You are on page 1of 38

July 08,2015

July 08, 2015

PANAHON NG KASTILA

Maikling Kwento:
I.

Akda:
Florante at Laura isinulat ni Francisco Balagtas
Buod:

Ang kuwento ng Florante at Laura ay nagsisimula sa isang madilim na gubat sa may dakong labas ng
bayang Albanya, malapit sa ilog Kositong na ang tubig ay makamandag. Dito naghihimutok ang
nakataling Florante na inusig ng masamang kapalaran. Ang mga gunita niya ay naglalaro sa palagay
niya ay nagtaksil na giliw na si Laura, sa kanyang nasawing ama, at kahabag-habag na kalagayan ng
bayan niyang mahal.
Sa gubat ay nagkataong may naglalakad na isang Moro na nagngangalang Aladin. Narinig niya ang tinig
ni Florante at dali-dali niya itong tinunton. Dalawang leon ang handang sumakmal sa lalaking nakatali.
Pinatay ni Aladin ang dalawang mababangis na hayop at kanyang kinalagan at inalagaan si Florante
hanggang sa muling lumakas.
Ikinuwento ni Florante ang kanyang buhay. Siya ay anak nina Duke Briseo at Prinsesa Floresca. Muntik
na siyang madagit ng buwitre at iniligtas siya ng kanyang pinsang si Menalipo na taga-Epiro. Sinambilat
ng isang halkon ang kwintas niyang diyamante. Pinadala siya ng kanyang ama sa Atena upang mag-aral
sa ilalim ng gurong si Antenor. Natagpuan niya doon ang kanyang kababayang si Adolfo na kanya ring
lihim na kaaway. Iniligtas siya ni Menandro sa mga taga ni Adolfo nang minsang magtanghal sila ng dula
sa kanilang paaralan. Tapos ay nakatangap si Florante ng liham tungkol sa pagkamatay ng sinisinta
niyang ina.
Pagkabalik niya sa Albanya kasama ang matalik niyang kaibigang si Menandro, pinatay niya si Heneral
Osmalik na kumubkob sa Krotona. Nagkaroon siya ng mga tagumpay sa labimpitong kahariang di-pabinyagan matapos niyang iligtas si Laura sa hukbo ni Aladin na umagaw sa Albanya nang siyay
nakikipaglaban sa ibang bayan. Natalo din niya ang Turkong hukbo ni Miramolin at iba pa. Nagwakas
ang kanyang pagsasalaysay sa pandarayang ginawa sa kanya ni Adolfo matapos kunin ang trono ng
Albanya at agawin sa kanya si Laura.
Nagpakilala ang Moro na siyay si Aladin, kaaway na mahigpit ng relihiyong Kristiyano at ng bayan ni
Florante. Ang kanyang kapalaran ay sinlagim ng kay Florante. Inagaw sa kanya ng kanyang amang si
Sultan Ali-Adab ang kanyang kasintahang si Flerida.
Pagkatapos ng pagsasalaysay ay narinig nila ang dalawang tinig na nag-uusap. Tumayo ang dalawang
lalaki at nakita nila sina Laura at Flerida na nag-uusap. Si Fleriday tumakas sa Persya upang hanapin
si Aladin at nang mapagawi siya sa may dakong gubat ay nasumpungan niya si Laura na ibig gahasain ni
Adolfo, pinana niya ito at naligtas si Laura sa kamay ng sukab.
Ikinuwento ni Laura ang paghuhuwad ni Adolfo sa lagda ng kanyang ama upang madakip si Florante.

July 08,2015
July 08, 2015
Isinalaysay niya ang pamimilit ni Adolfo sa kanya at pagdadala sa gubat.
Sa ganoon ay nabatid nina Florante at Aladin na ang kani-kanilang mga katipan ay pawang tapat sa
kanila. Sina Florante at Laura ay matagumpay na naghari sa Albanya at sina Aladin at Flerida,
pagkatapos na maging binyagan at pagkamatay ni Sultan Ali-Adab, ay naghari sa Persya.
II.

Diwang nanaig:
Kristiyanismo
Mensahe:

III.

Nais ng kwentong Florante at Laura na ipabatid sa mga mambabasa ang tapat at wagas
na pagmamahal nila sa isat isa na walang magiging hadlang kung kakayanin at
hahamakin ang mga unos ng buhay. At meron pa ring pag-asang magtulungan ang
dalawang taong galing sa magkaibang bansa at magkatunggaling relihiyon.

Kaugnayan ng Akda sa Panahon:


Sa panahon ng Kastila unang umusbong at lumaganap ang Relihiyong Kristiyanismo, at
sa kwento ng Florante at Laura isinalaysay ang labanang nagaganap sa pagitan ng
Kristiyanismo at Muslim na sa huli ang Kristiyanismo pa rin ang nanaig.

July 08,2015
July 08, 2015

PANAHON NG AMERIKANO:

Maikling Kwento:

I.

Akda:
Paglalayag sa Puso ng isang Bata ni Genoveva Edrosa- Matute
Buod:

Binata na siya marahil ngayon. O baka ama na ng isang mag-anak. Ito ay kung nakaligtas siya sa
nakaraang digmaanngunit ayaw kong isiping baka hindi. Sa akin, siyay hindi magiging isang binatang
di-kilala, isang ama, o isang alaala kaya ng Bataan. Sa akin, siyay mananatiling isang batang lalaking
may kaliitan, may-kaitiman at may walong taong gulang.
Pagkaraan ng daan-daang tinuruan, mga sumipot, nanatiling saglit, at lumisan pagkatapos, pagkaraan
ng mga taong ang ilay nagdumali, ang ilay nagmabagal at ang ilay nakintal sa gunita, buhay na
buhay pa sa aking isipan ang kaniyang mukha at ang kaniyang pangalan. Ngunit ang buhay sa lahat ay
ang isang bagay na itinuro niya sa akin, isang araw, nang siya ang aking maging guro, at ako ang
kanyang tinuruan.
Isa siya sa pinakamaliliit sa klase. At isa rin sa pinakapangit. Ang bilog at pipis niyang ilong ay lubhang
kapansin-pansin at tingnan lamang iyoy mahahabag na sa kanya ang tumitingin. Kahit ang paraan niya
ng pagsasalita ay laban din sa kanya. Mayroon siyang kakatuwang punto na nagpapakilalang siyay
taga-ibang pook.
Ngunit may isang bagay na kaibig-ibig sa muntit pangit na batang ito, kahit sa simula pa lamang.
Nagpapaiwan siya tuwing hapon kahit hindi na siya hilingan nang gayon. Tumutulong siya sa mga
tagalinis at siya ang pinakamasipag sa lahat. Siya rin ang pinakahuling umaalis: naglilibot muna sa
buong silid upang pulutin ang mga naiiwang panlinis. Lihim ko siyang pinamamasdan habang inaayos
niya ang mga ito sa lalagyan, ipinipinid, at pagkatapos ay magtutungo sa likod ng mga hanay ng upuan
upang tingnan kung tuwid ang bawat isa. At sa pintuan, lagi siyang lumilingon sa pagsasabi ng,
Goodbye, Teacher!
Sa simula, pinagtakhan ko ang kaniyang pagiging mahihiyain. Nakikita ko siyang gumagawa nang
tahimik at nag-iisaumiiwas sa iba. Paminsan-minsay nahuhuli ko siyang sumusulyap sa akin upang
bawiin lamang agad ang kanyang paningin. Habang tinatanaw ko siya tuwing hapon, pinakahuli sa
kaniyang mga kasamahan, ay naiisip kong alam na alam niya ang kaniyang kapangitan, ang kakatuwang
paraan ng kanyang pagsasalita.
Unti-unti kong napagdugtung-dugtong ang mga katotohanan tungkol sa kanyang buhay. Payak ang mga
katotohanan: siyay isang munting ulilang galing sa lalawigan, lumuwas sa malaking lungsod bilang
utusan. At kalahating araw siyang pumapasok sa paaralan upang may makasama sa pagpasok at paguwi ang anak ng kanyang panginoon.
Isang mabagal na paraan: ang pag-akit na iyon sa kaniya at ang pagtiyak na siyay mahalaga at sa
kaniyay may nagmamahal. Napasuot na siya sa mga kaguluhang bahagi ng buhay ng bawat bata.

July 08,2015
July 08, 2015
Nanukso na siya sa mga batang babae. Lalo siyang naging malapit sa akin. Lalo siyang naging maalala
at mapagmahal. Maligaya na siya.
Isang araw, nangyari ang hindi inaasahan. Sa paglingon ko sa mga taong nagdaay naaamin ko sa
sariling ang lahat nang iyoy aking kasalanan. Mainit noon ang aking ulo,umagang-umaga pa. At ang
hindi dapat gawin ay aking ginawa napatangay ako sa bugso ng damdamin. Hindi ko na magunita
ngayon kung ano ang ginawa ng batang iyon na aking ikinagalit. Ang nagugunita ko lamang ngayon ay
ang matindi kong galit sa kanya, ang pagsasalita ko sa kaniyang ipinanliit niya sa kanyang upuan.
Nalimutan ko ang kanyang pag-iisa, ang kaniyang kalumbayan, ang mabagal na paraan ng pag-akit at
pagtiyak sa kanyang siyay mahalaga at minamahal.
Nang hapong iyoy hindi siya nagpadulas sa pagitan ng mga hanay ng upuan. Ngunit siyay nagtungo sa
huling upuan upang kunin ang aking tsinelas, upang paghiwalayin ang mga iyon at upang itapat sa
aking mga paa. Nagtungo siya sa tindahang katapat upang ibili ako ng minindal at nagpaiwan siya
upang likumin ang mga kagamitan sa paglinis at upang ayusin ang mga iyon sa lalagyan sa sulok.
Pinagpantay-pantay rin niya ang mga upuan sa bawat hanay, gaya nang kanyang kinamishasnan.
Ngunit hindi siya tumingin sa akin minsan man lamang nang hapong iyon.
Naisip ko: Napopoot siya sa akin. Sa munti niyang pusoy kinapopootan niya ako ng pagkapoot na
kasintibay ng pagmamahal na iniukol niya sa akin nitong mga huling buwan. Ang isa mang batang
namulat sa pag-iisa at sa kalumbayan ng pag-iisat kawalan ng pagmamahal ay makadarama rin sa
kawalan ko ng katarungan. Ngayoy paalis na siya, ang naisip ko nang may kapaitan sa puso.
Tumagal siya sa pagpapantay sa mga upuan. Na tila may binubuong kapasiyahan sa kaniyang loob.
Nagtungo siya sa pintuan at ang kaniyang mga yabag ay mabibigat na tila sa isang matandang pagod. Sa
loob ng maraming buwan, ngayon lamang siya hindi lumingon upang magsabi ng, Goodbye, Teacher.
Lumabas siya nang tahimik at ang kaniyang mabibigat na yabag ay lumayo nang lumayo.
Ano ang ginawa kong ito? Ano ang ginawa kong ito? Ito ang itinanong ko nang paulit-ulit sa aking sarili.
Napopoot siya sa akin. At itoy sinabi ko rin nang paulit-ulit sa aking sarili.
Bukas Marahil, kung pagpipilitan ko bukas
Biglang-bigla, ang maitim at pipis na mukha ng batay nakita ko sa pintuan. Ang mga mata niyang
nakipag-salubungan sa akiy may nagugulumihanang tingin. Goodbye, Teacher, aniya. Pagkatapos ay
umalis na siya.
Nagbalik siya upang sabihin iyon sa akin.
Kung gaano katagal ako noon sa pagkakaupo ay hindi ko na magunita ngayon. Ang tangi kong
nagugunitay ang pagpapakumbaba ko sa kalakhan ng puso ng munting batang yaon, sa nakatitinag na
kariktan ng kanyang kaluluwa. Nang sandaling yaon, siya ang aking naging guro.

II.

Diwang nanaig:
Paglawak ng Karanasan

July 08,2015
July 08, 2015

Mensahe:

III.

Sa kwentong ito na isinulat ni Genoveva Matute na kilala bilang Aling Bebang


ipinapakita nito ang lubos na pagmamahal ng isang ulilang bata sa kanyang guro. At
nais din nitong ipabatid sa atin na hindi dapat magpadala agad sa galit, isipin munang
mabuti ang sitwasyon at bigyan ng solusyon at hindi dapat manghuhusga ng kapwa
kung di mo alam kung saan siya nanggaling at ano ang buong pagkatao niya.

Kaugnayan ng akda sa Panahon:


Sa panahon ng Amerikano dito hustong lumaganap ang edukayon layunin ng mga
Amerikano na mapalawig ang kaalaman ng Pilipino kasali dito an gating mga katutubo.
Sa kwentong Paglalayag sa Puso ng isang Bata, ang bata dito ay isang katutubo na nagaaral na nakararanas ng diskriminasyon sa kanyang mga kaklase ngunit hindi iyon
naging balakid sa kanya upang magpatuloy sa pag-aaral.

July 08,2015
July 08, 2015

PANAHON NG KATUTUBO:
Maikling Kwento: (KWENTONG BAYAN)
I.

Akda: Naging Sultan si Pilandok

Si Pilandok ay nahatulang ikulong ng isang masamang Sultan sa isang


kulungang bakal at itapon sa dagat dahil sa paghihimagsik na kaniyang
ginawa.
Pagkalipas ng ilang araw, ang Sultan ay nanggilalas nang makita si Pilandok
sa kaniyang harapan na nakasuot ng magarang kasuotan ng Sultan.Nakasukbit sa kaniyang baywang
ang isang kumikislap na ginintuang tabak.
"Hindi ba't itinapon ka na sa dagat?" nagtatakang tanong ng Sultan kay
Pilandok.
"Siya pong tunay, mahal na Sultan," ang magalang na tugon ni Pilandok.
"Paanong nangyaring ikaw ay nasa harap ko at nakadamit nang magara?
Dapat ay patay ka na ngayon," ang wika ng Sultan.
"Hindi po ako namatay, mahal na Sultan, sapagkat nakita ko po ang aking
mga ninuno sa ilalim ng dagat nang ako'y sumapit doon. Sila po ang nagbigay sa akin ng kayamanan.
Sino po ang magnanais na mamatay sa isang kahariang masagana sa lahat ng bagay?" ang paliwanag ni
Pilandok.
"Marahil ay nasisiraan ka ng bait," ang sabi ng ayaw maniwalang Sultan.
"Nalalaman ng lahat na walang kaharian sa ilalim ng dagat.
"Kasinungalingan po iyan! Bakit po naririto ako ngayon? Ako na ipinatapon
ninyo sa gitna ng dagat. Ako na ikinulong pa ninyo sa hawla ay naririto ngayon at kausap ninyo," ang
paliwanag ni Pilandok. "May kaharian po sa
ilalim ng dagat at ang tanging paraan sa pagtungo roon ay ang pagkulong sa
hawla at itapon sa gitna ng dagat. Ako po'y aalis na at marahil ay hinihintay
na ako ng aking mga kamag-anak."
Umakmang aalis na si Pilandok.
"Hintay," paghinto ng Sultan kay Pilandok. "Isama mo ako at nais kong makita ang aking mga ninuno, ang
Sultan ng mga Sultan at ang iba ko pang
kamag-anak."
Tatawagin na sana ng Sultan ang mga kawal ngunit pinigil siya ni Pilandok
at pinagsabihang walang dapat makaalam ng bagay na iyon. Dapat daw ay mag-isang pupunta roon ang
Sultan sa loob ng isang hawla.
"Kung gayon ay ilagay mo ako sa loob ng hawla at itapon mo ako sa gitna ng
dagat," ang sabi ng Sultan.

