You are on page 1of 6

ALAMAT NG PUSA AT ANG DAGA

Hindi dating magkagalit ang pusa at ang daga noong araw. Magiliw silang nagbabatian pag silay
nagkakasalubong. Hindi gaya ngayon na hinahabol ng pusa ang daga pag sila'y nagkikita.
Isang umaga ay napansin ng inang pusa na nilalagnat ang kuting na kaniyang kaisa-isang anak. Sa
pakiwari ng inag pusa ay may-kabigatan ang pakiramdam ng anak kaya't dapat tumawag ng
manggagamot. Matapos na makapaghanda ng pagkain, ang inang pusa ay tumungo sa bahay ng inang
daga na kaniyang kaibigan.

"Magandang umaga, kaibigan," ang bati ng inang pusa.


"Magandang umaga naman. Aba, kaibigan, maagang-maaga ka!" ang salubong ng inang daga.
"Oo nga. Paano'y nilalagnat ang anak kong si Kuting. Tatawag ako sa doktor, nguni't wala akong
mapag-iiwanan sa kaniya. Maaari bang doon na muna kayo sa amin ng iyong anak na si Bubuwithabang
hindi pa ako dumarating?"
"Iyon lamang pala !. Ako'y nakalaang tumulong sa iyong pangangailangan."
Noon din ay ginising ng inang daga ang kaniyang anak na si Bubuwit.
"Gumising ka na anak. Dadalawin natin si Kuting"
"Ayaw ko pang bumangon. Inaantok pa ako"
"May pagkain doon," ang gayak ng ina sa anak.
"Masarap daw ang pagkaing inihanda ng ina ni Kuting."
Nang marinig ni Bubuwit ang masarap na pagkain ay agad nang bumangon at humandang sumama sa
kaniyang ina.
Si Kuting ay tawag nang tawag sa kaniyang ina nang ang tatlo'y dumating sa bahay.
"Narito ako, anak," ang masuyong aliw ng inang pusa sa naglalambing na anak. "Aalis muna ako
sandali upang tumawag ng maggagamot."
"Wala akong kasama rito. Huwag mo akong iwan."
At umiyak ang may sakit na si Kuting.
Magiliw na niyapos ng inang pusa si Kuting. "Narito si Bubuwit at ang kaniyang ina. Maiiwan sila rito
habang ako'y wala. Maglaru-laro kayo ni Bubuwit at nang ikaw ay malibang," ang aliw ng ina.
"Ayaw ko kay Bubuwit. Siya ay magnanakaw," ang tutol ni Kuting.
"Ssss ! Masama iyon," ang saway nang inang pusa. "Huwag kang magsasalita ng ganoon."
Sa wakas ay nahimok na rin si Kuting kaya't pumayag nang paiwan. Hindi pa nalalayo ang inang pusa ay
naidlip nang muli si Kuting.
Ang malikot namang si Bubuwit ay tumungo agad sa kusina. Maraming lutong pagkain siyang nakita. At

