You are on page 1of 1

ting si Ibarra sa libingan at hinanap ang puntod ng ama - si Don Rafael.

Kasama niya ang isang


matandang utusan niya. Sinabi ng matanda kay Ibarra, na si Kapitan Tiyago ang nagpagawa ng nitso ni
Don Rafael. Ito anya ay tinaniman niya ng mga bulaklak ng Adelpa at Sampaga at nilagyan ng krus.

Nakita nina Ibarra at matanda ang sepulturero. Sinabi nila ang palatandaan ng libingan ni Don Rafael.
Tumango ang tagapaglibing. Pero, nasindak si Ibarra ng ipagtapat ng sepulturero na kanyang sinunog ang
krus at itinapon naman ang bangkay sa lawa dahil sa utos ni Padre Garrote. Higit umanong mabuti na
mapatapon ang bangkay sa lawa kaysa makasama pa ito sa libingan ng mga Intsik.

Parang pinagtakluban ng langit at lupa si Ibarra. Nasindak siya ng husto. Ang matanda naman ay
napaiyak sa kanyang narinig. Parang baliw na nilisan ni Ibarra ang kausap hanggang sa makasalubong
niya si Pari Salvi na nakabaston na may puluhang garing.

Kaagad na dinaluhong ni Ibarra si Pari Salvi. Bakas sa mukha ni Ibarra ang nagalalatang na poot at galit sa
dibdib. Nararamdaman iyon ni Pari Salvi. Tinanong ni Ibarra si Pari Salvi kung bakit nagawa nila ang
malaking kalapastangan sa kanyang ama. Sumagot si Pari Salvi na hindi siya ang may kagagawan niyon
kundi si Padre Damaso na tinawag na Padre Garrote.

You might also like