You are on page 1of 12

7

FILIPINO
Unang Markahan-Modyul 3
Mga Pang-ugnay na Ginagamit sa Pagtukoy ng Sanhi
at Bunga ng Pangyayari sa Pagpapasiya

1
WEEKLY HOME LEARNING PLAN
FILIPINO 7
Aralin 2 Unang Markahan
Learning Learning
Area
Learning Tasks Mode of Delivery
Competency

Gumising, ayusin ang sarili, kumain ng umagahan at ihanda ang sarili


sa isang makabuluhang araw!
Mag-ehersisyo, mag-meditate at makipag-bonding sa pamilya.
Filipino MELC : 1. Basahing Ang Weekly Home Learning
Naipaliliwanag mabuti at Plan ay ilalagay sa isang
ang mga sanhi sagutan ang expanded envelope na may
at bunga ng bawat kulay lila para sa Baitang 7 na
mga hinihingi sa
pangyayari ilalagay sa plastic envelope
araling ito. bilang proteksyon sa
(F7PB-ld-e-3).
Layunin : pagkabasa.
2. Isulat sa
A. Natutu-
koy ang mga sagutang Ito ay kukunin ng mga
pang-ugnay papel ang magulang o guardian sa
na ginamit sa iyong tugon paaralan sa itinakdang araw at
pagpapaha- sa petsa para sa kanilang taon at
yag ng mga Pagyamanin pangkat.
kaisipang B sa pahina
nagsasad ng 7 at Tayahin Hanapin lamang ang silid-
sanhi at sa pahina 9. aralan ng Tagapayo kung
bunga. saan itinalaga ang taon at
3. Ipasa ang pangkat ng mag-aaral.
B. Nakabu- sagutang
buo ng mga PAALALA: HUWAG
papel na may KALIMUTANG ISULAT ANG
posibleng kumpletong
sanhi at SUMUSUNOD SA ITAAS NG
sagot. INYONG SAGUTANG PAPEL:
bunga sa
kasaluku- PANGALAN:
yang SECTION:
pangyayaring SUBJECT:
naganap o
nagaganap sa
Mindanao.

Inihanda ni Iwinasto ni Binigyang pansin

FLORDELIZA R. ORTAL LEILA M. MONSANTO CRISTETA R. LAMBON


Guro sa Filipino 7 Ulungguro III Punungguro IV

2
Filipino 7
Unang Markahan Mga Pang-ugnay na Ginagamit sa Pagtukoy
Modyul 3 ng Sanhi at Bunga ng Pangyayari sa Pagpapasiya

Alamin:

MELC : Naipaliliwanag ang mga sanhi at bunga ng mga


pangyayari (F7PB-ld-e-3).

Layunin :
A. Natutukoy ang mga pang-ugnay na ginamit sa
pagpapahayag ng mga kaisipang nagsasad ng sanhi
at bunga.
B. Nakabubuo ng mga posibleng sanhi at bunga sa
kasalukuyang pangyayaring naganap o nagaganap sa
Mindanao.

Subukin Natin

PANUTO: Basahing mabuti ang mga pangungusap at ibigay


ang hinihingi sa bawat bilang. Isulat ang titik ng
tamang sagot sa iyong sagutang papel .

1.Ito ang nagsasabi ng kadahilanan ng mga pangyayari.


A. sanhi C. epekto
B. bunga D. resulta
2.Tawag sa epekto ng kadahilanan ng mga pangyayari.
A. bunga C. dahilan
B. sanhi D. ugat
3. Itinakbo sa ospital ang bata sapagkat nahimatay siya sa
pagod. Ano ang pang-ugnay na ginamit sa sanhi at bunga
sa pangungusap?
A. sa C. pagkat
B. sapagkat D. ang
4. Ang bayaning nasusugatan, nag-iibayo ang tapang. Alin
ang bunga sa pangungusap?
A.bayaning nasusugatan C. ang tapa
B. nag-iibayo ang tapang D. ang bayani

3
5. Matindi ang sikat ng araw kaya ang mga damit sa
sampayan ay agad natuyo. Ano ang sanhi sa
pangungusap?
A. ang mga damit sa sampayan C. agad natuyo
B. Matindi ang sikat ng araw. D. ang sikat ng araw

Balikan

PANUTO: Sagutin ang sumusunod na tanong sa pamamagitan ng


buong pangungusap gamit ang mga salita o ekspresyong
nagpapahayag ng posibilidad. Salungguhitan ang mga salita o
ekspresyong ginamit mo. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
1. Saan ka kaya mag-aaral pagdating mo sa kolehiyo?
2. Anong kurso kaya ang kukunin mo?
3. Saan ka kaya magtatrabaho kapag nakatapos ka na?
4. Mangingibang-bansa ka kaya para roon na magtrabaho
at tumira?
5. Ilang taon ka kaya magpapakasal o mag-aasawa?

