You are on page 1of 12

KABANATA 24

SA KAGUBATAN

Nagmula sa nobelang Noli Me Tangere ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose P. Rizal
Iskrip ni: Judy Ann Violata na nagmula sa grade 9 SAMPAGUITA
MGA PANGUNAHING TAUHAN:
Padre Bernardo Salvi
Crisostomo Ibarra y Magsalin
Maria Clara De Los Santos y Alba
____Unang tagpo----kumbento____

Nang umagang iyon pagkatapos magmisa ni Padre Salvi, nagtungo ang mahal na
kura sa kumbento…….

Padre Salvi: Ipaghanda mo ako ng mainit na tsokolate ora mi-

Naputol ang kaniyang sinasambit nang dumating ang kaniyang kawaksi na may
dalang liham.

Kawaksi: Mawalang galang po mahal na kura, may mga liham po na naghihintay sainyo.
Padre Salvi: Iwan mo nalamang diyan ang mga sulat na iyan…
Kawaksi: Salamat po mahal na kura

Pagkabasa sa liham ay nilamutak niya ito at ‘di na nag almusal pa kaya’t


napabayaan ng kura na lumamig ang inihandang mainit na tsokolate para sa kaniya.

Padre Salvi: ARGGGG!!! (sabay nilamutak ang liham)


Padre Salvi: Ihanda ninyo ang karwahe! Habang ako’y nag-aayos (pasigaw niyang saad)
Taga paglingkod: Masusunod po, mahal na kura

Lumabas ng kumbento ang padre at sumakay sa karwahe

Padre Salvi: Ihatid ninyo ako sa kagubatan na pinagdarausan ng isang salu-salong


pambukid. Madali!!!

____ikalawang tagpo----kagubatan____
Matapos ang ilang oras na paglalakbay ay narating na rin sa wakas ng padre ang
kagubatan na pagdarausan ng isang salu-salo.

Padre Salvi: Ihinto ang karwahe! Dito na lamang ako, maaari na kayong magbalik sa ating
pinanggalingan (utos nito sa isang alipin)

Bumaba siya sa karwahe at nagtuloy ng nag-iisa sa loob ng gubat. Siya ay


naglakad-lakad hanggang sa makarinig siya ng isang bulungan

Padre Salvi: kanina pa ako naglalakad sa kay dilim at kay baging na lugar na ito.(bigkas
niya kasabay nang pagkahingal)

Nang biglang may narinig siyang masayang halakhakan at sariwang mga tinig na tila
nagmumula sa dakong batis.

Maria Clara: Mga binibini! Titingnan ko kung ako’y makatatagpo ng pugad ng gansa. Ibig ko
siyang tingnan nang ‘di niya ko nakikita, ibig ko siyang masundan sa lahat ng dako.

Agad namang nagtago si Padre Salvi sa isang malaking punong kahoy habang
pinagmamasdan at pinakikinggan ang mga dalaga.

Padre Salvi: Ang aking Maria Clara, siya nga! (tahimik niyang saad habang nagtatago)

Naaninag ng padre ang dalagita na si Maria Clara kasama ang dalawa pang dalaga
na sina Victoria at Sinang. Ang mga dalaga ay masayang nagtatampisaw at
nagpapalitan ng mga mensahe sa batis na yaon.
Victoria: Ibig mo bang sabihin ay nais mong gawin sakanya ang sa iyo’y ginagawa ngayon
ng kura na nagmamanman sa iyo sa lahat ng gawi?? *tawanan*
…………………………
Padre Salvi: Teka, ako ba ang kanilang pinag-uusapan? (wika nito sa kaniyang sarili)
Sinang: Mag-iingat ka amiga sapagkat ang paninibugho ay nakapamamayat at
nakapalalalim ng mata!

Huling tinig na narinig ng padre, bago tuluyang lumisan ang mga dalaga.
Padre Salvi: Nasaan na ang mga dalaga? Ano’t ‘di ko na sila maaninag? (kaniyang binigkas
habang tinatanaw ang pangyayari banda roon)

Ang mga dalaga’y nangawala, at ‘di na narinig pa ng padre ang kanilang


nakasusugat na mga banggit. Pawisan at natutubigan ang padreng lumabas sa
kaniyang pinagtataguan nang makasalubong niya ang ilang mga ginoo at mga
opisyales na dadalo rin sa salu-salong magaganap maya-maya.