July 08,2015
July 08, 2015
"Sino po ang mamumuno sa kaharian sa inyong pag-alis?" ang tanong ni Pilandok. "Kapag nalaman po
ng iba ang tungkol sa sinabi ko sa inyong kaharian sa ilalim ng dagat ay magnanais silang magtungo rin
doon.
Sandaling nag-isip ang Sultan at nakangiting nagwika, "Gagawin kitang
pansamantalang Sultan, Pilandok. Mag-iiwan ako ngayon din ng isangkautusang ikaw ang
pansamantalang hahalili sa akin."
"Hintay, mahal na Sultan," ang pigil ni Pilandok. "Hindi po ito dapat malaman
ng inyong mga ministro."
"Ano ang nararapat kong gawin?" ang usisa ng Sultan. "Ililihim po natin ang
bagay na ito. Basta't ipagkaloob ninyo sa akin ang inyong korona, singsing,
at espada. Pag nakita ang mga ito ng inyong kabig ay susundin nila ako,"ang tugon ni Pilandok.
Pumayag naman ang Sultan. Ibinigay na lahat kay Pilandok ang hinihingi at
isinakay sa isang bangka. Pagdating sa gitna ng dagat ay inihagis ang hawlang kinalululanan ng Sultan.
Kaagad lumubog ang hawla at namatay ang Sultan. Mula noon si Pilandok na ang naging Sultan.
Diwang Nanaig:

I.

Mensahe:

II.

Hindi dapat gumawa ng masama sa inyong kapwa kung hindi ang masama na iyong
ginawa ay babalik at babalik sayo. At ipinapkita sa kwento na maging kontento sa mga
bagay na nasa iyo na at huwag magpadalos-dalos sa mga desisyong gagawin.

Kaugnayan sa akda sa Panahon:


Sa panahon ng katutubo meron na silang kanilang sariling pamahalaan kung ituturing na
pinamumunuan ng isang sultan, raja at iba pa. Sa kwentong nabasa ipinapakita na meron ng
sariling pamamahalaan na ating mga katutubo.

PANAHON NG PROPAGANDA:
Maikling kwento:
I.

Akda: Josaphat at Barlaan

Kabanata I hanggang Kabanata X hari ng Indiya :Abenir sumasamba sa mga diyus-diyosan si Haring
Abenir ipinapangaral sa Indiya ang Salita ng Diyos sa mga panahon na iyon lumagda ng batas na naguutos na sumamba ang mga tao sa mga diyusdiyosan mayroong matalik na kaibigan ang hari na isang

July 08,2015
July 08, 2015
kabalyero nang malaman niya ang batas ng hari, iniwan niya ang kanyang kayamanan at pumasok sa
monasteryo ipinag-utos ng hari na hanapin siya nakita ng hari ang kaibigan niyang namumuhay para
kay Kristo nagkaanak si Abenir ng isang lalaki : Josaphat ipinag-utos ng hari na hindi dapat makakita si
Josaphat ng kahit anong bagay na pangit ipinagbawal din ang pagbanggit ng kahit anong tungkol sa
Kristiyanismo kay Josaphat lalong nainis si Haring Abenir sa mga Kristiyano dahil nakita niyang marami
sa mga kampon niya and yumayakap sa Kristiyanismo nakahingi si Josaphat ng pahintulot na umalis sa
bahay nakita ni Josaphat ang kahirapan na dinaranas ng mga tao nalaman niyang lahat ng tao ay
nagkakasakit at namamatay nanabik siyang malaman ang mga aral ng Kristityanismo at ang mga inaaral
tungkol sa pagtitiis ng hirap may isang matandang pari na naninirahan sa Senaar (bayang malayo sa
Indiya) : Barlaan ipinahayag sa kanya ng Diyos and mabuting kalooban ni Josaphat at ang pagnanais
nitong malaman ang mga aral ni Kristo nagbihis si Barlaan bilang isang mangangalakal at tumungo sa
Indiya sinabi niya sa mga gwardiya sa palasyo ng prinsipe na mayroon siyang ipapakitang mahalagang
bato sa prinsipe sinimulang turuan ni Barlaan si Josaphat tungkol sa Kristiyanismo paglalang sa
mundo (Creation) pagkahulog sa kasalanan ng una nating magulang (Original Sin) ang
pagkakatawang-tao at pagtubos sa tao (Hesus) kung paano maiiwasan ang parusa pagkatapos ng
kamatayan : Pagbabalik-loob (Repentance)
Kabanata XI hanggang Kabanata XX ipinagpatuloy ang pagpapaliwanag tungkol sa Kristiyanismo
ipinaliwanag ang parabulang Ang Anak na Alibugha (The Prodigal Son) isinalaysay ang buhay at
pagpapasakit ng mga martir ipinaliwanag ang walang hanggang kaparusahan sa impyerno
ipinaliwanag ang pagtigil natin sa paggawa ng kabanalan para sa mga hiling ng laman ipinaliwanag
ang iba pang aral-Kristiyano at ang Misa bininyagan si Josaphat sa isang bukal sa halamanan ng
palasyo
Kabanata XXI hanggang Kabanata XXX Zardan kabalyerong inutusan ng hari na mag-ingat na huwag
makakarinig si Josaphat ng anuman tungkol sa Kristityanismo naghinala sa malimit na pagdalaw ni
Barlaan kay Josaphat ipinaliwanag ni Zardan na siya ang malilintikan kapag nalaman ng hari ang
nangyayari tiniyak ni Josaphat kay Zardan na walang masama sa kanilang ginagawa inanyayahan niya si
Zardan na makinig sa susunod na pagdalaw ni Barlaan naniwala si Zardan sa mga turo ni Barlaan
nakiusap si Josaphat na huwag ibunyag sa hari ang kanilang ginagawa nagpaalam si Barlaan kay
Josaphat nagsakit-sakitan si Zardan at umuwi sa kaniyang bahay pinapunta ni haring Abenir ang
kanyang manggamot sa bahay ni Zardan sinabi ng manggamot na walang sakit si Zardan umamin na si
Zardan sa mga ginagawa nina Barlaan at Josaphat sumangguni ang hari sa kanyang pinakatapat niyang
tagapayo : Araquez balak ni Araquez na ipadakip si Barlaan at dustahin sa isang debate laban sa mga
pantas ng kaharian para mawala ang pananalig ni Josaphat sa mga aral nito hindi nahanap ng mga
kawal si Barlaan sa Senaar ipinadakip ang isang bantog na astrologo : Nacor pumayag si Nacor na
magkunwaring Barlaan nalungkot si Josaphat nang malaman niyang nadakip si Barlaan (Nacor) sinabi
na ni Josaphat sa kanyang ama ang lahat sinabi ng hari kay Josaphat na kailangan nitong sumunod sa
kanya dahil siya ang ama niya ipinaliwanag ni Josaphat na magiging kasalanan ang pagsunod sa
magulang kung ito'y magiging paglabag sa banal na kalooban ng Diyos nagdaos ang hari ng isang debate
sa pagitan ng mga Kristyano at pagano alam talaga ni Josaphat na manlilinlang lamang si Nacor
kinausap ni Josaphat si Nacor nang parang ito ay si Barlaan at sinabi niya na kapag natalo ang panig ng
mga Kristiyano, siya mismo ang papatay sa kanya dahil ang ibig sabihin lang nito ay impostor si

July 08,2015
July 08, 2015
Barlaan ipinagtanggol ni Nacor ang panig ng mga Kristiyano umamin si Josaphat na alam niyang
manlilinlang si Nacor at nagpasalamat siya sa pagtatanggol ni Nacor sa panig ng mga Kristiyano
itinuro ni Josaphat ang mga aral ng Kristiyanismo kay Nacor nanirahan si Nacor sa isang monasteryo
upang mabinyagan at mamuhay para kay Kristo nagkaroon ng pista para sa mga diyus-diyosan
tinulungan ng hari si Theudas para sa ipagtatagumpay ng pista para sumigla naman ang mga tao
pinangakuan ni Theudas ang hari ng paraan para mapabalik si Josaphat sa pagsamba sa mga diyusdiyosan balak ni Theudas : ang mga utusan sa palasyo ay papalitan ng mga babaeng utusan na sanay
umakit sa mga lalaki nanganib si Josaphat na mahulog sa kasalanan hiniling ni Josaphat sa kanyang
ama na siya'y payagang lumabas para hanapin si Barlaan
Kabanata XXXI hanggang Kabanata XXXL pangalawang balak ni Theudas : magtalo si haring Abenir at
si Josaphat resulta ng pagtatalo: tinanggap ni Theudas ang aral ng Kristiyanismo at napoot ang hari
dahil dito payo ni Araquez : hatiin ng hari sa dalawa ang kanyang kaharian at ibigay kay Josaphat ang
kalahati upang pamunuan at mamuhay sa relihiyong kanyang ibig sinabi ng hari sa kanyang mga
tagapaglingkod na malaya silang sumama kay Josaphat at huwag silang mag-alala na baka silay
parusahan unang ginawa ni Josaphat sa kanyang paghahari : magtayo ng simbahan sa ngalan ni Kristo
umunlad ang sakop ni Josaphat nangaunti ang sakop ni Abenir nakilala ni Abenir ang kanyang
pagkakamali hiniling niya kay Josaphat na turuan siya tungkol sa mga aral ng Kristiyanismo nang
mamatay ang hari, umalis si Josaphat sa kanyang kaharian upang mamuhay sa gubat bilang ermitanyo
iniwan niya kay Barachias ang kaharian naglakbay si Josaphat ng dalawang taon para hanapin si
Barlaan nagkita sila ni Barlaan at namuhay sila nang magkasama nang kamamatay lamang ni
Barlaan, nagkaroon ng panaginip si Josaphat mayroong dalawang putong (korona) na makikinang and
dalawang iyon ay para sa kanya at sa kanyang ama nalungkot siya dahil naisip niya kung bakit
magiging karapat-dapat ang ama niya na hindi nagtiis ng maraming kahirapan tulad niya nagpakita sa
sandaling iyon si Barlaan at siyay pinagalitan tumangis si Josaphat at nagsisi nang mamatay si
Josaphat, inilibing siya sa pinaglibingan ni Barlaan inibig ng Diyos na mag-anyong matanda si
Josaphat at pumunta ng Indiya pumasok ang matanda sa silid ni Hari Barachias isinalaysay niya kay
Barachias ang nangyari kay Josaphat hinanap ni Barachias ang bangkay ni Josaphat nang makita nila
ito, ang dalawang bangkay ni Barlaan at Josaphat ang nakita ng mga tao silay nagtaka dahil hindi
nabubulok ang mga bangkay dinala nila ang mga bangkay sa unang simbahang ipinatayo ni Josaphat
maraming himala ang nangyari sa harap ng mga banal na bangkay
Nalaman ng hari na naging Kristiyano ang kaniyang anak na si Josaphat. Nagalit ang hari at ipinahanap
niya si Barlaan sa kaniyang mga alagad upang ito ay dakpin. Nadakip nila ang inaakala nilang si Barlaan
ngunit ang totoo ay isa lamang itong astrologo na nagngangalang Nacaor. Hindi nila ito alam. Hinamon
ng hari na makipag-debate sa kaniya si Barlaan (na si Nacor pala) at kapag nanalo ito ay
magpapabinyag siya at pati narin ang mga alagad nito ngunit kapag natalo ito ay papatayin niya si
Barlaan. Natuklasan ito ni Josaphat at nalaman niyang hindi ito ang totoong Barlaan. Nang dumating
ang araw ng pagtatalo ay tila biniyayaan ng hiwagang karunungan si Nacor. Nakasagot siya ng mabuti
sa ginawa nilang pagdedebate at sa huli ay nanalo si Barlaan (Nacor).
Ang mga tauhan ni Josaphat ay pinalitan ng hari ng mga babae upang matukso ito. Nanalangin si
Josaphat sa Diyos upang ilayo siya sa tukso. Nang mangyari ito ay hindi natukso si Josaphat. Ipinayo ni

July 08,2015
July 08, 2015
Theudas (isa sa mga alagad ng hari) na magtalo si Haring Abenir at Josaphat. Pumayag ito ngunit sa
huli ay nanalo rin si Josaphat. Ipinayo nanaman ni Theudas na hatiin na lamang sa dalawa ang
kaharian. Nangyari ito at napunta kay Haring Abenir ang kalahati at ang natira naman ay kay Josaphat.
Ang pinaka-unang ipinatayo na estruktura ni Josaphat ay isang simbahan at doon sa kaharian ni
Josaphat ay masiglang nanirahan ang mga Kristiyanong ayaw maparusahan sa kamay ni Haring Abenir.
Doon lamang nalaman ng hari ang kaniyang pagkakamali. Sinulatan niya ang kaniyang anak na handa na
siyang maging isang Kristiyano. Tinanggap ito ni Josaphat. Matapos ang 4 na taong pagsisisi at
paghihirap sa kasalanan, ay namatay si Haring Abenir.
Hinanap ni Josaphat si Barlaan. Marami rin siyang napagdaanan bago niya mahanap si Barlaan. Iniwan
muna ni Josaphat ang kaniyang kaharian sa kamay ni Barachias. Nang makita ni Josaphat si Barlaan ay
namuhay silang magkasama habang patuloy na inuukol nila ang kanilang panahon sa pagdadasal sa
Diyos. Isang araw ay sinabi ni Barlaan na malapit na itong mamatay. Nagkaroon sila ng misa para kay
Barlaan at pagkatapos nito ay binawian na ito ng buhay. Namuhay sa pagtitiis si Josaphat. Nang
mamatay ito ay inilagay nila ang kaniyang puntod sa tabi ng libingan ni Barlaan. Nagkaroon ng isang
pangitain ang monghe at ipinaalam nito kay Barachias ang pagkamatay ni Josaphat. Iniutos ni
Barachias na hanapin si Josaphat sa bulubundukin ng Senaar. Dalawang bangkay ang nakita at katakatakang hindi ito naagnas at may mahinhinghalimuyak pa ang masasamyo. Ang mga ito ay dinala sa
simbahang ipinatayo ni Josaphat at doon inilagak. Maraming himala ang nangyari kaya marami ang
nagsibalik-loob sa Diyos at nagpabinyag sa pagiging Kristiyano.

