You are on page 1of 18

Hiling

Mula sa Kabanata 22-24 ng Noli Me Tangere ni Jose Rizal

Synopsis: Ang mga kabanatang ito ay tungkol sa salu-salo na


pinangunahan ni Ibarra at dinaluhan ng kanyang mga kaibigan
at mga taong may posisyon sa gobyerno’t simbahan. Pinapakita
din sa mga kabanatang ito ang mga planong gawin ng mga iba’t
ibang karakter sa mga susunod na kabanata ng Noli Me Tangere
pati narin ang mga nangdaang nangyari bago pa ang mga
kabanatang 22-24.

Mga Karakter
Padre Salvi: Siya’y madalas na tumigil pag nagmimisa, hindi
nakikipaghalubilo sa iba tulad ng dati, at lalong namayat at
nalungkot.

Pedro: Namomroblema dahil sa mga nangyayari sa kanyang


pamilya.

Maria Clara: Siya’y masaya dahil ang kanyang matagal na hiling


ay matutupad na ngunit hindi maiwasang mag-alala sa
kinabukasan ni Ibarra.

Crisostomo Ibarra: Mayroong lohikal at praktikal nap ag-iisip


sapagkat hindi niya sinayang ang pagkakataong makapag tanong
sa Gulong ng Kapalaran. Siya rin ay hindi naniniwalang sa
kung ano ang sinasabi ng iba basta’t alam niya na tama siya.

Elias: Siya’y mapusok, tahimik, mabait, at hindi nag-


aalinlangang tumulong sa iba.

Sisa: May apat na araw ng nasisiraan ng isip dahil sa


pagkatakot sa dinaranas na kahirapan.

Hiling
*Esybel Baguinon at Margaret Maligaya
Nasa Paris si Jose Rizal at nasakalahati na siya ng pagsusulat
ng kanyang nobela na pinamagatang Noli Me Tangere.

LIGHTS ON
Maria Clara: Sa tinagal-tagal naming hindi nagkita, nais ko
sana’y makapiling muli nang matagal ang akin
sinisinta. Gawan mo ng paraan para kami’y
magsama! Gusto ko sana naglalakbay kami sa lawa
sakay ng bangka. Magiging sobrang romantiko
nun!

Ibarra: Dahil sa nangyari sa aking ama, bigyan mo naman


ako ng dahilan upang sumaya! Gusto ko namang
maramdaman maging maligaya kahit pansamantala
lang! Bigyan mo din ako ng ideya kung ano
mangyayari sa akin! Kakadating ko lang sa San
Diego eh!

Padre Salvi: Nanggigigil talaga ako sa Alperes na iyan! Kung


umasta akala mo kung sino! Bigyan mo ako ng
pagkakataong mabalikan siya! Hiling ko din na
masilayan ang ganda ni Maria Clara, kahit
konting panahon lang!

Sisa: Hindi ko parin nakikita mga anak ko! Ibalik mo


na sila sa akin! Pagtagpuin mo din sana ang
landas namin ng Alperes at ng Kura.
Sisiguraduhin kong magbabayad sila sa kanilang
ginawa!

Jose Rizal: (Binaba ang hawak na kape) Sige, simulan na


natin.

LIGHTS OFF

Hiling
*Esybel Baguinon at Margaret Maligaya
Tatlong araw ang nakaraan-tatlong araw at tatlong gabing
iniukol ng San Diego sa paghahanda sa nalalapit na pista ng
bayan. Naging paksa ng salitaan ng mga mamamayan ang pagdating
ni Maria Clara na kasama si Tiya Isabel dahil ang dalaga’y
kanilang kinagigiliwan at hinahangaan dahil sa taglay na
kagandahan. Sa kabilang banda naman ay napapansin na ang
pagbabago kay Padre Salvi. Ayon sa mga kinukumpisal, ang pari
ay madalas tumigil habang nagmimisa, di nakikipagusap sa
kanila gaya ng dati, at lalo namang nalungkot. Nguni’t ang
pinakapinag-uusapan ay ang napansing higit sa dalawang ilaw
ang nagbibigay liwanag pag gabi sa kumbento habang si Padre
Salvi ay nasa pagdalaw sa bahay nina Maria Clara.

