Professional Documents
Culture Documents
Tagapagsalaysay: Isang gabi nang mahimbing na natutulog si Haring Fernando, napanaginipan niya
ang kanyang bunsong anak na si Don Juan. Diumano, itoy nililo at pinatay ng dalawang tampalasan.
Reyna Valeriana: Naku! Mahal ko, ano ba ang nangyari sa iyo? (Nag-aalala)
Manggagamot: Sakit mo po, Haring Mahal ay bunga ng pangimpan, mabigat man at maselan, may
mabisang gamutan. May isang ibon na ang pangalan ay Adarna, pag itoy narinig mong kumanta, ang
sakit mo ay mawawala. Ito ay tumatahan sa kabundukang Tabor kung saan makikita ang Piedras
Platas, punong tirahan ng Ibong Adarna.
Haring Fernando: Pedro, anak, hanapin moa ng Ibong Adarna para akoy gumaling na. Huwag mong
dalhin ang iyong kabayo sa paglalakbay sapagkat itoySundin mo ako.
Tagpagsalaysay: Sa kasamaang palad, sumuway s autos ni Haring Fernando si Don Pedro. Una
siyang naglakbay sa kabundukan na higit sa tatlong buwan bago narating ang Bundok Tabor kung
saan makikita ang Piedras Platas, punong tirahan ng Ibong Adarna. Siya ay dumaan sa mga ibat ibang
pahamak sa kanyang paglalakbay upang makuha lang ang lunas para sa kanyang amang mahal.
Don Pedro: (Pagod na umakyat sa bundok) Malas naman nito, namatay ang aking kabayo
Tagapagsalaysay: Hanggang sa
Don Pedro: Natanaw ko na ang Piedras PlatasAng ganda ng kapaligiran lalong-lalo na ang
punungkahoy nag into(Huminga nang malalim)(Inaantokat nakatulog)
Tagapagsalaysay: Nainip ang mga tao sa kaharian sa tagal ng paghihintay kay Don Pedro kaya
minabuting hanapin naman ito ni Don Diego.
Mga Tao
Tao 1: Nasaan na kaya si Don Pedro?
Tao 2: May pag-asa pa ba kayang gumaling ang mahal na hari?
Tao 3: Don Diego, matagal na tayong naghihintay para sa pagbabalik ng iyong nakatatandang
kapatid na si Don Pedro kaya panahong ikay pupunta sa bundok ng Tabor upang hanapin ang iyong
kapatid at ang ibong makapagpapagaling sa iyong ama.
Don Diego: (Malakas ang loob) Hindi ko po kayo bibiguinKayang-kaya ko ito.
Tagapagsalaysay: Naglakbay si Don Diego patungo sa Bundok Tabor na hindi nagpaalam sa kanyang
mga magulang. Inabot ng limang buwan ang paglalakbay ni Don Diego bago nakarating sa
patutunguhan. Dumaan muna siya sa hirap bago nakarating sa Piedras Platas.
Don Diego: Ano bang laking hiwaga, punong ganday nakakaakit sa mata!...Lumalalim na ang gabi,
akoy mamahinga muna.
Reyna Valeriana: (Nababalisa) Mahal ko, masama ang kutob ko sa nangyayari kina Don Pedrot Don
Diego. Ano baa ng dapat gawin natin? (Nag-aalala)
Haring Fernando: Anak, ikaw na lang ay ang aking pag-asang akoy gumaling, na sa pamamagitan
ng paghahanap sa mahiwagang Ibong Adarna.
Don Juan: Ama, gagawin kop o ang aking makakayaPaalam po sa inyo.
Tagapagsalaysay: Masakit man sa kalooban nina Haring Fernandot Reyna Valeriana na mawalay
ang pinakamamahal nilang anak ay wla silang magawa dahil sa paghahangad ni Don Juan. Kababaan
ng loob at pagpapala ng Diyos ang tanging nagging baon niya sa kanyang paglalakbay.
(Naglalakbay nang pagod si Don Juan)
Ermitanyo/Matandang Leproso: Tulungan mo ako, akoy gutom na gutom
Don Juan: Ito ho, isang tinapay na baon para sa aking paglalakbay.
Ermitanyo/Matandang Leproso: Salamat! Ano po baa ng aking ipaglilingkod sa iyo bilang ganitmpala
sa iyong kabaitan? Itong tinapay ay ibabalik ko sa iyo
Don Juan: Huwag po, para sa iyo ang tinapay.
(Umawit na ang Ibong Adarna at nagbihis din ang kulay ng kanyang balahibo)
Don Juan: Ngayong nasa akin na ang Ibong Adarna, panahon nang aking iligtas ang aking mga
kapatid.