II.

Diwang nanaig:
Kristiyanismo
Mensahe:

III.

Ipinapakita sa pangunahing tauhan sa kwento ang labis na paniniwala at


pananalampataya sa Diyos at tuluyang pagyakap nito. Kahit maraming tutol sa
kanyang relihiyon napili ay buong tapang niya itong hinarap at pinanindigan. At
ipinapakita sa kwento ang matibay na pagkakaibigan sa pagitan g dalawang tauhan na
handang hamakin ang mga pagsubok na dadating.

Kaugnayan ng akda sa Panahon:


Sa panahon ng Propaganda lalong lumaganap ang kristiyanismo sa bawat sulok ng
bansa na isa sa mga layunin ng mga kastila na mapabilang ang ating bansa sa relihiyon
nila. Sa kwento ipinapakita na bago dumating ang kristiyanismo sa kanilang lugar ay
dating silang mga pagano na ang kanila lang pinaniniwalaan ay ang kung ano ang nasa
kapaligiran ay meron itong kapangyarihan halimbawa mga bato, sapa, bundok at iba
pa. Maihahalintulad natin ditto ang mga Pilipino noon. Ngunit ng dumating ang kastila
ang dating paniniwala ay unti-unti nang nawawala at napalitan ito ng Kristiyanismo na
isa sa mga instrument ng mga kastila upang mapadali ang kanilang pagsakop sa ating
bansa.

July 08,2015
July 08, 2015

July 08,2015
July 08, 2015

PANAHON NG HIMAGSIKAN:

Maikling Kwento: (PASALAYSAY)


I.

Akda: Pag-ibig ni Emilio Jacinto

Sa lahat ng damdamin ng puso ng Tao ay wala nang mahal at dakila na gaya ng pag-ibig. Ang
katuwiran, ang katotohanan, ang kabutihan, ang kagandahan, ang maykapal at kapwa Tao ay siya
lamang mangyayaring maging sanhi ng pag-ibig. Kung ang masama at matuwid ay ninanasa rin ng
loob, Hindi ang pag-ibig ang siyang may udyok kundi ang kapalaran at ang kasakiman.
Kung ang pag-ibig ay wala, ang mga bayan ay Hindi magtatagal at karakarakang mapapawi sa balat
ng lupa ang lahat ng pagkakapisan at pagkakaisa, at ang kabuhayan ay matutulad sa isang dahon na
kahoy na niluoy ng init at tinanggay ng hanging mabilis.
Ang tunay na pag-ibig ay walang iba kundi iyong makaka-akay sa Tao sa mga dakilang gawa
sukdulang ikawala ng buhay ng sampu ng kaginhawaan.
Ngunit ang kasakiman at ang katampalasan ang nag-aanyo ring pag-ibig minsan, at kung
magkagayon na ay libu-libong mararanal na kapakinabangan ang nakakapalit ng ga patak na
pagkakawanggawa na nagiging tabing pa man din ng kalupitan at ng masakim na pag-iimbot sa aba
ng mga bulag na isip na nararahuyo sa ganitong pag-ibig.
At ang pag-ibig, wala na kundi ang pag-ibig na tanging binabalungan ng matatamis na ala-ala sa nag
daan at ng pag-asa naman sa darating. Sa malawak na dagat ng ating mga kahirapan at pagkadusta,
ang pag-ibig na siyang magiging dahilan lamang kung kaya natin minamahal pa ang buhay.
Kung ang magulang ay walang pag-ibig sa anak, sino ang mag babatang, mag-iiwi sa mga sanggol? At
mabubuhay naman kaya nag mga anak sa sarili lamng nila? Kung ang anak naman kaya ay walang
pag-ibig sa magulang, sino ang kanilang magigigng alalay sa katandaaan? Ang kamalayan ay lalong
matamis kaysa buhay na parang matandang nangangatal ang tuhod at nanlalabo ang pagod na mga
mata ay wala ng malangapang mag-aakay at makaka-alaiw sa kanyang kahirapan.
Ang pagkaawa sa ating mga kapwa na inilugmok ng sawing kapalaran hanggang sa tayo'y mahikayat
na sila'y bahaginan ng kaunting kaluwagan; ng ating pagtatanggol sa naapi hanggang sa ipasanganib
at damayan natin ang ating buhay; ang pagkakawanggawa sa lahat kung tunay na umuusbong sa
puso, alin ang pinagbubuhatan kundi ang pag-ibig?
Ang tunay na pag-ibig ay walang ibinubunga kundi ang tunay na ligaya at kaginhawaan; kailanpawa't
sapin-sapin ang dusang pinapasan ng bayani at kanyang buhay na nalipos ng karukhaan at lungkot,
ang dahilan sapagkat Hindi ang tunay na pag-ibig ang naghahari kung di ang taksil na pitasa yama't

July 08,2015
July 08, 2015
bulaang karangalan.
Sa aba ng mga bayang Hindi pinamamahayan ng wagas at matinding pag-ibig.
Sa pag-ibig nunukal ang kinakailangang pagdadamayan at pagkaka-isang magbibiga ng di-mahahapay
na lakas na kailangan sa pagsasangalang ng matuwid
Sa aba ng mga bayang Hindi pinamumuhayan ng pag-ibig at binubulag ng hamak ng pag-sasarili. Ang
masasama'y walang ibang ninanasa kundi ang ganitong kalagayan. Gumagaw ng daan tungo sa pagaalitan, kaguluhan, pagtataniman at pagpapatayan sapagkat kinakailangan sa kanilang kasamaan.
Ang hangarin nila ay mapagbukod bukod ang mga mamamayan upang kung mahina na at dukha dahil
sa pag-iiringan, sila ay nakapagpapasasa sa kanilang kahinaan at karupukan.
Oh! Sino ang nakakapagsasalaysay ng mga himalang gawa ng pag-ibig?
Ang pagkaka-isa na siya niyang kauna unahang bunga niya ay siyang lakas at kabuhayan, at kung
nagkakaisa na't nag-iibigan ang lalong nalalabing hirap ay magaang pasanin, at ang muling ligaya'y
ang ganito, ay di matataos ng mga pusong Hindi nakadarama ng tunay na pag-ibig.
At upang makapagkilalang magaling na pag-ibig ay siya ngang susi at mutya ng kapayapaan at
ligaya, ikaw na bumabasa nito mapagnanakaw mo kaya, mapagdadayaan o matatampalasan mo kaya
ang iyong ina't mga kapatid? Hindi, sapagkat sila'y iniibig at sa halip ay dadamayan mo ng iyong
dugo at sampung buhay kung silang nakikitang inaapi ng iba.
Gayundin naman, kung ang lahat ay mag-iibigan at magpapalagayang tunay na magkakapatid,
mawawala ang lahat ng mga pang-aapihan na nagbibigay ng madlang pasakit at di mabatang
kapaitan.
Kung ang pag-ibig sa kapwa ay wala, nilulunod ng malabis na pagsasarili ang magandang alala.
Ipagpalagay na may tapat na nais at tatawagin na marurunong ang mabuting mapaparaan upang
magtamasa sa dagta ng iba, at ituturing na hangal yaong marunong dumamay sa kapighatian at
pagkaapi na kanyang mga kapatid.
Maling mga isip at ligaw na loob ang manambitin sa mga hirap ng Tao na inaakalang walang
katapusan. Sukat ang matutong magmahal at manariwang muli sa mga puso ang wagas na pag-ibig
sa kapwa at ang tinatawag na bayanng hinagpis ay matutulad sa tunay na paraiso.
II.

Diwang nanaig:
Masidhing pagmamahal sa Bayan
Mensahe:

July 08,2015
July 08, 2015

III.

Sa akdang isinulat ni Emilio Jacinto binigyang-kahulugan niya kung ano ba talaga ang
pag-ibig. Binigyang diin niya dito ang papel ng pag-ibig sa pang-araw araw na
pamumuhay na kung wala ito maaring walang kapayapaan na mangyayari at walang
pagtutulangan na magaganap kung kayat mahalin natin an gating sarili, kapwa at
higit sa lahat ang ating bayang sinilangan.

Kaugnayan ng akda sa Panahon:


Sa Panahon ng Himagsikan laganap na ang rebolusyon ang labanan sa pagitan ng
Kastila at mga Pilipino. Sa akdang binasa tinutukoy nito ang masidhing pagmamahal
nang ating kababayang Pilipino sa ating bansa na handa silang hamakin lahat maging
ang kapalit man ay kamatayan para lamang itoy makalaya sa mga sakim na kamay ng
mga dayuhan.

July 08,2015
July 08, 2015

PANAHON NG HAPON
Maikling Kwento:
I.

Akda: Ang Anino ng kanyang Ama ni Pedro S. Dandan

HINDI ba kayo ay may anino na gaya rin ng sinumang nilalang? Ngunit, hindi pa kayo nakasaksi ng
pagmamalupit ng isang anino sa kapwa anino. Matangi kaypala sa mga unang anino sa puting tabing na
napakikilos ng pagkutantang sa nakataling mga sinulid sa nakakubling mga tau-tauhan. Sasabihin
ninyong isa itong kabulaanan. Hindi ninyo batid na nagngyari na iyon kay Merto: sa kanyang anino at
sa anino ng kanyang ama. Kitang-kita niya ang sukdulang kalupitan ng nakayungyong na anino ng
kanyang ama sa kanyang nakapanglaw na anino. At sino sa palagay ninyo ang nasawing palad? Walang
iba maliban kay Merto na siya ring nakasaksi sa pagpapamook ng dalawang anino.
Naging isang mahiwagang krimen sa baryo ng Kalumpang, bayan ng B, ang naturang
pangyayari. Subalit, sa paningin ng isang manunuring-isip o saykoanalista (na nakapag-impok ng
kaalaman sa mga haka ni Sigmund Freud sa kasarian at mga panaginip at sa paniniwala ni Adler na
malaki ang kinalaman ng udyok na makapangyari sa mga gawi't kilos ng tao) ay nagkaroon ng kahayagan
ang paghahamok ng dalawang anino na gaya ng nasaksihan ni Merto. Mangyari pa na kung
magpapakalabis ang anino ng amang sa tuwina'y nagkakanlong na kasama ng katutubong mga
damdaming walang tuto sa karimlan ng di-kamalayan (di-nakakamalay na sarili), upang lubusang
mapanaigan ang kamalayan (nakakamalay na sarili), hindi na makatutulong pa ang aninong nabanggit
sa pagsupil sa katutubong mga damdaming walang tuto, kundi manapa'y sisikil at lubhang
magmamalupit sa kamalayan hanggang sa takasan ng katinuan at maisadlak sa kasawian ang isang
nilalang.
Sapul pa sa pagkabata hanggang sa paglagay ni Merto sa magaling ay nakapanagumpay na sa
kanya ang anino ng kanyang ama, sa anumang kasiyahang maidudulot sa kanyang katawan ng
pangingibabaw sa kanyang di-kamalayan ng katutubong mga damdaming walang tuto. Noon na lamang
anihan naging maigting sa kanya ang pakikipaghamok ng kanyang anino laban sa anino ng kanyang ama,
samantalang ibinabalik niya sa sako ang ibinilad niyang palay sa ibabaw ng daambakal na malaon nang
hindi dinaraanan ng tren. Noon niya nadamang naghihimagsik ang kanyang anino.
Sandaan at limang kabang palay ang nakabahagi nila sa kanilang kasama sa sandaan at
limampung inani niya mula sa dalawang ektaryang lupang ari ni Kabesang Tomas ng Burol. Hindi niya
iniinda ang uhaw at pagod at ang nakapapasong sikat ng araw sa kanyang hubad na likod. Bihasa nang
makitalad sa hirap ang kanyang patpating katawan, na sa tag-ani lamang nagtatamasa ng ginhawa sa
paggawa. Bawat sakong mapapintog niya sa butil ng palay at mailulan sa karitong panghakot ay
pagpintog naman sa kanya ng pag-asam sa magiging kahati niya sa kanyang ama. Makasisiya na sa
kanilang mag-asawa ang apatnapung kabang palay. Sa taya niya, tatagal sa kanila ni Tentay ng
dalawang buwan ang isang kabang bigas. Sa apatnapung kabang palay, may matitira pang dalawampu't
walo matapos maipabigas ang labindalawa. Bigyan man niya ng anim na kabang palay ang kanyang
biyenan at hipag, mayroon pa rin silang dalawampu't dalawang maipagbibili sa panahong mahal.
Pagsapit sa bahay, masaya niyang isinalansan ang mga sako ng palay sa kanilang pintungang
nakabukod sa likuran ng bahay. Nakaharap ang kanyang ama at isa-isang binibilang ang bawat
namumutok na sakong maipasok niya sa pintungan. Nang aapartnapung kaban na ang nalalabi sa
kanyang nila'y humihingal na itnigil niya ang pagsasampa. Pumanhik siya sa batalan at kumadlo ng
tubig sa bangang inuminan. Sa pag-inom ay wari bang mababasag sa kanyang lalamunan ang
namumuong kahilingang makabahagi siya ng apatnapung kaban sa sandaan at limang nasa pagmamay-

