You are on page 1of 2

PAG-IBIG SA TINUBUANG LUPA

ni Kurlh Xynon B. Garcia

Ako ay may lobo-- lobong sing-hugis ng mundo… mundong tinitirhan

ng mga tao-- ano mang anyo, ano mang kulay… Amerikano,

Espanyol, maging mga Pilipino...

Pilipinong kung mangarap ay tigib… mataas… abot hanggang

langit… tulad ng aking pag-ibig sa aking lupang kinamulatan. Pag-

ibig? Oo, pag-ibig. Ito ang tama. Ang umibig sa ating kapwa, sa

sariling tinubuang lupa. Inuulit ko, ito ang tama. Hindi kailanman

naging mali ang umibig. Naranasan mo na bang umibig? Matamis!

Sing-tamis ng tubig... tubig mula sa dalisay na batis.

Ako ay may lobo, lumipad sa langit, ka-para ng mga pangarap ko…

lumilipad, paroo’t parito, sa itaas, sa may himpapawid… sa may

himpapawid na nananatili sa itaas ko, tulad ng aking pag-ibig sa

lupang aking kinagisnan… tinubuan… tinitirhan...

Ako ay may lobo, lumipad sa langit, di ko na nakita… hindi ko na

nakita kung saan na napunta. Saan na nga ba napunta ang mga

tunay na nagmamahal? Tunay na nagmamahal hindi sa jowa mo o sa

jowa ng iba… ang mga tunay na nagmamahal sa’ting bansa… sa


Perlas ng Silangang humipan sa’tin ng hininga. Bakit ba tila’y

nawawala na?

Hayun! Pumutok na pala!

Ako ay may lobo, lumipad sa langit, ‘di ko na nakita, pumutok na

pala… Uy, teka, iba. Mali ang nasa isip mo… hindi ang putok na

naglalaro sa iyong ulo. Pumutok na yata ang aking pangarap…

pangarap na muling masisilayan ang mga Pilipinong higit na mahal

ang bansang nagbigay ng kulay… na sa bumuo ng kasaysayan ng

ating pagkatao… bansang kung ibigin ko ay buo, hindi durog, tulad ng

puso mong naghihingalo dahil iniwan ka na ng jowa mo.

Ako ay may lobo, lumipad sa langit, di ko na nakita, pumutok na pala.

PUMUTOK NA PALA!

You might also like