Ermitanyo: Iyang banga ay kunin mo, punuin mo ng tubig at dahan-dahan mong ibuhos sa dalawang
bato. (sound effects)
Don Pedrot Don Diego: Salamat at kamiy binuhay mo
Ermitanyo: Maghanda kayo sapagka kayoy uuwi na. Mag-ingat kayo
Don Pedrot Don Diego: Salamat po. Hanggang sa muli
Tagapagsalaysay: Pauwi na ang tatlo sa kaharian, isang masamang balakin ang nabuo sa isipan ng
nakatatandang kapatid na sinang-ayunan sa bandang huli ng ikalawang kapatid.
Don Pedro: Bugbugin natin si Juan hanggang siya ay masaktan at mamatay. Nakawin natin ang Ibong
Adarna, ibigay natin kay ama, ipagmamalaki tayo ni ama at sa huliy tayoy magiging hari ng Berbanya,
ang lahat ng kapangyarihan upang mamuno ay nasa atin sa huli
(sound effectspambubugbog nina Don Pedrot Don Diego kay Don Juan)
Don Pedro: Mahal kong Ama, kamiy naririto nat dala ang ibong makakapaggamot sa iyong
karamdaman.
Haring Fernando: Nasaan ni Don Juan?
Don Diego: Ama, hindi po naming alam kung saan an gaming kapatid. Ngunit bumalik kami upang
kayo ay gamutin. O, Ibong Adarna, ikaw ay kumanta na.
(sound effectshindi kumanta ang Ibong Adarna)
Haring Fernando: A..aano ang nangyari!?! (nagtataka)
Ermitanyo: Prinsipe, malubha ang iyong sugat, hayaan mong gagamutin ko ito.
Tagpagsalaysay: Ilang araw ang nakalipas, maginhawa at handang umuwi na si Don Juan dahil sa
tulong ng Ermitanyo.
Don Juan: Salamat po sa lahat. Akoy babali na sa Berbanya.
Tagapagsalaysay: Mga bukid, burol at bundok, bawat dakoy sinalugsog upang hanapin si Don Juan,
ngunit silay walang nakita.
Don Diego: Wala, wala si Don JuanAkoy pagod na pagod. Nasaan na kaya siya?
Tagapagsalaysay: Lakad, tanaw at silip ang kanilang ginawa ngunit wala pa rin, hindi nakita si Don
Juan. Hanggang sa, nakita na rin nila si Don Juan sa armenyang kabundukan. Itong bundok ng
tumahan si Don Jua upang doon pagsisihan ang nagawang pagkukulang.
Don Diego: Juan, saw akas ay natagpuan ka na namin.
Don Pedro: Ang ganda ng lugar na ito! Gusto kong tumira rito.
Don Diego: Pedro, akoy nahihiya na sa ating kapatd na si Juan, ang dami ng mga masasamang bagay
ang ginawa natin sa kanya.
Don Pedro: Ikaw sanay huwag ganyan, lakasan moa ng iyong loob at ang kahihiyay ipaglihim mo kay
Juan. Kung ibig ninyong huwag nang balikan an gating mga magulang, pabayaan mo na sila sa
Berbanyat dito na tayo tumira sa Armenya. Tuklasin nating tatlo ang ating kapalaran sa ibang kaharian.
Tagapagsalaysay: Masaya silang naninirahan sa Armenya, nang ipasyang akyatin nila ang bundok
na hindi pa nila nahahalughog.
Don Juan: Ang balong itoy may hiwaga, ihugos niyo ang tali nang dahan-dahan, huwag ninyong
bitiwan hanggang aking sasabihin.
Don Diego: Akoy matanda sa iyo, kaya marapat ay ako ang ihugos muna ninyo.
Don Pedro: Wala ka ring karapatan, pagkat ako ang panganay.
Don Juan at Don Pedro: Kung gayon, ikaw ang mauna at kami namay bahala.
Don Pedro: Hindi ko matagalan ang nakakatakot na dilim, para akong sinasakal.
Don Diego: Ako namanAng lalim at ang dilim ng balong ito
Don Juan: Handan a akong pumasok sa balon.
Tagapagsalaysay: Si Don Juay walang takot na binaba ang balon.
Don Pedro: Ang tagal naman nitong si Juan!
Don Diego: Ano na kaya ang nangyari sa kanya?
Tagapagsalaysay: Nang nakarating si Don Juan s loob ng balon, siya ay namangha sa ganda ng
palasyong gawa sag into at pilak at lalong-lalo na sa ganda ni Donya Juana.
Don Juan: O, mahal na prinsesa, ang ganda moy nakakasila, gusto kong ipahayag sa iyo ang aking
tunay na pagmamahal.
Donya Juana: Tanggapin moa ng aking puso, pusong iyan pag naglahoy nagtaksil ka sa akin.
