You are on page 1of 28

kabanata 24

SA KAGUBATAN
Tauha
M GA

n
Padre Salvi
kurang pumalit kay
Padre Damaso,
nagkaroon ng lihim
na pagtatangi kay
Maria Clara
Maria C
lara
mayuming
kasintahan ni
Crisostomo, mutya
ng San Diego
Alpere
s
matalik na kaagaw ng
kura sa kapangyarihan
sa San Diego
Crisostomo Ibarra
binatang nag-aral sa Europa;
nangarap na makapagpatayo
ng paaralan upang matiyak ang
magandang kinabukasan ng
mga kabataan ng San Diego
Leon
kasintahan ni Iday
Sisa
Isang masintahing ina na ang
tanging kasalanan ay ang
pagkakaroon ng asawang pabaya
at malupit
E lias

bangkero at magsasakang tumulong


kay Ibarra para makilala ang
kanyang bayan at ang mga suliranin
nito
Buod
AN G
Pagkatapos na makapagmisa ng maaga si
Pari Salvi, siya ay nagtuloy sa kumbento
upang kumain ng almusal. May inabot na
sulat ang kanyang kawaksi. Binasa niya ito.
Kapagdaka’y nilamutak ang liham at hindi
na nag-almusal. Ipinahanda niya ang
kanyang karwahe at nagpahatid sa piknikan.
Sa may di–kalayuan, pinahinto niya ang karwahe.
Pinabalik niya sa kumbento. Namaybay siya sa mga
latian hanggang sa maulinigan niya si Maria Clara,
Victoria at Sinang na naghahanap ng mahiwagang pugad
ng gansa.
Tuwang-tuwa si Pari Salvi sa panonood sa papalayong
mga dalaga. Nais niyang sundan ang mga ito. Pero,
ipinasya niyang hanapin na lamang ang mga kasama nito.
Nang punahin ng mga kasama nito tungkol sa sa kanyang
galos, sinabi niyang siya ay naligaw.
Pagkaraang makapananghali, napag-usapan nina Padre
Salvi ang taong tumatampalasan kay Padre Damaso na
naging dahilan ng pagkakasakit nito. Kamala-mala,
dumating si Sisa. Nakita siya ni Ibarra, kaya kaagad na
iniutos na pakainin ito. Ngunit, mabilis na tumalilis si Sisa.

Napunta ang usapan sa pagkawala nina Crispin at Basilio,


mga sakristan ni Pari Salvi. Naging maigting ang pagtatalo
nina Pari Salvi at Don Filipo sapagkat sinabi ng Don na
higit pang mahalaga sa Kura ang paghahanap sa
nawawalang onsa kaysa sa kanyang dalawang sakristan.
Namagitan na si Ibarra sapagkat magpapangana na ang
dalawa. Sinabi niya sa mga kaharap na siya na ang
kukupkup kay Sisa. Kadagdaka’y nakiumpok na si Ibarra
sa mga nagsisipaglarong binata at dalaga na naglalaro ng
Gulong ng Kapalaran. Nagtanong si Ibarra kung
magtatagumpay siya sa kanyang balak. Inihagis niya ang
dais at binasa siya ang sagot na tumama sa: “Ang
pangarap ay mananatiling pangarap na lamang.”
Ipinihayag niyang nagsisinungaling ang aklat ng Gulong
ng Kapalaran.
Mula sa kanyang bulsa, inilabas niya ang isang
kapirasong sulat na nagsasaad na pinatibay na
ang kanyang balak na magtayo ng bahay-
paaralan. Hinati ni Ibarra ang sulat, ang
kalahati ay ibinigay kay Maria Clara at ang
natitirang kalahati ay kay Sinang na nagtamo ng
pinakamasamang sagot sa kanilang paglalaro.
At iniwanan na ni Ibarra sa paglalaro ang mga
kaibigan.
Dumating si Pari Salvi. Walang sabi-sabing hinablot
ang aklat at pinagpunit-punit ito. Malaking kasalanan,
anya ang maniwala sa aklat sapagkat ang mga nilalaman
nito’y pawang kasinungalingan. Nainip si Albino at
sinabihan ang Kura na higit na malaking kasalanan ang
pangahasan ang hindi kanya at walang pahintulot sa
pagmamay-ari nito. Hindi na tumugon ang Kura at sa
halip ay biglang tinalikuran ang magkakaibigan at
nagbalik na ito sa kumbento.
Dumating naman ang apat na Sibil at ang Sarhento.
Hinahanap nila si Elias na siya umanong tumampalasan
kay Padre Damaso. Inusig nila si Ibarra dahil sa pag-
aanyaya at pagkupkop sa masamang tao. Pero, tinugon
sila ni Ibarra sa pagsasabing walang sinuman ang
maaring makialam sa mga taong kanyang inaanyayahan
sa piging kahit na sinuman ang mga taong ito.
Ginalugad ng mga Sibil at Sarhento ang gubat upang
hanapin si Elias na umano’y nagtapon din sa labak sa
Alperes. Ni bakas ni Elias ay wala silang nakita.
Nagpasyang umalis na sa gubat ang
mga dalaga at binata ng unti-unting
lumalaganap ang dilim sa paligid.
Magtatakipsilim na.
Talasali
AN G

taan
nakiumpok
nakiupo
takipsilim
panahon pagkatapos
lumubog
ang araw at
nagsisimula nang dumilim
magpapangana
nagkakasakit
an
kawaksi
kasundo
tumalilis
mabilis na umalis
nilamutak
nilamas
kabanata 24
ang kagubatan

MGA
KATANUNGAN?
ANG

Aral
salamat sa
PAKIKINIG

You might also like