Hindi mo kasalanang ipinanganak kang mahirap, pero may
pagkakataon kang baguhin ang buhay mo sa tamang desisyon at sa
tamang deriksyon. Malayo na rin ang inyong narating at sa pagkakataong ito ay ipanalo niyo na ang huling sugal na itataya ng inyong magulang, iyon ay ang makapagtapos kayo ng pag-aaral. Ang magandang kinabukasan ay nasa inyong kamay. Ngunit mas magiging maganda ang tutunguhin sa buhay dahil sa mga Guro, magulang at mga Tagapagsalita na tutulong sa tamang pagpili at desisyon sa buhay at higit sa lahat, maniwala ka sa nasa TAAS, maniwala ka sa sarili mo dahil kung kinaya nila, kakayanin mo rin! Dahil Ang karunungan ay hindi nagtatapos sa kung ano na ang alam mo, kung ano na ang mga natutunan mo. Bagkus, magiging malawak ang karunungang alam mo kung may mga taong handang gumabay at tumulong sayo. Magandang umaga! Naimbag nga bigat! Good morning! Mapalad tayo, dahil sa araw na ito ay magkakaroon tayo ng isang “Work immersion career talk” na may temang “Your future, your choice” ngayong June 7 hanggang 11, 2021 Upang ito’y simulan, ating ipadama ang wagas na pag-ibig sa ating BAYAN at DAKILANG LUMIKHA, sabay sabay nating awitin ang pambansang awit ng Pilipinas sa pangunguna ni Ma’am Katewin Acdal, SST-I at susundan ng isang panalangin na pangungunahan ni sir Elvin Santiago, Teacher II/SHS Guidance counselor designate. Sa pagkakataong ito ay ating tawagin ang napakabuti at napakahusay na Head Teacher III at Senior high school coordinator, Dr. Robelyn P. Aguinaldo para sa kanyang mainit na BUNGAD-BATI. Para sa pagbibigay ng isang makabuluhang mensahe na talaga namang tatatak hindi lang sa ating puso kung hindi pati sa ating isipan, ang isa sa Tagapangulo ng SDO Santiago, OIC-Asst. Schools Division Superintendent, OIC-Principal, Santiago city national high school, Dr. Jonathan A. Fronda, CESE. ……………………………………………………………………………. Sadya ngang talentadot mahuhusay ang mga mag-aaral sa Sitihay, para sa isang intermission number, bigyan natin ng masigabong palakpakan sina Hanna mae Espiritu at Uriel Calaunan ng STEM-12 Thales Para sa pagpapakilala sa panauhing pandangal sa araw na ito, aking tawagin ang ating School nurse designate Ma’am Charina Madarang, Teacher II Magsihanda ang bawat isa para sa ating career talk proper na pangungunahan ni ma’am Daisy jane J. Llanes, plant control engineer ng SN-Aboitiz power magat para sa work ethics, job responsibilities, and personal professional growth. …………………..open forum………………………. Para sa pagpapakilala sa panauhing pandangal sa araw na ito, aking tawagin ang ating School nurse designate Ma’am Charina Madarang, Teacher II Para pag-usapan at talakayin ang work ethics, job responsibilities, and personal professional growth sa ibang aspeto ay aking tawagin si ma’am Monaliza B. Delizo, research nurse sa Hall university teaching hospital NHS trust ……………………..OPEN FORUM……………………… Sa mga karunungan na ating narinig, natuklasan, at nalaman ay mas naging positibo tayong magpatuloy at piliin ang magandang hinaharap. Para sa pagbibigay ng PAMPINID NA PANALANGIN, ating tawagin si Isaiah lex Javier, STEM 12 Thales Ang karunungan ay sumaatin at gamitin natin upang matulungan ang bawat isa upang maiangat ang aspeto ng edukasyon at kaalaman ng bawat batang Pilipino, muli ako si JHOMARI N. ANTONIO, magandang araw sa ating lahat. DAY 3 JUNE 9 @9:00AM Ang kamangmangan ay nagsisimula sa katamaran. Ang karunungan ay nagsisimula sa sipag at tiyaga. Marami mang balakid sa pagtahak sa ruruk ng tagumpay, maniwala at magtiwala sa sarili na balang araw, ikaw naman ang titingalain, ang papalakpakan, ang itataas. Ngayon ay nasa ikatlong araw tayo ng “Work immersion career talk” na may temang “Your future, your choice” mula June 7 hanggang 11, 2021 Upang ito’y simulan, ating ipadama ang wagas na pag-ibig sa DAKILANG LUMIKHA na pangungunahan ni Stefanie jean Laurian, mula sa TVL HE 12 para sa isang panalangin. Sa pagkakataong ito ay ating tawagin ang isa sa napakabuti at napakahusay na Guro, Dr. Julius F. Ramos, Teacher III/ work immersion focal person para sa kanyang mainit na BUNGAD-BATI. Para sa pagpapakilala sa mga panauhing pandangal sa araw na ito, aking tawagin si Ma’am Marie Chona Bermusa, Teacher II Magsihanda ang bawat isa para sa ating career talk proper na pangungunahan ni ma’am Laarni D. Dela Rosa, manager, shakeys restaurant, Robinsons place, mabini, Santiago city para talakayin ang current trends in food service operations. ………………….open forum…………….. Sa pagkakataong ito, para talakayin ang the art of food service at 36,000 feet in the air ay aking tawagin si ma’am Cherry rose T. Fernandez, international stewardess ng Saudia airlines, Saudi arabia. ………………..open forum………………… Sadya ngang talentadot mahuhusay ang mga mag-aaral sa Sitihay, para sa isang intermission number, bigyan natin ng masigabong palakpakan si Kathleen jane Balbero ng TVL HE 12 Para pag-usapan ang cruise food preperations and dining experience, aking tawagin si ma’am Cheryl R. De Leon, pastry cook sa royal carribean. …………………..open forum………………………. Para sa pagbibigay ng PAMPINID NA PANALANGIN, ating tawagin si Shiela mae Vidal, TVL HE 12
Ang Talumpati Ay Isang Buod NG Kaisipan o Opinyon NG Isang Tao Na Pinababatid Sa Pamamagitan NG Pagsasalita Sa Entablado para Sa Mga Pangkat Na Mga Tao