You are on page 1of 3

Buod ng Noli Me Tangere

Si Crisostomo Ibarra ay isang binatang Pilipino na pinag aral ng kanya ng ama sa Europa. Pagkatapos ng
pitong tanong pamamalagi roon ay nagbalik ito sa Pilipinas. Dahil sa kanya ng pagdating ay naghandog si
Kapitan Tiyago ng isang salo-salo kung saan ito ay dinaluhan nina Padre Damaso, Padre Sibyla, Tinyente
Guevarra, Donya Victoria at ilang matataas na tao sa lipunanag kastila.

Sa hapunang iyon ay hiniya ni Padre Damaso na siyang dating kura ng San Diego si Ibarra ngunit ito’y
hindi na laman niya pinansin at magalang na nag paalam sa pagdadahilanang may mahalagang lalakarin.

Si Ibarra ay kasintahan ni Maria Clara. Si Maria Clara naman ay kilala bilang anak-anakan ni Kapitan
Tiyago, isang mayamang taga-Binundok na ngayon ay Binondo.

Ang binata ay dumalaw sa dalaga kinabukasan at sa kanila ng paglalambingan ay di nakaligtaang gunitain


ang kanilang pagmamahalan simula pa sa kanilang pagkabata. Binasang muli ni Maria Clara ang mga
liham ni Ibarra sa kanya bago pa man ito mag aral sa Europa.

Bago tumungo si Ibarra sa San Diego ay ipinagtapat sa kanya ni Tinyente Guevarra ng Guardia Sibil ang
tungkol sa pagkamatay ng kanyang amang si Don Rafael, ang mayamang asendero sa bayang yaon.

Ayon sa Tinyente, si Don Rafael ay pinaratangan ni Padre Damasco, na Erehe ( kalaban ng simbahan o
isang taong di sumusunod sa mga utos ng simbahan) Ito ay gawa umano ng hindi nito pagsisimba at
pangungumpisal. Pinaratangan din siyang Pilibustero ( Kalaban ng Pamahalaan o Gobyerno).

Nadagdagan pa ng isang pangyayari ang paratang ito. Minsan ay may nakita si Don Rafael na isang
maniningil ng buwis na nakaaway ng isang batang mag aaral kaya tinulungan ang bata. Nagalit ang
kubrador at sila ang naglaban ni Don Rafael. Sa kasamang palad ay tumama ang ulo ng maniningil na
kastila sa isang bato na sanhi ng kanyang pagkamatay. Ibinintang ang pagkamatay na ito kay Don Rafael.

Pinag using siya, nagsulputan ang kanyang mga lihim na ka away at nag harap ng iba-ibang sakdal. Siya
ay nabilanggo at ng malapit nang malutas ang usapin ay nagkasakit siya at namatay sa bilangguan.

Di pa rin nasiyahan si Padre Damasco sa pangyayaring iyon. Inutusan niya ang tagapaglibing na hukayin
ang bangkay ni Don Rafael sa kinalilibingan nitong sementeryo para sa katoliko at ibaon sa libingan ng
mga intsik.

Dahil umuulan noon at sa kabigatan ng bangkay ay nagpasa ang tagapaglibing na itapon na lamang ito sa
lawa.

Hindi binalak ni Ibarra ang maghiganti sa ginawang kabuktutang ito ni Padre Damaso at sa halip ay
ipinagpatuloy ang balak ng kanyang ama na makapagpatayo ng paaralan.

Sa pagdiriwang ng paglalagay ng unang bato ng paaralan ay kamuntik nang mamatay si Ibarra Kung hindi
lamang siya nailigtas ni Elias. Sa paglapak ng bato habang ito’y inihuhugos ay hindi si Ibarra ang nasawi
kundi ang taong binayaran ng lihim na kaaway na si Ibarra.

Sa pananghaliang inihandog ni Ibarra pagtapos ng pagbabasbas ay muli siyang pinasaringan ni Padre


Damaso. Hindi na niya sana papansinin subalit nang hamakin ang alaala ng kanyang ama ay hindi na siya
nakapagpigil at tinangkang saksakin ang pari. Salamat na lamang at napigilan ito ni Maria Clara.
Dahil sa pangyayaring ito ay itiniwalag o inekskomunyon si Ibarra ng Arsobispo ng simbahang Katoliko
Romano. Sinamantala ito ni Padre Damaso upang utusan si Kapitan Tiyago na sirain ang kasunduan sa
pagpapakasal nina Ibarra at Maria Clara. Nais ng pari na ang mapapangasawa ng dalaga ay si Linares na
isang binatang kastila na bagong dating sa Pilipinas.

