You are on page 1of 8

Proyekto sa Filipino

Ipinasa ni: Wayne Andrew C. Peradilla

Ipinasa kay:Bb. Ma. Cristina Villanueva


Nakatutulong Ba o Hindi ang Pagtangkilik ng Imported
Produkto?
Lakandiwa:
Masayang pagbati, hatid sa naritong tanan
Mga giliw kong manonood higit na sa kabataan
Ngayon tutunghayan tagisan ng kaisipan
Magkasalungat na prinsipyo ating ngayong huhusgahan.

Paksang pagtatalunan ay produktong dayuhan


Nakatutulong ba o hindi sa pambansang kagalingan
Dalaga sa kanang panig, “oo, sadyang nakatutulong produktong dayuhan”
Sa kaliwang banda naman, “ay hindi, walang katotohanan.”

Kaya ngayon sisimulan na, paglalahad ng dalawang panig


Pakinggan ang talim at bagsik ng kanilang tinig
Paggalang sa bawat isa, nararapat na manaig
Alay sa mga mutya, palakpakang walang patid.

Nakatutulong:
Marie Claire Singson po, mauuna sa talastasan
Sapagkat alam kong tama aking ipinaglalaban
Talagang nakatutulong mga produktong dayuhan
Binibigyang tugon, pangunahing pangangailangan.

Bilang patunay, gawing batayan ang ekonomiya


Produktong dayuhan sa bansa pangdagdag kita
Pati mga foreign investors sa atin nagpupunta
Kaakibat nito, piso’y tumataas ang halaga.

Kung uri, tibay at kalidad lang ang pag-uusapan


Aba! Tiyak, produktong dayuhan, pag-aagawan
Sa katunayan, modelo nga ito ng kagandahan
Masasabing suot ng iba d’yan may pinaggayahan.

Wala naman sigurong masama kung tatangkilikin


Mga produktong states side at imported kung ituring
Bigyang pansin ang suot ko, hindi ‘to galing sa atin
Sa hitsura pa lang, kagalang-galang na sa paningin.
Lakandiwa:
Salamat binibini sa iyong pananalita
Batid namin ang diwang nais parating sa madla
At ngayon naman saksihan, dalaga n’yang kasagupa
Jennifer Arbolado, magtatanggol sa paniniwala.

Hindi Nakatutulong:
Lakandiwang mahal,pasasalamat ko’y tanggapin n’yo
Sabi nga ni Manny Pacquiao, para sa inyo ang laban na ito
Kung magsalita ang katunggali, parang ‘di Pilipino
Maringal lang ang suot, ‘kala mo na kung sino?

Ekonomiya ng bansa, tayo ang namamahala


Ating napagbubuti sa tulong ng lakas paggawa
Sa pag-unlad ng bansa, ‘di kaylangang magmakaawa
Sa mga dayuhang sa atin ay nagpapakasasa.

Anong walang masama sa iyong ipinaglalaban


Na mga produktong banyaga tayo’y natutulungan?
Iyong pahayag kabaligtaran sa katotohanan
Produktong sariling atin, hindi dapat talikuran.

Baluktot mong prinsipyo, nilunod na ang iyong ulo


Damdaming makabayan wala na ba sa iyong puso?
Mas pipiliin ko ng simpleng damit na tulad nito
Kaysa magmalaki sa iba, maging hambog gaya mo!

Lakandiwa:
Sandali muna, mga mutya ng bigkasan
Tila maanghang na mga salitang binitawan
Init ng ulo nyo hindi natin kailangan
H’wag pairalin ang galit at pagiging mayabang.
Maging mapagkumbaba, iwasang magmalaki
Dahil ‘di ito mabuti sa pananaw ng marami
Huwag ding magpadala sa emosyong namamayani
Matitinding awayan, ito ang makabubuti..

Ipagpaumanhin ang paggambala sa ating balagtasan


Nais ko lang ang bawat isa ay paalalahanan
Ngayon, hinahayaan kong muli niyo ng umpisahan
Pingkian ng dal’wang magkaibang pinaniniwalaan.

Hindi Nakatutulong:
Bakit ba colonial mentality patuloy sa bansa?
Hindi ba ito nakikita ng iyong mga mata?
Sariling atin, bigyan naman ng pagpapahalaga
Sa halip na tangkilikin mga produktong banyaga.

Nawa’y h’wag namang isantabi ang sariling atin


Sa katunayan, sa mga produkto natin tayo’y nabigyan pansin
Sapatos ng Marikina, Muscovado ng Negros, sa Cebu nama’y gitara,
Tocino ng Pampamga, bangus ng Pangasinan, tunog pa lang, ulam na.

Colonial mentality, iwaglit na sa damdamin,


Ekonomiya ng bansa atin na lang isipin
Sarili natin produkto ang ikinabubuhay natin
Saan ka man naroroon, bilhin at gamitin.

Nakatutulong:
Colonial mentality, masyadong big deal sa ‘ting bansa
Masakit na sa pandinig hindi ka ba nagsasawa?
Pagpapakatotoo lang iyan, maging praktikal ka!
Produkto ng ibang bansa, sulit na sulit, tipid pa.