Ating Tuklasin

Basahin ang pinaikling bahagi ng epikong Indarapatra at


Sulayman. Bigyang pansin ang mga salitang initiman.

Indarapatra at Sulayman
(pinaikling bahagi ng epiko)

Pinauwi ni Haring Indarapatra si Prinsipe Sulayman sa


Mantapuli, palibhasa’y kagagaling lamang sa kamatayan upang
makapagpahinga. Nagtungo naman ang hari sa Bundok Kurayan
upang hanapin ang kinatatakutang ibon na may pitong ulo at
matatalas na mga kuko. Natagpuan ni Haring Indarapatra ang
ibon at sila ay naghamok. Sa tulong ng kanyang engkantadong
sibat ay madali niyang napatay ang ibon.
Kaya naman nang kanyang matalo ang ibon ay hinanap niya
ang mga tao na naging dahilan upang matagpuan niya ang isang
magandang diwatang tuwang-tuwang nagpasalamat sa kanyang
kabayanihan at katapangan. Isinama siya ng diwata sa yungib na

4
pinagtataguan ng mga tao. Isinalaysay ni Haring Indarapatra ang
pakikipaghamok nilang dalawa ni Prinsipe Sulayman sa mga
halimaw at dambuhalang ibon. Tuwang-tuwa ang mga tao sa
kabayanihang ginawa ng magkapatid. Sinabi ni Haring
Indarapatra na maaari na silang lumabas sa kanilang
pinagtataguan sapagkat wala na ang mga halimaw at ibong
gumulo sa kanila. Nagpasalamat ang mga tao kay Haring
Indarapatra.
Hiniling naman ni Haring Indarapatra sa magandang
diwatang pakasalan siya nito. Pumayag ang diwata at kaagad na
ipinagdiwang ang isang magarbo at tunay na masayang kasalan.
Tuwang-tuwa ang mga tao at walang pagod nilang isinisigaw na
“Mabuhay ang hari!”
Bunga nito’y muling lumitaw ang malawak na lupang
bagama’t pawang kapatagan ay tunay na malusog naman. Hindi
na bumalik sa sariling bayan si Haring Indarapatra. Doon na siya
naghari sa mayamang lupa ng pulong Mindanao.
(Mula sa Pinagyamang Pluma 7, pahina 67)

Tanong: Ano ang kahalagahan ng mga salitang initiman sa


binasang bahagi ng epiko? Kilala mo ba ang mga ito?

Suriin

Sa araling ito, malalaman mo ang kahalagahan ng maayos na


pag- uugnay ng mga salita, parirala at pangungusap na
mahalagang sangkap para sa malinaw, lohikal at mabisang
paglalahad. Naipakikita ang pag-uugnayan ng mga bahagi sa
pangungusap sa pamamagitan ng paggamit ng mga pang-
ugnay(connectives). Sa binasang bahagi ng epiko, ang mga ito ay
nag-uugnay ng sanhi sa bunga ng mga pangyayari.

Ang sanhi ay nagpapahayag ng dahilan ng isang pangyayari.


Samantalang ang bunga naman ay nagsasabi ng kinalabasan o
resulta ng pangyayari o pagpapasiya.
Pang-ugnay na ginagamit sa pagbibigay ng sanhi at bunga:
 Pang-ugnay na nagpapakita ng sanhi o dahilan:
sapagkat/ pagkat, dahil/dahilan sa, palibhasa, at
kasi/naging.
 Pang-ugnay na naghuhudyat ng bunga o resulta:
kaya/kaya naman, dahil dito, bunga nito, tuloy, upang,
para, dulot.

5
Mga halimbawa:

SANHI
1. Tahimik na pinakinggan ng kapitan ang hinaing ng mga
tao sapagkat nais niyang malaman ang saloobin nila
2. Maaring masira ang kalikasan dahil sa pagpapatayo ng
mga pabrika.
3. Nagkaisa ang mga tao na pigilan ang pagpapatayo ng
pabrika kasi maraming masamang dulot ito sa ating
kapaligiran.

