You are on page 1of 8

ANG PAG-

IBIG

Jose Corazon de Jesus


Jose Corazon de Jesus

Si Jose Corazon de Jesus, o mas


kilala sa sagisag na Huseng
Batute, ay isang Pilipinong
makata, na sumusulat sa wikang
Filipino upang ipahayag ang
kanyang pagnanais ng kalayaan
mula sa pananakop ng mga
Amerikano. Tinaguriang “Hari
ng Balagtasan,” kilala si Huseng
Batute sa kaniyang tula na
pinamagatang “Bayan Ko.”

2/11/20XX 2
Jose Corazon de Jesus

Ipinanganak noong Nobyembre 22,1896, isinilang si De Jesus


kasabay ang panahon ng pananakop ng mga Amerikano. Sa
kaniyang kabataan ay nakapagtapos siya ng pag-aaral para
maging mambabatas, ngunit hindi niya ito ipinagpatuloy sa
pag-aabogado sapagkat mas pinili niyang maging manunulat
sa isang pahayagang nagngangalang Taliba, dito niya ginamit
ang kaniyang sagisag-panulat na Huseng Batute. Binigyan
niya ng lakas ang literatura sapagkat ito’y ginamit niya para sa
bayan. Nagsulat siya ng maraming satirikal na akda at dito ay
pinuna niya ang mga nangyayari sa lipunan at ipinahiwatig
ang kaniyang labis na paghahangad ng kalayaan mula sa mga
Amerikano. Halos 4,000 na tula ang kaniyang isinulat para
sa Taliba at 800 naman para sa kaniyang kolum sa
diyaryong Ang Lagot na Bagting. Marami siyang ginamit na
panagisag tulad ng Pusong Hapis, Paruparo, Pepito
Matimtiman, Mahirap, Dahong Kusa, Paruparong Luksa,
Amado Viterbi, Elias, at Anastacio Salagubang, ngunit sa lahat
ng ito, ang pinakasumikat ay ang Huseng Batute. Ilan sa mga
akda niya ay “Ang Manok Kong Bulik,” “Barong Tagalog,”
“Ang Pagbabalik,” “Ang Pamana,” at “Isang Punongkahoy,”
at ang mga tulang tulad ng “Bayan Ko” na ngayon ay
kinikilala bilang unofficial na pambansang awit ng Pilipinas.

2/11/20XX 3
Ang Pag-ibig

Isang aklat na maputi, ang isinusulat: luha!


Kaya’t wala kang mabasa kahit isa mang talata.
Kinabisa at inisip mulang ating pagkabata,
Tumanda ka’t nagkauban, hindi mo pa maunawa.

Ang pag-ibig, isipin mo, pag inisip, nasa puso;


Pag pinuso nasa isip, kaya’t hindi mo makuro.
Lapitan mo nang matagal ang pasuyo... naglalaho,
Layuan mo at kay lungkot, nananaghoy ang pagsuyo.

Ang pag-ibig na dakila’y aayaw ng matagalan,


Parang lintik kung gumuhit sa pisngi ng kadiliman.
Ang halik na ubos-tindi, minsan lamang sa halikan,
At ang ilog kung bumaha, tandaan mo’t minsan lamang.

2/11/20XX 4
Ang Pag-ibig

Ang pag-ibig kapag duwag ay payapa’t walang agos,


Walang talon, walang baha, walang luha, walang lunos.
Ang pag-ibig na matapang ay puso ang inaanod,
Pati dangal, yama’t dunong nalulunod sa pag-irog.

Ang pag-ibig na buko pa’y nakikinig pa sa aral,


Tandang ‘di pa umiibig, nakikita pa ang ilaw.
Ngunit kapag nag-alab na’t pati mundo’y nalimutan,
Iyan; ganyan ang pag-ibig, damdamin at puso lamang!

Kapag ikaw’y umuurong sa sakuna’t sa panganib,


Ay talagang maliwanag at buo ang iyong isip.
Takot pa ang pag-ibig mo, hindi ka pa umiibig.
Pag umibig, pati hukay ay aariin mong langit.

2/11/20XX 5
Ang Pag-ibig

Iyang mga taong duwag na ang puso’y mahihina,


Umibig man ay ano pa, ‘di pag-ibig, kundi awa.
Kailangan sa pag-ibig ay hirap at mga luha,
At ang duwag ay malayong sa pag-ibig dumakila.

Ang pag-ibig ay may mata, ang pag-ibig ay ‘di bulag.


Ang marunong na umibig, bawat sugat ay bulaklak,
Ang pag-ibig ay masakim at aayaw sa kakabyak,
O wala na kahit ano, o ibigay mo nang lahat!

“Ako’y hindi makasulat at ang nanay, nakabantay.”


Asahan mo, katoto ko, hindi ka pa minamahal.
Ngunit kapag sumulat na sa ibabaw man ng hukay,
Minamahal ka na niya nang higit pa kaysa buhay.

2/11/20XX 6
Ang Pag-ibig

Kayo mga kabataang pag-ibig ang ninanais,


Kayo’y mga paru-parong sa ilawan lumiligid.
Kapag kayo’y umibig na, hahamakin ang panganib,
At ang mga pakpak ninyo’y masusunog sa pag-ibig.

2/11/20XX 7
PAGPALAIN KAYO NG POONG MAYKAPAL

2/11/20XX 8

You might also like