You are on page 1of 3

KABANATA XIII: MGA BADYA NG UNOS

Tagapagsalaysay: Nang dumating si Ibarra sa libingan kasama ang


kaniyang matandang utusan upang hanapin ang puntod ng kaniyang ama
na si Don Rafael. Agad na silang bumaba sa karwahe at nagpasalamat sa
kutsero.

Ibarra: “Maraming salamat po”.

Tagapagsalaysay: Sa kanilang paglalakad ay nagtanong si Ibarra sa


utusan,

Ibarra: “Alam niyo po ba kung saan inilibing ang aking ama?”.

Matandang Utusan: “Opo señorito, at si Kapitan Tiyago po ay


pinangakuan ako na siya raw po ang bahala sa pagpapagawa ng nitso
kaya’t nilagyan ko na lamang ng krus at tinaniman ko ito ng halaman ng
adelfa”.

Tagapagsalaysay: Habang hinahanap nila ang puntod na nilagyan ng


palatandaan ng matandang utusan ay dahan dahang naglalakad si Ibarra
sa mga nitso at iniingatang hindi matapakan ang alin man sa mga ito.

Tagapagsalaysay: Makalipas ang ila-ilang oras ay ‘di parin nila makita ang
puntod ni Don Rafael.

Ibarra: “Hindi po ba’t alam ninyo kung nasaan inilibing ang aking ama?”

Matandang utusan: “Ipagpaumanhin nyo po sana, ngunit ako rin po ay


nagtataka dahil alam ko po talaga kung saan si Don Rafael inilibing”.

Matandang Utusan: “Dito po!, naaalala ko po na dito po iyon inilibing.”

Ibarra: “Nasaan ang bangkay kung ganoon?”


Tagapagsalaysay: Lumapit na sila sa isang sepulturero na nagtratrabaho
doon at nagtanong ang matandang utusan,

Matandang Utusan: “Maari niyo po bang sabihin saamin kung nasaan na


po ang puntod na may palatandaan na krus at naggagandahang nakatanim
na mga bulaklak roon”.

Sepulturero: “Ah! Ayun po bang crus na may magaganda at


nagbabangohang mga bulaklak ng adelfa?” sabi ng sepulturero.

Matandang Utusan: “Tama iyon nga ang hinahanap namin!”,

Sepulturero: “Naisunog ko na po iyon at binungkal ko na rin ang mga


bulaklak dahil inutusan po ako ni Padre Damaso”.

Tagapagsalaysay: Gulat ang mukha ni Ibarra ng narinig niya ang sinabi


ng sepulturero tungkol sa nitso ng kanyang ama. Galit rin ang matandang
utusan dahil sinunog ang krus at sinabi,

Matandang Utusan: “Kung sinunog mo ang krus at binungkal ang bulaklak


nasaan ang bangkay ni Don Rafael?”. Sagot naman ng sepulturero,

Sepulturero: “Ilan buwan na rin ang nakalipas ng inutusan ako ni Padre


Damaso na hukayin ang bangkay at ilipat sa libingan ng mga Tsino ang-“

Tagapagsalaysay: Hindi na naituloy ng sepulturero dahil dali daling


hinawakan ni Ibarra ang kanyang mga braso ng pag kahigpit higpit. At
sinabi ng pagalit,

Ibarra: “Bakit mo naman ginawa ang kalapastanganang iyon! Hindi purkit


na inutusan ka ay susundin mo na agad!”.

Tagapagsalaysay: Takot at nasasaktan na ang sepulturero dahil sa


paghawak sa kanya ni Ibarra na pagkahigpit higpit, at sumagot na,

Sepulturero: “Ginoo huwag po kayong magalit saaikin dahil hindi ko


naman iyon inilibing sa libingan ng mga tsino, dahil naisip ko na
napakababa ang masama sa libingan ng mga tsino, kaya’t itinapon ko na
lamang ito sa lawa, sanay mapatawad niyo po ako ginoo”.
Tagapagsalaysay: Sobrang nasindak at galit na galit si Ibarra ng sinabi ng
sepulturero na itinapon lamang sa lawa ang bangkay ng kaniyang ama,
habang ang matandang utusan ay halos mangiyak na.

Tagapagsalaysay: Ngunit pinigilan na lamang ni Ibarra ang kaniyang galit


sa sepulturero, tumalikod at umalis na para bang walang paki alam sa
matatapakan niya. Sumunod naman ang matandang utusan sa kaniya.

Tagapagsalaysay: Habang sila’y naglalakad ay naka salubong nila ang


isang prayle na si Padre Salvi. Agarang nilapitan ni Ibarra si Padre Salvi at
biglaang hinala ang suot nitong sotana at sinabi,

Ibarra: “Ikaw! Ikaw ba ang nag utos na gawin iyon sa aking ama!”

Matandang utusan: “Señorito kumalma lang po kayo at baka po’y


makasakit pa kayo ng iba”.

Padre Salvi: Hindi ako iyon! Wala akong kinalaman sa nangyari sa iyong
ama, kundi si Padre Damaso, siya ang nag utos na gawin ito. Siya ang
prayle na pinalitan ko”.

Tagapagsalaysay: Pinigilang muli ni Ibarra ang pag kagalit niya sa prayle


at umalis ng may galit at pagkamuhing nararamdamang sa Padre Damaso
na kialala ring Padre Garrote.

Matandang Utusan: “Pag pasensiyahan niyo na po ang Señor dahil sa


nagawa niya sa inyo Padre”.

Padre Salvi: “Ayos lamang iyon at napag patawad ko na siya, dahil


napakabigat ng nangyayari sa kanya ngayon”.

Tagapagsalaysay: Umuwi na lamang si Ibarra patungo sa kanilang


tahanan ng may roong magkahalong emosyong nararamdaman.
Emosyong pagkalungkot, pagkamuhi at galit.

-WAKAS-

You might also like