Professional Documents
Culture Documents
I. Paksa:
Teskto: Tibay Ivatan
Antas/Baitang: Ikapitong Baitang
Uri ng Texto: Nagsasalaysay
Mga Kagamitan: Sipi ng akda, Aklat, Mga Larawan
Takdang Panahon: Dalawang (2) araw
DRR na Kompetensi: 15.b. Naipakikita nang wasto ang iba’t ibang gawaing
pangkahandaan sa panahon ng kalamidad
Halagang Pangkatauhan: Paghahanda
Tanong:
a. Ano ang nakikita ninyo sa larawan? Ipaliwanag.
b. Bakit ginagawa ito ng mga tao?
c. Magbigay ng mga sumusunod na patunay kung paano ito
pinaghahandaan ng mga tao batay sa larawang ipinakita.
B. Paglinang
1. Basahing ang tesktong “Tibay Ivatan”
Tibay Ivatan
Ang mga isla ng Batanes ay nasa pinakadulong bahagi ng Pilipinas sa dakong hilaga. Dahil
sa kanyang lokasyon, madalas makaranas ang probinsiyang ito ng matinding pagbugso ng ulan at
hangin. Sanhi ng ganitong kalagayan, nakagawa ang Ivatan, o mga sinaunang katutubo ng
Batanes, ng isang matibay na klase ng bahay na kayang humarap sa matitinding elemento ng
kalikasan. Nagtulong-tulong sila upang makabuo ng isang modelo ng bahay na kung saan
malabanan nito ang mga malalakas na ulan o bagyo.
Bilang proteksyon sa matinding ulan at hangin, ang nagpapatayo sila ng mga bahay na
kalimitang mababa lamang at ang mga pader nila ay gawa sa mabibigat na bato na pinagdikit-
dikit sa pamamagitan ng apog (lime) at mortar. Hindi rin madaling tangayin ng hangin ang
bubong na gawa sa makakapal na kogon na pinagpatung-patong.
Humahawak naman sa dingding at bubong ang balangkas (frame) ng bahay na gawa sa
kahoy.Halos lahat ng bahay sa islang ito ay ganito ang kanilang paggawa. Natuto na sila sa mga
nakaraang unos kung saan naranasan nilang nawalan ng tahanan. Hindi na sila papaya na
maranasan ang sitwasyong ito kaya sila ay nagkakaisa at nagbubuklod.
2. Antas ng Pag-unawa
a. Ano ang ginanagawa ng mga Ivatan batay sa teksto?
b. Bakit ginagawa nila ang mga ito?
c. Epektibo kaya ang gawaing ito upang malabanan ang mga pararating
na unos? Patunayan.
d. Magbigay ng mga sususunod na patunay kung paano pinaghahandaan
ng mga Ivatan ang parating na kalamidad.
C. Pagpapalalim
1. Basahin ang teksto at sagutin ang mga sumusunod na katanungan.
Malinaw na hindi ligtas ang Barangay Banaba ng San Mateo, Rizal sa mga nakaambang
panganib ngkalikasan. Sa humigit-kumulang na 3,000 hektaryang sukat ng San Mateo, 75
porsyento ang kabundukan. Ang tubig na galing sa malawak nitong kabundukanay dumadaloy
papunta sa dalawang malalaking ilog,ang Ilog Marikina at Ilog Nangka, na nagsasalubongsa tabi
ng Barangay Banaba. Halos taon-taon,umaapaw ang dalawangilog na ito. Ang pagbaha at
pagkabuwag ng lupa sa tabi ng mga ilog sanhi ng pagdaloy ng tubig ay patuloy na nagdudulot ng
pangamba sa mga naninirahan sa Barangay Banaba.
Mabuti na lamang daw at nagawa nila ito sapagkat isang buwan pagkaraan ng kanilang
mga paghahanda, dumating si bagyong Ibyang, na nagging sanhi ng pag-apaw ng ilog at
pagbaha. Maraming bahay man ang nasira, maraming buhay at kagamitan namanang
nailigtas.Tamangtama lamang at nagamit ng samahan ang kanilang napagdaanang pagsasanay.
Simula ng pag-organisa
Nagsimula ang Buklod Tao nang sama-sama nilang nilabanan ang isang kumpanya sa
plano nitong magtayo ng cement batching plant (kung saan hinahalo ang semento, graba,
buhangin).
Kahanga-hanga rin ang partisipasyon ng mga kababaihan sa mga gawaing Buklod Tao.