saka may gatas, tinapay, at itlog. May mainit na lugaw na para kay Kuting marahil.
"Nanay! Nanay!" ang masiglang tawag ni Bubuwit. "Tingnan mo ! Tingnan mo !"
Tuwang-tuwa rin ang inang daga ng makita ang kaysarap na pagkain. Nakaramdam siya ng gutom kaya't
noon din ay ininom ang kalahating basong gatas. Ang kalahati'y iinira sa anak na si Bubuwit.
"Masarap ang itlog!" ang wika ni Bubuwit, at Kinain ang lahat ng nasa-pinggan.
"Masarap din ang tinapay na iyon!" ang wika ng inang daga. Inubos ng dalawa ang lahat ng pagkain,
pati lugaw. Busog na busog ang mag-ina. Maingay ang mag-ina kaya't naising si Kuting. Kahit na mabigat
ang katawan dahil sa matinding lagnat ay nag-inut-inot na ring tumungo sa kusina. Nakita niya na naubos
ng dalawa ang lahat ng pagkain.
"Matatakaw ! Matatakaw !" ang sigaw ni Kuting sa mag-ina.
Nagulat ang dalawa. Si Bubuwit ay nagalit sa sinabi ni Kuting. Lumapit si Bubuwit sa may-sakit na si Kuting
at kinagat iyon sa paa. Lumaban naman si Kuting at kinalmot si Bubuwit. Nakita ng inang daga na nadaraig
ang kaniyang anak. Sumugod siya at dagli niyang kinagat si Kuting.
Pagkatapos ay madaling tumakas ang mag-inang daga. Sila'y takot na takot. Humukay sila ng malalim na
lungga at doon sila nagtago.
Tahimik sa bahay ng dumating ang inang pusa. Siya ay malungkot na malungkot pagka't hindi siya
nakasundo ng manggagamot. Pumanhik siya. Wala si Kuting sa banig.
"Kuting, Kuting!" ang malakas na tawag niya. "Saan ka naroroon?" Nang ilingap niya ang kaniyang
paningin sa may kusina, nakita niya ang anak na nakaratay.
"kuting, aking anak!" ang pataghoy na tawag ng ina nang makitang maraming sugat at hindi
humihinga ang kaawa-awang anak. Marahang nilinis ng ina ang mga sugat ng anak. Maya-maya ay
nakapagsalita kahit paano si Kuting at isinalaysay sa ina ang mga nagyari. Galit na di-gagayon ang alab sa
puso ng ina. Matapos mapagyaman ang anak na halos panawan ng hininga, ang inang pusa ay umalis
upang paghanapin kahit sa dulo ng daigdig ang taksil na mag-inang daga.
Nakita ng inang pusa ang kahuhukay na lungga. Naghihiyaw na tinawag ang itinuring niyang kaibigang
hindi naging karapat-dapat sa pagtitiwala niya.
"Daga ! Daga ! Lumabas ka!" ang galit na galit na sigaw ng pusa.
Narinig ng mag-inang daga ang malakas na hiyaw ng inang pusa, nguni't hindi sila lumabas sa lungga.
Noon din ay tinawag na lahat ng inang pusa ang kaniyang mga kamag-anak at ibinalita ang ginawa ng
mag-inang daga sa kaniyang si Kuting.
"Hanapin natin sila," ang pagalit na wika ng isang pusang lalaki. "Sasama ba kayo?"
"Oo ! Sasama kami." ang sabay-sabay na sagot ng ibang mga pusa. Alam na nila ang gagawin.
Nalaman din pala ng mag-inang daga ang balak ng mga pusa. Dahil sa malaking takot nila, itinuloy nila
ang nahukay na lungga hanggang sa makalabas sila sa isang dakong lingid sa kaalaman ng mga pusa.
Patuloy ang paghahanap ng mga pusa. Nang lumaki si Kuting ay kasama na siya sa paghahanap. At
patuloy . . . patuloy ang paghahanap ng mga pusa sa kinapopootang daga.

Ang Alamat ng Maya

Noong unang panahon, may isang batang ubod ng likot. Ang pangalan niya ay Rita. Maliban sa
pagiging malikot ay may mga bagay ding ginagawa si Rita na di dapat gawin ng mga batang
kasing gulang niya at dahil dito ay naiinis ang kanyang ina sa kanya.
Isang araw matapos mapagod sa paglalaro ay umuwi si Rita at nakita ang inang nagbabayo ng
palay. Pinanood lamang niya ang kanyang ina sa ginagawa nito. Nang makapagbayo na ng isang
salop ng bigas ang kanyang ina, kinuha niya ito mula sa lalagyan at kinain sa sobrang gutom
mula sa paglalaro. Ang lalagyan ng napagbayuhang bigas ay malaki at may takip na bilao. Hindi
napansn ng ina ang anak dahil sa natakpan na pala ito ng bilao. Nang matapos na ang ina sa
pagbabayo ng bigas ay tinawag niya si Rita upang mautusan ito upang maitago na ang mga
binayo, ngunit hindi ito sumagot. Marahil ay naglalaro lamang o hindi gustong mapag-utusan ay
hinanap ng ina ang malikot niyang anak. Hindi niya ito mahanap sa lahat ng madalas nitong
pagtaguan.
Nang bubuhatin na niya ang lalagyan ay nalaglag ang bilaong takip nito at may nakita siyang
maliit na ibon sa loob nito. ang maliit na ibong iyon ay malikot at kumakain ng bigas. Ang ibong
iyon ay si Rita na ngayon ay tinatawag ng maya.