July 08,2015
July 08, 2015
aring lubusan ng matanda. Atubili man ay nakadulog din siya sa kanyang ama. Nguni, nang sipatin siya
sa mukha'y parang nahulaan nito ang kanyang saloobin. Hindi pa man siya nakapangungusap ay
tumudla na sa kanyang dibdib ang mahayap na tinig:
"Pagkasiyahin n'yo, Merto, sa santaon ang labinlimang kaban! May pagkakautang pa tayo na
kailangang bayaran. Sandaan at limampu pa sa Facoma. At may animnapung piso pa sa tindahan ..."
Opo, Tatang! Opo, Tatang!
Bumaling siya sa sako ng palay at iniatang niya sa kanyang balikat ang isang dulo. Nguni,
napalugmok siya sa panlulupaypay. Noon niya kauna-unahang nakita ang kanyang anino at ang anino ng
kanyang ama. Kapwa yaon nakatapon sa lupa -- ang kanyang anino na nakagulapay at tinatapakan sa
likod ng naghuhumindig at yumuyunyong na anino ng kanyang ama.
Isinilang si Merto na gaya rin ng ibang sanggol, malusog at walang sala sa katawan; nguni't
maagang kinamatayan ng ina. Isa siyang malikot na bata sa kamusmusan. Bihasa siyang magtanggol sa
sarili o makipag-away upang makagitaw sa paligid na kanyang ginagalawan. Nguni, malabis ang
pagsansala at kabagsikan ng kanyang tatang. Palagi itong may nakahandang pamalo sa isang
pagkakamali niya. Gayon ang kanyang ama sa paghutok sa mga anak, upang umano'y hindi sila maging
suliranin sa tahanan at sa nayong kinamulatan. Tama rin naman ang kanyang tatang. Datapwa, hindi
iyon nakapigil sa kanyang mga karahasan ...
May ilang buwang nagkasakit siya ng ite at galis. Ikinalanta iyon ng kanyang pagbulas. At
sumailalim siya sa bigat ng paghutok ng kanyang ama. Hindi na siya nakaigkas sa tahasang pagkasupil
ng angking karahasan.
"Napakaulit mo kasi, Merto. Hayan, pinarusahan ka tuloy ng Diyos. Mabuti't itinulot pa
Niyang gumaling ka. Tingnan mo ang nangyari sa katawan mo, ginalis at namalikaskas ang balat. Pati
mga tadyang mo'y umusli!"
Nalirip niya ang kahayagan ng sinabi ng kanyang ama. Inalihan siya ng takot sa Diyos, sa
bigat ng parusang ipinapataw ng Panginoon sa isang nilikhang sumusuway sa mga ipinag-uutos ng
magulang. Hindi na siya ang dating si Merto, isa na siyang labi ng dating sariling malusog at malakas.
Hindi na niya magagapi sina Aryong, Gusting, Kikoy at Tibo sa luksong-palyos, batakang-lubid, buno,
sumping o sa pagtalong una ang ulo sa ilog mula sa ituktok ng talampas na pantay-kawayan...
Naantala man ang kanyang pagsibol ay sumapit din siya sa pagbibinata. Nguni, malaki ang
ibinait niya at ikinaging kimi sa babae, hanggang sa tumanda siyang binata at makapag-asawa ang apat
niyang kapatid na lalaki at maiwan sila ng kanyang kaisa-isang kapatid na babaing kulang-kulang sa
piling ng kanilang ama. Waring kinupasan na siya o hindi pa man kinukupasan ay naapula na sa kanya
ang alab ng pagnanasa ng isang kasibulan. Ikinatakot niya ang ngalang pamimintuho sa kadalagahan ng
Kalumpang. Tila sinusurot siya sa mukha kung natatangay ng tuksong pagpasasaan ng paningin ang
mapuputi at namimilog na binti ng dalaga ni Ba Ige, ang lantik ng baywang ni Ines na tukod ng ganda sa
Tiaong o ang namumutok na dibdib ng makabagong si Dely, ang kaisa-isang anak ni Tininteng Itong, na
nag-aaral ng medisina sa Maynila.
Noong animnapu't lima na ang kanyang ama, sapagka't hindi na makalusong sa bukid lalo na
at kumikirot ang rayuma o sumasakit ang gulugod, ay naging mapiliit ang kanyang kuya upang ihanap
siya ng magiging kabiyak. Isang gabing inaayos niya sa silong ang nakalas na taling yantok ng salakab
ng kanyang kuya ay inungkat sa kanya ang tungkol sa pag-aasawa.

July 08,2015
July 08, 2015
"Nagawi ka pala kina Aling Gare sa Losan," bukas nito at saka naupo sa karetang nakasilong sa
takyap na sinusunong ng tukod ng bintana.
"Tinulungan kong magkumpuni ng bubong. Kawawa naman ang mag-iina. Sapul nang
mamatay si Mang Kulas ay wala na silang nakakawaksing lalaki. Kung umulan ay maaari silang
matuluan." tugon ni Merto ...
"Ganyan nga, nang wala namang maisurot sa 'tin ang ating mga kanayon. Gayon din lang,
Merto, kung ako sa 'yo'y lulubus-lubusin ko na. Magkabagay naman kayo ni Tentay na matandang
dalaga ng nasirang Kulas, a."
"Sa palagay mo kaya, Kuya, maibigan pa 'ko ng babae?" Pagsukat sa sariling naitanong niya.
"Nangurong ka na naman ... Ako ang bahala, ako ang liligaw para sa 'yo. Lalong madali ang
matandaan. Hindi ako matatanggihan ni Aling Gare!" Nakatitiyak wari na usong ng kanyang kuya.
"Pero, si Ta ..."
"Gusto nga ng Tatang na mag-kaasawa ka na. Hindi ka lang maibunsod nang tuwiran, baka
nga naman wikain mong pinagsasawaan ka."
Inakala niyang nagkatimbang ang bigat na pumataw sa kanyang magkabilang balikat sa
pagkapag-asawa niya kay Tentay, yayamang ang dating bigat na dinadala niya sa kanan ay natumbasan
ng naatang naman sa kaliwa. Nguni, lalong nakapanaig sa kanyang di-kamalayan ang anino ng kanyang
ama, sa pagtining sa kanya ng kalagayan ng kanyang biyenan at hipag. May asawa man siya at
nararapat nang magsarili ay sa bahay pa rin siya ng kanyang ama't kapatid na babae nakasuno. Ang
labas at loob niyon ay pinalagyan ng matanda ng partisyon sa pagitan. Ang labas ang iniukol sa kanila
ni Tentay. Bagama't magkasalo ang buong sambahayan tuwing dudulog sa hapag, malimit na sa bawat
pag-aangat niya ng isusubong kanin ay sumasagi sa kanya ang katanungan kung nakaraos na rin ang
kanyang biyenan, ang kanyang hipag.
Ang anihan at ang pagdadalang-tao ni Tentay hanggang sa maging kagampan ito ay nagmulat
sa kanya sa kahayagan ng isang pagkakahawig: Kapanabay ng pag-ani ng inihasik niyang binhi sa lupa
ang pag-aani naman niya ng inihasik niyang pag-ibig sa malusog na sinapupunan ng kanyang asawa.
Mauunawaan na kaypala ng kanyang ama ang kahulugan ng pagsasarili alang-alang sa iluluwal na
kauna-unahang apo nito sa kanya. Maaari nga bang hindi sumahagap iyon ng matanda, samantalang
kasang-ayon naman ito sa paglagay niya sa panatag? Subali, napipigil din ang kanyang ama ng bagay na
ipinasasaka lamang sa kanila ang dalawanag ektaryang lupa, bukod sa di-maliwag na pagtutol ng
kanyang mga kapatid na umaasang siya ang nahuling nag-asawa at makatitingin na sa kanilang kaisaisang magulang. Kung siya na sana ang pinaiiyahan sa mga suliranin sa pamumuhay na halos siya ang
nangangatawan. Kung siya na nga sana ... siya na nga sana ... Marahil, taas-noong mahahagkan niya
ang sanggol na hindi malalaon at isisilang ... Isusulang na gaya ng pagsilang sa kanya ng lakas ng
bagong pagkalalaking nagpapahumindig sa kanyang lupaypay na anino upang maghimagsik sa
yumuyunyong pa ring anino ng kanyang ama ...
Tila nga nasususian ang kanyang bibig tuwing tatangkain niyang ipagtapat sa kanyang ama
ang balak niyang magsarili. Bumilang ng mga sandali, ng mabagal na paghahalili ng araw at gabi, ng
balisang pag-usad ng mga linggo, bago nabuo ang kanyang loob. Isang mahalumigmig na hapon ng
Disyembre, samantalang nagbabayo siya ng palay na isasaing at nagkakayas naman ng kawayang
pansahig ang kanyang tatang, ay nagkatinig din ang kanyang kahilingan.

July 08,2015
July 08, 2015
"Ta-tang ..." paputol niyang sambitla nang makuha niyang magsimula.
Napasulyap sa kanya ang matanda at saglit na ibinaba ang kinikinis na pansahig.
"Me kailangan ka ba, Merto?"
"Siyanga po sana, e ..."
"Tungkol ba sa iuulam mamaya?"
"Hindi po, tatang. Meron pa po namang talangka at susong natira sa 'king nahuli kahapon."
Lumunok siya. "Ganire po, tatang ... Ma-magiging tatlo na po kami sa ... sa buwang ito .. Hi-hindi po
ba n'yo ikagagalit kung hilingin kong ... ma-magkaroon na ng ... ng sarili?"
Tumigil siMang Berong sa pagkakayas at itinusok ang gulok sa lupa. Nag-angat ng mukha at
minasdan ang anak. Kinabahan si Merto.
"Bahay ba, anak, o saka?"
"Pa-pareho po sa-sana, Tatang ..." bahagya nang namulas sa kanyang mga labi.
Namula ang mukha ng kanyang tatang at lumitaw ang mga ugat sa pilipisan.
"Merto, huwag mo 'kong piliting magalit! Da-dalawampung taon nang di ko nahihipo ang
latikong nakasabit sa likod ng haligi. Ako ang magsasabi kung kailan ka makapagsasarili! ... Ako ..."
"Opo, Tatang , opo! Pero, kung may sarili na po kami'y makakikilos ako nang malaya,
makapananagot sa sariling pasanin, makatutulong sa 'king biyenan, sa hipag. Matututo 'kong
mabuhay ... mabuhay ... mabuhay ... nang hindi na sa lilim ng inyong mga pakpak ... Hindi na! ...
Hindi na! ..."
Sumasaloob niya habang ubos-lakas niyang binabayo ang lusong upang mapalitaw sa ipa ang
mga butil ng bigas.
Sapul noon, naalipin si Merto ng pagkabagabag. Sa halip na kasabikan ay bumalisa sa kanya
ang tanging araw na siya'y magiging isa nang ama.
Waring ang nakalulunos na daing at halinghing ng nanganganay na asawa ay sumusukat sa
kanyang pagkatao.
Ikaw ba ang aking aswawa? Ikaw ba? Ni hindi mo 'ko naitawag ng hilot, ni hindi ka makahingi
sa 'yong ama ng halagang pambayad sa pagpapaanak sa 'kin! Merto, asawa ko? Ikaw ba? Ikaw?
Salamat at nadamayan tayo ni Inang ... Salamat at di niya 'ko pinabayaan.
Waring pati sa sanggol ay ikinahihiya niya ang kawalan ng lakas at paninindigan sa
katuwiran. Waring ang matinis na pag-uha niyon ay isang pagsumbat sa kanyang pagkalalaki.
Ama ko! Ama ko! Ikaw ba ang aking ama? Ikaw ba? Ikaw ...

July 08,2015
July 08, 2015
Tatlong gabing singkad na hindi siya dinalaw ng antok, pilitin man niyang pumikit. Hindi siya
makatingin sa kanyang biyenan at hipag. Hindi niya matitgan ang kanyang anak na kasisilang.
Iniiwasan niya ang mga tingin ng kanyang asawa kung siya ang nagdudulot ng lugaw at kaputol na tuyo
sa nakaratay. Nanghapdi at namula ang kanyang mga mata sa puyat. Sumakit ang kanyang ulo na
waring binabalibol.
Naisipan niyang magsibak ng kahoy nang ibabala ng kanilang matandang orasan ang
hatinggabi upang kung mahapo'y hilahin siya ng antok. Kung makatipon siya nga panggatong, lihim
siyang magbibigkis ng maaari niyang ipagbili sa bayan upang maipangtakip sa mga nagugol sa
panganganak bilang kahustuhang bayad sa manggagamot. Pumanaog siya at kinuha sa silong ang
palakol na nakasandal sa matong. Pinagulong niya ang putol ng troso sa maputlang liwanag ng pingot
na buwan. Sinipat ang panig na madaling sibakin. Nguni't bago niya ibinagsak ang unang paghataw ay
tiningala niya ang humuhuning kuwago sa punong bulak, na saglit na nagpapangalisag sa kanyang mga
balahibo.
Nang iilan na ang trosong nalalabi sa tinitipak niya ay naramdaman niya na parang sa
kanyang dibdib bumabaon ang talim ng palakol, parang bumibiyak sa kanyang sarili: sa balak niyang
mailingid sa kanyang tatang ang pagbibili sa mga bigkis-bigkis na kahoy: Hindi niya sarili ang putolputol na troso. Iyon ang punong akasyang itinanim ng kanyang tatang. Pero, hindi ito papayag.
Idadahilan na naman ang kanyang mga kapatid, ang pangangailangan ng panggatong ng mag-anak sa
buong santaon.
Dadagundong ang tinig ng matanda:
"Merto, ako ang magpapasiya kung kailangang magbili tayo ng panggatong! Ako! Hindi mo pa
ari ang trosong 'yan ... Magagalit sa 'yo ang Diyos! Ang Diyos ..."
Hindi niya namamalayan na napatigil ang paghataw niya sa troso. Naitukod niya ang palakol
sa lupa, naitaas ang isang paa sa troso at nawala ang kanyang mga mata sa kanyang aninong itinapon
ng liwanag ng pingot na buwan sa nakaumbok na malaking ugat ng punong sampalok. Muling
umalingawngaw sa katahimikan ng madaling-araw ang huni ng kuwagong nakaupo sa isang tuyong sanga
ng bulak. Sinabayan iyon ng paglungoy ng isang asong payat na naligaw sa kanilang bakuran. Napailing
si Merto, napapilig ...
Lubhang nakapanaig na sa kanyang pagkatao ang pakikipaghamok ng kanyang anino laban sa
anino ng kanyang ama. Hapung-hapo na sa pagkakapangaw ang kanyang anino. Nakaluhod, nakadaop
ang malaking kapreng nakayunyong:
Diyan ka! Diyan ka! Huwag kang kikilos! Huwag!
Napalugmok sa hirap ang kanyang anino. Itinago ang mukha sa mga palad at tumangis.
Yumuko ang anino ng kanyang ama. Kinalagan muna ang kanyang anino sa pagkapangaw.
Dinampot ang dalawang putol na lubid na pambigkis. Mahigpit na pinagbuhol ang magkabilang dulo.
Binatak-batak.
Nang matiyak na hindi na maaaring malagot iyon sa bigat na magpapaigting sa bawa't pili ay
lumikha ng silo ang anino ng kanyang ama. Isang silong dahan-dahang isinuot sa ulo ng kanyang
aninong hindi nakatutol sa pagsangga sa lubid sa magkabilang balikat at unti-unting pagkaigot ...

July 08,2015
July 08, 2015
Umunat ang likod ng anino ng kanyang ama, itinulak ng isang paa ang kaputol na troso at
doon pinatuntong ang kanyang anino. Hawak pa rin ang isang dulo ay isinampay ang lubid sa isang
malaking sanga ng punong sampalok at itinali. Mahigpit na mahigpit. At saka biglang itinulak ang
kanyang aninong nabulid sa kinatatayuang troso at bumitin-bitin sa alanganin, kasabay ng pagkabuwal
ng palakol sa talaksan ng mga panggatong at ng kalunus-lunos na paglungoy ng asong payat na
nakakanlong sa sagingan, na ikinabulabog ng kuwagong pumagaspas ang mga pakpak at naglaho sa
karimlang lumatag sa papawirin nang lamunin ng namumuong ulap ang pingot na buwan.

II.

Diwang nanaig:
Paghahangad na makamit ang kalayaan
Mensahe:
Sa akdang binasa ating naramdaman ang masidhing kagustuhan ni Merto na makalaya
sa kamay ng kanyang ama, ngunit hindi siya pinayagan. Ipinakita nito ang pagiging
matiya, maging matapang at pagkakaroon ng sariling paninindigan na hindi sa lahat
nang panahon ay aasa ka nalang sa iyong magulang. Pagkakaroon ng sariling prinsipyo
sa buhay na hindi ka lang aasa o bigay lang ng bigay dahil lahat nauubos din an gating
pasensya maaring ito ay pangmatagalan ngunit hindi sa lahat ng pagkakataon.