Don Juan: Hinding-hindi kita pagtataksilan sapagkat ikaw ay ang aking buhay.
Donya Juana: May isang higanteng nagbabantay sa akin, kailangan mo siyang matalo bago akoy
mapasayo.
Don Juan: Kung gayon, gagawin ko ang lahat para sa iyo.
Donya Leonora: Don Juan, ang iyong tapang at lakas ay aking hinahangaan.
Don Juan:Prinsesa kong mahal, halika nat umalis na tao dito. Kumapit ka sa akin ng mahigpit at
pupunta tayo sa kaharian ng Berbanya.
Tagapagsalaysay: Umiiral na naman ang inggit kina Don Pedro at Don Diego sa kanilang bunsong
kapatid nang muli itong magtagumpay sa pakikipagsapalaran sa ilalim ng balon. Dagdag pa rito si
Leonorang pagkaganda na bumihag sa puso ni Don Pedro.
Donya Leonora: Juan, ang aking singsing ay aking naiwan. Paano na iyan?
Don Juan: Huwag kang mag-alala sapagkat aking kukunin ang iyong sing-sing. Babalik din ako.
Tagapagsalaysay: Dahil sa selos, suklam na suklam si Don Pedro sa kanyang bunsong kapatid at
nagawa niyang
(sound effect sa pagputol ng lubid)
Donya Leonora: Huwag!
Don Juan: Aaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhh!!!
Tagapagsalaysay: Nagtuloy sina Don Pedrot Don Diego sa kaharian ng Berbanya na kasama ang
magkapatid na prinsesa.
Haring Fernando: Mga anak! Matagal ko na kayong hinitay, natagpuan ba ninyo si Juan?
Don Pedro: Ama, walang burol, nayot bundok na di naming nahalughog , siniyasat namin ang bawat
tumok, sapa, batis at ilog, ngunit hindi po namin nakita ang iyong minamahal na si Don Juan.
Reyna Valeriana: Nasaan na kaya ang aking minamahal na Juan?
Haring Fernando: Hindi ito maaari.
Don Diego: Ama, sila poy magkapatid na prinsesang sa balon po nakatira, aming niligtas sila sa
kapahamakan.
Don Pedro: Si Leonora ang aking minamahal at si Don Diegoy nais ikasal din kay Donya Juana.
Donya Leonora: Haring mahal, hiling koppong ipagpaliban muna ang kasal ng pitong taon. Hiling ko
naman poy iyo akong bigyan ng silid upang doon ako matulog.
Haring Fernando: Isasakatuparan ko ang iyong hiling, Donya Leonora. Ikaw naman, Donya Juana,
maghanda ka nat sa ika-siyam na araw ay ikay ikakasal kay Don Diego.
Donya Leonora: Aking alang lobo, iligtas mo si Don Juang aking giliw upang siya ay mapasaakin. Don
Juan, akoy nangungulila sa iyong pagmamahal! (umiiyak)
Tagapagsalaysay: Nanumbalik ang lakas ni Don Juan, matapos siyang gamutin ng lobong alaga ni
Leonora. Nang naging mabuti ang pakiramdam ni Don Juan, siyay iniwanan na.
Ibong Adarna: Mahal na prinsipe, hanapin mo si Maria Blanca ng kahariang Cristalinos at kalimutan
mo na si Donya Leonora. Ang payo ko ay makabubuti sa iyo.
Don Juan: Tulungan ninyo po ako. Ako po ay maglalakbay patungo sa De los Cristal ngunit hindi ko
po iyon Makita.
Lalaki: Ang bundok na iyong paroroonan ay nasa ikapitong hanay. Doon ay may ermitanyong
sasalubong sa iyo. Ang barong na itoy ipakita mo sa kanya. Kaya humayo ka nat baka ikaw ay didilimin
sa daan.
Don Juan: Salamat po.
Don Pedro: (sound effectskatok sa pinto) Leonora, aking giliw, pakiusap buksan moa ng pinto.
Donya Leonora: (umiiyak) Hindi ko gustong maikasal sa iyo! Ako ay maghihintay kay Don Juan, siya
ang tunay kong minamahal at hindi ikaw!
Don Pedro: Kahit anong mangyari ay hihintayin kitang buksan ang iyong puso para sa akin. (malungkot
na tinig)
Haring Salermo: Ano ang iyong pangalan, nasaan ka nanggaling at ano an iyong sadya?
Don Juan: Mahal na hari, ang ngalan ko po ay Don Juan, akoy nanggaling sa kaharian ng Berbanya
at nandito po ako upang magahayag ng pag-ibig sa iyong mahal na anak na si Donya Maria Blanca.
Haring Salermo: Kung gayon, bibigyan kita ng mga pagsubok na dapat mong pagtagumpayan kung
indi, ikaw ay mamamatay.
