng entablado ay mapapansin ni Ermana Rufa si Elias.)

E. Rufa: Hoy, mamang nakasumbrero, hindi dyan ang daan. (tuturo sa likod ng entablado) Dito po.

(Agad na babalik si Elias at kasunod siyang aalis ni Ermana Rufa.)

Kabanata 62

Narrator: Sa kanyang kuwarto ay nagmumukmok si Maria Clara.

(Sa bandang kaliwa ay ang asotea. Kasunod nito ang isang pinto papunta sa kuwarto ni Maria Clara. Katabi ng kama ay isang lumang
lamesa na puno ng regalo at katabi nito ay dalawang upuan. Malungkot na nakaupo sa kama si Maria Clara habang tinitignan naman
ni Tiya Isabel ang mga regalo)

Tiya Isabel: (uusosyo) Napakaraming regalo nito, Maria! So many gifts. (tuturo) Tiyak na dyamante ang laman ng asul na ito. A huge
diamond. (hahawak) Orihinal na telang pina naman ang laman nyan at ito, (iaalog ang nasa tuktok at makikinig) bulto ng sedan na
tiyak na maganda. Beautiful fine silk.

Maria Clara: (sisimangot) Walang halaga yang mga yan, tiya…

(Bago pa man makasagot si Tiya Isabel ay marahan at tahimik na papasok si Padre Damaso mula sa kanan at lalapit kay Maria Clara.
Sesenyas siya kay Tiya Isabel na tumahimik habang pumepwesto sa likod)

Tiya Isabel: May, may b-bisita ka, iha… You have a visitor…

(Tatakpan ni Padre Damaso ang mata ng dalaga)

Padre Damaso: (nakangiti) Hulaan mo kun sino ako. Kung mali ka, hindi ko tatanggalin ang mga kamay ko.

Maria Clara: (hahawakan ang kamay ng pari) Ni-ninong?

Padre Damaso: (mapaglarong aalisin ang kamay) Nagulat ka, iha? (tatawang pupunta sa harap ni Maria Clara) Hindi mo akalaing
pipiringan kita. (makikitang malungkot ang dalaga) Mu-mukhang malungkot na malungkot ka… Bakit?

Tiya Isabel: (magmamano sa pari) Padre Damaso, iiwanan ko muna kayo. I’ll leave you for now.
Padre Damaso: Salamat, Isabel. Salamat. (aalis si Tiya Isabel) Bakit malamig ang mga kamay mo, Maria? (idadampi ang kamay sa
leeg at noo ng dalaga) May dinaramdam ka ba?

Maria Clara: (iiwas) Wa…wala naman po, ninong.

Padre Damaso: (titig ng nag-aalala) Magsabi ka ng totoo, Maria. (uupo sa tabi ng dalaga bago pipisilin ang kamay nito) May
dinaramdam ka ba, iha?

Maria Clara: Wa… (iiling) wala po, ninong. (yuyuko) Wala po.

Padre Damaso:

Maria Clara:

Padre Damaso:

Maria Clara:

Padre Damaso:

Maria Clara

Padre Damaso:

Maria Clara:

Padre Damaso:

Maria Clara:

Padre Damaso:

Maria Clara:

Padre Damaso:

Maria Clara:

Padre Damaso:

Maria Clara:

Padre Damaso:

You might also like