Ang bulung-bulungan ay lalong naging maalingasngas nang sa


ikatlong araw ay dumating si Juan Crisostomo Ibarra mula sa
ulumbayan ng lalawigan. Ang binata’y lumabas mula sa isang
karwaheng huminto sa tapat ng bahay ng kasintahang si Maria
Clara matapos batiin sa daan si Padre Salvi na noo’y patungo
rin sa sinabing bahay.

Kung sasadyain natin ang bahay ni Maria Clara, na isang pugad


na napapalibutan ng mga suha at ilang-ilang, matatagpuan ang
dalawang magsing-ibig sa isang bintanang nakaharap sa lawa.
Mga salitang mas malambing pa kaysa sa pagaspas ng mga dahon
at mababango kaysa sa halimuyak ng mga bulaklak ang umaapaw
mula sa kanilang mga labi. Ngunit ating tingnan ang mga huling
pangungusap ng dalawang magkasintahan:

LIGHTS ON
Ibarra: Bukas, bago magbukang-liwayway ay matutupad ang
iyong nais. Ngayong gabi ay ihahanda ko ang
lahat ng kailangan.

Ibarra at Maria Clara: (adlib)


Hiling
*Esybel Baguinon at Margaret Maligaya
Maria Clara: Kung gayo’y susulatan ko ang aking mga kaibigan
upang magsidalo. Sikapin mong huwag nating
makasama ang kura.

Ibarra: At bakit?

Maria Clara: Pagka’t sa aking palagay, ay binabantayan niya


ako. Pag ako’y kanyang kinakausap, may isang
tinig siyang-mga bagay na di karaniwan, di
maunawaan, at lubhang nakakatawa ang
binabanggit sa akin. Itinatanong sa akin minsan
kung di ko raw napapanaginipan ang mga sulat na
galing sa aking ina. Sa palagay ko’y isa siyang
luko-luko. Sikapin mong huwag siyang
maanyayahan!

Ibarra: Hindi maaaring hindi natin siya anyayahan,


ito’y iniuutos ng kaugalian dito sa atin.

Nakarinig sila noon ng mga mahihinang hakbang; ito ay ang


kurang lumalapit na nakangiti nguni pilit.

Ibarra: (Pabulong) Saka, nasa bahay mo pa siya at


mabuti naman ang pakita sa akin.

Padre Salvi: (Nanginginig ang tinig at hindi nakatingin sa


mga kausap) Malamig ang hangin! Ang makakuha
ngayon ng sipon ay di na iniiwan nito hanggang
sa pagdating ng tag-init. Di ba kayo natatakot
magkasipon?

Ibarra: Sa ganang amin po naman, ang gabi’y kaaya-aya


at ang hangin ay napakasarap langhapin! Ang mga
buwang ito’y siyang nagiging taglagas at

Hiling
*Esybel Baguinon at Margaret Maligaya
tagsibol dito sa amin; nalalagas ang ilang
dahon ngunit noon din ay sinisiputan ang mga
sanga ng mga bulaklak.

Padre Salvi: (Buntong hininga)

Ibarra: Hayaan ninyo akong anyayahan kayo sa isang


salu-salo na aming gaganapin bukas. Isang
kasayahang pambukid na inihanda naming
magkakaibigan.

Padre Salvi: At saan ninyo gaganapin?

Ibarra: Ang gusto po ng mga dalaga ay sa batisang nasa


gubat na malapit sa matandang puno ng balete;
kaya’t gigising kami nang maaga para di maabutan
ang init ng araw.

Padre Salvi: (Nag isip muna bago sumagot) Ang inyong


imbitasyo’y nakagaganyak, kaya’t tinatanggap
ko. Ngunit kailangan ko nang mauna dahil may
misa pa ako.(Umalis)

Maria Clara: Bakit mo ginawa yun?

Ibarra: (Umalis)

LIGHTS OFF
LIGHTS ON
Noo’y laganap na ang dilim, nang siya’y nasa daan na, may
lumapit na isang lalaking di niya kilala.

Ibarra: Sino po kayo?

Hiling
*Esybel Baguinon at Margaret Maligaya
Pedro: Di po ninyo ako kilala, Ginoo. Dalawang araw ko
na po kayong inaantay.

Ibarra: At bakit?