Alperes: Saan nanggaling ang inyong Reverencia? At ano’t ikaw ay puno ng galos sa
mukha padre? Nahulog ba kayo? (sambit ng alperes ng may pagtataka sa kaniyang mukha
at pagkatapos sabihin ito, siya’y dagliang humalakhak)
Padre Salvi: Ano’t binabanggit mong ako’y nahulog?! Para iyong mabatid, ako’y naligaw!!
(winika niya ito nang pasigaw)
Alperes: mhm, kung iyan nga ang nangyari padre (sinambit niya ito’t halatang ‘di
kumbinsido)

____Ikatlong tagpo----piknikan____
Sila nga ay nag tungo na sa pinagdarausan ng salu-salong magaganap na
pangungunahan ni Ibarra.

Noo’y katatapos pa lamang maligo ni Maria Clara. Siya’y sariwang katulad ng isang
rosas na kabubuka pa lamang at nawiwisikan ng malabubog na hamog. Ang unang
ngiti niya’y iniukol kay Ibarra, at ang unang pangungunot ng kaniyang noo ay kay
padre Salvi.

Samantalang ito ang mga kaganapan sa pinagdarausan ng salu-salo.

Ibarra: Maraming salamat muli sa inyong pagdating mga ginoo at mga minamahal na
opisyales.

Sa kalagitnaan ng kanilang pagsasalu-salo biglang nagtanong ang alperes ng


ganito.

Alperes: Padre Salvi, anong nangyari sa iyo? San kayo nagsususuot?


Padre Salvi: ano ang iyong tinuran ginoo? (sabay ang pagtaas ng kaniyang mga kilay)
Alperes: Masasabi kong tila nawawala na kayo sa inyong sarili, gaya na lamang ni ginang
Sisa…… nabalitaan ko rin na nawawala ang kaniyang mga supling na iniulat ninyong
nagnakaw ‘raw’ sa parokya. (nakangiti nitong sambit)
Padre Salvi: Ang aking iniulat ay pawang katotohanan lamang! Ang mga batang iyon ay
tunay na magnanakaw… (pagtatanggol ng padre sa kaniyang sarili)
Alperes: Kung gayon nasaan na ang iyong mga batang sakristan? Bakit tila bigla na lamang
silang nawala sa ‘di malamang kadahilanan?! (pagdududa nito)
Padre Salvi: Teka-teka tila ata ako’y pinagtataasan mo na ng tinig ginoo…… Sinasabi mo
bang ako ang nasa likod ng kanilang pagkawala?! (pasigaw niyang saad)
Alperes: siyang tun-
Naputol ang kaniyang sinasambit ng mamagitan si Ibarra sa kanilang di
pagkakaunawaan
Ibarra: Mga ginoo, maaari ho ba kayong huminahon kahit na saglit lamang? Tayo’y narito
upang magsaya at pag-saluhan ang mga pagkaing nakahanda sa hapag, hindi upang mag
talo…(mahinahon niyang saad)
……………………
Makalipas ang ilang sandali, dumating ang isang babae na mayroong kay ruming
kasuotan, may ilang mga galos at magulo ang buhok.

Isang opisyales: ‘di ba’t ‘yan si Sisa? Siya ay apat na araw nang nasisiraan ng isip dahil sa
pagkatakot at dinaranas na kahirapan.
Ibarra: Maaari niyo bang pakainin ang ginang Sisa? (pakiusap ni Ibarra sa mga
tagapagsilbi)

Ngunit hindi nasunod ito, sapagkat nang makita ng ginang ang alperes ay kumarimot
ito ng takbo at nawala sa kagubatan

Ibarra: Hanapin ninyo si ginang Sisa! (dagliang utos ni Ibarra)

Sa ilang saglit muling nag tanong ang prayle

Padre Salvi: May pagkakaalam naba kayo sa salaring lumapastangan kay padre Damaso?
Alperes: at sino naman ang inyong salarin padre Salvi?
Padre Salvi: Sino pa nga ba, kun’di ang bumugbog sa daan kamakalawa ng hapon kay
padre Damaso.
“Binugbog nga ba si padre Damaso??” ang tanungan ng iilan
Padre Salvi: Oo, kaya’t si padre Damaso ay nahihiga ngayon sa kaniyang silid. Sinasabing
ang taong yaon ay siya ring nagtapon sa inyo sa labak, ginoong alperes.. (nakangisi niyang
wika upang mapahiya ang alperes)
Alperes: …………………………

Hindi nakaimik ang alperes sa sinambit ng padre at tila ata namula ang mukha nito
dahil sa kahihiyan….
Ibarra: Mga ginoo… maalaala ko pala, nais kong ikonsulta sa inyo ang isang balak.
Ipagkakatiwala at ipagagamot ko sa isang mediko ang nabaliw na babae at sa
pamamagitan ng inyong tulong at mga mabibisang payo ay ipinahahanap ko na ang
kaniyang mga anak.
Alila: Senyor Ibarra, hinalughog na ho namin ang buong kagubatan ngunit ‘di namin
matagpuan ang babaeng baliw.

