You are on page 1of 4

Sa Gubat

Script: Kabanata 24

Narrator: Maagang-maagang nag misa si Padre Salvi at Nilinis sa ilang sandali ang sandosenang
maruming kaluluwa.

At hindi niya ito ugali. Waring pagkatapos basahin ang ilang liham, na dumating na selyadong
mabuti at lakrada.

Nawalan ng ganang kumain ang marangal na kura sapagkat napabayaang ganap na lumamig ang
tsokolate.

Kusinero: May sakit ang padre. (Habang inihahanda ang isa pang tasa.) Ilang araw nang hindi
makakain. Sa anim na putaheng ihain ko'y dalawa ang hindi nagagalaw.

Katulong: Hindi kasi makatulog ng mabuti. Binabangungot siya mula nang lumipat ng silid tulugan.
Nanlalalim ang kanyang mga mata, namamayat araw-araw at naninilaw.

Narrator: Totoo ngang kaawa-awang tingnan si Padre Salvi. Ni hindi nais galawin ang ikalawang
tasa ng tsokolate ni tumikim ng olhadres mulang Cebu.

Naninimdin na palakad-lakad sa maluwang na sala, nanlalamukos sa kaniyang mga butuhang kamay


ang ilang liham na maya't mayang binabasa.

Sa wakas, ipinatawag ang kaniyang karwahe, nag-ayos at nag-utos na ihatid siya sa gubat na
kinaroroonan ng kinatatakutang punong kahoy at pinagdarausan ngayon ng pagdiriwang.

Pagsapit sa pook, pinaalis ni Padre Salvi ang kaniyang sasakyan at mag-isang pumasok sa gubat.
Isang mapanglaw na landas ang naghihirap na sumuot sa dawag, patungo sa batis na daluyan ng ilang
mainit na bukal katulad ng maraming nasa paanan ng Makiling.
Matagal-tagal siyang naglakad sa pagitan ng masisingsing baging, umiwas sa mga tinik na kumakapit
Hindi nagtagal ay nakarinig siya ng mga tinig.

Nagtago siya sa mga puno at kawayanan. Nakita niya ang mga dalaga na naglalakad. Pinigil na
lamang niya ang kaniyang sarili na sundan ang mga dalaga at sa halip ay hinanap na lang ang mga
lalaki.

Nakita niya ang mga lalaki na naghahanda para sa maliit na pagsasalo-salo. Aalis na sana siya ngunit
nakita siya ng isang alperes.

ENT; ALPERES (Sa Gubat)

ALPERES: Napaano kayo Padre?

PADRE SALVI: Nawawala yata ako.

ALPERES: Halina po kayo, sumama na lamang kayo sa salo-salo na ihinanda ni Maria Clara at
Ibarra.

EXT; ALPERES, PADRE SALVI

NARRATOR: Sumama nga si Padre Salvi sa alperes upang makisalo kina Maria Clara, Ibarra, at
Victoria. Sa kanilang munting handa, hindi naiwasan ni Padre Salvi na magkwento patungkol sa
nangyari kay Padre Damaso.

PADRE SALVI: Alam ba ninyo kung sino ang nanakit kay Padre Damaso?

ALPERES: Sino ang pinaghihinalaan, Padre?

PADRE SALVI: Siya ring naghagis sa iyo sa putik!


ENT; SISA

IBARRA: Nariyan ka pala Sisa, halina’t sumama ka muna sa amin para makapagmeryenda ka.

SISA: (tatakbo palayo na parang natatakot)

EXT; SISA

NARRATOR: Nang malaman ni Crisostomo Ibarra na iyon ay sisa, agad siyang nag-utos sa
kaniyang utusan.

IBARRA: Hanapin ang babaeng iyan! Naipangako kong hahanapin ang mga anak niya.

EXT; UTUSAN

(Bumalik ang utusan)

ENT; UTUSAN

UTUSAN: Hindi ko na naabutan si Sisa, Takot na takot and babae, at napaka-bilis ng takbo
nito.
NARRATOR: Matapos ang pangyayari, nagpatuloy sa pag-lalaro ang mga Kabataan, mayroon
rin silang larong tinatawag na “Gulo ng Kapalaran” , gumagamit sila ng libro para sa larong
libro ng kapalaran. At nang makita ito ni Padre Salvi, ito ay kaniyang pinunit.

PADRE SALVI: Isang malaking kasalanan ang paglalaro nito.

(Nang mangyari iyon, nagalit ang ibang pang mga Kabataan.)

KABATAAN: Higit rin na makasalan ang makialam sa ari ng iba, lalo na’t walang pahintulot.
Ang inyong ginawa’y isang pag-iimbot at labag sa batas ng Diyos at ng tao.
Narrator: (Lumayo ang kura matapos nitong makipag usap kay Ibarra at ito’y sumakay sa
kaniyang sasakyan at umalis.) Hindi pa man nakakalayo ang kura, dumating naman ang Apat
ng Guwardya Sibil.

GUWARDYA: Alam mo ba kung nasaan si Elias?

IBARRA: Matagal ko na siyang hindi nakikita.

GUWARDYA: Si Elias ang inyong piloto kaninang umaga. Siya’y masamang tao, pagkat
nagbuhat ng kamay sa isang pari….

GUWARDYA: Bali-balita sa buong bayan na kinupkop mo si Elias. Hindi kaya’t itinatago mo


lamang siya?

IBARRA: Sa tingin ko ay wala na kayong pakialam sa mga kung sinong ipinapatuloy ko sa


aking bahay.
GUWARDYA: Bueno. Magpapatuloy pa rin kami ng paghahanap kay Elias. Maraming
salamat Ibarra. (Pagtatapos ng Kabanata 24)

You might also like