Pedro: Pagka’t silang lahat ay di naaawa sa akin,


Ginoo, dahil ako’y tinatawag nilang tulisan.
Nawawala ang aking mga anak, ang asawa ko’y
naging luka-luka. Ang lahat ng tinatawag nila
sakin ay nararapat lang!

Ibarra: (Pinagmasdan ni Ibarra si Pedro) Ano ang gusto


niyo mula sa akin?

Pedro: Hihingi po sana ako ng tulong sa inyo ukol sa


aking dalawang anak at asawa.

Ibarra: Ako’y nagmamadali, kung makasusunod kayo ay


isalaysay ninyo sa akin ang mga nangyari sa
inyo. (Umalis kasama si Pedro)

LIGHTS OFF
LIGHTS ON
Nagniningning pa ang mga bituin sa bughaw na langit.
Nagpapahinga pa ang mga ibon sa mga sanga ng kahoy nang
dumating ang grupo ng binibini at mga magulang nito at
naglakad tungo sa lawa. Ang langkay ng mga dalaga ay ang mga
dilag na sina Maria Clara, si Sinang, si Victoria, si Iday,
at si Neneng. Masayang nag uusap, nagtatawanan, nagbubulugan,
at nagkukurutan ang grup ng kadalagahan.

Mga Dalaga: (Nagtatawanan at nagkukulitan)

Hiling
*Esybel Baguinon at Margaret Maligaya
Tiya Isabel: Gigisingin ninyo ang mga natutulog pa! Noong
kami’y mga dalaga, di kami ganyan!

Mga Dalaga: (Patuloy na nagkulitan)

Tiya Isabel: Wag kayong maingay at nandito na sila!

Mga Binata: (Dumating at lumakad ng hindi umiimik at may


dalang gitara)

Sinang: (Pabulong habang tumatawa) Parang gitara ng


pulubi.

Noong nagkita ang dalawang pangkat, ang mga babae ay tumahimik


at hindi kumikibo na para bang di marunong magsalita ni
gumalaw. Habang ang mga lalaki naman ay bumating nakangiti.

Tiya Isabel: Tahimik ba ang lawa? Nakakasiguro ba kayo na


magiging maayos ang panahon ngayon?

Albino: Huwag kayong mag-alala dahil ako’y marunong


lumangoy!

Noong makarating sila sa lawa, nakita nila ang dalawang


bangkang may magagandang disenyo. Sa isang bangka, naroroon
ang alpa, gitara, ilang kurdiyon, at tambuli habang ang isa
namang bangka ay may mga kalang may gatong na gagamitin para
sa paghahanda ng agahan.

Tiya Isabel: Ang mga babae ay dito, ang mga lalaki sa kabila
kasama namin!

Mga Dalaga: (Nagreklamo)

Hiling
*Esybel Baguinon at Margaret Maligaya
Tiya Isabel: Tumahimik kayo! Wag kayong gumalaw at baka
tayo’y lumubog!

Sinang: Tayo lamang ba ang nandito?

Tiya Isabel: (Kinurot si Sinang)

Sinang: Aray!

Ang mga bangka ay unti-unti nang lumalayo sa baybayin.


Matiwasay at kalmado ang lawa habang sila’y naglalakbay.

Albino: Mag-ingat kayo! Takpan ninyo ang limang butas


Sa bangka ninyo!

Mga Dalaga: (Nagkakagulo) Lulubog tayo!

Tiya Isabel: (Sabi sa mga lalaki) Pumunta na kayo doon at


takpan ang mga butas!

Mga Binata: (Lumipat sa kabilang barko at tumabi sa


nililigawan at tinatakpan ang sinasabing mga butas sa bangka)

Ang umaga ay kaaya-aya at masaya halos ang lahat. Tanging


isang tao-ang nagpapalakad ng bangka- ang noo’y hindi umiimik
at di nagpapakita ng bakas ng tuwa o kasiyahan. Siya’y isang
binatang may matipunong katawan at may kaakit-akit na mukha
dahil sa kanyang mga malalalim na mata at labing may anyong
kapikapitagan. Kung ikampay niya ang malapad niyang sagwang
siya ring ipinang-uugit, ay para lamang isang patpat na
nilalaro sa tubig upang mapalakad ang bangka.