ALAMAT NG MATSING

Sa mayamang kaharian, noong unang panahon, ay may isang prinsesang ubod ng ganda. Siya ai si
Prinsesa Amapela na ang lahat ay humahanga sa taglay na kagandahan.
Ngunit sa likod ng kanyang kagandahan ay napakasamang ugali.Ang prinsesa ay ubod ng sungit at
suplada. Napakataas ng pagtingin niya sa kanyang sarili.
"Ayoko sa mga taong pangit! Palayasin sila sa palasyo!" ang palding sigaw nito sa tuwing makakakita ng
pangit sa palasyo.
Dahil sa prinsesa, ang lahat lamang ng magaganda ang nakakapasok at nakakapagtrabaho sa loob ng
palasyo. At ang mga pangit ay itinaboy sa labas upang maging mga alipin at manggagawa.
Sa paglipas ng panahon, dumating ang takdang araw sa pagpili ni Prinsesa Amapela ng mapapangasawa.

At naghanda nga ang kaharian.Inimbitahan ang maraming maharlikang tao buhat sa ibaaa't ibang
kaharian. Nagsidating din ang maraming makikisig na prinsipe, upang ang isa sa sa kanila ay ang siyang
mapangasawa ng ng prinsesa.
Di nagtagal, nagsimjula ng mamilii si Prinsesa Amapela ng mapapangasawa. Ang lahat ng prrinsipe ay
tumayo sa kanyang harapan at nagbigay-galang. Isa sa mga prinsipe ang nagustuhan ng prinsesa, at ito'y
si Prinsipe Algori.
Si Prinsipe Algori ay isang napakasipag na prrinsipe, na animo Adonis na namumukod tangi sa lahat ng
naroroon.Ngunit bago pa man napili ni Prinsesa Amapela ang makisig na prinsipe, ay may nakita siya na
napakapangit-pangit na prinsipe na nakatayo sa likuran nito.
Hindi napigilan ng prinsesa ang sarili.
"Sino ka? Hindi ka nahiya saiyong sarili! Napakapangit mo! Lumayas ka rito at magbalik ka na sa kwebang
pinanggalingan mo!" ang bulyaw nito. Nabigla ang lahat sa nasal ng prinsesa.
"Siya ang aking napili! Si Prinsipe Algori! Siya ang aking mapapangasawa," ang agad na idinugtong nito
sabay turo kay Prinsipe Algori.
Masayang lumapit si Prrinsipe Algori sa prinsesa at humalik sa kamay nito. Isa isa ng nag-alisan ang mga
nabigong prinssipe, ngunit nanatiling nakatayo sa harapan ang pangit na prinsipe.
"Ano pa ang hinihintay mo! Lumayas ka na! Ayaw kitang Makita!" ang muling bulyaw ng prinsesa na tila
nandidiri.
Malumanay na nagsalita ang prinsipeng pangit, Hindi ako manghihinayang sa isang tulad mo. Kung ano
ang ganda ng iyong mukha ay siya naming kapangitan ng iyong ugali," ang wika nito.
Bigla ay nagbago ang anyo ng prinsipeng pangit. Ito ay nagging isang napakakisig na lalaki, higit kay
Prinsipe Algori.
Namangha ang lahat, sapagkat ang pangit na prinsipe ay ang "Diyos pala ng Kakisigan." Bumababa ang
isang kumpol ng ulap, at sumakay rito ang "Diyos na Kakisigan," at tuluyan nang lumisan.
Nanghinayang ang lahat lalo na ang hari at reyna. Ngunit higit sa lahat, nanghnayang nang husto si
Prinsesa Amapela bagay na hindi niya pinahalata.
Agad na ikinasal ng hari sina Prinsesa Amapela at Prrinssipe Algori. Ngunit matapos ang kasal, ganun na
lamang ang gulat ng lahat.
Ngayong mag-aswa na tayo kailangan mong sumama sa aking kaharian, "ang wika ni Prinsipe Algori.
"Anong ibig mong sabihin?" ang nagtatakang tanong ng prinsesa.
Bigla, nabago aang anyo ni Prinsipe Algori. Ito ay naging kakaibang nilalang ng puno ng balahibo ang
buong katawan. Nagsigawan at nasindak ang lahat, lalo pa't bigla na lang nabago ang anyo ni Prinsesa A
mapela. Nabalot din ito ng balahibo sa buong katawan, at nagkaroon pa ng buntot.
Hindi makapaniwala ang lahat, subalit huli na,.Dinala na si Prinsesa Amapela sa kagubatan ni Prinsipe
Algori, na siya palang "Diyos ng mga hayop sagubat." At si Prinsesa Amapela ang kauna-unahang matsing
sa kagubatan. Ito ang nagging parrusa ng kanyang pagiging suplada at mapagmataas.
Kaya dapat nating tandaan na hindi natin dapat husgahan ang tao sa kanyang panlabas na anyo, dahil ang
higit na mahalaga ay ang tunay na pagkatao at pag-uugali.

