You are on page 1of 2

Pagsusuri

Justine Charles G. Malicay


Ang uri ng tulang ito ay malayang taludturan kung saan walang sukat at tugma. Ating
susuriin kung ano talaga ang ibig ipahiwatig ng tula sa atin. Ang tulang ito ay isinulat ni
Jose Corazon de Jesus.

Si Jose Corazon de Jesus o kilala sa tawag na Huseng Batute ay isinilang noong


Nobyembre 22, 1896 sa Sta. Cruz, Manila. Sya ay sumulat ng mga tula upang
maipahayag ang kagustuhan na maging malaya ang mga Pilipino sa panahon ng
pananakop ng mga Amerikano. Noong Marso 28, 1924, siya ang naging pangunahing
manunulat sa Instituto de Mujeres sa Tondo, Manila. Tinawag si Jose Corazon de Jesus
na Huseng Batute sa Pilipinas ng umarte siya pelikulang Oriental Blood.

Sa una at ikalawang taludtud ng tula ay ipinahahayag nito ang mga pisikal na aspeto na
kalimitan una nating nanapansin sa araw-araw. Ang kauna-unahang binigyang diin ay ng
huwag umibig ng dahil sa pilak o huwag kang iibig na ang kayamanan lamang ang iyong
habol dahil darating din ang panahon na ito’y mawawala at sasabay sa ihip ng hangin.
Ang isa naman ay ang iibig ka ng dahil lang sa kagandahan, dahil ang kagandahan ay
hindi pang matagalan o pang habang-buhay. Ang kagandahan ay kukupas din pagdating
ng panahon kaya hindi dapat itoo gawing basehan kunng ikaw’y papasok sa larangan ng
pag-ibig.

Ang pangatlo at ikaapa’t na saknong ay magka-ugnay patungkol sa pag-ibig na


nagsisilbing aliwan o isang katuwaan lamang. Kapag ikaw ay pumasok sa isang relasyon
dapat mong isa alang-alang ang damdamin o nararamdaman ng bawat isa. At kung
ikaw’y iibig doon ka sa taong mahal mo at mahal ka upang lumigaya.

At ang pang ika-lima at ika-anim na saknong ang patungkol naman sa mga kabigo’an na
naranasang kasawian sa pag-ibig. Hindi mo dapat isipin na sa lahat ng panahon ikaw’y
masaktan. Mayroong pag-ibig ngunit sa di tamang panahon at tamang panahon ngunit di
tamang pag-ibig. Mararanasan natin ang masaktan, madapa at ito ang magiging lakas
natin upang bumangon at maipahayag natin na kaya natin.
SA PAMILIHAN NG
PUSO

Jose Corazon de Jesus

Huwag kang iibig nang dahil sa pilak

pilak ay may pakpak

dagling lumilipad

pag iniwan ka na, ikaw’y maghihirap.

Huwag kang iibig dahil sa ganda

ganda’y nagbabawa

kapag tumanda na

ang lahat sa mundo’y sadyang nag-iiba.

Huwag kang iibig dahilan sa nasang

maging masagana

sa aliw at tuwa

pagkat ang pag ibig ay nadadaya…

Kung ika’y iibig ay yaong gusto mo

at mahal sa iyo

kahit siya’y ano,

pusong-puso lainang ang gawin mong dulo.

Kung ikaw’y masawi’y sawi kang talaga

Ikaw na suminta

Ang siyang magbata;

Kung maging mapalad, higit ka sa iba.

Sa itong pag-ibig ay lako ng puso

Di upang magtubo

Kaya sumusuyo

Pag-ibig ay hukay ng pagkasiphayo.

You might also like