Dahil sa pagkasindak sa gumuhong bato noong araw ng pagdiriwang. Si Maria Clara ay nagkasakit nang
malubha. Sa ipinadalang gamot ni Ibarra na siya namang ipinainom ni Sinang ay gumaling naman ito
agad.

Sa tulong ng Kapitan Heneral ay napawalang bisa ang pagkaekskomunyon ni Ibarra at ipanasaya ng


arsobispo na muli siyang tanggapin sa simbahang katoliko

Nagkataon namang sinalakay ng mga taong pinag uusig ang kwartel ng sibil at ang pinagbibintangang
may kagagawan ay si Ibarra kaya siya ay muling dinakip at ibinalinggo. Wala talagang kinalaman dito si
Ibarra sapagkat ng kausapin siya ni Elias upang pamunuan ang mga pinag uusig ay tahasan siyang
tumanggi at sinabing kailanman ay hindi siya maaring mamuno sa mga taong kumakatawan sa bayan

Napawalang bisa ang bintang kay Ibarra sapagkat sa paglilitis na ginwa ay walang sino mang
makapagsabi na siya ay kasabwat sa kaguluhang naganap.

Subalit ang sulat niya kay Maria Clara na napasakamay ng hukuman ang ginawang sangkapan upang siya
ay mapahamak

Nagkaroon ng handaan sa bahay nina Kapitan Tiyago upang ipahayag ang kasunduan sa pagpapakasal ni
Maria Clara kay Linares at samantalang nagaganap ito ay nakatakas si Ibarra sa bilangguan sa tulong ni
Elias.

Bago tuluyang tumakas ay nagkaroon ng pagkakataon si Ibarra makausap ng lihim si Maria Clara. Aniya’y
ipinagkaloob na niya rito ang kalayaan at sana’y lumigaya siya at matahimik na ang kalooban

Ipinaliwanag ni Maria Clara na ang liham na kanyang iniingatan at siyang ginamit sa hukuman ay nakuha
sa kanya sa pamamagitan ng pagbabanta at pananakot. Ipinalit sa mga liham na ito ang dalawang liham
na isinulat ng kanyang ina bago pa siya ipinanganak na nakuha ni Padre Salvi sa kumbento at dito
nakasaad na ang tunay na ama ni maria clara ay si Padre Damaso

Sinabi niya kay Ibarra na kaya siya ipapakasal kay Linares ay upang ipagtanggol ang karangalan ng
kanyang ina subalit ang pag ibig niya sa binata ay hindi magbabago kailanman

Samantala, tumakas na si Ibarra sa tulong ni Elias. Sumakay sila ng bangka. Pinahiga si Ibarra at
tinabunan ng damo at pagkatapos ay tinunton ang ilog pasig hanggang makarating sa Lawa ng Bay.

Naabutan sila ng mga tumutugis sa kanila. Inisip ni Elias na iligaw ang mga ito kaya naisipan niyang
lumundag sa tubig kung saan inakala nilang si Ibarra ang tumalon kaya hinabol at pinaputukan siya ng
mga sibil hanggang mahawi ang bakas ng pagkakalangoy at magkulay dugo ang tubig

Nakarating sa kaalaman ni Maria Clara na si Ibarra ay napatay ng mga sibil sa kanyang pagtakas. Ang
dalaga ay nalungkot at nawalan ng pag asa kaya’t hiniling niya kay Padre Damaso na siya ay ipasok sa
kumbento ng Santa Clara upang magmadre. Napilitang pumayag ang pari sapagkat sinabi ng dalaga na
siya ay magpapakamatay kapag hindi nagmadre
Noche Buena nang makarating si Elias sa maalamat na gubat ng mga Ibarra, sugatan at naghihina na.
Doon niya napagtagpo si Basilio at ina nitong wala nang buhay

Bago siya nalagutan ng hininga ay sinabing namatay siyang hindi nakikita ang pagbubukang liwayway ng
kanyang bayan at sa makikita ay huwag sanang kalilimutan ang mga nangamatay dahil sa pagtatangol sa
bayan

You might also like