You are on page 1of 10

ANG BUOD

NG
NOLI ME TANGERE
 
Isang malaking pagdiriwang ang inihandog ni Kapitan Tiyago sa
kaniyang tahanan sa Kalye Anloague sa karangalan ni Juan Crisostomo
Ibarra na nagbalik sa Pilipinas mula sa Europa matapos ang pitong taong
pagpapadalubhasa. Si Ibarra ay kaisa-isang anak ni Don Rafael Ibarra at
kasintahan ni Maria Clara.
Naging diwa at paksa ng usapan sa hapunang yaon ang pag-aaral at
mga karanasan ni Ibarra sa ibang bansa. Ikinasaya ng mga panauhin ang
mga isinasalaysay ni Ibarra, maliban kay Padre Damaso, na
naghihimagsik ang kalooban dahil sa ang natapat sa kanya ay ang leeg at
matigas na pakpak na manok ng tinola. Pagkatapos ng hapunan,
nagpaumanhin ang binata at mahinahong nagpaalam upang di umano'y
may mahalagang bagay siyang aayusin at tatapusin.
Habang papauwi si Ibarra sa Hotel na kaniyang tutuluyan, sumabay
sa kaniya si Tenyente Guevarra na di-nakatiis na di maisalaysay sa
binata ang tungkol sa kamatayan ng ama sa San Diego. Ayon sa
Tenyente, si Don Rafael ay isang matapang na lalaki, na
ipinagtanggol ang isang bata sa kapaslangan ng isang walang
pinag-aralang kolektor na Kastila. Kaniyang naitulak ito at
namatay na siyang naging sanhi ng kaniyang pagkabilanggo. Dito
sa bilangguan inabot siya ng kamatayan. Sa libingan ng mga
Kristiyano siya inilibing subalit ang kaniyang bangkay ay
ipinahukay ng kaniyang kalaban. Nagpasalamat si Ibarra sa
Tenyente at ipinanata sa kaniyang sarili na paghahanapin niya ang
katotohanan hinggil sa kamatayan ng kaniyang yumaong ama.
Kinabukasan, matapos dalawin ang katipan, si Ibarra ay nagtuloy
sa San Diego upang dalawin ang libingan ng ama pagkat noon ay
araw ng mga banal. Doon niya natuklasan sa sepulturero na ang
bangkay ni Don Rafael ay ipinahukay ng pari at ipinalipat sa
libingan ng mga Intsik. Ngunit sa dahil doon ay maulan at lubhang
mabigat ang bangkay, ipinasya niyang itapon na lamang ito sa
lawa.
 
Poot na poot na nilisan ni Ibarra ang libingan at sa kaniyang paglabas
ay nasalubong niya si Padre Salvi, ang kura ng San Diego, na siya
niyang pinagbuhusan ng galit. Ipinagtapat ng pari na wala siyang
kinalaman doon sapagkat noon ay hindi pa siya ang nakatalagang kura
ng San Diego.
Nang isang araw na nagpiknik sila Ibarra kasama ang ilan pang mga
kabataan sa may ilog, nakakita sila ng buwaya na buong tapang na
kinalaban ni Elias. Ngunit nang unti-unti na siyang ginagapi ng
buwaya ay iniligtas siya ni Ibarra sa kamatayan. Nang matapos iyon at
naglalaro na sila sa pampang ay may dumating namang mga
guwardiya sibil upang dakpin si Elias ngunit nakatakas ito.
Kinabukasan, sinadya ni Ibarra si Pilosopo Tasyo upang isangguni ang
panukalang magpatayo ng paaralan na kaniyang ihahandog sa mga
taga-San Diego. Sinabi ng pilosopo na walang kahihinatnan ang
proyektong ito at pasinayaan na.
Bago magsimula ang pagbabasbas ng paaralan at binalaan ni Elias na
mag-ingat si Ibarra upang tumupad ng kaniyang bahagi sa seremonya
ng pagbabasbas, umugong sa kapaligiran sapagkat ang kalo, ang
unang batong panulukan ng bahay paaralang ito ay biglang bumagsak.
Mabilis siyang naitulak ni Elias at sa halip ang taong dilaw ang siyang
nabagsakan.
Pagkatapos ng pagdiriwang at pagbabasbas, nagkaroon ng salu-salo sa
ilalim ng kiosko. Sa pagkakataong ito ay hinamak ni Padre Damaso ang
gunita ng ama ni Ibarra; hindi natagalan ni Ibarra ang ganitong
paghamak kaya't siniil ng binata ang pari, at sa pamamagitan ng isang
kutsilyong nakuha sa hapag-kainan ay halos baliw nang tatarakan si
Padre Damaso kung hindi namagitan si Maria Clara.

You might also like