You are on page 1of 2

Halimbawa ng liham Pangalakal

1. Liham na kumukuha ng impormasyon tungkol sa isang bagay


LUZ DEL MUNDO
506 Lakas St.
Bacood, Sta.Mesa
Ika-10 ng Setyembre 2013
ANG DEKANO
Kolehiyo ng Businesss Administration
Pamantasan ng Santo Tomas
Ginoo:
Katatapos ko po lamang sa haiskul at nagbabalak na mag-aral sa inyong pamantasan. Nais ko pong
magpatala sa Kolehiyo ng Businesss Administration. Maaari po bang malaman kung kalian at saan
kayo magbibigay ng pagsusulit sa mga bagomg magpapatalang mag-aaral? Nais ko rin pong
malaman kung anu-ano ang mga kailangang dalhin bago makapagsulit at gayon din ang halagang
ibabayad sa application form.
Ipinaaabot ko po ang taos-puso kong pasasalamat.
Magalang na sumasainyo,
LUZ DEL MUNDO
2. Liham na nag-aanyaya ng panauhing tagapanayam
Manuel Roxas High School Paco, Maynila
Hulyo 5, 2013
Dr. Estrella Roxas
Dekana, Kolehiyo ng Nutrisyon
Emilio Aguinaldo College
Mahal na Doktora Roxas:
Sa pagdiriwang ng Buwan ng Nutrisyon, magkakaroon ang aming paaralan ng iba't ibang gawain at
palatutuntunan na magbibigay-sigla sa kahalagahan ng pagdiriwang na ito.
Isang seminar na kaugnay ng Buwan ng nutrisyon ang idaraos sa aming paaralan na dadaluhan ng
mga guro at tagamasid mula sa iba't ibang mataas na paaralan ng sangay ng paaralang Lungsod ng
Maynila. Dahil po rito nais naming kayong anyayahan na maging panauhing tagapanayam tungkol
sa paksang "Ang Kahalagahan ng Nutrisyon sa Kalusugan". Ito'y gaganapin sa ika-10 ng Hulyo,
taong kasalukuyan sa awditoryum ng paaralan. Alam ko pong may malawak kayong kaalamang
maibabahagi sa aming mga guro.
Inaasahan kop o ang inyong pagdalo.
Matapat na sumasainyo,
LUCINDA M. SANTOS
Punungguro
3. Liham na humihiling ng subskripsyon
1025 Balic-Balic
Sampaloc, Maynila
Oktubre 10,2013
ANG TAGAPAMAHALA
Liwayway Publishing, Inc.
2249 Pasong Tamo
Lungsod ng Makati
Mahal na Ginoo:
Kalakip po nito ang halagang dalawang daan at walongpu't walong piso (P288.00) hiro postal bilang
kabayaran sa amin na buwang suskrisyon ng magasing Liwayway.
Lubos na sumasainyo,
Susan delos Reyes
4.Liham na naghahandog ng tulong sa proyekto ng Barangay Chairman
109 G. Tuazon
Sampaloc, Manila
Agosto 25, 2013
G. CLEMENTE MOLINA
Barangay Chairman, Bgy. 420
Sampaloc, Maynla
Mahal na G. Molina:
Nalaman ko pong naglunsad kayo ng isang proyekto tugngkol sa kalinisan at pagpapaganda ng
ating barangay. Natutuwa po ako at magiging maganda ang pamayanan at hindi na natin ito
ikakahiya.
Bilang isang myembro ng Kabataang Barangay, nais ko pong makatulong sa pagpapaganda at
pagpapanatiling malinis ng atng pamayanan. Bubuo po ako ng isang samahan ng mga kabataan na
mangangasiwa sa kalinisan ng kalyeng aming nasasakupan. Ito po'y isasakatuparan sa darating na
Linggo.
Nais po naming maging bahagi ng inyong mga proyekto.
Matapat na sumasainyo,
ROGELIO DE LA CERNA
Myembro Kabataang Brgy.

You might also like