BUNGA
1. Maitim ang hangin na ibinubuga ng mga pabrika kaya
dumurumi
ang hanging ating nalalanghap.
2. Kailangang magkaisa ang mga mamamayan upang
mapigilan ang
katiwalian.
3. Magaling si kapitan, bunga nito’y maraming humahanga
sa kanyang adhikain.

Ating Pagyamanin

A. PANUTO: Basahin at unawain ang mga pahayag. Sagutin


ang mga sumusunod na tanong at isulat ang titik ng
tamang sagot sa iyong sagutang papel.

1. Bakit pinauwi ni Haring Indarapatra si Prinsipe Sulayman sa


Mantapuli?
A.Dahil wala na itong halaga sa kaniya
B. Dahil gusto niyang makapagpahinga
C.Dahil kagagaling lamang nito sa kamatayan
D.Dahil napagod siya sa paglalakad

2. Ano kaya sa tingin mo ang naging dahilan ng madaling


pagkahulog ng loob ng diwata kay Haring Indarapatra?

6
A. Sapagkat siya ay matapang. C. Sapagkat siya ay mahinhin.
B. Sapagkat siya ay malusog. D. Sapagkat siya ay maputi.

3. Ano ang kaniyang ginawa matapos matalo ang ibon?


A. Hinanap niya ang mga taong naging dahilan upang
matagpuan ang diwata.
B. Nagpahinga siya nang isang taon.
C. Namasyal siya sa kagubatan para makapagpahinga.
D.Nagpasalamat siya sa magandang diwata.

4. Bakit sinabi ni Haring Indarapatra na maaari na silang


lumabas sa kanilang pinagtataguan?
A. Patay na ang mga halimaw at dambuhalang ibon.
B. Manghuhuli pa sila ng maraming ibon.
C. Pasalamatan nila ang mga taong tumutulong sa kanila.
D.Pagod na silang magtago.
5. Ano ang bunga ng pagdiriwang ng kasalan ni Haring
Indarapatra sa magandang diwata?
A. Lumakas lalo ang kaniyang katawan.
B. Lumitaw ang malawak na lupa bagama’t pawang kapatagan.
C. Umulan nang malakas.
D.Iniwan si Haring Indarapatra sa isang magandang diwata.

B. Panuto: Basahin at suriin ang mga pangungusap. Isulat ang


sanhi kung ang sinalungguhitan ay naglalahad ng
kadahilanan at bunga naman kung naglalahad ng
kinalabasan. Isulat ang tamang sagot sa iyong sagutang
papel.

1. Muling nagdiwang ang mamamayan sa Bundok Kurayan


dahil ikinasal si Haring Indarapatra sa magandang diwata.

2. Masayang nabubuhay ang mga naninirahan sa pulong


Mindanao sapagkat sagana sila sa likas na yaman.

3. Dahil sa apat na halimaw ang doo’y nanalot, ang lagim ay


biglang dumating sa kanilang bundok na dati’y payapa.

4. Namatay si Prinsipe Sulayman kaya naman hinagpis at


kalungkutan ang nangingibabaw sa kaniyang sinasakupan.

5. Himalang nabuhay si Prinsipe Sulayman kasi ibinuhos ni


Haring Indarapatra ang tubig na lunas sa bangkay nito.

7
Isaisip

Ang sanhi ay isang ideya o pangyayari na maaaring


humantong sa isang bunga. Halimbawa, nakuha mo ang
pinakamataas na marka sa pagsusulit dahil nag-aral kang
mabuti. Unang binanggit ang bunga at sumunod naman ang
sanhi. Tandaan na hindi lahat ng pagkakatao’y nauuna ang
sanhi sa bunga. Isiping lagi ang ganito: Anong ideya o pangyayari
ang naunang naganap(sanhi)? Ano ang kinalabasan(bunga)?
Sa komunikasyon, madalas tayong nagbibigay o naglalahad
ng sanhi at bunga. Layunin nitong ipakita na kaya naganap ang
isang pangyayari ay may dahilang nauna pa kaysa rito. Sa
gawaing ito, kailangan nating pag-aralang mabuti ang isang
pangyayari. Dito’y kailangan ang likas na pagkukuro at
matalinong paninindigan sa pagpapasiya at pagpapakahulugan sa
mga bagay na nakikita at nababasa natin.

