You are on page 1of 2

"Sa Likod ng Maraming Kulay"

Ni: Jhomari N. Antonio

Kung iyong tititigan,

Mapapa-ibig kang tunay,

Sa kanyang maamong mukha,

Na alindog niyang tunay.

Nakabibighani,

Mga kilos niya't galaw,

Ang kanyang mga matang,

Alapaap ng lumbay.

Kung siya'y maglalakad,

Mapapatitig ang lahat,

Ang kanyang katawan,

Perpektong hugis ang bigay.

Kung ating susumain,

Perpekto na siyang tunay,

Sa kanyang panlabas na anyo,

Na kinahuhumalingang tunay.

Ngunit ang perpektong anyo'y,


Naglahong parang bula,

Siya pala'y nagkukubli,

Gamit ang maraming kulay.

Maraming kulay,

Ang kanyang ginagamit,

Upang makapang-akit,

Mangloko ng kapwa nilalang.

Ang mga napasunod,

Unti-unting lumayo,

Ang perpektong anyo,

Nabahiran ng itim na kulay.

Huwag maging gahaman,

Sa paggamit ng maraming kulay,

Dahil darating ang araw,

Ikaw'y pag-iiwanan.

You might also like