Nagpatuloy silang mamangka hanggang sa madaanan nila ang


baklad ni Kapitan Tiyago na nagsasabing “Iwan Lahat ng Pag
Hiling
*Esybel Baguinon at Margaret Maligaya
asa, Kayong Papasok Dito.” Para di mainip sa paghuli ng isda
sa baklad, nagkatuwaan ang mga nakasakay at naisipang
pakantahin si Maria Clara dahil sa talento nito sa pag awit.

Kaibigan: Kumanta ka naman Maria Clara!

Maria Clara: Lahat ng aking kanta’y malungkot.

Lahat: (Ginalaw ang mga kamay)Hindi bale! Di bale!

Maria Clara: Ang bawat simula ay


Siya ring katapusan
May patutunguhan ba
Ang ating pagsinta
Sa biglang tingin
Kita'y walang kinabukasan
Subalit 'di-malupig ang pag-asa

Ang pagibig natin ay


Walang hanggang paalam
At habang magkalayo
Papalapit pa rin ang puso
Kahit na magkahiwalay
Tayo ay magkasama
Sa magkabilang dulo ng mundo

Unti-unting nawala ang tinig ni Maria Clara. Walang


pumalakpak, lahat at patuloy paring nakikinig. Nakikita sa
gilid ng mga mata ng mga binibini ang mga namumuong luha. Si
Ibarra ay di makapagsalita at ang binatang nagpapalakad ng
bangka ay nakatitig lang sa malayo.

Bigla silang nakarinig ng isang tunog mula sa ilalim ng tubig.

Mga Babae: (Sumisigaw)

Ito lamang pala ay si Albino na nagpatugtog ng tambuli.


Nagtawanan naman ang lahat at nagbalik ang saya at sigla ng
grupo.

Hiling
*Esybel Baguinon at Margaret Maligaya
Mga Kabataan: (Tumatawa)

Naghanda naman ang mga binatang ihulog ang salok sa may baklad
upang makahuli.

Leon: Natitiyak ba ninyong hindi nagalaw ang baklad


na ito sa loob ng limang araw?

Binata: Oo!

Noong inihuhulog na ni Leon ang salok, may nakita siya sa


ilalim ng tubig na ikinagulat niya.

Leon: Buwaya!

Lahat: (Natataranta)Buwaya!

Ang nagpapalakad ng bangka ay biglang kumuha ng lubid at


tumalon sa tubig.

Mga Babae: Susmaryosep! Mapapahamak tayo!

Bangkero: Wag kayong mag-alala. Kung sa ati’y may


magaling humuli ng buwaya ay wala na pong iba
kundi siya.

Gumagalaw ang tubig na para bang hinahalo dahil sa ilalim


nito’y may mistulang labanan. Tumalon naman si Ibarra upang
sundan at tulungan ang piloto. Makalipas ang ilang minuto ay
naging kulay pula ang tubig at nangamba ang lahat. Pero
lumitaw si Ibarra kasama ang piloto na hatak ang buwayang
wala nang buhay.
Hiling
*Esybel Baguinon at Margaret Maligaya
Ibarra: (Inaalalayan ang piloto)

Piloto: (Hatak hatak ang buwaya)

Tinulungan nila ang dalawang binata, binigyan ng tuwalya at


nagpasalamat sa Diyos. Ang tanging di makapagsalita ay si
Maria Clara.

Albino: Siguro yang buwayang yan ay di nagsisimba.


Hindi ko nakita ang buwayang ito na nagsisimba
kasama ng mga kasama niya!

Piloto: Utang ko sayo ang aking buhay!

Ibarra: Mapusok ka! Wag niyong bibiruin ang Diyos!

Maria Clara: (Nangangatal na lumapit kay Ibarra) Kung di ka


na lumitaw…

Ibarra: Kung hindi ako lumitaw ay ako’y sundan mo. Sa


ilalim ng lawa’y makakapiling ko na ang pamilya
ko!

LIGHTS OFF
LIGHTS ON
Lumabas naman sa tinataguan niya si Padre Salvi na pawisan at
puro sugat. Nag alinlangan pa ang kurang sundan ang mga
binabantayan ngunit napagpasya niya na lang na pumunta sa
salu-salo. Sinalubong naman siya ng Alperes.

Alperes: Saan nanggaling ang iyong Reverencia? Anong


nangyari sa inyo? Nadapa ba kayo? Nahulog ba

Hiling
*Esybel Baguinon at Margaret Maligaya
kayo? Maling lugar ba ang napuntahan ninyo?
Anong nangyari sa mahal na kura?