Halimbawa na lang mga kagamitan sa tahanan


Higit na matitibay, talaga ngang maaasahan
Mga appliance, home furnitures laging nariyan
Bihira ang kapalpakan, gamit na pangmatagalan.
Mga pangangailangan natin nabibigyang tugon
Ng dayuhang produkto sa kasalukuyang panahon
Pepsi, Carnation, Kraft at Ma-ling, sari-saring produksyon
Talagang masasarap, sa iyong gutom ay solusyon.

Hindi Nakatutulong:
Produktong sariling atin huwag niyong maliitin
Dahil kalidad nito’y maituturing na world class din
Saan mang tahanan, itong siyang dapat tangkilikin
Sapagkat sa produktong Pinoy tayo nabibigyang-diin.

Karamihan sa turisitang dito ay nagbabakasyon


Higit na hinahangaan produktong gawa sa bawat rehiyon
Mga likhang Pilipino na sa ati’y siyang magbabangon
‘Di tulad ng imported, sa kahirapan di tayo makaahon.

Nakatutulong:
Hindi ka ba nakikinabang sa produktong dayuhan?
Kung susumahin, ito’y isa nang pangangailangan
Adidas, Swatch, Levis, DKNY, Girbaud at iba pa
Ilang materyales nito parang sa atin din nagmula.

Kung kalidad lamang ang ating pag-uusapan


Tiyak na produktong dayuhan ang siyang mangingibabaw
Sony, Ericsson, Samsung, Nokia, Motorola at Aiwa
High Tech!, Pinoy contract workers din ang kasangga.

Hindi Nakatutulong:
Maunlad bang maituturing ang kakulangan sa hanapbuhay?
Hindi ba dulot ito ng pag-angkat na walang humpay.
Buti na pa ang Jollibee, Sarao ,Hapee, Bench, at Shoe Mart nagbigay trabaho,
Mga kompanyang Pilipino na s’yang dapat ipagtaas noo.

Nakatutulong:
Kaibigan kong makata, mga mata mo yata’y natatakpan
Mga dayuhan pa nga ang dapat nating pasalamatan
Patuloy silang tumatanggap ng mga Overseas Contract Workers
Nagpapaunlad , nagpapayaman. . . mga tunay na dollar-earners.
Hindi Nakatutulong:
Nagbibigay nga ng trabaho, ngunit sa iilang tao lang
Milyon napupunta sa dayuhan, barya lang sa bayan.

Nakatutulong:
Bakit? Hindi ba’t sa pagpasok ng kanilang negosyo
Kasabay ng dolyar, pagtaas ng halaga ng piso.

Hindi Nakatutulong:
Kung tumataas ang piso, ‘di sana’y mayaman na tayo
Masdan mo ang paligid, may nakikita ka bang pagbabago?

Nakatutulong:
Ang pagbabago ay ‘di nagaganap sa isang iglap lamang
Sa pakikipagkalakalan, tayo’y makipagbayanihan.

Hindi Nakatutulong:
Kung nais ay bayanihan, bakit ‘di mo simulan?

Nakatutulong:
Sa akin kasi kailangan ang produktong dayuhan.

Hindi Nakatutulong:
Na nagbibibgay sa atin ng dagdag kumpetensiya.

Nakatutulong:
Bakit, wala bang Pilipinong natutulungan ng dayuhang kompanya?

Hindi Nakatutulong:
At sinong bang mas nakikinabang, tayo ba o sila?

Nakatutulong:
Di ba ang cellphone,computer ay mula sa ibang bansa.

Hindi Nakatutulong:
Ang imported na gamit pag nasira hindi na magawa.
Nakatutulong:
Ang mahalaga’y nakatulong.

Hindi Nakatutulong:
Hindi! Sa gastos lang tayo ibinaon.

Nakatutulong:
Nakatulong pa rin.

Hindi Nakatutulong:
Hindi!

Nakatutulong:
Oo!

Lakandiwa:
Tama na inyong pagtatalo’t maghunos-dili kayo
Ang inyong mga katwiran sagad hanggang buto
Kung makipaglaban daig pa si Gabriela Silang
Baka sa bagsik pagka-dalagang Pilipina’y nalimutan.

Kaibigan kong marangal, batid namin nais mong ikintal


Nasa modernong panahon dayuhang produkto ‘y praktikal
Subalit, huwag limutin bansang sa iyo nagmahal
‘Di dapat maliitin bagkus ipagmalaki ating kalakal.

Binibini ..kay tapang mong ipaglaban ating bansa


Kapuri-puri ang pag - ibig sa produktong dito gawa
Ngunit pakaisipin din, gawang dayuhan ay kailangan
Na tunay na makatutulong para sa’ting kaunlaran?

Kapamilya ,kapuso pagpili’y nasa inyong kamay


Payong kaibigan lang, ang pagtangkilik gawing pantay
Subalit ang huling pasya, sa inyo nakasalalay
Isipin ang mabuti para sa tatahakin ninyong buhay.

You might also like