Alamat ng Hipon

Noong unang panahon, ang mundo ay sagana sa likas na yaman.Walang puno ang hindi hitik sa bunga. Walang ilog ang
hindi puno ng isda. Ang mga hayop sa gubat ay naglipana din. Dahil dito ang mga tao ay laging may mga piging. Ito ay
alay nila bilang pasasalamat kay Bathala. Lahat ng tao, bata man o matanda, lalake at babae, ay tumaba. Tumaba sila
ng tumaba hanggang sa tuwing maliligo kahit na pa tatlong tao lang sa sapa ay umaapaw agad tubig.
Ngunit may isang bata ang may bulate kaya lagi siyang walang gana. Habang lumolobo ang mga binti ng ate nya at
nagkakagilit-gilit ang leeg ng kuya niya, siya ay lumaking seksi. Ang pangalan niya ay Wiwit.
Maganda si Wiwit. Huwag lang haharap. Dahil kung anong ganda ng katawan ay siya namang pagkaimpakto ng mukha.
Ang labi niya ay isang dipang kapal. Ang ilong nya ay matangos naman ngunit bukaka ang mga butas. Ang mga mata
niyang banlag ay animo'y laging gulat.
Isang araw naglalakad si Wiwit papuntang piging ng may bigla siyang nakasalubong na babaeng humihingi ng limos. Ito
na yata ang pinakamatabang babae na nakilala niya. Dahil sa pandidiri ay nilayuan niya ito pero ang pulubi ay humabol
at um-embrace at nagmakaawa.
"Aba'y lintek na babaeng ito! Ang langis mo! Paano na ako magugustuhan ni Pedro nyan!" ani ni Wiwit sabay hawi ng
hair.
Nang biglang lumindol at nawala ang matabang babae. Isang diwatang ubod ng ganda ang lumitaw sa harap nya.
"Ako si Minervie! Ang dyosa ng dagat! Dahil sa kasamaan mo, parurusahan kita! Simula ngayon, hindi ka na maglalakad
sa lupa. Dahil ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit pa sa hayop at malansang isda. So, simula ngayon ikaw ay
magiging HIPON!"
"Baka Hippie?" sabad ni Wiwit.
"Gaga hipon! At katulad ng katawang lupa mo, kahit sa dagat katawan lang ang may silbi sa'yo!"
Biglang lumiwanag ang paligid at si Wiwit ay naging hipon. Hanggang ngayon, makikita sa likod ng hipon ang bulate na
nagmistulang sumpa nung hibi pa si Wiwit.