Don Juan: Tanggap ko po ang iyong hamon, mahal na hari.
Haring Salermo: Ang unang hiling ko ay dapat mong patagin ang bundok upang pagtaniman ng trigo,
patubuin, pagkatapos ay anihin at sa aking paggising ay may tinapay na akong aalmusalin.
Tagapagsalaysay: Ang unang hiling ng hari ay nagtagumpay sa tulong ng kapangyarihan ni Donya
Maria Blanca.
Haring Salermo: Ang pangalawa mong pagsubok ay kailangan mong hulihin ang labindalawang maliliit
na mga negrito na aking pawawalan sa laot ng karagatan at sa huliy sila ay isisilid mo sa prasko.
Tagapagsalaysay: Nagtagumpay na naman ang prinsipe sa tulong ni Donya Maria.
Haring Salermo: Ang huli mong pagsubok ay pagpapaamo ng aking kabayo.
Tagapasalaysay: Sa huli ay nagtagumpay si Don Juan sa tulong ni Donya Maria. Pagkatapos ng
kanyang huling hamon, pinapunta ni Haring Salermo si Don Juan sa isang kuwarto na may tatlong
pintong may butas na nakalitaw ang mga hintuturo ni Donya Maria Blanca.Sa tulong ng mahika ni
Donya Maria ay nagtagumpay si Don Juan.
Haring Salermo: Hindi ito maaari! Hindi kita gusto para sa aking anak.
Donya Maria: Wala na po kayong magagawa, Ama. Akoy sasama kay Juan at mamumuhay ng
mapayapa.
Haring Salermo: Pagsisihan ninyo ito. Hindi kayo magtatagumpay at magiging masaya
magpakailanmanughhhhhhh.
Dony Maria: (galit) Nagtaksil sa akin si Don Juan, hindi dapat ito mangyari.Siya ay para sa akin
lamang.
Tagapagsalaysay: Nagsadya sa palasyo si Donya Maria sakay ang isang magarang karosa at suot
ang isang napakagandang kasuotan. Siya ay naghanda ng palabas tungkol sa pag-iibigan nila ni Don
Juan upang muli siyang maalala nito.
Reyna Valeriana: Magandang pagdating, Emperatris.
Haring Fernando: Itigil muna natin ang kasal upang ating ipakita sa Emperatris ang ating malugod na
pagtanggap sa kanya.
Donya Maria: Akoy maghahandog ng pakabas sa inyo na ipinagbibidahan ng mga maliliit na mga
negrito.
Tagapagsalaysay: Sa kasawiang palad ay hindi pa rin maalala ni Don Juan si Donya Maria. Kalaunan,
nagbalik sa alaala ni Don Juan ang kanyang sumpa kay Donya Maria sa pamamagitan ng
pagsasalaysay nito at ng mga negrito ang mga pangyayari.
Don Juan: Ikaw nga, ang Mariang aking mahalTayoy magpapakasal ngayon din.
Donya Leonora: Hindi! Akin si Don Juansa akin siya magpapakasal.
Don Juan: Leonora, Arsobispo at Ama, tunay ko pong mahal si Donya Maria Blanca.
Haring Fernando: Ako at ang Arsobispoy nagkasunod. Si Don Pedroy ikakasal kay Donya Leonora
at si Don Juan ay para kay Donya Maria.
Donya Leonora: Kung saan ka masaya Don Juan ay doon din ako. Tanggap ko na kayoy
magpapakasal ni Donya Maria.
Donya Maria: Maraming salamat, Leonora.
Arsobispo: Don Juan, matatanggap mo ba si Donya Maria bilang iyong asawa?
Don Juan: Opo.
Arsobispo: Don Pedro, matatanggap mob a si Donya Leonora bilang iyong asawa?
Don Pedro: Opo.
Arsobispo: Don Pedro, tanggapin mo itong setrot korona bilang bagon hari ng Berbanya at Donya
Leonora, tanggapin mo itong dyadema bilang simbolong ikaw na ang bagong reyna ng
Berbanya.Kayo! haring Pedrot Reyna Leonora at Don Juat Donya Maria Blanca ay tanggap
na magkabiyak.
Mga Tao: Mabuhay ang bagong ikinasal! Mabuhay!
Don Juan: Mahal kong ama, ina at ang aking mga kapatid kami ni Maria ay uuwi na sa Cristalinos
upang doon manirahan at mamuno ng mapayapa.
Don Juan at Donya Maria: Paalam sa inyong lahat!
Tagapasalaysay: Naiwan ang Berbanya sa pamumuno no Don Pedro at nagbalik naman sina Don
Juan at Donya Maria sa kahariang Cristalinos upang doon magsimula ng bagong buhayAt dito na
nagtatapos ang makulay na kwento ng Ibong Adarna.