Isagawa

PANUTO: Tingnan ang graphic organizer na nasa ibaba. Mag-isip


ng isang suliraning naganap/nagaganap sa Mindanao.
Ipaliwanag ang mga posibleng sanhi at bunga ng mga ito, itala
ang ibang hinihingi sa mga kahon at gumamit ng mga pang
ugnay. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

Napiling ulat/suliranin:

Sariling saloobin tungkol dito:

Posibleng Sanhi ng Pangyayari Posibleng Bunga ng pangyayari


_______________________________ ________________________________
_______________________________ ________________________________
_______________________________ ________________________________

8
Sumulat ng isang pangungusap na makahihikayat sa
mamamayang tumulong upang masolusyonan ang nasabing
problema/suliranin.
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
____________________
Pamantayan sa pagbibigay ng puntos/rubrik:
Puntos ng
guro
Mahusay na nailalahad ang mga 5
datos puntos
Matatas sa paggamit ng mga salita 5
puntos
Malinis at maayos ang
pagkakasulat,makikita ang 5
pagsisikap na maging maayos ang puntos
gawain
Kabuoang puntos 15
puntos

Ating Tayahin

Panuto: Basahing mabuti ang mga pangungusap sa bawat bilang.


Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.

1. Alin sa mga salawikain ang hindi nagsasaad ng sanhi at


bunga?
A. Kung may sipag at tiyaga, may nilaga
B. Kapag may sinuksok, may madudukot
C. Ang taong gipit, sa patalim kumakapit
D.Magbiro ka sa lasing, wag lang sa bagong gising

9
2. Ano ang kinalalabasan o dulot ng isang pangyayari?
A. bunga
B. sanhi
C. dahilan
D.ugat

3. Maraming naghihirap sa panahon ng krisis kasi tumaas ang


presyo ng mga bilihin. Alin ang sanhi sa pangungusap?
A. maraming naghihirap
A. tumataas ang presyo ng bilihin
B. sa panahon ng krisis
C. ang presyo ng mga bilihin

4. Pumutok ang gulong ng sasakyan ni Jovanie kaya napatigil siya


sa daan.
Ano ang bungang ipinapahiwatig sa pangungusap?
A. pumutok ang gulong
B. napatigil siya sa daan
C. gulong ng sasakyan
D. sasakyan ni Jovanie

5.“Kapag may isinuksok may madudukot” alin sa mga paliwanag


ang angkop sa salawikaing ipinahayag,?
A. Kapag may nailagay ay may makukuha.
B. Maraming pera sa bahay kasi may negosyo ang magulang.
C. Mag aksaya ng pera, dahil may ipon sa bangko ang
magulang.
D.Kapag marunong mag-ipon, sa oras ng kagipitan ay may
matutukoy.

10
Karagdagang Gawain

PANUTO: Basahin at suriin ang mga salawikain na nasa loob ng


kahon. Ipaliwanag ito sa pamamagitan ng paglalahad ng mga
posibleng sanhi at bunga nito. Gawing gabay ang graphic
organizer na ito. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Nasa Diyos ang


SANHI awa, BUNGA
Nasa tao ang
gawa

11
Gabay sa Pagwawasto

posibilidad 5. sanhi Sariling pagkaunawa


pagpapahayag ng 4. sanhi Gawain
1 – 5: sariling 3. sanhi
Balikan 2. sanhi Karagdagang
1. bunga 5. d
Pagyamanin B: 4. b
5. b b 5. 3. b
4. b a 4. 2. a
3. b a 3.
2. a a 2. 1. d
1. a c 1. Tayahin
Subukin Natin Pagyamanin A:
Sariling pagkaunawa
Isagawa

Sanggunian

AKLAT:
 Baisa, Ailene G. et al. Pinagyamang Pluma 7. Phoenix
Publishing House Inc, 2014.
 Panitikang Rehiyonal-Kagamitan ng mga Mag-aaral, pahina
12-22
 Dillague, Nora M. et. al. Sandigan: Sining ng Komunikasyon
para sa Mataas na Paaralan. Phoenix Publishing House, Inc.
Quezon City.
 Dela Cruz, Leonora. Gantimpala: Pinagsanib na Wika
at Panitikan. Innovative Education Materials, INC.

12

You might also like