ALAMAT NG GAGAMBA

Si Gamba ay isang manghahabi. Siya ang pinakamahusay sa lahat ng manghahabi sa kanilang komunidad.
Sapagkat alam niyang siya ang pinakamagaling, taas noo siya at walang sinumang pinapansin.
"Ate, pahiramin mo naman ako ng karayom na pamburda mo. Pwede ba Ate?"
Galit na umangil si Gamba, "Lumayu-layo ka nga rito. Huwag mong mahiram-hiram ang pamburda ko.
Baka masira lang ito, wala kang perang ipambayad dito. Layo!"
Napaiyak ang kapatid na babae ni Gamba. Naramdaman niyang hindi siya itinuturing na kapatid ng ate
niya. Parang langit ang taas nito, napakahirap abutin.
Maya-maya, ang kapatid na lalaki naman ang lumapit kay Gamba.
"Ate, Ate tulungan mo naman ako. Pakisulsi mo namn ang napunit na kamiseta ko."
"Lumayo ka rito. Istorbo ka talaga. Doon ka sa Nanay magpasulsi. Walang ginagawa ang matandang iyan!
Sige layo ka rito. Layo!"
Narinig ng ina ang mapagmataas na tinig ng anak. Nagpupuyos ang damdamin ng kahabag-habag na ina.
Gusto sana niyang saktan si Gamba subalit nagpigil siya.
"Sumusobra ka na Gamba. Obligasyon mong pakitaan ng mabuting asal ang mga kapatid mo. Kung
nanghihiram sila sa iyo, pahiramin mo. Kung humihingi sila ng tulong, tulungan mo. Hindi lang kapatid mo
ang dapat pagpakitaan mo ng kagandahang-loob. Lahat ng nangangailangan ay dapat mong kalingain."
Parang walang narinig si Gamba. Patuloy itong humabi ng tela mula sa mga sinulid na nasa ikitan niya.
Isang gabing inaaya si Gamba ng ina upang maghapunan, pagalit itong sumigaw, "Ano ba kayo. Iniistorbo
na naman ninyo ako. Di ba ninyo nakikitang hindi pa ako tapos sa hinahabi ko?"
"Ba...baka magkasakit ka, iha, kung malilipasan ka sa pagkain."
"Wala kayong pakialam."
"Gamba," pagpigil ng mapagmahal na ina, "kasalanan sa Diyos ang pagtanggi mo sa pagkain."
"Ano bang kasa-kasalanan. Wala akong pakialam kung kasalanan man un. Inuulit ko. Pabayaan ninyo ako
sa ginagawa ko!"
"Patawarin ka ni Bathala," luhaang sabi ng ina.
"Sana humabi ka na lang nang humabi," inis na hiling ng kapatid na babae ni Gamba.
"Oo nga humabi ka na lang nang humabi...humabi nang humabi," dugtong ng kapatid niyang lalaki.
Ang hiling ng magkapatid ay dininig ni Bathala. Sa isang makapangyarihang tinig ay narinig ng lahat ang
galit Nito, Naging mapagmataas ka sa kaunting kaalamang bigay Ko sa iyo. Di mo kinakalinga ang mga
kapatid na kailangang tulungan. Hindi mo rin binigyan ng puwang sa puso ang magulang mo! Pati na
biyaya sa hapagkainang dulot Ko ay tinatalikuran mo. Bilang parusa, paghahabi na lang ang gagawin mo
araw-araw, oras-oras, minu-minuto!"
Pagkasabi nito ay biglang nawalang parang bula si Gamba. Isang insektong paikut-ikot na humahabi ng
sapot ang naiwan sa silyang kinauupuan ng dalaga.
Sa awa sa anak ay napahagulgol ang ina at marahang hinaplos nitoang insekto at tinawag na
Gamba...Gamba.
Magmula noon si Gamba ay tinawag nang Gagamba na araw at gabi ay walang tigil sa paghabi hindi ng
sinulid sa ikiran kundi ng sapot mula sa kanyang katawan.
Iyan ang pinagmulan ng alamat ng Gagamba.

You might also like