III.

Kaugnayan ng akda sa Panahon:


Sa Panahon ng pamamahala ng Hapon sa ating bansa maraming mga grupo ng mga
gerilya, mga Pilipino ang pilipinong manirahan sa bundok mapalayo lamang sa mga
Hapon. Ang mga Hapon ay katulad din nang unang manakop ay gahaman sa
kapangyarihan ayaw nila ng may kahati gusto nila kung anong nasa sa iyo na mahalaga
ay ibibigay mo sa kanila ng buo. Maihahalintulad natin sa kwentong binasa tunkol sa
isang anak na naghahangad ng kalayaan sa kanyang ama, at sa kanyang ama na ayaw
siyang pakawalan. Ipinapakita sa kwento ang paninidigan ng anak na makalaya sa kamay ng
kanyang ama, gayunding tayong mga Pilipino na gusto makawala sa pamamahala ng mga
Hapones.

PANAHON NG REPUBLIKA
Maikling Kwento:
I.

Akda: Tatlong Kuwento ng Buhay ni Julian Candelabra ni Lualhati Torres Bautista-dela Cruz

Siya, si Julian Candelabra, ay anak ng isang mag-asawang bagamat mahirap, kung ipagsabi nga ng
tatay niya, ay nabubuhay nang "marangal." Ganon may natuklasan ni Julian na mahirap mabuhay nang
marangal kung gutom ka, o, sa kaso niya bilang isang bata, kung marami kang kailangan na hindi mo
mabili. Lalo na kung mapera ang kalaro mong si Bong at pinakikitaan ka ng cash ng ina nitong si Aling
Sandra.
Totoo, 'di-hamak na mas mabuti na si Aling Sandra kung ihahambing sa iba pa nilang kapitbahay. Nong
mga panahong yon na kokonti pa lang ang may TV, ni hindi siya pwedeng sumilip-silip sa bintana ng
iba para manood ng Popeye... paniguradong magsasara ng bintana ang iba! Pero pinatutuloy siya ni

July 08,2015
July 08, 2015
Aling Sandra, pinauupo sa tabi ni Bong, at pinapayagang manood hanggang sa takdang oras na
magpapatay na ito ng TV.
Kung sa bagay, katwiran siguro ni Aling Sandra, nauutus-utusan naman siya nito, pero makatarungan si
Aling Sandra kahit sa pag-uutos. Kadalasang binibigyan siya nito ng pabuyang singko o diyes sa bawat
maliit na bagay na ipagawa sa kanya.
"Julian, samahan mong bumili sa botika si Bong," sasabihin sa kanya ni Aling Sandra, at sa harap niyay
magbubukas ito ng kahon ng platera at huhugot ng pera sa pitaka. Sa harap niya, walang pangiming
ililitaw ni Aling Sandra ang mga sasampuin nitot de-beynte. "Aba, sisenta pa pala ang pera ko dito! O,
ito nang sampu ang dalhin n'yo, Julian. Ikaw ang maghamak, ha? Baka maiwala ni Bong."
Siguro, dahil kaibigan siya ni Bong kaya magiliw sa kanya si Aling Sandra. Tingin niya, gusto ni Aling
Sandra basta hindi pinapatulan si Bong. At pag may lakad si Aling Sandra, iiwan nito sa bahay si Bong,
basta kasama siya. Dalawang taon lang ang tanda niya kay Bong, pero itinuring na siya ni Aling Sandra
bilang isang mapagkakatiwalaang tagapag-alaga.
Naiiwan siyang mag-isa ni Aling Sandra sa sala nito. At ando'n lang bukas, ang platerang pinaglalagyan
nito ng pitaka. Siguroy may kausap sa labas si Aling Sandra at nasa kasilyas sandal si Bong, at nag-iisa
siya sa sala, malapit sa bukas na platerang kinalalagyan ng pitaka ni Aling Sandra. Sa paulit-ulit na
pagkakataong nangyari iyon, natantiya niya na may sapat na panahon para makasalisi siya sa platera at
makapangupit sa pitaka ni Aling Sandra.
Gustong-gusto niyang makabili ng mga sisiw. Gustong-gusto niyang mag-alaga ng mga sisiw hanggang sa
maging manok. Tamang-tama, manok na ang mga sisiw niya bago mag-bertday ang tatay niya. May
maihahanda na ang tatay niya. At matutuwa na ang tatay niya sa kanya maski pano. napakahalaga sa
kanya na matuwa sa kanya ang tatay niya maski pano.
Ang problema, walang-awala siya. Walang-wala siya samantalang andon lang, at kadalasang hindi
kuwentado ang pera ni Aling Sandra.
Hindi lang nila alam kung pano nililindol ang dibdib ni Julian nang gawin 'yon. Hindi lang nila alam
kung gano kadesperado ang pagtawag niya sa Diyos, pero may ugaling magbingi-bingihan ang Diyos
kung minsan. Eksaktong ibinabalik niya sa lugar ang pitaka ni Aling Sandra nang bigla itong pumasok.
Namakas sa mukha nito ang pagkagulat, na may halong pagkagalit.
"Julian, ano'ng ginagawa mo?"
Wala siyang naisagot. Namutla lang siya. Nanlata lang. hindi makakibo kahit nang kapkapan siya ni
Aling Sandra at makuha ang sasampuin sa bulsa niya.
Gulping walang hunmpay ang inabot ni Julian sa tatay niya nang magsumbong si Aling Sandra; walang
nagawa maski ang nanay niya kundi magtititili't mag-iiyak. May latay siya hanggang mukha, napaihi sa
sakit, halos hindi makabangon sa hirap. Akala talaga niya, papatayn na siya ng tatay niya. At sa
musmos na isip niya, natanim ang matinding hinanakit na hindi inunawa man lang ng tatay niya ang
dahilan para niya magawa iyon:
"Gustung-gusto ko lang pong makabili ng sisiw! Tatay, natukso lang po ako! Hindi ko lang napigilan ang
sarili ko!"

July 08,2015
July 08, 2015
Hindi na nakpasok pa si Julian sa bahay ni Aling Sandra o sa bahay ng kahit sino pa man mula noon.
Matagal bago nakalimutan ng mga tao ang nangyari. Ang totoo, paulit-ulit nilang pinag-usapan ang
tungkol don, kasama ng ilingan, ng mga salitang tulad ng, "kung anak ko yan, hindi lang ganyan ang
aabutin niya sa 'kin," at "naku, hwag mong pabayaang magsasama riyan ang anak mo, mare! Baka pati
anak mo, matuto!"
Isa ma'y walang nakaisip na baka napapahiya rin siya.
Matagal-tagal ding pinangilagan ng mga tao si Julian. Hindi nila alam, nangilag din si Julian sa kanila.
Kung natatakot silang mawalan sila, natatakot din si Julian, dahil alam ni Julian na may tatak na siya,
masama nang tingin sa kanya ng tao, at pag may nangyaring aberya diyan ay wala nang
pagbibintangan kundi siya.
Ilang taon na ang nakaraan ay takot pa rin si Julian na magpapasok sa bahay ng may bahay. Disisyete
nat lahat si Julian ay nasa kanya pa rin ang pilat ng malubhang pangyayaring yon na nagbunga sa
kanya ng malalang pagkailap.
"Hus, ikaw naman... para kang aanuhin nang aanuhin!" kung sabihan nga siya ni Aling Connie na asawa
ng biyaherong si Mang Felix. "Aba, Julian, kung lilinisin mo 'yong kanal sa likod-bahay ko, wala kang
ibang dadaanan kundi rito sa loob!"
Madalas nga siyang tawagin ni Aling Connie. "Julian, pakikabit mo nga ang daylight ko, o! Julian,
pumutok ang fuse namin, pakitingin mo nga!" Kung takbo siya agad sa bawat utos ni Aling Connie,
taboy iyon ng abot-langit na pangangailangan niya, sa kabila ng lahat, sa kawalan ng tiwala ng kapwatao.
"O, kunin mo na tong limang piso, Julian... panigarilyo mo man lang."
"N-naku, hindi ho ako naninigarilyo!"
"O, e 'di pang-meryenda mo. Masama naman yong utos ako nang utos sa 'yo, wala man lang pabuya.
Abuso na ang tawag don."
Nahihiya pa rin siya... tama na sana sa kanya yong magiliw sa kanya si Aling Connie... pero mahalaga
pa rin sa kanya yong limang piso kung tutuusin lalo na ngayong gagradweyt siya sa haiskul, at marami
pa siyang utang sa eskwelahan.
Minsay hinanap uli siya ni Aling Connie.
"Julian, tulungan mo nga ako."
"Bakit ho?"
Nakatawa si Aling Connie. "Maniniwala ka, nai-locked ko ang sarili ko sa labas ng bahay? Alam mo naman
yong pinto naming, pag nalimutan mong bitbitin yong susi paglabas mo, patay ka na. wala pa naman
dito ang Mang Felix mo."
"E, pano ho ang gagawin ko?"

July 08,2015
July 08, 2015
Magbaklas ng jalousy sa bintana ng may bintana, sa kalaliman ng gabi? Naku, nakakatakot! Baka
mapagkamalan siyang magnanakaw! Baka barilin siyang bigla!
Sansaglit na nag-alala pa si Julian nab aka pakana lang ito ni Aling Connie, nab aka gusto talaga nitong
ipahamak siya.
"H'wag kang mag-alala, nakabantay naman ako," sabi ni Aling Connie. "Hindi kita iiwan habang
tinatanggal mo yung jalousy."
Alanganing pa rin siya pero naisip niya: hindi naman siguro siya paplanuhan ng masama ni Aling
Connie. Wala naman siyang atraso dito.
Nabaklas at naibalik niya ang jalousy ay wala namang nangyaring aberya.
"O, huwag ka munang umalis," pigil ni Aling Connie nang nagpaalam na siya. "Dito ka muna kumain."
"N-naku, h'wag na ho!"
"Bakit hindi? Nakaluto na 'ko. Ang totoo, maghahain na 'ko nang tumawag ang Mang Felix mo kanina para
sabihing bukas na siya makakauwi. Kaya nga nasa labas ako, e... nagpapalipas ako ng sama ng loob."
Gutom na rin siya. Isa pa, parang walang masabi sa kanya si Aling Connie. Ngayong tiwalang-tiwala na
it sa kanya, ingat na ingat naman siyang may masabi sa kanya ito.
"Salamat naman, sinaluhan mo ko," sabi sa kanya ni Aling Connie nang kumakain na sila."Hindi mo lang
alam, napakaimportante sa akin 'yong may makasalo 'ko sa pagkain. Alam mo, madalas, naiiyak talaga
'ko sa lagay ko. Magluluto ako ng ispesyal, tapos... tatawag sa 'kin ang Mang Felix mo para sabihin bukas
na siya uuwi!"
Lumalaki ang pakiramdam niya. Hindi lang siya pinakikitunguhang mabuti ni Aling Connie; nagsasabi pa
rin sa kanya ngayon ng mga nararamdaman nito!
"Balik ka, ha, Julian? Minsan, 'pag wala ang Mang Felix mo, para may makausap ako!"
Hindi niya maintindihan kung bakit siya pa, isang kabataang ni hindi naman sasabihing matalino, ang
gustong kausap ni Aling Connie, pero walang halaga sa kanya ang mga bakit. Tama na yong tinatrato
siyang parang kaibigan ni Aling Connie; na nakakadama na siya ngayon ng importansya, kaya nang
salubungin siyang minsan ni Aling Connie sa daan para sabihing, "Halika sa bahay mamaya; wala ang
Mang Felix mo," walang pag-aatubiling nagpunta siya.
Ang seksi-seksi ni Aling Connie nang dumating siya. Nahihiya tuloy siyang tumingin sa dibdib nito. Baka
sabihin pa ni Aling Connie, bastos siya. Nakatungo tuloy siya lagi, pero nakatawa si Aling Connie,
tinutukso siya: "Ba't ba hindi ka mag-angat ng mukha riyan?" sabi sa kanya. "Wala ka namang uling a! O,
may tipo ka naman... hindi naman nakakahiyang ipakita 'yang mukha mo. Julian, lumapit ka nga. Bat
ba parang mailap ka sa kin?"
Pinawisan tuloy siya nang malapot. Nagtangka tuloy siyang magpaalam na. "E, A-aling Connie...!"
"Halika sa tabi ko, Julian. Sus, h'wag kang manginig! Ano ka ba, para nahawakan ka lang...! Lalaki ka,
babae 'ko... walang masama rito, Julian, pwera na lang kung bakla ka?"

July 08,2015
July 08, 2015
"Hwag, Aling Con"
"Hahaha! H'wag kang matakot, ako'ng bahala. Hmm, 'yan ang gusto ko sa lalaki... 'yong talagang amoylalaki!"
Pagkatapos n'yon, tinanong niya ang Diyos: "Diyos ko, bat ko nagawa 'yon?" At minsan pa, ang katwiran
na ginamit din niya nong kasalukuyang nilulumpo siya ng tatay niya, may limang taon na ang
nakaraan: Natukso lang po ako! Hindi ko po napigilan ang sarili ko.
Gusto niyang pumunta kay Mang Felix para sabihing, "Natukso lang po ako; hindi ko po napigilan ang
sarili ko..." pero kasabay nito, takot na takot siyang malaman ni Mang Felix na may nangyari sa kanila
ni Aling Connie komo natukso siya, komo hindi napigilan ang sarili niya.
Masasalubong niya sa daan si Mang Felix, at halos hindi na siya makahakbang sa matinding pangangalog
ng tuhod niya. Alam na kaya ni Mang Felix? Diyos ko, natuklasan na kaya ni Mang Felix? Tatanguan siya
ng pagbati ni Mang Felix at lalo siyang manlalata, ngayoy sa ginhawang bigay ng kaalaman na hindi pa
alam ni Mang Felix.
Hinahanap daw siya ni Mang Felix! At sagad-kaluluwa ang nerbyos na aalipin sa pagkatao niya. Alam na
kaya ni Mang Felix? Diyos ko, natuklasan na kaya ni Mang Felix? Iyon pala, uutusan lang siya ni Mang
Felix at manlalata na naman siyang lalo sa pagkatuklas na so far, hindi pa nito alam.
Pero minsan, naiisip niya, mabuti pa ngang malaman na ni Mang Felix kaysa naman kakaba-kaba siya
lagi. Mabuti pang malaman na ni Mang Felix para maparusahan na siya kung parurusahan siya, para
matapos nang pag-aalala niya.
Pero siyempre naman, a, hindi na 'yon ikukuwento ni Aling Connie. S'yempre naman, hindi na yon
malalaman ni Mang Felix. Pagkaraan ng ilang araw, naisip niyang nakalusot na siya at wala siyang
dapat alalahanin, kaya nang puntahan siya ni Mang Felix isang hapon ay lumabas siya nang walang pagaalala.
Bahagya na niyang nailagan ang tagang inunday sa kanya ni Mang Felix. Matalim ang murang lumabas
sa bibig nito, malagim ang tili ng nagimbal na ina niya, mabalis ang pagkakagulong namayani sa
palibot, at nangibabaw sa isip niya ang iisat matingkad ng utos ng sarili: Takbo, Julian, papatayin ka!
Takbo!
"Papatayin kita, papatayin kita, ahas!"
Wala, nang pagkakataon para sabihin niya kay Mang Felix na, "Patawarin nyo po ako. Hindi ko lang po
napigilan ang sarili ko!" nagtago nang mahigpit si Julian pagkatapos ng pangyayaring 'yon. Kahit nang
mabalitaan niya na hindi na naman daw siya hinahanting ni Mang Felix, patuloy siya sa mahigpit na
pagtatago. Magising-makatulog si Julian, balisa siya. Hindi siya matahimik sa pag-aalala na matagpuan
siya ni Mang Felix.
Hindi rin siya matahimik sa katiyakan nagalit na galit ngayon sa kanya ang tatay niya.
Pero hindi rin siya matahimik sa kaalaman na nag-aalala ang nanay niya kung nasa'n na siya ngayon.