Ang Buklod Tao ay may 141 aktibong kasapi at lagpas kalahati dito ay mga kababaihan. Sila ang
namumuno sa health and relief operations kung saan inaayos at iniimpake ang mga relief goods
para sa mga nasalanta. Bukod dito sila ang nananahi ng mga Disaster Preparedness Bag o Go
Bag, kung tawagin nila. Para ito sa mga bata, at naglalaman ng mga damit, kuwaderno, dalawang
pakete ng biskwit, tatlong bote ng mineral water at flashlight. Nang sa gayon, kapag may
nakaambang mga panganib, bibitbitin na lamang ng mga bata ang mga sisidlan na ito at kahit
papaano ay nakahanda sila. Yari ang mga Go Bag na ito sa mga basurang tetra pack ng juice.
Mga kababaihan din ang nananahi ng mga life vest na gagamitin ng mga bata sakaling may baha.
Sa ngayon ay nasa proseso ang mga life vest na ito ng pagdaraan sa iba’tibang pagsubok upang
masiguro ang kanilang kalidad.
Tanong:
a. Paano naipakita ang wasto at iba’t ibang gawaing pangkahandaan sa panahon
ng kalamidad ayon sa teksto? Isa-isahin ang mga ito.
b. Epektibo kaya ang mga paghahandang ito? Patunayan.
c. Paano mo mapatunayan na ginagawa ng mga tao ang nasabing paghahanda?
Magbigay ng mga sumusunod na patunay batay sa tekstong binasa.
d. Ano kaya ang posibleng mangyari sa mga tao kung hindi maayos na
pinaghandaan ang isang kalamidad o sakuna?
e. Bakit kailangan alamin ang mga sumusunod kaalaman tungkol sa disaster
mitigation? Ipaliwanag.
D. Pagbuo ng Sentesis
a. Bakit kailangang paghandaan ang parating ng kalamidad?
b. Magbigay ng mga sumusunod na patunay na kung bakit kailangang
paghandaan ang mga ito.
IV. Pagtataya
Basahin ang teksto at sagutin ang mga sumusunod na katanungan.
Mga simpleng istruktural na mitigasyon laban sa paparating na kalamidad
Si Manuel “Ka Noli” Abinales ang aktibong presidente ng Buklod Tao,
ang people’s organization sa Barangay Banaba, San Mateo, na may programa sa
Community-based Disaster Risk Management. Simula noong 1989 ay aktibo na si
Ka Noli sa community organizing. Ayon sa kanya, hindi lamang sapat na
malaman na may panganib. Kundi higit na makabubuting alamin ang mga paraan
upang mabawasan ang mga pinsala, sakaling ang komunidad ay desididong
manatili sa lugar. Ang mga bantang panganib ay hindi dapat maging hadlang sa
pag-unlad kaya kailangan ang mga sumusunod na mitigasyon upang
maisakatuparan ang mga hangaring ito. Isa sa mga patunay nito ay mga
naibahaging simpleng mitigasyon ngunit ito ay napakaepektibo.
A. Para sa pagbaha.
Detention Pond. Ito ay isang imbakan (pwede itong hukay o konkretong
istruktura) na pansamantalang sumasalo ng tubig-baha. Unti-unti nitong nilalabas
ang tubig-baha sa isang bagong lokasyon, gaya ng isang kanal, hanggang sa ito ay
matuyo.
Diversion Channel. Ito ay binubuo ng isang kanal na may berm (isang
pader na yari sa lupa o bato na humaharang sa paglabas ng tubig mula sa kanal).
Nilalagay ito sa gilid ng mga dalisdis upang saluhin ang tubig-ulan. Dinadala nito
ang tubig sa ligtas na lugar, sa bilis na hindi nakakapanira.
B. Para sa pagtabag
Terracing. Maaaring limitahan ang taas at Tarik ng mga dalisdis sa
pamamagitan ng pagputol nito sa maliliit at sunud-sunod na hagdanan (terrace).
Nirerekomendang ang taas ng isang terrace ay hindi
hihigit sa 1.8 metro.
C. Para sa lindol
Mat Foundation. Isang pundasyong mala-balsa na epektibo para sa mga
lugar na malambot ang lupa at may bantang lindol. Sakaling may pagyanig at
paglubog na magaganap ay inaasahang sabay-sabay at pantaypantay ang
paggalaw at paglubog ng istruktura.
Tanaong:
1. Anu-ano ang ilang simpleng istruktural na mitigasyon laban sa pararating na
kalamidad ang pwedeng gawin ayon sa teksto?
2. Ano ang mga patunay na aktibo si Ka Noli sa paglaban sa parating na mga
kalamidad?
V. Kasunduan
Magpagawa ng isang patalastas tungkol sa kung paano ang wastong paghahanda
sa parating na kalamidad sa bansa at ipaliwanag sa klase kung bakit ito ang kanilang
pinili.
Inihanda ni:
JOSEPH P. CAGCON
T-III
Buga National High School