Walang nagawa si Ibarra kun’di ang huminga nang malalim

____Ika-apat na tagpo____

Matapos ang salu-salo, nagkahati-hati ang mga panauhin. Ang isang pulutong ay
naglaro ng baraha, samantalang ang ikalawang pulutong ay nag-ahedres; ngunit
ang mga dalaga na maibigang makaalam ng kanilang hinaharap ay naganyak na
magtanong sa gulong ng kapalaran.
Kapitan Basilio: senyor Ibarra, halika’t tayo’y mag-ahedres!
Ibarra: sige ho kapitan, na riyan na.
…………….
Kapitan Basilio: Mukang malaki ang lamang mo senyor Ibarra, hayaan mo’t ako’y babawi.
Dumating ang isang tagapaglingkod na may dalang pahatid-kawad.

Tagapaglingkod: Mawalang galang na ho, may liham po akong handog para kay ginoong
Ibarra, ito po’y isang pahatid-kawad.

Itinago ito ni Ibarra sa kaniyang bulsa nang hindi binabasa at tsaka nagpatuloy sa
pag-aahedres.

Ibarra: Ngayon ay tila ako naman ang iyong nalalamangan kapitan.


Kapitan Basilio: ang ating laban ay tabla senyor. Mahusay!

Pagkatapos mag-ahedres ni Ibarra ay naglaro naman ito ng Gulong ng kapalaran.

Sinang: Kasinungalingan!! Kasinungalingan iyan hindi ba?! Isang kasinungalingan!


Maria Clara: Ikalma mo ang iyong sarili, ano ba ang nangyayari sa iyo?
Sinang: Tingnan mo ito, narito ang aking katanungan; kailan ako magkakaisip? Inihagis ko
ang mga dais at noo’y binasa sa aklat ni Albino ang sumusunod: “pag nagkabalahibo na
ang palaka” Totoo ba iyan?
Si Ibarra ay lumapit at nakinig, sabay sambit…..
Ibarra: Sino sa inyo ang nagtamo ng pinakamabuting sagot?
Sinang: Si Maria Clara, wala ng iba pa! Ang itinanong namin sa gulong ay Tapat ba at ‘di
nagbabago ang kaniyang pag-ibig? At ang isinagot naman ng aklat a- (tinakpan ni Maria
Clara ang bibig ni Sinang upang hindi na makapagsalita pa)
Ibarra: Kung gayon ay ibigay ninyo sa’kin ang gulong… (dagliang ibinigay ni Sinang ang
gulong kay Ibarra)… Ito naman ang aking katanungan Magtatagumpay kaya ako sa aking
kasalukuyang ibinabalak?
Sinang: Walang saysay na katanungan! (pag tutol nito)
Inihagis ni Ibarra ang mga dais at hinanap ang pahina ng kasagutan na nagmula sa
aklat.

Albino: “Ang panaginip ay panaginip lamang”…… (binasa ni Albino ang kasagutan at


tiningnan ang reaksyon ni Ibarra)
Ibarra: ngayon ay nagsisinungaling ang aklat na hawak ninyo basahin niyo na lamang ito;
(dumukot siya sa bulsa at ipinakita ang sulat na nagsasabing) “balak paaralan pinagtibay,
usapin ninyo pinasyahang panalo” (binasa niya ito nang masaya at may damdamin)
“Ano ang ibig sabihin niyan?” (tanungan ng iilan)
Ibarra: ‘di ba’t ang inyong pinagkaisaha’y alayan ng isang handog ang nagtamo ng
pinakamabuting kasagutan?
“Oo nga, oo nga!” sigaw ng ilan sa kanila

Maingat na hinati ni Ibarra sa dalawang bahagi ang pahatid-kawad.

Ibarra: Kung gayo’y narito ang aking alaala

Sabay iniabot kay Maria Clara ang ikalahating bahagi ng pahatid-kawad.