July 08,2015
July 08, 2015
Naisip ni Julian: maski istrikto ang tatay niya, iba pa rin 'yong may bahay ka maski pa'no: 'yong hindi ka
kumpletong nag-iisa sa buhay. Sa huling suma, hindi katumbas ng maikling sarap sa piling ni Aling
Connie ang parusa ng sariling dinaranas niya ngayon.
Tulad ding hindi halagang sampung piso ang gulpit kahihiyang inabot niya nong magkamali siya bilang
bata, naisip ni Julian.
Hindi na 'ko uulit, pangako ni Julian sa sarili. Magpapakabait na ko. Pinasok niya lahat ng trabaho
para kumain. Nagtulak siya ng kariton sa palengke, naglinis ng bus sa terminal, nagtawag ng pasahero
ng biyaheng Sangandaan, nag-ahit ng mga patay na baboy sa matadero... at nang 'di na nakatiis mas
sa lungkot kaysa sa hirap umuwi siya para humingi ng tawad sa tatay niya.
"Tungkol po don sa nangyari no'n 'tay..."
Maagap na ipinalis ng tatay niya sa hangin ang butuhang kamay. "H'wag mo nang banggitin pa sa 'kin
'yon. Walang paliwanag na makapagbibigay-katwiran sa kalokohan mo. Maliit ka pa man, hindi ka na
mapagkatiwalaan."
Parang sinaksak ang dibdib niya sa salita ng tatay niya. Napatungo siya.
"Oo, malaki ka na ngayon... hindi na kita mapapalo," malungkot na dugtong pa ng tatay niya. "Pero
sana, h'wag mo naman akong masyadong nakawan ng dangal. Ayokong sa bandang huli'y manghinayang
ako na naging anak kita."
Umalsa ang panghihimagsik sa loob niya. Nag-angat siyang bigla ng mukha para sumago, pero pagtama
ng mata niya sa mukha ng ama, nakita niya ang kasinungalingan ng mga salita nito.
Kelan lang siya umalis, bakit tumanda na nang ganito ang tatay niya? Na para bang nag-alala rin sa
kanya 'to maski pa'no. sa likod ng matalim na dila nitot malupit na kamay, naisip ni Julian, mahal din
siya ng matanda.
Nakaramdam ng awa si Julian sa tatay niya. Mahirap ding maging ama, naisip pa niya.
Si Julian, pagkaraan ng matagal din namang pangangapa at pagpupursige ay nagdesisyong
maging waiter. Hindi naman kababaang trabaho ang waiter, bukod pa sa malaki raw ang kita. Aba,
masama pa ba yong maka-tip ka piso-dalawang piso bawat mesa? Sus, lalo na kung sa bigating hotel
ka mapapasok!
Paghahanda sa opisyong nasabi, pumaloob sa isang puspusang seminar si Julian sa pagtataguyod ng
isang employment agency, na nagturo sa kanya at mga kaklase ng ilang importanteng bagay sa
pagseserbisyo, tulad ng kagandahang asal at makasining na pagdadala ng mga pinggan. Nang makapasa,
kabilang siya sa mga agad ikinuha ng ahensya ng trabaho.
Siyempre't baguhan, temporary waiter lang muna ang ranggo niya. Okey na rin dahil, kita nyo, sa
primera-klaseng hotel-restoran naman siya napunta. Wala smalinaw na usapan sa sweldo, hindi rin niya
alam kung ilang porsyento ng kita niya ang "tatagain" ng ahensiya, pero wala naman siyang reklamo
sa tip. Isa pa, paniwala niya nong bagong salta pa lang siya, okey naman ang tsibog. T'yak na lalaki ang
katawan ko, 'nay, sa nagkalat na pagkain sa kusina!
Hindi niya akalain, patakaran pala sa restorang yon ang bring your own baon!

July 08,2015
July 08, 2015
"Ho? Ibig nyong sabihin, hindi libre ang pagkain, maam?"
Tumaas ang isang kilay ng istriktong si Ma'am. "Are you crazy? Hindi basta restoran 'to, binata, at sa
dami n'yong waiter dito, sa pagkain n'yo pa lang e baka hindi na maka-break even ang management!"
Oo nga naman, ayunan ng mga "maunawaing" bagon pasok. Tuusin mo naman kung bawatwaiter e
kakain ng fried chicken na nagkakahalaga ng sitenta'y singko pesos!
Binulungan si Julian ng isang datihan na: "Makakakain ka rin ng pagkain dito, h'wag kang mag-alala."
Kaagad din namang natuklasan niya ang ibig sabihin ng datihan, pagkaraang magsilbi sila sa
isang luncheon meeting at ibalik nila sa kusina ang mga bandeha ng sobrang pagkain.
"Ayan," sabi ng datihan. "Bayad na 'yan. Pwede na nating kainin 'yan."
Pagkaraan ng unang pagkasaling ng amor propyo, naisip ni Julian na sila-sila na lang naman ang
magkakaalaman ng kalagayan nila, ng pagbaba nila sa katayian ng mga aso, at hindi na sila dapat pang
mahiya. Wala nang tagalabas pang makakaalam na tagakain lang sila ng tira.
Pero takpan muna ang pagkain, hindi pa oras ng ligaya. Baka mahuli ka ni Maam na ngumunguya,
tatalsik ka sa trabaho. Alas dos pa ang break ng mga waiter, pag busog na ang lahat at mangisa-ngisa
na lang ang nakikita mong kostumer.
Kung gano'n, lalong hindi wise na isnabin pa niya ang tira ng mga nagdaang parukyano dahil sa oras na
'yon, panis na ang lahat ng baon nila sa plastik!
"Kain na, Julian. Malinis naman yan, sinerving spoon yan."
"Saka ano bang ipagseselan mo pa? mahal dito, mga turistat mga big shot ang mga kumakain dito.
Samakatwid, puro makwarta. Wala naman siguro sa kanilang may sakit. Kahit bad breath, wala naman
siguro!"
Nang maglipat-buwan ay nauunawaan din ni Julian ang patakaran ng management sa pagpapasweldo ng
mga waiter (nagtanung-tanong siya bunga ng pagtataka niya na mas mababa pa ang sweldo niya ngayon
kaysa nong nakaraang kinsenas).
Lumalagay na meron palang takdang badyet ang hotel-restorang 'yon na pansweldo sa mga waiter,
wala lang nakakaalam kung ilang libo sambuwan... isang takdang badyet na siyang pinaparte sa bilang
ng mga tagapagsilbi. Kung nagkataon na maraming natawag naextra waiters dahil natatambakan sila ng
kostumer, o nag-cater ang restoran sa maraming kasayahan at sa ganon ay nakapag-empleyo ng
maraming party waiters na sinuswelduhan na por ora, hindi kataka-taka na lumiit ang parte ng
mga temporary waiters na tulad niya, mga waiter na walang takdang sweldo. Tumass-bumaba ang
bilang ng tagapagsilbiy hindi nagbabago ang badyet na pansweldo ng management.
Nagtataka lang si Julian. 'Di ba sa marangal na usapan, kung maraming kasayahan ang binalikat ng
hotel-restorang pinapasukan niya, dumami man ang babayarang tagapagsilbi'y mas marami pa rin ang
papanhik na tubo sa kaha? Ibig sabihin: sa bawat manok na lang, halimbawa, na pinuhunan ng kinse
pesos at ipagbili ng sitentat singko pesos, tiyak lang na mas malaki ang tubi sa sanlibong manok kaysa

July 08,2015
July 08, 2015
sandaang manok lang. bakit sa tuos ng management ay mahihirapan ang cash register kung
magdadagdag sa badyet na pansweldo?
Wala kang pakialam sa patakaran ng management, Julian. Magtanong ka kung gusto mo, para mawalan
ka ng trabaho!
Julian, kasi, kawikaan nila: total, malaki naman daw ang nati-tip ng mga temporary?
O, e bat yong mga regular, 'di ba malaki naman daw ang nati-tip?
Wala kang magagawa. Mga regular 'yon; malinaw ang usapan nila sa sweldo.
Tsk, tsk, sarap ng maging regular, ano?
Engot ka pala. Bakit, ninang mo ba si Ma'am? Baka 'kala mo, ganu'n-gano'n lang ang maging regular!
Ba't hindi? Matatapos na ang probation ko, a!
'Yon ang akala mo! Ang sabihin mo, ngayon ka nga dapat mag-ingat nang husto. Oras na nabutasan ka,
talsik ka!
Ano? Bakit, wala naman akong ginagawang masama, a!
Kahit wala! Mahirap ka bang umintindi? Dito, nili-limit ang bilang ng regular. Bat kamo? Dahil lahat
'yan, obligadong bigyan na ng benefits! 'Yon ang ayaw na ayaw nila, 'yong magbibigay sila ng benefits!
W-wala akong ginagawang masama!
H'wag kang kasiguro, Julian. Madali nang sabihin na may ginawa kang masama!
"Ma'am?"
"You heard me, Julian. Pasensiya ka. Violator ka, e. sinabi ko na sen'yo ayokong nahuhuli na
ngumunguya 'pag 'di oras ng pagkain!"
H'wag naman po, dasal ni Julian. Diyos ko, h'wag naman po. 'Pag nalaman to ni itay, hindi siya
maniniwalang wala akong ginagawang kasalanan!
"Ang ayoko sa lahat, yong mga taong hindi mapagkakatiwalaan!" malupit na sabi pa ni Maam at
naramdaman niya ang latay ng mga salitang 'yon. "Hala, pirmahan mo tongtermination paper mo!"
Termination papers?
"Ma'am," natataranta, napaaawang sabi ni Julian, "patawarin nyo na po ako. Kasi po, gutom na gutom
na 'ko... hindi ko na po napigilan ang sarili ko!"
May alingawngaw sa pandinig ni Julian ang mga salita niya. Hindi ko na mapigilan ang aking
sarili. Gastadung-gastado na sa kanya ang mga salitang yon at siya mismo, muntil na siyang natawa.

July 08,2015
July 08, 2015
Pero ba't gano'n? Puro pagkain ang hawak nila'y ayaw silang pakainin. Ang gustong mangyari
ng management, hanggat hindi pa pumipitada ang alas-dos, aamuy-amoy lang muna sila. Kahit
naglalamunan na ang mga bitkua nila sa gutom, aamuyin lang muna nila ang pagkain.
"Masyado n'yo naman kaming ginagawang kawawa," nakuhang sabihin ni Julian.
Tumaas pa an kilay ni Maam. "Ano kamo, pakiulit mo nga?"
"Ma'am, mag... g-gagawa na lang po ako ng resignation letter, ma'am."
Nang-uyam ang ngiting tinesting ni Maam ang talino niya: "Bakit anong kaibahan ngresignation
letter sa termination paper?"
'Pag nag-aplay ako sa iba, Maam... ang lagay, termination paper ang ipakikita ko?
Lalo pang nang-uyam ang ngiti ni Maam. "P'wes, naaapektuhan ang reputasyon ng kompanya pag
nagre-resign ang kanyang empleyado!"
Reputasyon, naisip ni Julian. Ako ba, walang reputasyon?
Talaga nga yatang wala nang katungkulang-moral ang tao sa kapwa tao niya, naisip pa niya. Panahon na
nga yata ng mga kahayupan.
Naalala niya ang tatay niya at ang salita nito: "H'wag mo naman akong masyadong nakawan ng
dangal..." at gusto niyang mapaiyak. Hindi lang naman ikaw ang nawawalan ng dangal, 'tay. Mas lalo na
'ko! 'Pag naaalala 'kong kumakain ako ng tira ng mayaman, nasusuklam ako sa sarili ko. Naiisip ko:
mahirap nga tayo mulat sapul, pero minsan man, hindi nyo ako pinakain ng tira!
"Mahalaga ang oras ko, Julian. Pipirmahan mo ba 'yan o hindi? Kung ayaw mo, bahala ka. Pero hangga't
hindi mo pinipirmahan 'yan, wala kang makukuhang sweldo maski pa 'no!"
Nagdilim ang isip ni Julian. Ang gulat ni Ma'am nang bigla niyang hablutinang mataas na kwelyo nito,
hinatak niya ito palayo, dumiin ang mga daliri niya sa leeg nito, pumilipit, habang tumitindi ang
pangangalit ng mga masel sa braso niya, ng mga ugat sa sariling leeg niya, kasabay ng pagtatangka ni
Maam na makasigaw sa kabila ng disididong pagpiga niya hanggang huling hininga nito at sa
pagkakatitig niya sa hilakbot na pagkakanganga nito, parang narinig din niya ang hilakbot ng tili ng
kanyang ina.
Sa hukuman, isa lang katwirang sinabi ni Julian sa kasong pagpatay na iniharap sa kanya, kasama ng
mahigpit na pag-iwas sa nanunumbat na mga mata ng tatay niya: Hindi ko po napigilan ang aking sarili!
Napatunayang may sala si Julian sa pagpatay sa kanyang Maam, kayat siyay nakulong. Sa kulungan,
dinanas ni Julian ang mala-impyernong buhay na karaniwan nang nakikita sa kasalukuyan. Magkahalong
lungkot, galit at kawalan ng pag-asa ang nadarama ni Julian. Idagdag pa natin na nasasaktan siya ng
kanyang mga kasama sa selda. Tuluyan na ngang nawalan ito ng pag-asa. Minsan, tumutulo ang luha
nito dahil dito.
Bihira ring dumalaw ang kanyang ama at ina dahil, kung hindi ito nagtatrabaho, ay may sakit sila.
Napabalita ring nabuntis niya si Aling Connie, ngunit itoy nalaglag dahil sa matinding pambubugbog ni