Padre Salvi: (Umiling) Hindi! Hindi! Ako’y naligaw!

Alperes: Kung ganoon ay umupo na tayo at kumain.

Padre Salvi: May alam ba kayo sa pagkakabugbog kay Padre


Damaso?

Alperes: Sino po ang salarin, Padre Salvi?

Isang Kapitan: Binugbog si Padre Damaso?

Padre Salvi: Oo, kung kaya’t siya’y nakahiga ngayon at


nagpapahinga!

Noong naman ay may dumating na babaeng namumutla, payat, may


maduming kasuotan, at di alam kung saan siya nanggaling.

Ibarra: Pakainin niyo ang babaeng iyan.

Di naman nasunod ang kagustuhan ni Ibarra pagka’t pagkakita


ni Sisa sa alperes ay bigla nalang itong tumakbo at tumungo
sa kagubatan.

Ibarra: Hanapin siya. Pinangako kong hahanapin ang mga


anak niya.

Alperes: Sinabi sa akin ni Don Filipo na nawawala ang


dalawang anak ni Sisa. Nawawala po ba ang mga
sakristan niyo, Padre Salvi?

Padre Salvi: (Tumango)


Hiling
*Esybel Baguinon at Margaret Maligaya
Alperes: Nakakapagtaka naman po iyon. Nawalan kayo ng
ilang piso, at dahil doon ginising niyo nang
maaga ang aking sarhento upang hanapin ang
perang nawawala. Ngayon, dalawang sakristan
ninyo ang nawawala at hindi kayo nangangamba?
(Tumawa)

Padre Salvi: Ngunit ako ang may kasalanan sa salapi-

Alperes: (Nagsasalita habang puno ang bibig) Mabuti pong


sagot iyan, tagapagpala ng mga kaluluwa!

Ibarra: Mga Ginoo, nais kong isangguni sa inyo ang isa


kong balak. Ipagagamot ko sa isang mediko ang
nabaliw na babae at sa pamamagitan ng inyong
tulong ay mahahanap ko ang kayang mga anak.

Pagkatapos ng pananghalian ay nag hati hati ang mga panauhin.


May isang grupong naglalaro ng baraha, ang ikalawa nama’y
nag-ahedres; ngunit ang mga dalaga naman ay pinasyang
magtanong sa Gulong ng Kapalaran. Naglaro muna sina Kapitan
Basilio at Ibarra ng ahedres at habang nagyayari ang laro ay
may dumating na pahatid-kawad para kay Ibarra at tinago niya
ito. Nagsasaya naman ang mga binata’t dalaga sa paglalaro ng
Gulong ng Kapalaran. Si Iday ang mga hawak ng karting
kilalilimbagan ng apat-na-put walong tanong habang si Albino
naman ay nag iingat sa aklat ng mga sagot.

Sinang: Kasinungalingan yan diba? Kasinungalingan!

Maria Clara: Anong nangyari?

Sinang: Noong tinanong ko ang Gulong ng Kapalaran kung

Hiling
*Esybel Baguinon at Margaret Maligaya
kailan ako mag kakaisip, sinagot ako ng “Pag
nagka balahibo na ang palaka”. Totoo ba ito?

Albino: (Ngumisi)

Ibarra: (Lumapit) Sino sa inyo ang may pinakamagandang


sagot?

Sinang: Si Maria Clara! Si Maria Clara! Ang tanong


niya’y “Tapat ba at di nagbabago ang kanyang
pag ibig?” at ang sagot naman ay-

Maria Clara: (Tinakpan ang bibig ni Sinang)

Ibarra: Kung ganoon ay ibigay niyo sa akin ang Gulong.


Ang tanong ay “Magtatagumpay ba ako sa aking
binabalak?”

Sinang: Walang saysay na tanong!

Albino: Binasa ang libro) Ang pangarap ay mananatiling


pangarap lamang.

Ibarra: Hindi makatotohanan! Hindi ako naniniwala!

Maria Clara: Ano ang mong sabihin?

Ibarra: (Dinukot ang papel sa bulsa at nangiginig na


binuksan) Balak paaralan pinagtibay, usapin
ninyo pinasiyahang panalo.

