You are on page 1of 7

Pintor ng imahe/Kredito: Lumi (check

out their amazing art on Facebook)


marahas - tigib ng dahas; agresibo
nauupos - nanghihina
nagtitimpi - nagpipigil
nagbabanta - nagbibigay ng hudyat
tinutop - tinakpan o hinawakan ang noo
tugon - sagot; pahayag ng bilang ng reaksiyon sa pahayag ng ibang tao
sawimpalad - hindi maganda ang buhay o inabot ng masamang karanasan
unos - sigwa; bagyo
Malalaman sa kabanata kung paano
ipinagdiriwang ng mga taga-San Diego ang
Todos Los Santos. Hindi magkamayaw ang
mga tao sa sementeryo. May mga taong
naghahanap ng puntod ng kanilang mahal sa
buhay, may nakaluhod, at kabi-kabila ay
maririnig ang ingay ng mga nagdarasal sa
isang bahagi ng sementeryo ay masasaksihan
ang dalawang lalaking tagapaglibing na nag-
uusap hinggil sa bangkay na hinukay ng isa sa
kanila na dalawampung araw pa lamang ang
nakalilipas. Ayon sa humukay nito, ito ay
kanyang ginawa bilang pagtugon lamang sa
utos ng kurang malaki na ilipat ang nasabing
bangkay sa sementeryo ng mga Intsik.
Nagtungo si Ibarra sa sinasabing libingan ng
amang si Don Rafael kasama ang isang
matandang utusan. Sinabi ng matanda kay
Ibarra na nagpagawa ng nitso si Kapitan
Tyago para sa kanyang ama. Dagdag pa ng
matanda, nagtanim daw siya ng bulaklak ng
adelpa at sampaga at nilagyan ng krus.

Nakita ni Ibarra ang sepulturero at tinanong


kung nasaan ang puntod. Agad na naalala ng
sepulturero ang tinutukoy nila Ibarra.
Gayunman, sinabi ng tagapaglibing sa dalawa
na wala na ang labi ni Don Rafael sa lawa sa
pagsunod sa utos ni Padre Garrote.

Adelpa Sampaga
Umalis siya sa libingan at nakasalubong si Padre Salvi, tangan ang kaniyang baston.
Bagaman hindi niya pa nakilala ang pari kailanman, kinompronta niya ito at tinanong
kung bakit ito nagawa sa ama. Bakas sa mukha ni Ibarra ang poot at galit sa dibdib.

Takot na sumagot si Padre at sinabing nagkakamali si Ibarra. Itinuro niya ang kapuwa
prayle na si Padre Damaso. Natauhan si Ibarra at agad na nilisan ang kausap na pari
kahit hindi pa ito humihingi ng kapatawaran sa napagbintangang si Padre Salvi.
#5

• Kaninong puntod ang


hinanap ni Crisostomo Ibarra
sa libingan?
• Anong mga bulaklak ang
itinanim ng matanda?
Pumunta si Ibarra sa sinasabing libingan ng amang si Don
Rafael kasama ang isang matandang utusan. Sinabi ng matanda
kay Ibarra na nagpagawa ng nitso si Kapitan Tyago para sa
kanyang ama. Kahit alam ng sepulturero, sinabi ng
tagapaglibing sa dalawa na sinunog niya ang krus at itinapon
naman ang mga labi ni Don Rafael sa lawa alinsunod sa utos ni
Padre Garrote. Umalis siya sa libingan at nakasalubong si Padre
Salvi. Bagaman hindi niya pa nakilala ang pari kailanman,
kinompronta niya ito at tinanong kung bakit nilapastangan ang
ama. Takot na sumagot si Padre at sinabing nagkakamali si
Ibarra. Itinuro niya ang kapuwa prayle na si Padre Damaso.

You might also like