Professional Documents
Culture Documents
Kabanata 13
Kabanata 13
Nagtungo si Ibarra sa sementaryo ng San Diego kasama ang kanilang matandang katiwala upang hanapin
ang puntod ng kanyang ama na si Don Rafael.
Ayon sa katiwala, kanyang tinaniman ng mga bulaklak ng adelpa at sampaga ang libingan ng ama ng
binata.
Sa daan ay nasalubong nila ang sepulturero at tinanong nila rito kung saan naroroon ang libingan ng
kanyang ama.
Ikinasindak ni Ibarra ang ipinagtapat ng sepulturero. Ayon dito, itinapon nila ang bangkay ng kanyang
ama sa lawa dahil sa kabigatan nito at hindi na nailibing sa libingan ng mga Intsik. Dagdag pa ng
sepulturero, ang utos na kanyang sinunod ay galing sa kura paroko.
Napaiyak na lamang ang matandang katiwala sa mga narinig. Matinding galit at poot naman ang
naramdaman ni Ibarra kaya iniwan nito ang kausap.
Nang makasalubong niya si Padre Salvi ay humingi siya ng paliwanag dito kung bakit nagawa nitong
lapastanganin ang bangkay ng kanyang ama.
Nalaman naman ni Ibarra sa bandang huli na si Padre Damaso pala ang may kagagawan ng lahat ng iyon.
Talasalitaan
Alintana – pansin
Baliw – wala sa sarili o wala sa tamang pag-iisip
Binagtas– dinaanan
Dinaluhong – sabay-sabay na hinahanap
Halimuyak – kabanguhan
Ipinaanod – ipinatangay
Matindi – malubha
Nangangatal – nanginginig
Nanghahagupit – namamalo
Nanlilisik – nagagalit
Naparalitiko – nawalan ng pakiramdam
Nasindak – natakot
Nitso – libingan o puntod
Padre Garote – paring nagpaparusa
Rumaragasa – mabilis
Sigwa – unos
Sumulyap – tumingin
Tinalunton – sinundan