July 08,2015
July 08, 2015
Mang Felix sa kanya. Namatay ang sanggol na anak ni Julian. At nang malaman niya ito, tuluyan nang
nalumbay at nawalan ng pag-asa si Julian.
Hindi naglaon ang mga araw at buwan, habang nakayuko ang kanyang ulo at nakasandal ito sa rehas ng
selda, may narinig siyang mga hakbang. May isang taong paparating sa kinaroroonan niya. Isang pulis
ang dumating.
"Julian Candelabra!"
"Po?" sagot ni Julian.
"May gustong kumausap sa 'yo. Sumama ka sa amin."
Pinosasan si Julian matapos na palabasin siya ng selda. Habang inaalalayan siya ng mga pulis papunta
sa lugar na hindi pa niya alam, nakayuko pa rin ang kanyang ulo. Tiningnan siya ng mga iba pang mga
nakakulong, nagtatanong kung saan ito dadalhin.
Nakagisnan ni Julian na malapit sila sa isang kwarto na kung saan may malaking mesa at upuang may
mahabang sandalan na nakatalikod. May taong nakaupo sa upuan, ngunit hindi niya maaninag kung sino
ang nakaupo dahil sa laki ng sandalan na natatakpan ang itsura nito. Pinaupo si Julian sa isang
simpleng upuan, hindi pa rin alam kung sino ang taong nasa kabilang upuan sa dulo ng mesa.
"Maaari na kayong umalis. Kami lang dalawa ang kailangang mag-usap dito." ang sabi ng taong hanggang
ngayon ay hindi pa humaharap kay Julian.
Agad umalis ang mga pulis.
"Sino po kayo?" Tanong ni Julian matapos na umalis ang mga pulis sa kwarto.
Umikot ang upuan at lumantad ang taong nasa harapan niya. Isang taong simple lang ang pananamit.
Ako iyon.
"Nabasa ko ang kwento ng buhay mo sa isang aklat pitong taon na ang nakakaraan. Hindi mo ako kilala.
Isa akong kakatwang tao. Bihira akong lumabas, bihra akong magpakita."
"May maipaglilingkod ba ako sa inyo?" sabi ni Julian.
"Nang malaman ko ang kwento ng buhay mo, gusto kong itanong sa iyo ang mga bagay na hindi mo
ninais mangyari, pero nagawa mo. Sabi mo, natukso ka?"
"Opo."
"Bakit hindi mo nilabanan ang tukso? Alam mo namang ito ang magpapahamak sa iyo."
"Hindi ko po alam. Nadala lang po ako ng aking damdamin." sagot ni Julian habang siyay naluluha na
naaalala ang mga ginawa niya kay Aling Sandra, Aling Connie at kay Maam.
"Lahat tayo'y nasasaktan dahil sa mga pangyayari sa ating buhay, ngunit ito ay isang pagsubok na
kailangan nating labanan at minsan, palagpasin."

July 08,2015
July 08, 2015
"Wala na po akong malalapitang tao sa labas. May nakakakilala sa akin, pero hindi nila ako gusting
makasama o makausap."
Pinatong ko ang aking mga kamay sa mesa. "Alam mo ba kung bakit ka sinaktan ng tatay mo noong bata
ka pa? Iyon ay upang matuto ka sa mga kamalian mo at hindi mo na gawin muli, ngunit hindi na niya
kayang gawin iyon ngayon dahil wala na siyang kakayahan. Kung sa tingin mo ay ginawa nila iyon dahil
galit sila sa iyo, oo, galit sila, pero mahal na mahal ka pa rin nila. Hanggang ngayon, kahit wala sila sa
tabi mo, inaalala ka pa rin nila, kahit wala na silang kakayahan na makasama ka habang buhay sa
kinaroroonan mo."
Nahihiya nga po ako sa kanila eh. Hindi ko po alam ang gagawin ko.
"May mga likas na kamalian na hindi na maaaring itama pa. Hindi mo na maibabalik pa ang respeto sa
iyo ni Aling Sandra. Hindi mo na maaaring itago ang nangyari sa inyo ni Aling Connie kay Mang Felix, at
higit sa lahat, hindi mo na mabubuhay pang muli si Maam. Ang tanging kaya mong gawin ay ituloy ang
buhay at sana, hindi mo na gawin ang mga kamalian na iyon at hindi ka magpadala sa tukso na gawin
ang mga masasamang mga bagay na iyon."
Nag-alangan si Julian, "Bakit nyo po ito sinasabi sa akin?"
"Pakakawalan kita sa seldang kinagisnan mo upang makapagsimulang muli, upang mabuhay muli."
"Talaga po!?" sagot ni Julian na may kagalakan.
"Oo. At kahit gumastos ako ng malaki para makalaya ka, at kahit labag ito sa kalooban ko, gagawin ko.
Dahil naniniwala ako na kaya mong magbago. May pag-asa kang mabuhay nang tama. Alam kong hindi
mo na kayang ibalik pa ang nakaraan, kaya dapat mabuhay ka sa kasalukuyan."
Naluha si Julian sa narinig. "Salamat po!"
"Julian, mas maraming mga tukso ang darating sa buhay mo. Maraming napapanahong mga kasamaan
ang lumalaganap sa ating lipunan. Gusto kong labanan mo ito ng iyong paninindigan sa kabutihan. Hindi
mo rin masasabi na kapag ikay natuksong muli na gumawa ng masama, makakaligtas ka. Labanan mo
ang tukso, dahil kung hindi, maaaring ikamatay mo ito. Hindi mo na masasabi sa kahit kanino ang linya
mong: 'Patawarin nyo po ako. Hindi ko lang po napiligal ang sarili ko!' At hindi ako laging nandyan sa
tabi mo."
Tumungo lang siya at nagsabi ng opo.
"Matuto ka sa mga kamalian mo at huwag mo nang gawin muli iyon."
Nagtanong si Julian, "Bakit nyo po ito ginagawa sa akin?"
"Dahil alam kong kaya mong magbago. Kaya mong mabuhay ng may dangal." Pinirmahan ko ang mga
papeles upang makalaya siya at ipinakita sa kanya, "Eto ang magpapatunay na malaya ka na, Julian
Candelabra."
Lumundag sa tuwa ang nakalayang si Julian, ngunit lagi kong ipinaalala sa kanya ang mga sinabi ko
tungkol sa tukso. Sinamahan ko siya papunta sa mga pulis, ipinakita ang mga papeles at nagbayad sa
kanila at idineklarang malaya na si Julian.

July 08,2015
July 08, 2015
Matapos noon, nag-impake na si Julian ng kanyang mga damit paalis sa selda niya. Nakita kong muli
ang kanyang ngiti sa mukha niya, gaya ng inilarawan sa aklat namin noong ika-4 na taon sa mataas na
paaralan. Nakita kong nanumbalik ang kanyang galak at tuwa.
Nang nakalabas na siya sa lugar na kung saan siya pinahirapan, nakita niya akong papaalis. Hinabol
niya ako at sinabing, "Salamat po. Kahit hindi ko po kayo kilala, maaari bang malaman na lang ang
pangalan ninyo?"
"Gel."
"Gel. Salamat po Gel. Hindi ko kayo makakalimutan."
At nakita niya akong papalayo sa kanya, lumalakad sa kalsadang wariy lumalakad sa kawalan, at daladala ko ang pag-asang magbabago siya sa kanyang ikauunlad, at sinabi sa sarili ko: "Ituloy mo ang ikaapat at mga susunod mo pang mga kwento Julian. Hindi pa natatapos ang kwento ng buhay mo. Naway
maging maganda ang kalabasan ng mga buhay mo sa hinaharap
II.

Diwang nanaig:
Kahirapan
Mensahe:
Sa kwentong binasa nais nitong ipamulat sa atin na hindi sa sapat na dahilan na tayo
ay naghihirap ay gagawin na natin ang lahat upang makuha ang mga bagay na gusto
natin kahit na ang kapalit na doon ay ang pagkasira na ng iyong pangalan, dangal at
dignidad. Huwag magpadala sa tukso, at magpa-dalos dalos isipin muna kung tama ba
o mali ang iyong gagawin at dapat isaalang-alang mo rin ang kapakanan ng mga taong
nagpalaki sayo.

III.

Kaugnayan ng akda sa Panahon:


Sa Panahon ng Republika binigyan tayo ng mga hapones ng kalayaan ngunit di parin ito
lubusan dahil sa bawat bagay na ating nakukuha ay meron pa rin silang parte. Salat
tayo sa kahirapan sa panahong ito laganap ang karahasan at krimen sa paligid. Kagaya
sa pangyayari sa kwento ni Julian Candelabra na malapitin sa tukso dulot sa
kahirapang dinadanas sumusimbolo siya sa mga naghihirap na mga Pilipino na wala ng
mapagpipilian kundi ang kumapit nalang sa patalim kaysa mamtay nalang sa iang
tabi. At si Gel sa kwento na tumulong kay Julian na makalaya sa kulungan ay
sumisimbolo sa mga Amerkano na tumulong sa mga Pilipino laban sa mga hapones.

July 08,2015
July 08, 2015

PANAHON NG BAGONG LIPUNAN


Maikling Kwento:
I.

Akda: Aanhin Nino Yan ni Lualhati Bautista

Si Nai phan ay isa sa mga sikat sa kapit-bahayan. Hindi dahil isa siyang mananayaw na ang paay
singgaan ng saboy ng bituin; hindi rin dahil ginawa niyang bukod-tangi ang sarili sa larangan ng pulitika
o panitikan. Marahil, ang kanyang talino sa pagsasangkap sa isang masarap na luto ng sinangag ang
kanyang naging tuntungan sa kawalang-hanggan, pero kahit hindi naging katangi-tangi ang nalalaman
niya sa pagluluto, magiging tanyag pa rin siya, dahil handa niyang pahintulutan ang kanyang mga
parokayano sa walang limitasyong pangungutang.
Mahilig siyang mamigay ng matamis sa mga bata nang hindi naghahanap ng pera. Mangyari pang
dahilan ito lagi para magreklamo ang kanyang asawa, pero sasabihin niya: Ang dalawampung satang
na halaga ng matamis ay hindi ipinahihirap ng pamilya. Pag ang Than Khun, isang mataas na opisyal
na naninirahan sa may iskinita, ay gusto ng isang masarap na kape, sasabihin nito sa anak: Magdala ka
rito ng kape mula sa tindahan ni Nai Phan. Marami siyang maglagay ng gatas; iisipin mong nag-aalaga
siya ng baka para doon!
Sa iskinita ding iyon naninirahan ang isang lasenggo na hilig nang lumitaw sa kaninan at tumula ng mga
berso mula sa kwento nina Khun Chang at Khun Phaen; makikinig si Nai Phan nang taimtim ang
atensyon. Matapos magpalabas, hihingi ang lasenggo ng isang libreng baso ng tsaang may yelo, na
malugod namang ipagkakaloob ni Nai Phan, na may kasama pang doughnut para kumpleto.
Pag maulan, sasabihin ni Nai Phan sa mga estudyanteng dalagita: Mga binibini, nahihirapan na kayo sa
pagtatampisaw sa putik. Mula ngayon, pwede nyong bitbitin ang inyong mga sapatos hanggang sa aking
tindahan at doon nyo isuot. Lagi niyang binibigyan ang mga ito ng malinis na tubig para panghugas ng
paa.
Pero eksakatong gabi-gabi, isasara niya ang kanyang tindahan. Sasabihin sa kanya ng mga kaibigan
niya, Dapat kang magbukas at magsilbi sa gabi; dyan maganda ang negosyo, mas madali kang
yayaman.
Masayang tatawa si Nai Phan at sasabihin, Mas masarap matulog kaysa magpayaman nang mabilis.
Ang sagot na itoy may pinupukaw sa puso ng mga nakakarinig na mas mayaman kaysa kay Nai Phan,
pero hindi pa rin kuntento sa yaman nila, bagkus ay nagkukumagkag pang magpundar ng mas malaki
pang kayamanan.
Ang mga taong naninirahan sa iskinita, pauwi sa kani-kanilang bahay sa kalaliman ng gabi pagkaraan ng
maghapong ginugol sa paghahabol ng pera, ay makatatanaw kay Nai Phan na nakahilig sa kanyang
maliit na silyang de-tiklop, kuntentong nakikipag-usap sa asawa. At maiisip nila sa kanilang sarili, Ang
saya-saya nilang tingnan, malayo sa paghahangad sa kayamanan. Mas mabuti pa sila sa amin.
Isang gabi ay nagpunta sa sinehan ang kanyang asawa, at nag-iisia si Nai Phan. Papadilim na at
naghahanda na siyang magsara ng tindahan nang mabilis na pumasok ang isang kabataang lalaki.
Anong maipaglilingkod ko sa inyo sir? Tanong ni Nai Phan. Sa halip na sumagot, naglabas ng baril ang
estranghero at itinapat iyon sa puso niya. Hindi ito maunawaan ni Nai Phan, pero nadaman niya na
hindi maganda ang mga pangyayari.