Binata: Ano ibig sabihin niyan?

Hiling
*Esybel Baguinon at Margaret Maligaya
Ibarra: Diba sabi niyo na bibigyan ng parangal ang may
pinakamagandang sagot?

Sinang: Oo!

Ibarra: (Hinati ang pahatid-kawad at ibinigay ang


kalahati kay Maria Clara) Magpapatayo ako ng
paaralan para sa mga mamayan ng San Diego. Ang
paaralang ito’y siya kong magiging handog!

Sinang: Eh, para saan ang kalahati?

Ibarra: Para doon sa nakakuha ng pinakapangit na sagot.

Sinang: Eh di akin na yan. (Kinuha ang papel mula ka


Ibarra)

Dumating naman ang mga guwardiya sibil.

Guwardiya Sibil1: Walang kikilos! Babarilin ang kumilos!

Ibarra: (lumapit sa guwardiya Sibil) Ano ang inyong


kailangan?

Guwardiya Sibil1: Ibigay sa amin ang piloto niyo kanina!


Isang siyang salarin na nagngangalang
Elias!

Ibarra: Isang salarin, ang piloto? Nagkakamali ata


kayo.

Guwardiya Sibil2: Hindi po, Ginoo. Ang piloto ay napag


alamang pinagbuhatang ng kamay ang isang
pari. Ang sumbong sa amin, tinatanggap
Hiling
*Esybel Baguinon at Margaret Maligaya
ninyo sa inyong pagpipista ang masasamang
tao, Ginoong Ibarra.

Ibarra: Wala akong tungkuling ipagbigay alam sa


inyo ang aking mga gawain! Sa mga kasayahang
idinaraos naming ay tinatanggap ang lahat at
kung kayo’y napaaga lamang ay aanyayahan din
naming kayong makisalo sa amin gaya ng inyong
alperes na dalawang oras nang nakaalis.
(tinalikuran ang mga guwardiya)

Guwardiya Sibil: (Hinanap ang piloto ngunit umalis din dahil


hindi makita)

Natapos ang kasiyahan sa mga oras ng takipsilim. Nilisan ang


gubat ng mga dalaga, binata, mga magulang, at kanilang nga
panauhin.

LIGHTS OFF
LIGHTS ON

Maria Clara: Ikaw! Nananadya ka ba? Sinabi ko na bigyan mo


kami ng oras magkasama pero nagsama ka ng iba!
“Date” pa ba iyon? Halos mamatay ako sa kaba
noong pinatalon mo si Ibarra! Muntikan na akong
mawalan ng sinta!

Ibarra: Medyo nagawan mo ng paraan upang pakiramdam ko


ay gumaan. Pero bakit? Bakit mo ko pinatalon?
Plano mo ba talagang patayin ako? Bibigyan mo
na nga lang ako ng kaibigan, kriminal pa! Dagdag
lang sa problema ko yun eh!

Hiling
*Esybel Baguinon at Margaret Maligaya
Padre Salvi: Nakita ko nga si Maria Clara pero parang mas
napahamak pa ako dahil doon! Nagamit pa tuloy
ng Alperes iyon para ako’y inisin! Sa dinami
dami ng pwedeng paraan, bakit yoon pa yung
napili mo?

Sisa: Pinagtagpo mo nga ang mga landas namin pero


pinatakbo mo ako palayo sa kanila! Hindi ko
tuloy sila nagantihan o nakausap man lang! At
hanggang ngayon, wala parin ang aking mga anak!

Ibarra: Hiling ko na bawasan ang aking problema pero


dinagdagan mo!

Maria Clara: Sinama mo pa ang kura sa dapat “date” namin ni


Ibarra! Nananadya ka ba? Kulang nalang buong
San Diego isama mo sa salu-salo na dapat para
lang sa aming dalawa!

Sisa: Nasaan na ang aking mga anak! Mababaliw na


talaga ako sayo!

Padre Salvi: Sa pinagawa mo sa akin, napasama pa tuloy ako!


Hiling ko na mabalikan ko ang Alperes pero
baliktad ang nagyari!

Lahat(maliban si Rizal): (Sinisigawan si Rizal)

BLACKOUT

Hiling
*Esybel Baguinon at Margaret Maligaya
Hiling
*Esybel Baguinon at Margaret Maligaya

You might also like