Ibarra: para sa iyo aking irog…


Maria Clara: gracias, mi amor. (sabay paypay ng mabilis)
Ibarra: Magpapatayo ako sa bayan ng isang bahay-paaralan para sa mga kababayan nating
batang babae at lalaki, ang paaralang ito’y siya kong magiging handog. Nga pala ang
kalahating bahagi naman ng pahatid-kawad ay ihahandog ko sa nagtamo ng masamang
kasagutan, sino ang taong iyon?
Sinang: ako! Akin iyan! Nasa akin na ata ang pinakamasamang kasagutan na nakaukit sa
aklat na iyan. (sambit nito ng may halong kalungkutan)

Matapos niyang ibigay ang papel, siya ay lumayo na. Kasabay nito ang paglapit ng
padre Salvi sa isang pulutong na naglalaro ng gulong ng kapalaran.

Padre Salvi: Ano ito? Bakit ninyo pinaniniwalaan ang isang aklat? Ito ay gawi ng mga irehe.
Hindi niyo ba nalalamang kasalanan ang maniwala sa mga bagay-bagay na nakasulat sa
aklat na ito?! (halata at kitang kita sa mukha nito ang pagkagalit at pagkadismaya)

Kasabay nang pagbitaw niya ng masasakit na mga salita ay pinunit niya rin ang mga
dahon ng aklat na ito.

Albino: lalo pong mabigat na kasalanan ang mangahas na siraain ang mga pahina ng aklat
na pag mamayari ng iba ng walang pahintulot?(matapang na wika nito sa padre at tila ba
hindi inalinta kung siya ay parusahan man)

Hindi pinansin ng padre ang salaysay ni Albino at agad na tumalikod.

____Ika-limang tagpo____
Pagkatapos nito sumakay ang padre sa kaniyang karwaheng maghahatid sakanya
sa bayan, nang kaginsaginsa’t di inaasahang dumating ang apat na sibil ng barilan
na pinamumunuan ng isang sarhento.

Sarhento: Walang kikilos! Ang sinumang kumilos ay aking babarilin (walang kahiyahiyang
utos nito)
Nang makita’t marinig ito ni Ibarra ay tila bang ‘di siya nabigla sa kahambugang bala
ng sarhento at tsaka lumapit dito

Ibarra: Mapagpalang araw ho sarhento, ano ang inyong kailangan at napadalaw kayo sa
aming pugad? (saad niya nang may galang)
Sarhento: Ibigay niyo sa amin ang salaring may ngalang Elias, aking nabalitaan na siya ang
naging piloto ninyo kaninang umaga.
Ibarra: Anong salarin at piloto ginoo? Baka kayo’y nagkakamali lamang
“Hindi po ginoo, nagkakamali ho kayo ang Elias o ang piloting iya’y naparatangang-”
(naputol ang kaniyang sinambit nang magsalita ang sarhento)

Sarhento: iyan ba ang piloto?? (sabay turo rito)


“Iyan nga po, ayon sa sumbong sa amin; tinanggap ninyo sa pagpipista ang masasamang
tao ginoong Ibarra” sambit ng isang kasama ng sarhento
Ibarra: Sino kayo para pangunahan ang aking desisyon kung sino ang maaaring dumalo sa
idinaraos namin ngayong araw? Wala akong tungkuling ipagbigay-alam sa inyo ang lahat
ng aking gawi at mga desisyon, sa lahat ng kasayahang idinaraos namin ay tinatanggap
ang lahat ng uri ng tao wala akong pakialam kung ikaw ay dukha. Kahit kayo ay maaaring
dumalo sa pagsasalong ito kung inyong nanaisin. (tumalikod siya pagkatapos sabihin ang
mga katagang ito)
……………………….
Sarhento: (sa ilang sandali ay hindi nakaimik ang sarhento ngunit bigla niyang binanggit
ang katagang ito) hanapin niyo ang piloto! Madali! (utos nito sa mga kasama)
…………..
Sarhento: Kung gayon, ang piloto bang iyon ay ang sinasabi nilang naghulog sa alperes sa
labak?
“Siyang tunay ginoo” sambit ng isang mamamayan doon
Hanggang ngayon ay pinaghahanap pa rin ng mga miyembro ng sibil ng barilan ang
pilotong si Elias
……………….
Natapos ang araw na iyon sa pagsasaya, kahit na may hindi magandang naganap
ay hindi nila ito ininda at patuloy na nagsaya ang mga tao na naroon. Nang sumapit
na ang takip-silim ay nilisan ng mga kabinataan, kadalagahan, mga magulang nito at
ang mga kagalang galang na mga panauhin.

Pagbati! Hanggang dito na lamang po ang kabanatang ito, maraming salamat sa


inyong pagbabasa mga ginoo at binibini.

You might also like