July 08,2015
July 08, 2015
Iabot mo ang salapi mo, marahas na sabi ng kabataang lalaki. Lahat! Kung anuman meron ka.
Mukhang patayan ang uso sa mga panahong ito; nagbabarilan ang mga tao sa ibat ibang dako arawaraw. Pag pinatay kita, wala nang ispesyal doon, at pag napatay mo ako, hindi na rin masyadong
nakapagtataka, kaya bilisan mo na. pag hindi ko nakuha ang salapi, patitikimin kita ng mga bala.
Hindi nanginig si Nai Phan. Kalmante siyang nakatayo at sinabi niya sa tinig na parang nakikipag-usap
lang; Ibibigay ko sayo ang pera, pero hindi dahil sa baril mo, ibibigay ko sayo dahil mukhang
kailangang-kailangan mo iyon. Baka nakasalalay ditoy buhay at kamatayan. Eto. . . lahat ng perang
meron ako ay nandito. Kunin mo na at umuwi ka na agad. Sinong nakakaalam? Siguroy may sakit ang
iyong ina; baka nga maraming taong naghihintay doon, iniisip kung mag-uuwi ka ng pera o hindi.
Maraming buhay ang maaaring mnakadepende sa pag-uwi mo na may dalang pera. Hindi ko sasabihin sa
mga pulis. Mga siyam na raan ang cash dito; higit pa. . .kunin mo na.
Inilagay niya ang salapi sa mesa pero ang binatang holdaper ay tila hindi nagkalakas-loob na hipuin
iyon.
Bakit hindi mo kunin? tanong ni Nai Phan. Tingnan mo, bakit kita lolokohin? Alam kong hirap na
hirap ka. Hirap tayong lahat sa mga araw na ito. Hindi ako naniniwalang masama kang tao. Sino ang
gustong maging magnanakaw kung maiiwasan niya? Maaari ding nagkaatake ang iyong ama at kailangan
mo siyang alagaan. Dalhin mo sa kanya ang perang ito, pero huwag mong ubusin lahat sa gamot.
Maniwalak ka sa akin, magagamot ng doktor ang katawan, pero kailangan ng tao ang lunas pati sa
kanyang isip at kaluluwa. Bumili ka ng ilang mababangong bulaklak, isang kuwintas ng bulaklak para sa
iyong ina na mailalagay niya sa harap ng sagradong imahen sa bahay. Iyon ang ginagawa ko gabi-gabi.
Hindi mo kailangang malaman kung ano ang kabanalan o kung saan ito nananahan. Sapat na ang
makadama ka ng kapayapaan sa iyong sarili. Iyon ang langit. Ay!at itabi mo ang iyong baril
giginhawa agad ang pakiramdam mo. Ang isang lalaking may dalang baril ay hindi nakakakilala nbg
kapayapaan, ang puso niyay naghihirap sa takot at pag-aalinlangan, at sa amoy ng panganib. Hindi
tayo liligaya habang ang ating mga kamay ay nagsisikip sa mga sandata.
Inilagay ng kabataang lalaki ang baril sa kanyang bulsa, tulad ng isang masunuring bata. Itinaas niya
ang mga kamay sa pagpupugay sa wai kay Nai Phan, na kilala sa kanyang sinangag at kape at
pagbubukas-palad.
Dapat na barilin ko ang aking sarili imbis na barilin ka, sabi ng kabataang lalaki.
Huwag kang magsalita na parang baliw, sabi ng tagapamahala ng tindahan, habang inaabot ang pera
sa binata. Ito na lahat iyon. Dalhin mo at iyo nang lahat. Hindi ito pagbibigay na ginawa sa galit.
Alam ko na puno ang mga bilangguan, pero hindi ng mga kriminal. Isa kang lalaking tulad ko, tulad ng
ibang lalaki; kahit sinong lalaki, kahit isang ministro, ay ganyan din ang gagawin ko kung desperado.
Naupo ang kabataang holdaper. Hindi pa kita nakita kailanman, at hindi pa ako nakakita kailanman ng
gaya mo kung magsalita. Hindi ko kukunin ang pera mo, pero itinabi ko na ang aking baril. Ngayoy
uuwi na ako sa aking ina na gaya ng sabi mo, umubo siya ng ilang ulit bago nagpatuloy. Masama
akong anak. Lahat ng perang ibinigay sa akin ng aking inay inubos ko sa karera ng kabayo; yong
kakaunting natiray inubos ko sa pag-iinom.
Lahat ng taoy nagkakamali. Ano ba ang buhay kundi magkahalong eksperimento, pagkakamalit mga
kabiguan? sabi ni Nai Phan.
Hindi, malakas ang katawan ko, alam mo, pagpapatuloy ngkabataang lalaki. Narinig mo ba ang ubo
ko? Natatakot ako na mayroon na akong T.B. iyon ang dapat sa akin, sa palagay ko, dahil meron akong

July 08,2015
July 08, 2015
mga ginawang masasamadapat talagang mamatay na ako agad-agad. Hindi ako dapat mabuhay,
pasanin lang ako sa mundo. Salamat, at paalam.
Hindi mo kailangang umalis agad. Dito ka muna sandali at mag-usap tayo. Gusto kitang makilala. Saan
ka nakatira? Ano ang mga hilig mo? Ibig kong sabihin, ano ang mga pinaniniwalaan mo?
Walang pag-asang umiling ang kabataang lalaki. Hindi ko alam kung saan ako papunta ngayon. Saan
ako maaaring pumunta? Ano ang mga pinaniniwalaan ko? Hindi ko alam. Mukhang walag anupaman sa
mundong ito na karapat-dapat na paniwalaan. Naging isang miserableng nilikha na ako mula nang araw
na akoy ipinanganak; hindi nakapagtataka na hindi ko gusto ang aking mga kapwa-tao. Minsan, ang
tingin koy pananagutan ng lahat ang mga kasamaan ko. Ayokong makisalamuha sa mga tao. Hindi ako
nagtitiwala sa kahit kanino. Kinasusuklaman ko ang paraan ng pakikipag-usap ng tao sa isat isa, kung
paano nila gugulin ang kanilang buhay, kung paano nila mahalin at purihin ang isat isa, kung paano sila
tumawa at ngumiti.
Tumango nang may pagkaunawa si Nai Phan. Lahat ng taoy ganon ang pakiramdam kung minsan.
Kaya mo ba akong paniwalaan?. Hindi ako interesado sa kahit ano. Sawang-sawa na ako sa lahat.
Ang buong mundo ay parang hungkag. Walang kahulugan, walang anupaman na mapangangapitan o
maigagalang ng tao. Kung talagang gusto kong magtrabaho, sa palagay ko ay maaari akong humanap ng
gawain. Pero nasusuklam akong makita ang sangkatauhan, ayokong tumanggap ng kahit na anong pabor
mula sa kanila. Mananatili ako nang isang linggo sa isang trabaho, dalawang linggo, sa isa pahindi ako
nagtatagal kahit saan.
Nagbabasa ka ba ng libro?
Dati. Pero umayaw na ako. Ni hindi na ako nagbabasa ng dyaryo ngayon. Bakit pa? alam na alam ko
kung anong laman nila. Wala kundi barilan, nakawan, patayan! Binabago nila ang mga lugar at mga
pangalan, pero ganun at ganon din ang mga istorya.
Hinimas ng kabataang lalaki ang kanyang baba at masusing naningkit ang mga mata kay Nai Phan.
Suwerte mo na hindi ka nagpakita ng anumang takot o galit nang pagbantaan kita ng baril, tiyak na
papatayin kita. Ang daigdig na itoy punung-puno ng mga lalaki na gustong magpakita ng galit, mga
lalaking marurumi ang isip, na laging bumubulalas na nabubulok na raw ang sibilisasyon at moralidad.
Hindi ako naniniwala na dahil lang daan-daan o libo-libo ang napasama, ganun na rin ang dapat gawin
ng lahat ng tao. Alam ko na ngayon na hindi ako naparito dahil sa pera kundi para patunayan sa sarili
ko na tama ang aking paniniwala. Naiisip ko palagi kahit pa nawawalan na ng pag-asa ang mundo at
lumulubog na sa kalaliman, pinarumi at dinungisan ng kasalanan ng tao, may natitira pa rin kahit isang
tao na hindi tao dahil lang ganun ang itsura niya, kundi isang tunay na taong nilalang. Alam niya kung
paaanong magmahal ng iba, kung paano mapagwawagian ang paggalang ng ibang tao. Pero hindi ko
ganap na pinanaligan iyon dahil wala pa akong nakitang ganun. Sa loob ng maraming taon ay iniisip ko:
Sanay makakita ako ng isang tao na hindi pa naging buktot kasabay ng kabuktutan ng mundo, para
mapaniwalaan ko na may natitira pang kabutihan, para magkaroon ako ng lakas para patuloy na
mabuhay. Ngayoy nakatagpo ako ng isang taong ganun. Ibinigay mo sa akin ang lahat ng hinahangad
ko. Wala ka nang dapat ibigay. Uuwi na ako ngayon. Mangyari pa, sa isip ko, hindi ko na kamumuhian
uli ang daigdig. Natuklasan ko sa wakas ang uri ng buhay na gusto kong tuntunin.
Mukhang naging mas masigla na ang estranghero. Tumindig na siya para umalis at pagkaraan, naalala
niya, inilabas niya ang baril. Iniabot niya iyon sa may-ari ng tindahan.
Sanay kunin mo ito. Hindi ko na ito kailangan. Iyan ang tatak ng mababangis. Sinumang lalaki na

July 08,2015
July 08, 2015
magdadala ng baril ay walang awa o paggalang sa iba, wala siyang iginagalang kundi ang baril. Ang mga
bandidoy maaaring mabuhay sa kanilang baril, pero ang buhay nilay laging gagambalain ng
katotohanan na ang mga kaaway nilay maaaring sumalakay sa kanila nang wala silang kahandaan.
Wala silang panahon para panoorin ang paglubog ng araw o para umawit. Pag ang taoy walang
panahon para umawit, mabuti pang maging kuliglig na lang o ibong mynah.
Ngumiti nang masaya ang holdaper, at kumakaway ng pamamaalam, idinugtong nito: Babalik ako para
makita ka uli, pero huwag mo nang ipakita uli sa akin ang aking baril. Yan ang kaaway ng isang malinis
na buhay. Paalam.
Nawala sa dilim ang estranghero. Yumuko si Nai Phan, ang may-ari ng tindahan, para bisitahin ang
pinakabago niyang pag-aari. Iniisip niya na bukas ay ipagbibili niya iyon. Kailangang-kailangan niya ng
bagong pansala ng kape.
II.

Diwang nanaig:
Kahirapan
Mensahe:
Sa kwentong Aanhin Nino Yan? ipinapakita nito ang kabutihang loob ng
pangunahing na tauhan na si Nai Phan na kahit tinangka siyang pagnakawan ng isang
istranghero ay pinili na lamang niya ang kanyang per na bukas sa kanyang loob dahil
alam niya na mas higit pa na nangagailagan taong yaon higit sa kanya. Nais nitong
ipabatid sa atin na hindi lahat na gumagawa ng masama ay masama, isipin muna natin
kung bakit niya iyon maaaring mabuti aman talaga ang kaniyang intensyon ngunit mali
lamang ang kanyang paraang napili dulot ng salat sila sa kahirapan.

III.

Kaugnayan ng akda sa Panahon:

Sa panahon ng Bagong Lipunan ay nabigyan na tayo ng kalayaan ngunit ito ay may


hangganan. May ilang Pilipino na inabuso ang kalayaang natatamasa kung kayat
laganap pa rin ang masasamang elemento sa kapaligiran dahil dulot pa rin ito ng
kasalatan sa buhay. Katulad sa ating nabasang akda naipapakita nito na may kalayaan
ng gumalaw ang lipunan ngunit lingid sa ating kaalaman marami pa rin ang naghihirap.

July 08,2015
July 08, 2015

PANAHON NG KONTEMPORARYO
Maikling Kwento:
I.

Akda: DAYUHAN ni Buenaventura S. Medina, Jr.

Isang gabi, napakislot sa pagkakahiga ang persona ng maikling kwentong ito (may-akda) nang
marinig na naman niya ang daing ng kanyang masakiting ama mula sa silid nito. Nagbalikwas siya
para tunguhin ang silid ng kanyang ama, subalit nagbaga na naman ang kanyang damdaming hindi
maipaliwanag. Nang buksan niya ang kanyang pinto, nakita niya ang kanyang ina at sa pamamagitan
ng tingin nito'y alam na niya ang dapat gawin. Pumunta siya sa lansangang-bayan para tawagin si
Dr. Santos. Sumama naman ang doktor para tingnan ang kalagayan ng kanyang ama. Matagal ng may
sakit ang kanyang ama ngunit hindi rin lubusang gumaling dahil sa lagi nitong sinusuway ang bilin
ng doktor. Kung paalalahanan naman ng kanyang ina, nagagalit ang kanyang ama dahil alam daw
nito ang kanyang ginagawa. Dahil tanging lalaking sa pamilya, ay inako na niya ang tungkuling
tumawag ng manggagamot sa anumang oras naroroon siya tuwing maririnig niya ang daing ng
kanyang ama.
Iyon ay isang gawain na matapat na niyang nagagampanan matapos ibinilin sa kanya ng mga kapatid
ang kalagayan ng kanilang ina nang nagsisama ang mga ito sa kanilang napangasawa sa Kabisayaan.
At ito nga ang kanyang ginagawa, ang tulungan ang ina sa pag-aalaga sa kanyang ama. Lubos na
lamang ang kanyang pagtataka kung bakit nasabi ng kanyang mga nakakatandang kapatid na siya na
ang bahala sa kanilang ina. May mga bagay siyang hindi nalalaman na tanging mga kapatid lamang
niyang nakakatanda ang nakakaalam mula sa kanilang pinag-uusapan. Ngunit nabuo na sa isip nito
ang pinag-uusapan nila, sapagkat sa ibang umpukan sa maliit na pamayanang iyon, ay narinig niya:
Ang kanyang ama, si Ading at isang sanggol. At sa isip niya, marahil ay marami pang Ading at
marami pang sanggol sa buhay ng kanyang ama.
Ang mga luhang nakikita niya sa kanyang ina, ang hinanakit ng kanyang mga kapatid sa ama, ang
natuklasang katotohanan tungkol sa ama at kay Ading at sa sanggol ay ang mga rason marahil kung
bakit nakakaramdam siya ng isang damdaming dayuhan. At iyon nga ang kanyang nararamdaman sa
tuwing makikita niya ang ama sa silid nito at tila ba isa siyang dayuhan sa pook na iyon.
Nang marating na niya at ni Dr. Santos ang kanilang bahay, nakita niya ang ina at dalawang
nakakabatang kapatid sa pinto ng silid ng kanyang ama. Pumunta siya sa sariling silid ngunit muling
nagbalikwas ng marinig ang mga hirap na paghingal at pigil na pag-iyak. Nasalubong niya si Dr.
Santos at sinabihan na maiwan nalang at huwag na siyang ihatid dahil kakailanganin daw siya. Mula
sa mga sinasabi ng kanyang ina, iyakan ng mga kapatid hanggang sa nakaratay na ama, napagtanto
niyang nalalapit na talaga ang oras ng kamatayan ng kanyang ama. May kumurot sa kanyang laman,
at bigla ay nadama niyang kilala na niya ang silid na iyon at lumapit siya sa kanyang ama.
II.

Diwang nanaig:
Paagpapahalaga sa Pamilya
Mensahe:
Ipinapakita sa kuwento ang tungkol pangunahing tauhan na isang anak sa labas ng
kanyang ama ngunit tinanggap pa rin siya ng kanyang itinuring na ina. Bukas na inako
niya ang responsibilidad ng pagiging anak niya kahit may dayuhan siyang

July 08,2015
July 08, 2015
nararamdaman sa pagitan niya at sa kanyang ibang kapatid. Biniigyang-diin nito ang
pamilya na hanggang sa dulo ng buhay ay magkaramay.
III.

Kaugnayan ng akda sa Panahon:


Sa panahon ng kontemporaryo hanggang sa kasalukuyan o kahit pa bago pa umusbong
ang panahon ng kontemporaryo hindi lingid sa ating kaalaman na marami ang naging
bunga ng pagkakaroon ng ibang karelasyon sa parte ng babae o sa lalaki buhat ang
tukso ay nandiyan
lamang sa paligid.

St. Peters College of Ormoc


College Unit

Filipino 8: Maikling Kwento


Output no.1

Ipinasa kay:

July 08,2015
July 08, 2015
Gng. Myriam Dio
Ipinasa ni:
Isabel Guape
BSED-III

You might also like